Mga Batang P. O. (Police Officer)-6 by: eroticprince27

Pag gising niya wala na si Mateo sa tabi niya, tiningnan niya ang alarm clock, alas sais y media palang.

Napaka aga naman nitong umalis, hindi na niya namalayan. Bumangon na din siya, nadatnan niya sa kusina ang binata at nag luluto. Naka boxer shorts naka talikod sa kanya.

Lumapit siya dito at inakap ang likod.

“Hon it is still early, go back to bed. I will prepare breakfast for us.”

Hindi siya sumagot, instead ay hinimas niya ang dibdib nito, pababa sa tiyan, sa puson. At sa pagkalalaki nito na unti unting lumolobo.

“Hon ayaw mo ata ng bacon and egg, hotdog and egg ang gusto

“Puewede ba?”

“Malelate ako pag yan ang breakfast mo kaya pag tiyagaan mo nalang ang bacon and egg for the meantime. Dinner nlang yan okay?”

Binitiwan niya ang hotdog nito pero nakayakap pa din siya.

Ilang saglit lang ay natapos na itong mag luto. Gumayak at kasabay na nilang kumain si Sam. Kasabay na din niya ito ng pumasok sa school.

Hindi na siya nagluto ng lunch dahil nagpaalam si Mateo na hindi duon manananghalian. Iniinit nalang niya ang natirang pagkain at nag handa ng lulutuin sa hapunan. After nya kumain ng lunch hinuhugasan niya ang pinagkainan. Di niya malaman bakit dumulas ang baso sa kamay at nahulog. Nadurog ang baso sa pagbagsak sa tiles ng kusina nila.

KRINNNNNG, KRINNNNG, KRINNNNG.

Naragdan ang gulat niya sa pag ring ng landline phone nila.

“Hello!”

“Hello Hon!”

“Hon!”

“Bakit parang nagulat ka?”

“Ah wala, nag huhugas kasi ako ng pinggan eh.”

“Ah okay, ma late ako umuwi later ha, we have a meeting at 7pm.”

“Dito ka mag dinner? “

“Baka hindi na kasi mag papakain na din ako. Isang buwan din kasi akong wala sa office.”

“Ah okay!”

“Sige mag ingat ka nalang ha.”

“Okay! I love you!”

“I love you too…”

“Miss na kita!”

“Ikaw din!”

“Bye!”

“Bye!”

Dumating na si Sam, hindi na nila hinintay kumain si Mateo. Matapos and hapunan ay hinayaan na niya si Sam ang maghugas ng kanilang pinagkainan.

Nanonood siya ng News ng matapos si Sam at makinood din kasama niya. Hindi na tinapos ni Sam ang balita at nagpaalam na din ito na matutulog na.

Bandang alas Dies y Medya ng nakaramdam siya ng inip ang alam niya meeting lang. kung nag umpisa ito ng 7pm dapat sa mga oras na ito tapos na.

Sinubakan niyang tawagan ang CP nito pero nag riring lang, ilang beses niya ni redial pero wala padin.

Wala pa naman siyang kakilala na kasama nito.

Alas onse Y media na wala pa din kaya kinakabahan na talaga siya. Baka naman nag ka yayaan lang ang mga ito dahil matagal nga na mawawala sa opisina ang binata.

Nagulat pa siya ng tumunog ang telepono niya. Nakita niya na nag register ang “a Honey Calling’

Dali dali niya itong sinagot.

“Hon! Asan ka na?”

“Good evening Ms. Meryl! PO1 Balagtas poito…”

“PO1 Balagtas?”

“Opo, wag po kayo mabibigla… na pa enkwentro po si Kapitan… sinubukan po naming dalin sa Hospital pero hindi napo kami umabot.”

“Nagbibiro ka lang, alam ko kinsabwat ka ni Mateo para dito.”

“Ms. Meryl pasensya na po… wala napo si kapitan.”

“Hindi! Nagbibiro ka lang… sabihin mo nag bibiro ka lang…”

Sumisigaw na siya kaya napababa si Sam.

“Mi! bakit?”

Hawak pa din niya ang telepono kahit wala na ang kausap niya sa linya.

“Anak, huhuhu”

Hindi siya makapag salita dahil sa emosyon.

“Ang Tito Mateo nyo. Wala na ang Tito Mateo nyo.”

“Mommy! Anu nangyari?”

“Hindi ko alam, hindi ko alam.”

Dali dali silang nag ayos at pumunta sa lugar kung saan nakalagak ang bangkay ni Mateo. Duon lang siya lubos na naniwala na wala na nga ito. Nawalan ito ng malay nagising na lamang siya na nasa hospital bed na.

Inayos nila na madala sa Maynila ang bangkay ni Mateo, ilang araw din itong pinaglamayan. Sa loob ng mga araw na iyon ay nandoon silang mag anak. Ipanikikilala siya bilang manugang ng mga magulang nito.

