Michelle: The Cuck, The Vixen And The Bull (6)

Warning: The following contains some scenes that are may not be into your liking. Once you get there and you feel uncomfortable and you find it offensive, I suggest that you should go back and read somebody else’s works.

*****

“Ha? Ano, Mahal? Tatlong linggo?”, pautal-utal na tanong ni Kim kay Michelle, nakayukong tumatango ang kanyang misis sa kanya bilang tugon sa tanong niya.“Mahal, paano? Bakit?! Paano ka mabubuntis gayong lagi naman kita pinaalalahanan na uminom nang mga pills?”, dagdag tanong ni Kim. Inis na inis ang asawang lalaki sa kaisipan na buntis ang kanyang minamahal na misis sa ibang lalaki, hindi mag-sink in sa kanyang utak ang pangyayari. “Yun na nga Mahal eh, ipinapakita ko lang sa’yo na iniinom ko ang mga tableta pero iniluluwa ko rin ‘pag nakatalikod ka na. ‘Di ko naman inaasahan na makakabuo pa ‘yung matandang ‘yon dahil ni-research ko na nahihirapan daw ang mga lalaking nasa edad 50 pataas ng mabisang mga tamod.”, paliwanag ni Michelle.“Kahit na, Mahal! Kahit na… Pinainom ko nga ‘yon sa’yo para makaiwas tayo sa ganito. ARRRGHHH…! Putangina!”, inis na sigaw ni Kim.

Lumabas si Kim sa kanilang kwarto, pabalibag na isinara ang pintuan dito na nakapagpa-gulat kay Michelle dahil ni minsa’y ‘di niya ito nakitang ganito kahit galit pa ang mister. Naiwang nakayukong humihikbi si Michelle at binabalikan ang kanyang mga nagawa sa nakaraan. Naisaisip rin naman niya na si Kim ang naging ugat nito dahil sa pantasyang ipakantot siya nito sa ibang lalaki, gayunpaman, hindi rin talaga niya maitatanggi na nagmalabis siya. Lumabas na rin siya sa kanilang kwarto at sinundan ang mister na si Kim sa ibaba. Pagkarating niya’y nakita niya si Kim na nag-iinom nang alak mag-isa sa kusina, nilapitan niya ito para patuloy na kausapin.

“M-Mahal, ano bang magiging plano natin ngayon?”, paunang-tanong ni Michelle. Bingi na sa pandinig ang mga tainga ni Kim, patuloy lang ito sa paglagok nang iniinom na alak.“Mahal, please… Tulungan mo naman ako. Hindi ko kaya itong mag-isa, Mahal…”, pakiusap nang misis.“Mahal, sana naman kasi eh iniisip mo ‘yung mga bagay na ginagawa mo. Ano nalang ang masasabi sa’yo nang mga kapitbahay nating nakakita’t nakapanood sa ating ginawa kanina? Na kawawa akong lalaki dahil nakita nilang hinahayaan lang kitang ipakantot sa iba? Ganoon ba ang gusto mo, Michelle?”, lumuluhang sabi ni Kim. Naaawang tinitingnan ni Michelle ang mister, tila ba’y parang piniga ang kanyang puso sa nakikita niya.“Ganito nalang ba’to, Mahal? Hindi mo nalang ba ako tutulungan?…”, pagbabasakali ni Michelle.“… Alalahanin mong ikaw ang naging puno’t dulo-“, ‘di na pinatapos ni Kim ang sinasabi nang misis niya.

“Kaya ano, Michelle? Kaya ba ikaw ay magpapabuntis? Ha?! Gano’n ba ‘yon?…”, pa-bulyaw na sumbat ni Kim. “… Oo, Michelle. Alam kong ako naging puno’t dulo ng lahat, alam kong kaya tayo umabot sa ganitong sitwasyon ay dahil sa putanginang pantasya ko na ipakantot ka sa iba. Alam ko lahat ‘yon! Alam ko lahat nang iyon, Mahal. ‘Di mo na kailangang ipamukha sa akin ‘yan dahil araw-araw ay lagi kong naiisip ‘yan.”, dagdag pang usal ni Kim sabay duro-duro pa sa kanyang sarili. “Lahat ng mga pang-aalipusta, pambababoy at panlalapastangan na ginawa nila lalo na ikaw ay hinahayaan ko lang ‘yon at pinapayagan ko lang kayong gawin ang lahat ng gusto niyo dahil sa isip ko, parte ‘yon ng pantasya ko. Pati pagkalalaki ko, ipinagsa-bahala ko nalang. Pero ito? Ang mabuntis ang aking misis? Kahit kailan ay ‘di ko ‘yan matatanggap. Sagad mo ‘yan sa puke mo, Michelle!”, sigaw pa nito tapos hawak sa kanyang ulo at naupong muli sa hapag at patuloy na lumuluha.

