CHAPTER 1- PAG-IBIG SA UNANG PAGKIKITA
“Our eyes love the scenes before us. The sunset, the flowers, the seas. All the scenes we see become memories, to inspire, to soothe our pains. To become our trusted companion in our solitude. But why do the scenes my eyes would love to see must consist only of you? Your eyes, your smile—your touch and your kisses…Why should you be the only memory I would want to have and cherish ?”
Katatapos lang ng Medisina ni Lynda sa isang unibersidad sa kabikulan. Nais ng ama nya na isa ring doktor na magpakadalubhasa pa siya sa ibang bansa bago siya tuluyang mag-practice ng piniling propesyon. Ngunit ninais nyang mag-intern sa isang pampublikong ospital sa sentro ng kabikulan.
Maganda si Lynda. Ang singkit na mga mata na parang laging tumatawa ay binagayan ng malagong kilay at mahabang pilik mata. Ang isang pares na biloy sa magkabilang pisngi ay lalong nagpapatingkad sa kagandahan ng maamo nyang mukha. Kaya naman sa edad nyang 25 years old, nakapagtatakang wala pa siyang katipan. Parang hindi nya pansin ang kanyang mga tagahanga na lagi ng naghahangad na makuha ang kanyang atensyon.
Ngunit tila ba na ang kanyang atensyon ay laan lamang sa kanyang pamilya at sa napiling propesyon. Umiikot lamang ang kanyang daigdig sa kanyang pagiging pediatrician at pagiging kaisa-isang anak ng kanyang mga magulang na kapwa rin mga kinikilalang mahusay na manggagamot sa kanilang lugar. Nakadarama siya ng fulfillment sa tuwing nakikita nya ang mga sanggol at mga bata nyang pasyente ay gumagaling sa kanyang pagpapala.
Hanggang sa dumating ang araw na iyon. Hindi siya naniniwala sa tadhana o kapalaran. Naniniwala siya na ang tao ang lumilikha ng kanyang sariling kapalaran. Naniniwala siya na sa bawat araw binibigyan tayo ng pagkakataon na piliin ang ating mga gagawin sa bawat pangyayari na nasa harapan natin. At ayon sa ating mga pagpili nakabatay ang tinatahak nating kapalaran.
Subalit, may ibang ideya ang tadhana. Nagtatakda ito ng mga daan, na iisa lamang ang patutunguhan. Kaya kahit anong daan ang ating piliin, iisa lamang ang kahahantungan…
Ipinatawag siya ng Direktor ng Ospital . Nagtataka man, mabilis na tinugpa ng kanyang mga paa ang corridor patungo sa opisina ng kanilang director. Nang marating ang pakay na pinto marahan nyang pinihit ang hindi naka susi na pintuan.
” O, ikaw pala Dra. Abarrientos ” Bungad ng Direktor ng sumungaw siya sa pinto. Malamig ang hangin na nagmumula sa tahimik na aircon sa loob ng opisina ng director.
” Tuloy ka, and have a seat.” Sabi pa nito. Sabay turo sa isa sa mga bakanteng silya sa harap ng lamesa nito. Umupo siya sa itinurong silya at humarap sa kausap. May hawak na sulat ang director at iniabot ito sa kanya,
“Imbitasyon ito sa ating ospital para sa isang medical convention na gaganapin sa Sorsogon City. Magpapadala tayo ng isang kinatawan bawat departamento.” Sabi nito matapos iabot sa kanya ang imbitasyon.
” Ikaw ang isa sa napili kong ipadala mula sa pedia.” Binasa nya ang imbitasyon.
“3-DAY SYMPOSIUM ON NUCLEAR MEDICINE ” Interesado siya sa tema ng symposium. Lihim siyang nagpasalamat at isa siya sa pinili ng kaharap upang dumalo sa nasabing kumbensyon.
” Maraming salamat po, Dr. Carreon. Isa pong malaking karangalan na isa ako sa mga napili na dumalo.”Nasabi nya pagkatapos na sinabayan nya ng bahagyang pagyukod bilang paggalang.
” Isa ka sa mga masisipag at mapagkakatiwalaang intern ng ospital na ito, ” Sagot naman ng kaharap.