Sa bawat pagkakataon na tinitingnan niya ang binata sa higaan nito ay hindi siya makapaniwala na wala na nga ang kanyang minamahal.

Tinatanung niya kung bakit ganoon. Tinatanung niya kung bakit nangyari ito.

Matapos ang libing ay pinipilit siya ng mga magulang ng binata na manatili na lamang sa mga ito.

Pero nanindigan siya na kailangan niyang umuwi.

Nang pauwi na sila, inihatid sila ni Dave na hindi din umalis sa tabi nila sa loob ng panahon na nagluluksa sila.

Ibayong lungkot ang naramdaman niya ng sila ay makarating sa bahay nila. Hindi niya alam kung paano ito malalampasan, sa loob ng wala pang isang taon ay napaka raming nangyari sa buhay niya.

Iniwan siya ng asawa, na naging madali dahil sa tulong ni Mateo. Nag mahal ulit pero iniwan muli, ang mahirap dito ay hindi siya sinaktan nito.

Isang buwan, dalawang buwan ang matuling lumipas. Pakiramdam niya napakahaba ng panahong ito. Nahulog ang kanyang katawan.

Madalas umuwi ang kaniyang mga anak upang siya ay masuportahan. Ikatlong buwang nag decide siya kailangan niyang bumangon. Para sa kaniyang mga anak at sa kanyang sarili, ika apat na buwan nakaka recover na siya. Nanduon pa din ang lumbay pero nakakayanan na niya.

Ikalimang buwan, medyo maayos na siya. Nakakangiti na at nakapag simula. Hindi niya alam na siya pala ang nakalagay na beneficiary sa Insurance nito. Iniwan siya nito pero hindi pinabayaan.

Ika anim na buwan kinakailangang niyang lumuwas dahil graduation ni Lhyne. Masaya silang nag punta sa Venue, medyo na delay sa pagtatapos ng pag aaral si lhyne dahil nag shift ito ng course.

After ng ceremony, nagtuloy sila sa isang hotel para mag dinner. Treat ng parents ni Mateo na kasama nila sa Graduation.

Dahil nag iisa nga lang itong anak, naging parang pamilya na din ang turing nito sa kanila. Siya naman ay walang ng mga magulang kaya parang magulang na din ang turing niya sa mga ito.

Ang biyenan naman niya kay Roy ay hindi na din nagparamdam buhat nung mag hiwalay sila. Sabagay wala naman talaga itong pakialam sa kanila kahit noon pa. Ayaw nga sa kanya ng mga ito. Lolokohin lang daw niya si Roy, nun pala baligtad. Napag alaman din niya na ang kinakasama pala ni Roy ay ang babaeng gusto ng mga magulang nito para sa dating asawa niya.

Picture dito, Picture duon ang ginawa nila sa hotel. Maya maya ay tumayo si Mr. Guillermo ang ama ni Mateo.

“May I have your attention please.” Nahinto sila sa mga ginagawa nila at lumingon kay Mr. Guillermo.

“Our way of congratulating our eldest grand daughter, we have a simple present to you.”

Natahimik ang lahat.

Inabot ng mga ito ang isang envelop.

Lolo Greg? Lola Nancy? Yun ang nakasanayan nilang tawag sa mga ito.

“Please open.”

Binuksan niya ang envelop.

Susi at document ng isang condo unit sa Bonifacio Glabal City. Isang kilalang condominium building sa isang kilalang lugar.

Napatayo siya at lumapit sa mag asawa. Siya man ay walang pagsiglang ng tuwa. Talagang itinuring na sila nitong pamilya.

“Sana lang eh wag ka munang lumipat doon ha. Pag kinasal nalang kayo ni Dave. Habang hindi pa e sa bahay muna kayo ha. Sabi ng ginang.”

“Pero kung mag aasawa ka na e ibang usapan nayan. Pedeng pede na para mabigyan mo na kami ng mga apo. Gusto ko yung marami ha.”

“Salamat Lolo Greg, lola Nancy.”

“It’s our pleasure.”

Hindi na ata niya kakayanin ang kaligayahan. Kaya bago pa siya umiyak ay nag paalam siya sa mga ito na mag CR.

“Ma, Pa excuse me lang, mag cr lang po ako.”

“Gusto mo samahan kita.”

“No Ma okay lang ako… I can manage…”

Tumayo na siya para pumunta sa CR.

Paliko niya sa pasilyo ng CR ay muntik na siyang mabuwal buti naalalayan siya ng nakabangga sa kanya…

“I’m sorry!” Sabay na banggit nila.

“Rom!!?”

“Aling Meryl!??”

Matagal silang hindi nakapag salita.

“Kumusta po!?”