“Mas mabuti pa sigurong matulog nalang tayo Mahal, at ipagpatuloy nalang natin ‘tong pag-uusap natin ngayon bukas.”, wika ni Michelle sabay talikod at lakad pabalik sa kwarto ngunit, nakakailang hakbang palang siya’y nagsalita na naman muli si Kim.“Mahal kita, Michelle. Mahal na mahal na mahal kita, labis-labis itong nararamdaman ko para sa’yo. At ang sakit lang dahil dito sa kalibugan ko, ay mukhang masisira na yata ang pamilyang pinaghirapan nating buuin… Nagsisisi na ako, Mahal. Nagsisisi na akong ipakantot ka sa iba, pinagsisihan ko lahat ng ito. Ibabalita ko pa naman sana sa’yo na mas maganda na ang aking posisyon ngayon sa trabaho kesa dati.”, pag-amin nito. Agad-agad na dinaluhan ni Michelle ang mister at hinagkan ang ulo nito palapat sa kanyang dibdib, magkasabay nang umiiyak ang mag-asawa. “Patawad, Mahal. Patawad… Patawad sa lahat ng mga kasalanang nagawa ko sa’yo, lalong-lalo na ito. Alam kong ‘di mo’ko mapatawad nang basta-basta Mahal pero maghihintay ako hanggang sa ikaw na ang kusang magsabi sa akin na pinapatawad mo na ako.”, umiiyak na sabi ni Michelle.

Sandali lang ay inaya na ni Michelle si Kim na mahiga na sila sa kanilang kwarto dahil lasing na lasing na ito batay sa mga galawan nito. Kahit nahihirapan ang misis ay pinilit niyang akayin ang mister tungo sa higaan nila, at pagkarating nila dito’y inihiga na ni Michelle si Kim at pinagsilbihan, iniisip niyang makagaan man ito sa dinadalang pighati nito ngayon. Naghanda siya nang isang palanggang maligamgam na tubig at bimpo at pagkatapos ay inilublob na niya ang bimpo sa palanggana saka ipinahid-pahid ito sa katawan ng mister. Ilang beses niya itong inilulublob at ‘pinapahid sa katawan ng mister at matapos ay inilublob naman niya itong muli, tinupi saka inilagay sa noo ni Kim.

Humiga na rin si Michelle sa kanilang kama nang patagilid dahil hindi niya kayang matingnan at matitigan ang mister dahil sa kanyang kahayukang ginawa. Kinaumagahan ay maagang nagising si Michelle, una ito kaysa sa mister. Pagtingin niya sa kanilang orasan ay mag-aalas 4:45 A.M na pala. Nilingon niya si Kim at napansin niyang wala na sa noo nito ang bimpo at mukhang nagpalit ito nang damit. Bumangon na siya at inayos ang sarili, naghilamos saka nagsipilyo pagkatapos ay dumerecho na siya sa kusina upang ipagluto ang kanyang mister. Hinanda na niya ang kanyang mga kakailanganin saka siya naghiwa-hiwa nang mga sibuyas at bawang dahil plano niyang magluto nang sinangag at masabaw na gulay para sa mister.

Matapos niyang magluto at ihain ito sa kanilang mesa ay binalikan na niya sa kanilang kwarto ang natutulog pang mister. Hinagod-hagod niya ang buhok nito tapos ay hinalikan sa noo sakto namang nagising si Kim at tiningnan sa mata si Michelle. Ngumiti si Michelle kay Kim ngunit wala siyang natanggap na balik mula rito, derecho bangon agad ito at nagtungo sa banyo-kwarto nila upang makapag-hilamos at makapag-mumog. Alam ni Michelle na bingi pa ang mister niya sa kanya dahil sa nararamdaman nitong galit at selos sa ginawa niya, perp ‘di siya nawalan nang pag-asa at patuloy pa rin niyang sinusuyo ito.