” Isang magandang exposure ito para sa mga intern na tulad mo.”
Ewan nya kung nakita ng butihing director ang pagkislap ng kanyang mga mata. At isang matipid na ngiti ang nulas sa kanyang mga labi na nagpalabas ng dalawang magagandang biloy sa kanyang magkabilang pisngi. Tumayo siya sabay abot ng kanyang kanang palad sa kaharap. Tumayo rin ito at tinanggap ang iniabot nyang palad. Nagdaop palad sila. Bahagya siyang yumukod bilang pagbibigay pugay sa director.
“Thank you uli Ma’am. ” Nasabi nya at pumihit na siya palabas ng pintuan hawak-hawak ang imbitasyon.
Banayad na binabagtas ng sinasakyan nilang van ang kahabaan ng Maharlika highway patungong Sorsogon City. Isang araw yun sa buwan ng Marso. Tag-init. Pero ang van na service vehicle ng ospital ay may aircon. Kaya naman hindi nila nararamdaman ang alinsangan at alikabok sa labas. At habang matuling binabagtas ng van ang sementadong daan hindi maiwasan ni Lyn ang mapansin ang kakaibang kaba sa kanyang dibdib. Para siyang may hinahanap. Ngunit kung ano yun, ay hindi nya matanto.
” Mukhang malalim ang iniisip ng muse ng Albay General Hospital ha?” Nagulat siya ng marinig ang sinabi ng katabi. At napangiti siya sa tinuran nito. Tinutudyo marahil siya ng katabi dahilan sa siya ang napiling pinakamagandang muse sa ospital na kanilang pinaglilingkuran sa katatapos pa lang ng idinaos na taunang sports festival ng ospital.
” Nagagandahan lang ako sa mga tanawing dinaraanan natin.” Depensa nya, habang tinatapunan ng kunwaring pag-irap ang kausap. Sinabayan nya ito ng pagngiti na nagpalitaw ng dalawang magagandang biloy sa kanyang magkabilang pisngi.
“At ako naman, excited ako na makaharap ang isa sa mga lecturer ng symposium.” Sabi ng kausap.
“Excited ako na muling makita si Professor Artemio Domingo !” Sabi pa nito na kinagat pa ang labi. Napabaling ang tingin nya sa kausap. At napagmasdan nya ito. Si Dra. Leah Buenviaje ay katulad nyang intern at isa itong neuro-surgeon. Maganda ito. Maputi at makinis ang kutis. Ang tsinita nitong mga mata ay parang laging ngumingiti. Isang masayahing personahe ang ibinabadya ng katauhan nito. At ang mga Buenviaje ay kilalang angkan ng mga pulitiko sa kanilang lugar.
“Si Professor Artemio Domingo ang guest of honor sa aming pagtatapos.” Paliwanag nito.
“At mind you, Dra. Abarrientos,” Sabi pa nito na nangingislap ang mga mata habang nagsasalita.
” Ang gwapo- gwapo nya. He is the man of my dreams !” Pagtatapos nito na parang teen-ager na kinikilig. Napangiti sya. Marami na siyang nabasang mga artikulo ng nasabing professor tungkol sa medisinang nuclear at talagang magaganda at nakapagbubukas kaisipan ang nasabing mga artikulo.
“Malay mo siya na ang hinahanap mong Mr. Right ?” Parang nagulat siya sa ibinuka ng kanyang bibig.
” Di ba Dra. Buenviaje?” Dugtong pa nya na parang inaarok ang iniisip nito habang nakabaling sa katabi ang paningin.
” Leah na lang o Lei for short,” Pakli naman nito na iniabot ang palad. Tumango-tango siya.
“Ok, Leah, call me Lyn naman para di gaanong pormal.” At nagkatawanan sila. Habang ang mga iba pa nilang kasama sa van ay nakapikit ang karamihan.
“WELCOME DELEGATES. 3-DAYS SYMPOSIUM IN NUCLEAR MEDICINE. WELCOME PROFESSOR ARTEMIO A. DOMINGO”
Bumulaga sa kanila ang welcome signage na tarpaulin sa harapan ng hotel na venue ng tatlong araw na symposium. Pagka-log in nila sa counter ng hotel ay inihatid na sila sa kani-kanilang mga kwarto ng roomboy. Magkasama sila sa isang kwarto ni Leah.
