Mga Binhi Ng Tadhana Book 2 -ang Binhi Ng Awa Ika-dalawang Kabanata

Ika- Dalawang Kabanata Mga Binhi Ng Tadhana Book 2

PAG-IBIG…PAGMAMAHAL

Wise men say it looks like rain today, it crackled on the speakers, it trickled down the sleepy subway train,,,for heavy eyes can hardly hold us, aching legs that often told us it’s all worth it—We all fall in-love sometimes…” Pumapailanlang ang awitin ni Elton John sa loob ng canteen ng pumasok si Art. Magdamag ang naging operasyon ng isang pasyente na naging biktima ng isang sakuna sa kahabaan ng Roxas Blvd. Isinagawa ang mabilisang operasyon sa utak upang alisin ang namuong dugo doon. Isa si Art sa umasiste sa maselang operasyon na isinagawa ng hepe ng neuro-surgery unit ng Ospital ng Maynila kung saan nasa ikalawang taon na si Art sa kanyang internship.

Umupo siya sa pinaka-sulok ng canteen ng ospital. Ganap ng alas-kwatro ng madaling araw. Iyon ang ibinabadya ng malaking orasan na nakasabit sa dingding ng canteen. Nasa harap ni Art ang umuusok na paper cup ng kape na kinuha nya kanina mula sa coffee dispenser na nasa di kalayuan sa kanyang kina-uupuan. Ilang higop-lagok ang kanya ng nagawa mula sa mainit na paper cup ng pumasok ang isang grupo rin ng mga intern ng ospital. Biglang parang nabuhay yung inaantok na diwa ni Art ng isa sa mga pumasok na mga intern sa canteen ay ang babae sa kabilang mesa sa loob ng restaurant! Ilang ulit na ipinikit at idinilat ni Art ang kanyang mga mata, upang kumbinsihin ang kanyang sarili na hindi isang malik-mata lamang ang kanyang nakikita.

Subalit, isang katotohanan na ang babae na umagaw sa kanyang pansin sa loob ng Savory Restaurant ay naroon ngayon sa canteen, Isang doktora din ang babae? Isang intern din na katulad nya? Lalong pakiramdam ni Art ay higit na bumilis ang palpitation ng kanyang puso ng lumingon ang babae sa gawi nya. Ngumiti ba ang mga mata nito ng saglit na magkatitigan sila? Si Art ang unang nagbaba ng tingin. Tanda ba ito na gapi siya ng titig ng babae?

Nang pumasok sila sa Canteen ng Ospital, wala sa isip ni Nancy na na naroroon ang kasagutan ng kanyang naging dalangin. Parang totoong lucky month nya ang kanyang birthmonth. Nang mapalingon siya sa dakong sulok ng canteen nakita nya ang kay tagal nyang pinanabikan na makita. Si Artemio Ronquillo. At parang naramdaman ni Nancy ng saglit na magkatitigan sila ng binata na walang tao sa loob ng canteen kundi sila lamang. At wala siyang naririnig na ibang tunog kundi yung tila musika na pagpintig ng puso nya.

Parang nahihiya si Art na muling apuhapin ng kanyang paningin ang babae na nasa mesang iyon sa loob ng canteen. Subalit, ayaw nyang masayang ang pagkakataon na muling masilayan ang maamong mukhang iyon na nag-papa-alala sa kanya sa maamong mukha ng namayapang ina. Muli nyang itinaas ang kanyang paningin. Hindi nya alam hindi inaalis ni Nancy ang kanyang titig sa kinaroroonan ni Art. At muling nagtagpo ang kanilang mga titig. At tulad ni Nancy, pakiramdam ni Art sila lang dalawa ng babae ang naroroon sa canteen. Sa isip ni Art umiinog ang kanyang daigdig. Mula ng namayapa si Helen, para siyang planeta na nawalan ng araw na iinugan. Kaya isinubsob nya ang sarili sa pag-aaral. Walang mahalaga sa kanya kundi ang matapos nya ang kanyang kurso. Ngunit, heto ang babae sa di kalayuan. Sa babae na ito nais niyang muling uminog ang kanyang daigdig,

Dra, Roxas…” Yung tinig ng kasamang intern ang pumukaw kay Nancy sa saglit na pagkatulala sa pagtatagpo ng kanilang mga titig ni Artemio Ronquillo. At napatingin ito sa dako ng kinauupuan ni Art.