“Mahal, mag-agahan na tayo. Nakapagluto na ako nang sinangag, tocino saka itlog, hindi ba’t paborito mo ang mga ito?”, aya niya rito pero parang wala man lang itong narinig at nagtimpla lang nang kape’t kumuha nang tinapay sa kanilang pridyeder saka tumungo sa labas ng kanilang bahay at doo’y nag-agahan. Nalungkot si Michelle dahil sa paraan ng pakikitungo ni Kim sa kanya ngayon pero wala siyang magagawa dahil siya naman ang may kasalanan nito. Pagkatapos mag-agahan ni Kim ay naligo na ito dahil sa may pasok pa ito sa trabaho. Pagtapos niya sa kanyang paghahanda ay pumanaog na si Kim at bago lumabas ay tinanong muna nito ang misis na si Michelle nang, Anong oras ka bang makakauwi mamaya, Michelle?”. “Ah… Mamaya, mga alas 5:00 P.M siguro nandito na ako. Bakit, Mahal?”, balik-tanong ng misis dito.“Tatanungin lang sana kita kung pwede mo bang mapapunta si Sir Roger dito sa bahay mamaya para mapag-usapan ang nangyaring ito.”, pakiusap ni Kim. “Uh-Ahh… S-Sige, Mahal. Ingat ka sa trabaho mo.”, pilit-sayang wika ni Michelle.“Sige, ikaw rin. Alis na’ko.”, pamamaalam ni Kim. Pagkaalis ni Kim ay agad na nagpadala nang mensahe si Michelle sa kay Roger na nagsasabing papuntahin ito sa kanilang bahay. Nagreply naman nang ‘OK’ ang matanda at matapos ay gumayak na si Michelle.

Abala si Kim sa kanyang ginagawa dagdag pa ang pagsu-supervise niya sa kanyang mga juniors para walang papalpak sa trabaho dahil alam nang lahat kung paano magalit ang kanilang mga amo lalong-lalo na ang pinakataas-taasan nila. Tinitingnan at sinusuri niya ang bawat reports na isinusumite ng mga juniors niya sa kanya. Sa pintuan ng kanyang silid ay may inilagay siyang,“Knock only when necessary, do not disturb”, sign para mabasa ito nang kanyang mga katrabaho. Nagtatakang nagulat ang lahat lalong-lalo na ang mga naging kaibigan ni Kim sa trabaho dahil ni-minsan ay ‘di nila nakita si Kim na ganito. Tutok na tutok ito sa kanyang trabaho. Sakto namang napadaan ang kanilang babaeng amo at nakita ang sign na nasa pintuan ni Kim, inikot nito ang paningin para matingnan ang reaksyon ng mga katrabaho ng lalaki at pati pala ang mga ito’y wala ring masabi sa iginagalaw ni Kim.

Tok! Tok! Tok!

“Come in, please.”, aya ni Kim nang hindi man lang tinitingnan ang taong nais pumasok.“I never knew that there was this ‘over-so-seriousness’ side of you, Mr. Abcede…”, bungad nang ginang. Agad na nagtaas nang tingin si Kim nang marinig niya ito at tumayo para daluhan ang babaeng amo.“I-I’m so sorry, Madame. Hindi ko alam na ikaw pala ang panauhin ko.”, pagpapaumanhin niya.“… It’s okay, Mr. Abcede. I’m just wondering why you’re so serious today. Look around, even your fellow workers and juniors are wondering why you’re acting like that. Is there something going on?”, tanong ng matandang babae. Ipinaling ni Kim ang kanyang paningin sa labas ng kanyang silid, gusto niya sanang iwasan ang mga ganito pero malas yata niya ngayon. Kukumbinsehin nalang niya ang matandang amo sa pamamagitan ng pagsagot nang makatotohanang kasinungalingan. “Wala naman po, Ma’am. Iniisip ko lang po kasing mas nararapat naman sigurong i-angat ko ang antas ng aking kakayahan para na rin matugunan ko ang inaasahan niyo sa akin, maging ang kinakailangan para dito sa trabaho ko, Madame. I just don’t really want to disappoint you.”, sagot niya rito na iniisip rin niyang sana’y tanggapin nito ang kanyang paliwanag.“Alright, I understand. I commend you for your dedication, Mr. Abcede.”, pagpapasalamat nito saka ito tumayo at lumabas nang kanyang silid. Napahinga nang malalim si Kim at napahawak sa kanyang mukha, nakita naman ito ng matandang amo ni Kim at alam nitong may dinadalang suliranin ang trabahador.

