Mahigit apat na taon na sa akin ang computer shop ko kaya marami na akong mga suki. Karamihan ay nakita ko nang magtapos sa eskuwela. Graduates sa elementary, high school o college. Isa sa mga suki ko ay si Janine. Maliit siya sa akin sa kanyang height na 5’4. Balingkinitan ang katawan. Morena siya at maganda ang mukha. Lalo na kapag ngumingiti siya at lumalabas ang kanyang mga dimples. Nito lamang nakalipas na Santa Cruzan ay nakuha pa siyang sagala sa barangay.
High school pa lamang siya ay sa akin na sya nagpa-print ng mga projects. Minsan naman ay nagpapatulong sa akin kapag masyado nang komplikado ang kailangan niyang gawin. Lihis lamang ng kaunti sa kanilang bahay ang aking computer shop kung kaya’t pati mga nakababata niyang kapatid ay sa akin din tumatakbo kapag may assignments o projects. Naging malapit na ako sa kanilang magkakapatid. Naimbita pa ako sa debut ni Janine. Marahil ay napilitan dahil sa akin sila nagpagawa ng invitations.
Kapag bakasyon ay medyo mahina ang negosyo at walang masyadong customers. Madalas ay nakatambay lamang ako sa harap ng shop at naninigarilyo. Minsan ay nakakakwentuhan ko ang mga nakatira sa paligid ng shop. Napansin ko na may isang binata na hindi ko kilala ang madalas na nakatambay sa tindahan na malapit kina Janine. Nakaupo sa upuang semento sa harap ng tindahan at madalas ay kausap ni Janine. May itsura naman ang binata at sa tingin ko ay kaedad lamang nya. Alam ko na may gusto si Janine sa binata dahil sa tingin niya rito. Nang magsimula na ang pasukan ay hindi ko na nakita ang binata. Pero si Janine ay naging madalas na muli sa shop ko. Kung hindi mga kapatid ay ang kaibigan niyang si Gela ang kanyang kasama.
Anim na units lamang ang computers ko sa shop dahil maliit lang naman ang aking pwesto. At nang oras na iyon ay okupado ang lahat. Ang dalawang units ay ginagamit nina Janine at Gela. First year college na ang dalawa. Minsan ay naghahagikgikan ang dalawa kaya naman na-curious ako sa ginagawa nila. May remote viewing tool ako sa lahat ng computers sa shop kaya kaya kong panoorin ang ginagawa ng…