“Imbis na sumagot ay isang sampal ang ibinigay niya dito.”

“Ayan mabuti na!”

Nagulat ang binata sa pag bati nito sa kanya.

Mabilis na nakatalikod si Meryl bago pa nakabawi si Rom.

Mabilis na hinabol niya ito at pinigilan.

“Bitiwan mo ako! Bitiwan mo kong hayup ka.”

Pilit siya kumakawala sa pag kakahawak nito. Pero mahigpit ang hawak nito at parang bakal sa tigas ang kamay.

Nakakita ito ng isang pinto, fire exit.

Itinulak siya nito papasok at idiniin sa pader at walang anu anung hinalikan. Itinutulak niya ito pero hindi sapat ang lakas niya. Hangang nag paubaya nalang siya. Ilang minute din na pinag samatalahan nito ang kanyang mga labi na tinugon naman niya ng buong init. Hanggang kapusin sila ng hininga.

Humihingal pa ito at diin sa puson niya ang harapan. Ramdam agad niya ang miinit na pagkalalake na tumutusok sa kanyang puson.

“Gusto mo ng eskandalo ha! Sige! Handa k aba sa eskandalo ko?”

“Hayup ka, bakit mo ginagawa ito sakin.”

“Ikaw bakit mo ginawa yun sakin.”

“Bakit mo ko iniwan?”

“Bakit moko ihinintay?”

“Bakit hindi ka nag paalam?”

“Bakit hindi mo ko hinanap?”

“Anu to? question game? Bawat tanung ko sasagutin mo din ng tanung.”

“Meryl! I miss you!”

Lumayo ito at sumandal sa pader.

“Bakit Rom?”

“Hindi ko pa kayang sagutin yan. Hindi pa ngayun.”

May kinuha ito sa wallet nito at iniabot sa kanya.

“Pag handa ka na kausapin ako eto ang business card ko. Isang tawag mo dadating ako.”

Pagbigay nito ay tumalikod na ito at iniwan siya. Tiningnan lang nito ang card na bigay nito. Hindi niya alam kung itatapon, pupunitin or itatago. Gusto niya malaman ang dahilan. Tama ito hindi pa ngayun. Nag decide siya na itago nalang ang calling card nito.

Inayos ang sarili at lumabas sa fire exit.

Direcho siya sa CR, tiningnan ang sarili, nagulat siya sa itsura niya, kumalat ang lipstick at magulo ang buhok. Parang babaeng nanggaling sa love making. Iba pa rin pala ang epekto sa kanya ni Rom. Kahit me dumating na iba pero iba siya. Habang inaayus ang sarili hindi niya maiwasang balikan ang itsura ni Rom. Mas lalo ata ito gumuwapo, mas gumanda ang katawa kahit nakatago ito sa fitted white long sleeves.

Parang ang amoy nito ay dumikit sa kanyang sistema, ang halik nito na hindi niya maikukumpara sa halik ng yumaong si Mateo. Bakit ba nagkita pa sila ulit.

Dali dali siyang kumuha ng tissue, binasa, at nilinis ang nagkalat na lipstick. Inalis niya ang clip sa buhok, inayos na rin niya ang sarili, naglagay ng konting face powder. Inilugay nalang niya ang buhok dahil nagulo na ito.

Nang tingin niya ay maayos na ang sarili ay lumabas para bumalik sa mga kasama.

Meryl, direcho siyang naupo kaya hindi niya napansin ang kausap ng kanyang biyenang hilaw.

“Meryl, magkakilala naman kayo ni Rom diba?”

Nag taas siya ng tingin at nakitang nakatitig ito sa kanya.

“O-opo, anak siya ng isang kaibigan.”

“Oo kaibigang matalik ito ni Mateo, nagkasama sa destino kaya naging ganoon.”

“A-ah opo, siya po ang lumapit sa amin dung naghahanap si Mateo ng ma rerentahan sa probinsya.”

Tiningnan niya si Lhyne, nakita niya ang warning sign dito.

“Kaibigan din siya ng mga anak ko.”

“Oo nga daw eh, matalino itong batang ito. Parang anak na din ang turing naming dito eh.”

Sa isip isip niya, kaibigan. Parang pamilya? E bakit hindi manlang dumalaw nung nakaburol ang anak nyo.

Para naming nabasa nito ang iniisip niya.

“Sinubukan kong mag paalan Tito nung nangyari kay Mateo but I was denied because we are almost finishing the course.”

Wow pa English English na din ah.

“We understand iho, ganun din naman si Mateo nung nag training duon eh.”

“Alam mo buti nga nakilala ni Mateo itong pamilya ni Meryl, para tuloy kaming nagkaroon ng mga apo. Kahit hindi natuloy ang kasal nila Meryl ay parang ganun na din.”

“Sabagay kasal nalang naman po ata ang kulang eh?”