*****

Sa pagbabalik ni Michelle sa kanyang pinagtatrabahuan matapos ang isang linggong bakasyon mula sa inatas nang kanyang mga nakatataas ay pinalakpakan siya nang mga ito dahil sa kanyang nagawa. Ipinagpasalamat rin ito ni Michelle at matapos ito ay nagtungo na siya sa kanyang silid kasunod ang kanyang sekretaryang si Belinda.“Kumusta naman po ang bakasyon niyo, Ma’am Michelle? Nakapag-relax po ba kayo? Maganda po ba ang lugar na pinagbakasyunan-…”, hindi na natapos ang itinatanong ni Belinda nang sumabat agad si Michelle sa kanya.“Focus on your work, Miss Belinda. You are my secretary, hindi ka dapat nang-uungkat sa mga ginagawa ko nitong mga nakaraan.”, seryosong wika nito. “Sorry po, Ma’am. ‘Di na po mauulit.”, pagpapaumanhin nito. “Tell my assistant to report here in my office right now. I need to be updated about what happened these past weeks that I’m not around.”, utos niya.“Masusunod po, Ma’am.”, sabi ni Belinda saka ito lumabas at nagtungo sa opisina ng assistant manager.

Pagkalabas ni Belinda ay sakto namang dumating si Mr. Bolok-bolok sa silid niya dahil pinapatawag siya nang mga nakakataas na opisyal sa meeting room nila para makausap siya sandali. Hindi pa man siya nakalalabas ay dumating na si Belinda at ang kanyang assistant Manager, bumati ito sa kanilang general manager na si Mr. Bolok-bolok.“Ah… Ma’am Michelle, pinapatawag niyo raw po ako?”, tanong nito sa kanya.“Ah-Oo… Pero umupo ka nalang muna dyan dahil nais pa akong kausapin nang mga amo natin. Hintayin mo muna ako at babalik rin ako kaagad.”, wika ni Michelle. Lumabas na si Michelle, magkasabay nilang tinungo ni Mr. Bolok-bolok ang meeting room. “Hmmm… Ang seksi mo talaga, Ma’am Michelle. Mhmmm, at ang bango pa. Kung ako lang mister mo, ‘di na kita pagtatrabahuin dito. Sasabihin ko nalang sa’yong ako nalang ang trabahuin mo.”, malibog na pahayag nito sabay hipo pa sa pwetan ni Michelle, mabuti nalang ay abala ang lahat sa kanilang ginagawa kaya wala ring nakakita sa ginawa nang kanilang General Manager. Hindi na lingid sa kaalaman ni Michelle ang pagkahumaling sa kanya ng matanda, matagal na itong nagpaparamdam pero ayaw niya ito.“Oh? Talaga ba, Sir T? Bakit, ikaw ba, kaya mo pang trumabaho? Eh baka nga ‘di ka na tinatayuan eh, isalsal mo nalang ‘yang matanda ka. Magkasilbi pa ‘yang mga tamod mo sa kamay mo. At kung wala kang sasabihing maganda, tumahimik ka nalang.”, mahina niyang bigkas dito. Kita niya ang pagkunot nang noo nito, halatang nainis.

Tok! Tok! Tok!

“Come in!”, wika nang taong nasa loob. Hindi na nakapalag pa si Mr. Bolok-bolok sa sinabi ni Michelle at pumasok na sila. Kita nang misis ang mga panauhin na kaharap niya bago pa sila pumuntang Davao ni Belinda para ayusin ang nangyayari sa isa nilang tindahan.“Good morning, Madames/Sirs. Ipinapatawag niyo raw po ako?”, bating-bungad ni Kim sa kanila.“Ahh… Yes, Mrs. Abcede. We called you her right after our meeting because we would like to congratulate you for what you did. The store is back to normal and is gaining lots of attention from the consumers.”, wika nang CEO.“Thank you for trusting me, Madames/Sirs. All my efforts are for the success of this company.”, tugon niya dito. ‘Yun lang ang dahilan nang pagtawag sa kanya, ang batiin siya sa kanyang matagumpay na pagsalba sa isa nilang tindahan. Nag-bow si Michelle saka lumabas na at naglakad pabalik sa kanyang silid upang makausap ang assistant manager.

