-Ms. RITCHEL-
CHAPTER 3
Pagkalipas ang halos dalawang buwang singkad. Nasasanay na ako sa klima ng bansang Qatar, parang balewala na sa akin ang init ng panahon na dumadampi sa aking balat. Sisiw na ika nga; masaya akong nakikisalamuha sa mga kapwa ko ofw, sa mga kabarako ko. Sa mga kasamahan ko sa trabaho. Kahit malayo sa pamilya at kasintahan, masaya na ako dahil alam kong ayos lamang sila.
Pero ayos nga lamang ba kaya sila. Papano, kung merong kakaiba sa kanila na kabaligtaran ang mga ipinaparating nila sa akin. Papano, kung iba ang kalagayan nila kaysa sa ibinabalita nila sa akin.
Papano, kung….!
Isang balita ng tiyahin niya ang biglang gumulat sa aking kamalayan. Isang balita na para bang nagpagumuho bigla sa tore na aking binubuo. Isang masamang balita na sa tingin ko ay siyang tatapos sa akin at sa mga pangarap ko.
“Guiller iho! Kumusta ka na diyan sa trabaho mo.” Mensahe ni tita sa akin. Nangungumustang bungad. Parang may kakaiba ang mensaheng ‘yun. May kabang bumabangon sa aking puso.
“Naku tiya! So, par so good naman ako dito sa trabaho! Maayos naman at madali lamang ang trabaho namin!” Refly ko sa text niya. Totoo naman talaga ‘yun. Ang tunay naming kalabang mga ofw ay ang homesick at syempre homesex…
“Wag ka sanang magugulat sa ibabalita ko sa’yo ha. Guiller!”
“Sige lang tiya, ano po ba ang ibabalita ninyo sa akin at tila urong-sulong kayo sa inyong sasabihin sa akin!’
Sa totoo lang parang kinakabahan ako na hindi ko mawari. Parang merong mga drum sa puso ko. Mabilis ang tibok niyon. Para akong hindi makahinga.
“Guiller! Si Ritchel…! Ang sanggol sa sinapupunan niya, nalaglag. Hindi ko agad masabi-sabi agad ito sa’yo dahil alam kong ma-aalala ka ng labis sa kanya.!” Mensahe nito sa akin. “Alam kong gaano kahalaga sa inyong dalawa ang ipinagbubuntis ng pamangkin ko.”
Hindi ako makapagbigay ng refly sa sinabi ng tiyahin ng kasintahan ko. Tigagal at hindi makakibo. Parang nauubusan ng hininga.
“Guiller…! Dahil sa matinding pangungulila niya sa’yo, dahil hindi na kinaya ng pamangkin ko ang pag-alis mo. Nalaglag ang bata sa sinapupunan niya. Akala ko naman eh, ayos lamang siya nitong mga nakaraang buwan. Sa bahay ko na siya nakatira para maalagaan ko ang pagbubuntis niya, para madali kong maipatingin sa kinuha kong obygiene. Alam ko mahalaga sa’yo at sa pamangkin ko ang baby, Pero ang hindi namin alam, nagkaroon ng mild depression ang pamangkin ko. Guiller, sorry sa mga nangyari kasalanan ko ang lahat. Ako na lamang ang sisihin mo dahil ako ang naging pabaya. Alam ko masakit ito para sa’yo ang balitang ito. Hindi namin ito napaghandaan. Kaya sana tatagan mo ang kalooban mo.”
Umiiyak ako habang binabasa ang mahabang mensahe ni tita sa akin. Tumutulo ang luha ko sa mga mata ko dahil sa sakit na nararamdaman ko sa mga oras na ‘yun. Ang pagkawala ng baby namin ng kasintahan ko.
Sinusuntok-suntok ko ang dibdib ko. Hindi na ako nakapasok sa trabaho ng araw na’yun. Isang masamang balita na alam kong hindi ako makakapag focus sa trabaho ko na magiging dahilan pa ‘yun para ako ay maaksidente. Sinubukan kong tawagan ang kasintahan ko ngunit hindi niya ito sinasagot. Inulit ko ang pagtawag pero ini off na lamang niya ang celfon niya.
Alam ko sa sarili ko na guilty siya sa pagkawala ng baby namin kaya hindi niya sinasagot ang celfon. Alam kong nagdadalamhati din siyang tulad ko kaya hinayaan ko munang lumamig ang sitwasyon bago ko siya muling tawagan.
Nalugmok ako sa pagdurusa at pangungulila dahil sa pagkawala ng baby namin at sa hindi niya muling pagsagot ng tawag ng kasintahan ko nitong mga nakaraang araw.
Hindi ako tatagal bilang ofw kapag ganito ang ginagawa sa akin ng aking kasintahan. Hindi na ako masyadong makakain at makatulog ng maayos dahil sa nangyari sa amin ng kasintahan ko at baby namin.
Bilang isang bagong mandirigmang nakikipaglaban sa hamon ng buhay bilang ofw. Wala akong mapagsabihan ng aking mga problema. Wala akong Karamay kundi ang aking sarili. Wala akong mga kaibigan na nasa aking tabi para mayroon gumabay. Hanggang sa tinamaan ako ng matinding homesick. Ang sakit sa aking kalooban.
(Ganyan kahirap ang maging isang ofw lalo sa mga baguhan. Para sa kanila isa silang mga sundalong bagong recruit. Kaya advice ko sa mga bagong alis. Tatagan ninyo ang loob ninyo. Malalampasan din ninyo ang anumang pagsubok na dadaan sa buhay ninyo)
Sinisisi ko ang aking sarili dahil sa nangyari. Sinisisi ko ang aking mga pangarap. Sinisisi ko kung bakit ako umalis ng pilipinas para sa kinabukasan namin. Ako ay may kasalanan, wala ng iba.
Isang linggo na akong hindi nakakapasok sa trabaho ko dahil sa unos na dumaan sa buhay ko. Isang payat na katawan at nanlalalim na mga mata ang makikita sa akin. Hinahanap na pala ako ng aking foreman at chargehand na siyang humahawak sa aming grupo. Hanggang sa…
Lumapit sa akin ang aking mga kasamahang barako. Tinitigan nila ako at umupo silang lahat sa aking tabi. Mga baguhan ung iba habang ‘yung iba naman ay mga masasabi beterano na.
“Utoy…! Alam mo ba na hindi nakakatulong yang ginagawa mo sa sarili mo. Aba’y iho para ka ng bangkay sa hitsura mong iyan. Ano bang problema, baka sakaling makatulong kung sasabihin mo sa akin!”
Tumingin ako sa kanya na tumutulo ang aking mga luha sa aking mga mata. Hindi ko kilala ang nagsasalita pero tingin ko naman ay mapagkakatiwalaan ang hitsura niya. Parang may isang boses na nag-uudyok na s…