Simple lang ang kwarto na napunta sa kanila. Tipikal sa mga hotel.May dalawang kama na may tig-isang lamp shade sa may ulunan. Tig isang utility cabinet na may lamang bibliya.Dalawa rin ang closet na may tigdalawang pares ng sinelas. Ang isang sinelas ay pang banyo. Pagkalapag ng kani-kanilang mga maleta. agad na pumasok si Leah sa banyo. Naiwan siyang naglalagay sa closet ng mga dala nyang damit mula sa maleta.
Inayos nya ang kanyang mga dalang sapatos. Isang rubber shoes at isang sapatos na leather ang kanyang dala-dala. Ang sapatos nya na leather ay katamtaman lang ang taas ng takong. Sapat lang na dagdagan ang kanyang taas na 5′ 6″. Nang lumabas ng palikuran si Leah, nakahanda na ang kanyang bihisan. Ibig nyang maligo agad at alisin ang panlalagkit na nararamdaman.
“Mauna na akong magshower—Lei” Sabi nya na hindi na hinintay ang tugon ng kausap. Dali dali na siyang pumasok sa banyo.
“Sige Lyn at ako namam ang mag shower pagkatapos mo, dinner daw at 8:00 pm !” Narinig nyang sabi nito matapos nyang isara ang pinto ng banyo. Malinis ang banyo. Maganda ang simpleng design ng mga tiles. At maganda ang pagkakaakma ng cubicle ng shower. Malinis ang twalya na nakasabit sa dingding ng banyo. Pero nasanay siya na gamitin ang dalang sariling twalya. May naka kahon ding toothbrush at ilang bote ng shampoo na may pangalan ng hotel. Subalit sa mga ganitong pagkakataon naka ugalian na nyang huwag ipaubaya sa hotel ang personal na mga gamit sa personal hygiene. May dala siyang sariling shampoo, toothbrush, sabon at alcohol na hand sanitizer.
Sinipat nya ang sarili sa salamin. Inayos ang nakalugay na buhok. Tuluyan na nyang hinubad ang lahat ng saplot sa kanyang katawan. Isinampay nya ito sa nakalaang sampayan at tuluyan na siyang pumaloob sa shower cubicle. Isinara nya ang glass partition ng cubicle. Inilagay sa medium ang heater ng shower at binuksan ang gripo ng shower. Ang mala ulan na patak ng tubig ay bumagsak sa kanyang buhok pababa sa maamo nyang mukha. Ang maligamgam na tubig na malayang dumaloy sa buo nyang katawan ay tila mabining haplos ng isang bihasang masahista. Nanunuot ito sa kanyang mga kalamnan na nagpapaginhawa sa kanyang pakiramdam. Matagal siyang naglunoy sa loob ng shower cubicle. Maingat nyang sinabon ang kanyang buong katawan. Pagkatapos ay tinuyo nya ito ng dalang sariling twalya. Nang lumabas siya mula sa banyo ay magaang na ang kanyang pakiramdam.
Gabi, maliwanag ang buong function room ng hotel. Apat na kwarto iyon na pinag-isa para sumapat sa dami ng delegado na dumalo sa naturang symposium. Nang lumabas sila ni Leah sa kwartong tinutuluyan naka puting t-shirt lang si Lyn na binagayan ng kupasing jeans. Naka rubber shoes lang siya. Kung titingnan mo siya sa malayo, hindi mo aakalaing isa siyang doktor. Mas aakalain mo siyang isang artista sa mga Korean drama. Ang simpleng kasuotan na jeans at t-shirt ay lalong nagpatingkad sa kanyang natural na ganda. Hindi siya mahilig sa make-up. Manipis lang na pahid ng lipstick sa labi at ang simpleng bango ng paborito nyang pabango ang kumukumpleto sa kanyang personal na pag-aayos sa sarili.
Kabaligtaran silang dalawa ni Leah. Naka pormal dress ito na skirt na binagayan ng ilang mamahaling alahas na suot na kwintas at pulseras. Ang likas na kaputian ng kutis nito ay lalo pang pinatingkad ng makapal ngunit maayos na make-up. Mula sa malayo, si Leah ay isang dyosa na nagniningning sa kagandahan at karangyaan.
