Sa laro ng pag-ibig wala itong batas, At sa bawat laro, mayroong mandaraya. At sa laro sa pag-ibig, ang nanalo sa pandaraya ay totoo kayang nanalo? Ang kaganapan ba ng isang obsesyon ay may hatid kayang ligaya o ang hatid nito ay isang mapait na lason na tataglayin ng pusong nandaya sa habang panahon?
Pakiramdam ni Leah wala na siyang kayang iluha, habang pinagmamasdan niya ang nakahimlay na bangkay ni Tim sa loob ng magarang kabaong. Halos ilang araw din ang ginugol ng mga kapulisan bago natagpuan ang bangkay ng propesor sa ibaba ng burol ng Kawa-kawa. Natukoy ang kinaroroonan nito dahil sa owner type na jeep na natagpuang nakaparada sa ibaba ng burol. Naging pala-isipan sa lahat ng mga nakakakilala sa batang propesor kung ano ang naging sanhi ng malagim na kamatayan nito. Hinihuna nila ay nadulas ang propesor na naging dahilan ng kanyang pagkakahulog sa bangin. Ayon sa lumabas sa imbestigasyon, wala naming foul play na naganap.
Tanging si Leah lamang ang nakakaalam sa ginawang pagpapatiwakal ng asawa.At parang hindi ito matanggap ni Leah. Hindi nya matanggap na hanggang sa huling sandali, ay hindi nya naging pag-aari ang puso at isipan ng asawa. Yung iniwan na sulat nito ay nangungumpisal at humihingi sa kanya ng kapatawaran.
Hinipo ni Leah ang kanyang tiyan. Nararamdaman na niya ang punla na naiwan ni Tim. Napatiim bagang si Leah. Naningkit ang kanyang mga mata. Gusto nyang sumbatan ang asawa, “Bakit, ang nasa kanyang sinapupunan ba ay hindi bunga ng kanyang pagmamahal?”
Tuluyan ng muling pumatak ang luha ni Leah, “Ang lupit mo Tim, napaka lupit mo! Iniwanan mo ako ng isang sanggol na hindi bunga ng pagmamahal mo!” Napakapit si Leah sa naka-bukas na salamin ng kabaong na kinahihimlayan ng asawa. Para siyang mauupos. Lason ang idinulot ng liham ni Tim sa kanya.
“Hindi ko na kayang dayain ang sarili ko Leah. Sinikap kong ibaling sayo ang aking pagmamahal. Subalit hindi makatarungan kay Lynn at sa aming pag-ibig na mabuhay ako sa pagkukunwari na mahal kita…”
Sabi ng bahagi ng sulat ni Tim sa kanya. “Si Lynn ang pag-ibig ko, at si Lynn ang buhay ko…”
“Pero, para saan ang ipinunla mo sa pagkababae ko?” Ito yung tanong sa sarili ni Leah. Ito yung gusto nyang itanong sa nakahimlay sa magarang kabaong na asawa. “Hindi ba ito bunga ng pagmamahal mo?” masakit tanggapin ang kasagutan sa kanyang katanungang iyon. Muli at muli siyang impit na napahagulgol,
Alam ni Leah, hindi na masasagot ni Tim ang tanong na yun…
Nang mabalitaan ni Helen ang nangyari kay propesor Artemio Domingo, hindi siya nag-aksaya ng panahon. Laman ito ng mga pangunahing pahayagan. Agad na nagtungo si Helen sa lugar na sinabi ng mga peryodiko na kinabuburulan nito. Hilam sa luha ang kanyang mga mata, Yung mata nya na walang pilat ay mugto na sa kaiiyak. At nararamdaman nyang pati ang nasa kanyang sinapupunan ay tila nagluluksa rin, Tila ba nararamdaman ng kanyang magiging anak ang sinapit ng ‘ama’ nito.