Biglang hinila nito si Nancy palapit sa lamesa na inokupahan na ng grupo. “Kilala mo si Dr. Ronquillo?” Tanong nito sa kanya. Tatango sana si Nancy para sabihin sa nagtatanong na kilala nya ang nasa sulok na lamesa ng canteen, Pero isang iling ang sa halip ay itinugon nya. “No parang pamilyar lang siya sa akin…” Iyon ang ibinuka ng bibig ni Nancy at humakbang na siya palapit sa pinakamalapit na silya na nakahilera sa mahabang lamesa sa canteen. Nakita nya yung parang nanunuksong tingin ni Zenee, isa sa mga intern na ka-grupo nya. “Mukhang masama ang tama ng pinaka-magandang intern sa Ospital ng Maynila kay Dr. pogi ha?” Biro nito. At naramdaman ng dalaga na namula siya. Madaling araw na. Malapit ng magpalitan sila ng shift sa pag duty sa ospital. Tumayo si Nancy para pumunta sa counter ng canteen. Gusto nyang hiramin ang pang-umagang sipi ng pahayagan. At gusto nya ring magkape. Pero ayaw nya yung nasa dispenser. Iyon din naman ang gusto ni Art, na hiramin ang sipi ng pang-umagang peryodiko na nasa counter ng canteen. Halos sabay nilang inabot ang sipi ng “Manila Bulletin“. Nagkadaiti ang kanilang braso. Parang napaso ang pakiramdam ng dalaga ng sumagi ang braso ni Artemio Ronquillo sa braso nya. Muli silang nagkatitigan. Mata lang ang nag-usap sa pagitan nila. Pero bakit ang puso nila ang kapwa nagdiriwang sa pagkakataong iyon? At hindi na mapapalampas pa ni Art ang pagkakataong ibinibigay ng tadhana upang makilala nya ang babae na hawig ng kanyang ina.

” Upps, I’m sorry Dra…” Ibinitin nya ang kataga. Mabilis naming sumagot ang dalaga. Ayaw rin yang makalagpas pa ang pagkakataon na magkalapit sila ni Artemio Ronquillo.” Roxas, Nancy Roxas,” Sabi niya na kinagat niya ang gilid ng kanyang labi at tumitig sa kaharap. muling parang nadama ni Art ang pagpapaimbulog ng kanyang daigdig sa daigdig ng dalaga. Marahil, iyon ang mahika ng tinatawag nilang pag-ibig. Kusa itong dumarating kahit hindi hinahanap. “I’m Art. Artemio Ronquillo…”Sabi nya at inabot ang kanyang palad sa magandang intern. Nang abutin ni Nancy ang nakalahad na palad ng binata, abot-abot ang kabog ng kanyang dibdib. Kay tagal nyang inasam na mangyari ang tagpong ito. Ilang beses ba siya gumawa ng paraan para mapansin ni Artemio Ronquillo sa UP campus? At kay init ng palad nito. Init na hahanap-hanapin nya sa mga magiginaw na sandali sa kanyang pag-iisa.

“Hmmm…ang kamay ko po…” Bulong niya sa binata, nang parang kay tagal na hindi nito binibitawan ang pagkakahawak sa kanyang palad.

” Oh, sorry Dra Roxas…”Narinig niyang sabi niya. Sa isip ni Art, walang dapat na ihingi ng paumanhin sapagkat ang nadarama nya sa sandaling iyon ay parang ayaw na nyang matapos yung akto na hawak nya ang malambot na palad ng dalaga. Kung magagawa lang niyang pigilin ang paglakad ng mga sandali ay gagawin niya, manatili lamang sa tabi nya ang babaing ito.

It’s ok lang po, Dr. Ronquillo,” Sabi ni Nancy at bumaling na sa nakatao sa counter ng canteen at umorder ng isang tasang kape. Hindi kailangang mahalata ni Artemio Ronquillo na pinagpapawisan siya gayong malamig ang aircon ng canteen. Sinasabi ng intuition ni Nancy na interesado rin ngayon, ang binata sa kanya. Kailangan na lang nyang hintayin ang susunod na hakbang nito.

“Pero, paano kung hindi tama ang kanyang intuition?” Napailing si Nancy sa naisip. Ah, kailangang tulungan ang tadhana. Kailangang dagdagan ang pagkakataon na maging makatotohanan ang pangangarap.

Why not you join us?” Sabi nya sa binata ng makuha na nya ang inorder na kape. “Gusto ko ring magbasa ng pery…