Isang maikling palatuntunan ang inihanda ng mga organizers ng symposium. May naimbitahang mga lokal na mang aawit. At isang banda na bago pa lamang gumagawa ng pangalan. Umupo sila sa lamesa na laan sa kanilang grupo. Parang nauhaw ang pakiramdam ni Lyn, kaya pagka-upong pagkaupo ay hinagilap nya agad ang baso ng tubig sa harapan at tinungga. Agad naman itong sinalinan ng panibagong laman ng umiikot na waiter na naka assign sa kanilang lamesa.
Matapos ang maikling palatuntunan, sumunod ang masarap na hapunan. Masarap ang buffet na inihanda ng hotel para sa mga participants ng symposium. Pakiramdam ni Lyn nabusog talaga siya. Lalo pa at paborito nya talaga ang haleyang ube bilang panghimagas sa masarap na hapunan. Kasalukuyan silang nagpapalipas ng pagkabusog ng i-announce ng mga organizers ng symposium na magkakaroon ng impromptu party ilang sandali sa lobby ng hotel. Ito raw ay para magkaroon ng pagkakataon na magkakilala ang mga delegado.
Ilang sandali pa ang lahat ng naroroon sa function room ay inanyayahan ng magtungo sa lobby ng hotel na dagliang inayos upang magsilbing ball room. Hindi sanay si Lyn sa mga ganoong pagtitipon. Kahit pa noong college days nya, bihira siyang dumalo sa ganitong mga okasyon. Kaya habang nagkakasayahan ang lahat sa maingay na tugtog ng banda, palihim siyang tumalilis at tinungo ang dako ng hardin ng hotel.
Mabuti at hindi gaanong maalinsangan sa labas ng hotel. Maganda ang pagkaka disenyo ng hardin.Presko ang hangin na ibinubulong ng mga punong Acacia na sadyang inihelera upang bumakod sa hardin. Nakita nya ang isang mahabang upuan na yari sa matigas na kahoy sa gitna ng hardin. Napatingala siya sa kalangitan. Kabilugan pala ng buwan. At ng lumapit siya sa upuan, nakita nyang tanaw na tanaw mula dito ang bilog na bilog na buwan. Dahan dahan siyang naupo at isinandal sa matigas na sandalan ang malambot nyang likuran.
Pinagmasdan nya ang liwanag ng buwan. Blangko ang isip nya. Pinagmasdan nya ang tila paglalayag nito sa piling ng mga ulap. Kay gandang pagmasdan ang mala-pilak nitong liwanag na sumusuot sa masinsing ulap. Minsan tila ito pinalilibutan ng mala-bulak na ulap. Minsan naman nag-iisa ito sa kalangitan na walang kasama kundi ang mga kumukutitap na mga dagitab sa kanyang likuran.
At hindi namalayan ni Lyn ang paglapit ng isang anino. Naramdaman na lang nya ito ng bumulaga ito sa kanyang harapan.
” Would you mind, Dra. Abarrientos…” Napatingala siya sa aninong bumulaga sa kanyang harapan. Ang liwanag ng buwan ay nasa likuran ni Lyn na umiilaw naman sa mukha ng kaharap.
“Paano siyang nakilala nito. Hindi niya natatandaan na kilala nya ang lalaking nasa kanyang harapan. Pero, makisig ito at mukhang kagalang galang.” Ito ang pumasok agad sa isip nya. Kinapa nya ang ID tag sa kanyang dibdib. Tiningnan nya ito. Nakasulat dito ang kanyang buong pangalan. Lahat ng mga delegates ng symposium ay may tag bilang ID. Subalit walang tag ang kaharap.
“Anong kailangan mo mister ..?” Pabitin niyang tanong sa estranghero sa kanyang harapan. Tumayo si Lyn habang nagsasalita.
” Tim, na lang Doktora…” Sabi nito habang pinagmamasdan siya sa liwanag na isinasaboy ng mga ilaw ng hotel at sa liwanag na rin ng bilog na bilog na buwan.
” Nakita kitang nag-iisa dito sa hardin. I presume is…