Napayuko nalang siya dahil parang pinatatamaan siya nito.

“Well, kahit naman hindi sila ikinasal daig pa sa anak ang turing naming kay Meryl at sa mga anak nito.”

“Saka modern na tayo ngayun iho kaya di na iba yan.”

“Ang mahalaga eh sumaya ang kaibigan mo sa piling nila.”

“Sigurado po iyon Tita.”

Me ibang ibig sabihin nanaman ang sinabi nito.

Nanahimik nalang siya at hinarap ang mga anak. Nag usap kung anu ang plano. Nag offer pala ang parents ni Mateo na tumulong si Lhyne sa business ng mga ito. Wala na daw kasi silang puwedeng ma train para sa business.

“Alam mo ba Meryl, kung hindi nangyari iyon ka Mateo, nag decide na siya na hihinto sa pag pupulis at asikasuhin ang business. Sayang nga eh.”

Nalungkot siya dahil hindi niya alam yun. Gusto sana niyang hilingin ito kay Mateo noon pa kaya lang ay nahihiya siya. Pero alam talaga ni Mateo ang gusto niya.

“Buti pa nga itong si Rom, naging wise na eh.”

“Bakit po?” Hindi niya maialis na interested siya.

Tiningnan siya nito.

“Nag resign na yan sa pulisya. Nag tayo nalang ng business. Related pa din naman pero at least hindi na kasing risky ng pagiging pulis.”

“Tito salamat sa tulong ninyo.”

“Parang tinupad na din naming ang pangarap ng anak naming sa pag tulong naming sayo.”

“Plano kasi talaga nila na mag tayo ng Security and Detective Agency.”

“Ahhh… “

“Nasabi naman na sayo ni Lhyne diba? Sana pumayag ka Meryl sa plan namin.”

“Naku Ma, Pa, wala pong problema. Ngayun pong graduate na siya eh bahala po siya mag decide. Yun lang naman ang hiling ko sa kanya eh, actually sa kanila.”

“Kung tatanungin nga ako gusto ko e lumagay na din sila sa tahimik.”

“Maganda naman na din ang lagay ni Dave sa business.”

“Eheeemmm… Speaking!”

Nalingon sila lahat kay Dave.

“Napag usapan nalang din naman po ang paglagay sa tahimik. Gusto ko pong kunin ang pag kakataong ito.”

Biglang naglabasan ang mga tao, na ikinagulat niya.

Me firworks spark biglang lumabas sa may hagdan. Tumugtog ng malakas.

Lumakad si Dave hawak ang kamay ni Lhyne. Pag dating sa may hagdan lumuhod, lumadlad ang tarpaulin sa second floor na may nakasulat.

“WILL YOU MARRY ME?”

Nakita nalang niya na nakaluhod si Dave sa harap ni Lhyne, Nakita niya ang galak sa mukha ng anak.

Tiningnan niya si Rom, parang nabanaag niya ang inggit sa mga mata nito.

Me kurot na bumalatay sa dibdib niya na pilit niya iwinaksi.

Isinuot ang singsing. Pag tayo ni Dave bumuhos ang confetti sa buong hall.

Kaya pala kanina napansin niya na kokoti lang ang mga tao. Siguro tatlong table lang.

Palakpakan ang mga nadoon na nakasaksi at tumulong sa proposal.

Magkaakap ang dalawa habang paluoy ang buhos ng confetti at tugtugan.

Sobrang saya ng araw na iyon para sa kanya at sa kanyang pamilya.

Masaya din siya para kay Lhyne.

Nang matapos ang celebration ay umuwi na din sila sa bahay nila Mateo.

Kinabukasan ay umuwi na din siya sa probinsya, nagpaalam si Sam na maiwan muna kasama ang mga kapatid.

Dahil wala naman siyang gagawin at may kausap siya sa probinsya ay hindi na siya nag papapigil.

Parang pagud na pagud din siya at gusto niya magpahinga.

Inihatid siya sa sakayan ng bus sa may Pasay para makauwi bandang alas sais ng hapon.

Sakto me upuang pang dalawahan ang bakante, sana wala na sumakay para wala nalang siyang katabi o di kaya ay sabihan nalang niya ang kundoktor babayaran nalang niya ang extrang upuan.

Hindi pa niya natatawag ang kunduktor ay may tumayong lalake sa gilid niya. Naka maong jeans ito, naka white shirt, at nike shoes.

“Exuse me, this is taken.”

“I don’t think so!”

Walang sabi sabing naupo ang lalaki sa tabi niya. Naka cup ito kaya hindi niya kita ang mukha. Pamilyar sa kanya ang amoy nito.

Ayaw sana niya itong lingunin pero dahil pamilyar sa kanya ang pabango ay napitlitan siyang tingnan ito.

“IKAW?!”