Parang nararamdaman pa ni Helen yung gabi ng paulit-ulit siyang angkinin ng propesor. Alam nya, walang pag-ibig na namagitan sa kanilang dalawa. Subalit hindi ba ang obra ng paglikha sa isang bagong tao ay siyang lundo ng pag-ibig mismo? Na ang sinasabing pag-ibig ay isang abstrakto lamang na damdamin na ang pinaka lundo nito ay ang pagsilang ng isang bagong tao? Hindi ba pag-ibig yung pag-iisa ng dalawang katawan upang lumikha ng bagong nilalang?
Wala sa loob na nahimas ni Helen ang kanyang tiyan. Parang inaalo nya ang nasa kanyang sinapupunan. “Ginusto ng tadhana na maging bahagi ka ni Artemio Domingo,” Ito ang sinasabi ni Helen sa kanyang isip habag hinihimas ang kanyang tiyan. At ito yung kanyang nasa isip ng matagpuan niya ang kanyang sarili na nakaharap sa makisig na bangkay na nakahimlay sa magarang kabaong. Nakayupyop doon ang kanyang byuda at tahimik na umiiyak. “Hindi ba siya man din ay byuda rin ni Artemio Domingo?” Nakagat ni Helen ang labi sa pumasok sa isip. “May binhi ding naiwan sa kanyang sinapupunan ang batang propesor.”
Naramdaman ni Leah na may katabi siya sa pagkakayupyop niya sa kabaong ng asawa. Nang iangat ni Leah ang kanyang mga mata, magkahalong pagtataka at may hindi siya maipaliwanag na damdamin na pumuno sa kanya ng makita nya sa kanyang tabi ang care giver.
“Condolence po ma’am, nakikiramay po ako…” Bakit parang nasalamin ni Leah na hilam din sa luha ang mga mata nito. Bakit parang nagluluksa din ang kaharap sa pagkamatay ng kanyang asawa. Parang kahit sa pagluluksa gusto nyang solo lang niya si Tim.
Tumango-tango si Leah bilang pag-tanggap sa condolence na sinasabi nito, Burol ito ng kanyang asawa. Kailangan umiral ang civility. At hindi alam ni Leah ang tunay na pakay at saloobin nito. Nang nagkatabi ang dalawang babae sa harap ng kabaong ng nakahimlay na batang propesor, parang kumislot ang sanggol na nasa sinapupunan ni Leah. Parang may ibig itong ipahiwatig sa kanya, Pinagmasdan ni Leah ng palihim ang katabing nakikiramay na babae na nakatunghay sa bangkay ng nakaburol na asawa. Napatingin siya sa tiyan nito. Napalunok siya. Parang nararamdaman nya na kasalukuyang nagdadalan-tao din ito. Isang hindi maintindihang kaba ang nararamdaman niya.
Nang nagkatabi si Helen at ang byuda ni Artemio Domingo, naramdaman ni Helen kumislot ang sanggol na nasa kanyang sinapupunan. Nagtataka man, hindi ito pinansin ng caregiver. Nakatuon ang kanyang pansin sa nakahimlay sa magarang kabaong na nasa kanyang harapan. Kay kisig ng propesor maging sa kanyang kamatayan. Ang nakikita ni Helen ay ang batang propesor na ang nag-iisang biloy sa kanyang pisngi ay sapat upang pawiin ang lahat ng kanyang agam-agam. Nakaramdam si Helen ng pag-iinit ng kanyang ibaba kapag sumasagi sa kanyang ala-ala ang gabing iyon na magdamag silang nagtalik ng propesor. Buong puso at kaluluwang ipinagkaloob nya dito ang kanyang pagka-birhen. Ito ang unang lalaking umangkin sa kanyang pagka-babae. At alam nyang ito rin ang huling lalaki na aangkin sa kanya. Ang maka-antig pagnanasang pag-arok nito sa malalim na balon ni Helen ay paulit-ulit nyang babalikan sa kanyang isip. Ang mainit na hininga ng propesor sa kanyang buong katawan habang inuulaol nito ng halik ang buo nyang katawan ay isang obra-maestra. Sa larangan ng pagpapaligaya, si Artemio Domingo ay higit pa sa mga dalubhasa sa sining ng pagtatalik. Kung may henyo sa pag-papaligaya at pagpapa-ibig sa mga katulad ni Helen, si Artemio Domingo ay henyo sa sining ng pagtatalik.
