Napaka aga naman nitong umalis, hindi na niya namalayan. Bumangon na din siya, nadatnan niya sa kusina ang binata at nag luluto. Naka boxer shorts naka talikod sa kanya.
Lumapit siya dito at inakap ang likod.
“Hon it is still early, go back to bed. I will prepare breakfast for us.”
Hindi siya sumagot, instead ay hinimas niya ang dibdib nito, pababa sa tiyan, sa puson. At sa pagkalalaki nito na unti unting lumolobo.
“Hon ayaw mo ata ng bacon and egg, hotdog and egg ang gusto
“Puewede ba?”
“Malelate ako pag yan ang breakfast mo kaya pag tiyagaan mo nalang ang bacon and egg for the meantime. Dinner nlang yan okay?”
Binitiwan niya ang hotdog nito pero nakayakap pa din siya.
Ilang saglit lang ay natapos na itong mag luto. Gumayak at kasabay na nilang kumain si Sam. Kasabay na din niya ito ng pumasok sa school.
Hindi na siya nagluto ng lunch dahil nagpaalam si Mateo na hindi duon manananghalian. Iniinit nalang niya ang natirang pagkain at nag handa ng lulutuin sa hapunan. After nya kumain ng lunch hinuhugasan niya ang pinagkainan. Di niya malaman bakit dumulas ang baso sa kamay at nahulog. Nadurog ang baso sa pagbagsak sa tiles ng kusina nila.
KRINNNNNG, KRINNNNG, KRINNNNG.
Naragdan ang gulat niya sa pag ring ng landline phone nila.
“Hello!”
“Hello Hon!”
“Hon!”
“Bakit parang nagulat ka?”
“Ah wala, nag huhugas kasi ako ng pinggan eh.”
“Ah okay, ma late ako umuwi later ha, we have a meeting at 7pm.”
“Dito ka mag dinner? “
“Baka hindi na kasi mag papakain na din ako. Isang buwan din kasi akong wala sa office.”
“Ah okay!”
“Sige mag ingat ka nalang ha.”
“Okay! I love you!”
“I love you too…”
“Miss na kita!”
“Ikaw din!”
“Bye!”
“Bye!”
Dumating na si Sam, hindi na nila hinintay kumain si Mateo. Matapos and hapunan ay hinayaan na niya si Sam ang maghugas ng kanilang pinagkainan.
Nanonood siya ng News ng matapos si Sam at makinood din kasama niya. Hindi na tinapos ni Sam ang balita at nagpaalam na din ito na matutulog na.
Bandang alas Dies y Medya ng nakaramdam siya ng inip ang alam niya meeting lang. kung nag umpisa ito ng 7pm dapat sa mga oras na ito tapos na.
Sinubakan niyang tawagan ang CP nito pero nag riring lang, ilang beses niya ni redial pero wala padin.
Wala pa naman siyang kakilala na kasama nito.
Alas onse Y media na wala pa din kaya kinakabahan na talaga siya. Baka naman nag ka yayaan lang ang mga ito dahil matagal nga na mawawala sa opisina ang binata.
Nagulat pa siya ng tumunog ang telepono niya. Nakita niya na nag register ang “a Honey Calling’
Dali dali niya itong sinagot.
“Hon! Asan ka na?”
“Good evening Ms. Meryl! PO1 Balagtas poito…”
“PO1 Balagtas?”
“Opo, wag po kayo mabibigla… na pa enkwentro po si Kapitan… sinubukan po naming dalin sa Hospital pero hindi napo kami umabot.”
“Nagbibiro ka lang, alam ko kinsabwat ka ni Mateo para dito.”
“Ms. Meryl pasensya na po… wala napo si kapitan.”
“Hindi! Nagbibiro ka lang… sabihin mo nag bibiro ka lang…”
Sumisigaw na siya kaya napababa si Sam.
“Mi! bakit?”
Hawak pa din niya ang telepono kahit wala na ang kausap niya sa linya.
“Anak, huhuhu”
Hindi siya makapag salita dahil sa emosyon.
“Ang Tito Mateo nyo. Wala na ang Tito Mateo nyo.”
“Mommy! Anu nangyari?”
“Hindi ko alam, hindi ko alam.”
Dali dali silang nag ayos at pumunta sa lugar kung saan nakalagak ang bangkay ni Mateo.
Sunog ang katawan ni Matteo, maging ang pick up nito at ganoon din.
Duon lang siya lubos na naniwala na wala na nga ito. Nawalan ito ng malay nagising na lamang siya na nasa hospital bed na.
Inayos nila na madala sa Maynila ang bangkay ni Mateo, ilang araw din itong pinaglamayan pero nanatiling sarado nalang ang kabaong. Sa loob ng mga araw na iyon ay nandoon silang mag anak. Ipanikikilala siya bilang manugang ng mga magulang nito.