Nang makabalik ay sinabihan na niya ito na ilahad sa kanya ang mga nangyari dito sa kompanya, sa kung ano ang nangyayari sa kanilang departamento at kung may kapalpakan ba siyang nais malaman. Inilahad nga ito nang assistant manager at sa kanyang naririnig ay wala naman siyang dapat na ipangamba. Bigla namang nakaramdam si Michelle nang pananakit sa kanyang ulo at pagbaliktad nang kanyang sikmura na para bang masusuka siya.“Bel, kuhanan mo nga ako ng isang basong tubig dahil nahihilo ako.”, utos niya dito. Agad namang tumalima si Belinda at nagtungo sa isang water dispenser ngunit hindi paman siya nakakabalik ay nakarinig nalang siya nang pagsisigaw na humihingi nang tulong mula sa silid ni Michelle. Agad dinaluhan ng mga tao si Michelle, ang iba’y nagreport sa mga company officials at ang isa’y nagtawag na agad nang ambulansya. Nahimatay pala ang misis at dali-daling isinakay sa ambulansya pagkarating palang ng mga ito. Labis naman ang pag-aalalang nararamdaman ng mga taga-kompanya sa nangyari sa misis. Agad tinawagan ang pamilya ni Michelle upang ipaalam sa mga ito ang nangyari sa kanya.

Nang magising si Michelle, ay nasa tabi niya ang umiiyak na si Nathan. Nakaupo naman sa isang pahabang sofa chair ang mga magulang niya.“B-Baby?”, bungad niya sa mga ito dahilan para ito’y mapalingon sa kanyang pwesto. “M-Mommy! Huhuhuhu… Mommy!”, pa-hagulgol na wika ni Nathan sabay yakap sa kanya. “Kumusta ka na ngayon, anak? May masakit pa ba sa’yo?”, nag-aalalang tanong nang ina.“Ayos na ako, ‘Ma. Salamat sa pag-aalala. Ano ho bang sabi nang doktor?”, bawi niya rito.“Over-fatigue at stress daw ang sanhi niyan, anak. Wag mo naman kasing pagtuunan nang pansin ang trabaho mo palagi, magpahinga ka rin pa-minsan minsan dahil kailangan din ‘yan ng katawan natin.”, sermon ng niya. “Ah, anak, sa’n ba si Kim? Bakit wala siya rito ngayon?”, singit ng ama niya. “Nasa trabaho po siguro siya, ‘Pa. Wag na po kayong mag-alala, maayos na po talaga ako. Magpapahinga nalang muna po ako sa bahay. Text kasi nang ka-trabaho ko ay pinagpapahinga raw ako ng aming amo buong araw at sa pagbuti na raw ng aking kalagayan ako babalik.”, paliwanag niya.“Sige, hija. Gusto mo bang sa bahay ka nalang muna ngayon?”, suhestiyon ng ina.“Ahh, hindi na po ‘Ma. Sa bahay nalang po namin ako. Paalaga nalang po muna kay Nathan.”, pagtanggi niya. Baka kasi malaman nang mga magulang niya na may ‘di sila pagkaka-unawaan ni Kim ngayon.

Ilang oras lang ang hinintay nila nang dumating ang isang doktor kasama ang isang nars.“Good afternoon po, Dok.”, bati ni Michelle.“Good afternoon din sa’yo at sa inyo po, Madame/Sir.”, bati rin nito sa kanila.“So, maayos na po ba talaga ang anak namin, Dok? Pwede na po ba siyang makalabas ngayon din?”, tanong ng ina niya.“Katulad nga po ng sinabi ko kanina ay dahil lang po sa stress at over-fatigue kaya siya nahimatay kanina kaya pwede na po siyang umuwi ngayon din. Mabuti nalang po at wala namang gaanong naging pinsala sa batang nasa sinapupunan niya. Kaya misis, magpahinga ka rin po minsan at ‘wag mag-isip nang kung anu-anong nakakasama sa pagbubuntis mo.”, paliwanag nito. Nabigla naman ang mga magulang ni Michelle sa narinig, maging si Nathan. Inantay lang nilang makapag-paalam ang doktor at inusisa kaagad ang kanilang anak.