Samantala sa Switzerland, dumating ang ama ni Arnulfo Alcantara sa kanilang bahay bakasyunan. Inayos nito ang lahat ng kailangang mga papeles para mai-uwi ang bangkay ni Lynn sa Pilipinas. Tulala si Arnie. Parang hindi niya matanggap sa sariling hindi magkakaroon ng magandang bunga ang naging pagkidnap nya sa sinasambang doktora. Alam niya, may dapat siyang panagutan sa naganap. Kahit pa aksidente ang pagkamatay nito, siya ang dahilan ng maaga nitong kamatayan.
Habang naka-burol si Tim sa bayan ni Leah sa Legaspi, si Lynn naman ay naka-burol sa bayan ni Arnulfo Alcantara sa Pangasinan. Nakatingin si Arnie sa nakahimlay sa loob ng kabaong. Kay ganda-ganda pa rin ni Lynn sa kanyang paningin. Hindi niya pagsasawaang pagmasdan ang maamong mukha nito. Parang pakiramdam ni Tim, natutulog lang ang magandang doktora. ” I’m sorry Lynn, I’m sorry…” Sabi ni Arnie sa kanyang isip. At naramdaman niyang pumatak ang kanyang mga luha. Tunay ang kanyang naging pagsisisi.
Ilang araw lang ibinurol si Lynn sa tahanan ng mga Alcantara. Ganap na ika-anim ng hapon ng maka-uwi si Arnie mula sa kanilang pribadong musoleo kung saan doon nya hiniling na maihimlay si Lynn. Pinuntahan ni Arnie ang sanggol ni Lynn sa pribadong nursery nito na ipinagawa nya bago pa man ito isinilang ni Lynn. Pinagmasdan nya ang baby ng doktora. Parang nababanaag nya ang maamong mukha ng ina nito. Parang pinunit sa ina ang kutis ng bata. May biloy din ito sa pisngi. Ngunit ang biloy nito ay sa kanyang tunay na ama.
Pumihit si Arnie palabas ng pinto ng nursery, nasalubong nya sa pintuan ang private nurse na kinuha ng kanyang ama para mag-alaga sa kanyang ‘apo’. Ngumiti ito kay Arnie. Ngumiti si Arnie para suklian ang ngiti ng nurse. At sasabihin ng nurse sa mga susunod na araw na kakaiba ang ngiti ni Arnie nang sandaling iyon. Kinuha ni Arnie ang isang kwaderno sa kanyang pribadong locker sa kanyang silid. Nagsalin siya ng paborito nyang whiskey sa baso na nasa ibabaw ng kanyang lamesa. may isinulat siya sa kwaderno. Pumapatak ang kanyang luha habang dahan-dahang nagmamarka ang tinta ng kanyang ballpen sa pahina ng kwaderno. Sa isipan nya ay pumapailanlang ang isang awitin. “So we may stay another season…may say goodbye and find a reason…and there’s no way to disagree…but Love is stronger far than we…”
Naka dalawang baso siya ng whiskey bago natapos ang kanyang isinulat. Tumayo si Arnie, lumabas ng kanyang silid at tinungo ang kinalalagyan ng sanggol sa kuna. Binuhat nya ang baby ni Lynn. Kinarga nya. Ang init ng katawan ng sanggol ay pumupuno sa kanyang pandama. Inilapit niya sa kanyang pisngi ang pisngi ng sanggol. Hinagkan niya ang pisngi nito, Hindi nagising ang sanggol. Ibinalik nya ito sa kuna. Yumuko siya at inilapit ang bibig sa tenga ng sanggol. “Good night, I will make it sure na ikaw ang magmamana ng lahat ng para sa akin. Ikaw ang bagong Arnulfo Alcantara. Kung nasaan man naroroon si Lynn,sana ay mapatawad…