Sa bawat pagkakataon na tinitingnan niya ang kabaong nito ay hindi siya makapaniwala na wala na nga ang kanyang minamahal.
Tinatanung niya kung bakit ganoon. Tinatanung niya kung bakit nangyari ito.
Matapos ang libing ay pinipilit siya ng mga magulang ng binata na manatili na lamang sa mga ito.
Pero nanindigan siya na kailangan niyang umuwi. Kahit nang lumabas na ang DNA result ay hindi na siya muling lumuwas.
Nang pauwi na sila, inihatid sila ni Dave na hindi din umalis sa tabi nila sa loob ng panahon na nagluluksa sila.
Ibayong lungkot ang naramdaman niya ng sila ay makarating sa bahay nila. Hindi niya alam kung paano ito malalampasan, sa loob ng wala pang isang taon ay napaka raming nangyari sa buhay niya.
Iniwan siya ng asawa, na naging madali dahil sa tulong ni Mateo. Nag mahal ulit pero iniwan muli, ang mahirap dito ay hindi siya sinaktan nito.
Isang buwan, dalawang buwan ang matuling lumipas. Pakiramdam niya napakahaba ng panahong ito. Nahulog ang kanyang katawan.
Madalas umuwi ang kaniyang mga anak upang siya ay masuportahan. Ikatlong buwang nag decide siya kailangan niyang bumangon. Para sa kaniyang mga anak at sa kanyang sarili, ika apat na buwan nakaka recover na siya. Nanduon pa din ang lumbay pero nakakayanan na niya.
Ikalimang buwan, medyo maayos na siya. Nakakangiti na at nakapag simula. Hindi niya alam na siya pala ang nakalagay na beneficiary sa Insurance nito. Iniwan siya nito pero hindi pinabayaan.
Ika anim na buwan kinakailangang niyang lumuwas dahil graduation ni Lhyne. Masaya silang nag punta sa Venue, medyo na delay sa pagtatapos ng pag aaral si lhyne dahil nag shift ito ng course.
After ng ceremony, nagtuloy sila sa isang hotel para mag dinner. Treat ng parents ni Mateo na kasama nila sa Graduation.
Dahil nag iisa nga lang itong anak, naging parang pamilya na din ang turing nito sa kanila. Siya naman ay walang ng mga magulang kaya parang magulang na din ang turing niya sa mga ito.
Ang biyenan naman niya kay Roy ay hindi na din nagparamdam buhat nung mag hiwalay sila. Sabagay wala naman talaga itong pakialam sa kanila kahit noon pa. Ayaw nga sa kanya ng mga ito. Lolokohin lang daw niya si Roy, nun pala baligtad. Napag alaman din niya na ang kinakasama pala ni Roy ay ang babaeng gusto ng mga magulang nito para sa dating asawa niya.
Picture dito, Picture duon ang ginawa nila sa hotel. Maya maya ay tumayo si Mr. Guillermo ang ama ni Mateo.
“May I have your attention please.” Nahinto sila sa mga ginagawa nila at lumingon kay Mr. Guillermo.
“Our way of congratulating our eldest grand daughter, we have a simple present to you.”
Natahimik ang lahat.
Inabot ng mga ito ang isang envelop.
Lolo Greg? Lola Mabel? Yun ang nakasanayan nilang tawag sa mga ito.
“Please open.”
Binuksan niya ang envelop.
Susi at document ng isang condo unit sa Bonifacio Glabal City. Isang kilalang condominium building sa isang kilalang lugar.
Napatayo siya at lumapit sa mag asawa. Siya man ay walang pagsiglang ng tuwa. Talagang itinuring na sila nitong pamilya.
“Sana lang eh wag ka munang lumipat doon ha. Pag kinasal nalang kayo ni Dave. Habang hindi pa e sa bahay muna kayo ha. Sabi ng ginang.”
“Pero kung mag aasawa ka na e ibang usapan nayan. Pedeng pede na para mabigyan mo na kami ng mga apo. Gusto ko yung marami ha.”
“Salamat Lolo Greg, lola Nancy.”
“It’s our pleasure.”
Hindi na ata niya kakayanin ang kaligayahan. Kaya bago pa siya umiyak ay nag paalam siya sa mga ito na mag CR.
“Ma, Pa excuse me lang, mag cr lang po ako.”
“Gusto mo samahan kita.”
“No Ma okay lang ako… I can manage…”
Tumayo na siya para pumunta sa CR.
Paliko niya sa pasilyo ng CR ay muntik na siyang mabuwal buti naalalayan siya ng nakabangga sa kanya…
“I’m sorry!” Sabay na banggit nila.
“Rom!!?”
“Aling Meryl!??”
Matagal silang h…