“Anak, anak… Tama ba ‘yung narinig namin sa Doktor? Buntis ka ba talaga?”, usisa ng ina. Hindi muna sumagot si Michelle at iniisip kung paano niya ito sagutin, ayaw niyang malaman nang mga ito na hindi si Kim ang ama ng kanyang dinadala ngayon. “Mommy! I’ll have a baby brother/sister po ba? Hihihi…”, inosente at malumanay na wika ng anak niya. Sa kanyang isipan ay umiiyak na siya sa nangyayari ngayon. Paano nalang kung malaman nila na ang batang dinadala niya ngayon ay bunga lamang ng kanilang kalibugan? Na hindi si Kim na inaasahan nilang nakabuntis sa kanya. Matatanggap pa kaya siya nang mga magulang niya? Ni Nathan? Litong-lito ang kanyang isip, nagsabi nalang siya na gusto na niyang umuwi upang makaiwas na sa paksang pinag-uusapan nila.

Ibinaba nang mga magulang ni Michelle ang misis sa tapat ng kanilang bahay. Niyakap niya ang kanyang ina saka nag-I love you sa kanyang ama tapos ay hinagkan naman niya ang kanilang anak. Gusto sanang umuwi na nito pero tumanggi ang misis at sinabing walang mag-aalaga sa dito dahil ‘di pa maganda ang kalagayan niya, wala na kasi si Marie sa bahay ng mga magulang niya dahil pinapunta na ito nang mga magulang niya sa ibang bansa para doon nalang tapusin ang pag-aaral at mamuhay. Nalungkot man ay naiintindihang pumayag nalang si Nathan. Nagba-bye na si Michelle sa lumalayong sasakyan ng magulang saka siya naglakad papasok sa kanilang bahay. Agad siyang naupo at nagpahinga, pagtingin niya sa orasan ay mag-aalas 3:00 P.M pa lang.

Pagtungtong nang alas 5:00 P.M ay nakauwi na si Kim, nagtataka siya dahil hindi pa niya nakikita ang lalaking inaasahan niyang makikita niya ngayon, si Sir Roger. Nakikita niyang tahimik na natutulog ang kanyang misis na ‘di niya aakalaing maglilihim sa kanya. Inayos niya ang pwesto ni Michelle saka ito kinumutan niya. Matapos ay nagsaing na siya at naghanda nang magiging hapunan nila, ilang sandali lang ay may nag-doorbell na sa kanilang tapat. Dumungaw siya sa isang bahaging may durungawan at tiningnan kung sino ang nandito at nakita niya ang taong hinihintay niya. Pinagbuksan niya ito saka pinapasok.“Tumuloy ka lang, Sir.”, aya ni Kim.“Sige, Kim. Ano bang mangyayari ngayon?”, takang tanong nito.“Ah, mas mabuting pumasok muna tayo saka natin pag-usapan ang tungkol sa bagay na ‘yan.”, sagot niya.

Pagkapasok nila’y tinungo muna ni Kim ang kanyang nilulutong ulam para ngayong gabi, pansin niyang malapit na itong maluto kaya hininaan na niya ang apoy at paglingon niya sa kanyang isinaing ay tinanggal na niya ito dahil luto na. Tinanong niya si Roger kung may gusto ba itong inumin, at sinagot naman siya nito na gusto raw niyang mag-juice kaya tinimplahan niya ito saka inilapag sa harap ng lalaki.“Ano bang kailangang mapag-usapan natin ngayon, Kim?”, paunang tanong ni Roger.“Wala naman, gusto lang kitang tanungin nang makatotohanan. Lalaki sa lalaki, sabi nga nila. Ayos lang ba sa’yo?”, hamon ni Kim.“Sige, walang problema. Ayos lang sa’kin, Kim.”, sagot naman nito.

“Hmm-‘kay, ilang buwan na ba simula nang ikaw ay hinahayaan kong kantutin mo si Michelle?”, unang tanong ni Kim. Napagisip-isip ni Roger sa kung saan patungo ‘tong itinatanong sa kanya ngayon ni Kim.“Mga ilang buwan na rin, Kim. Kaya alam nating may katagalan na rin. Bakit?”, sagot ni Roger.“At ano naman ang nararamdaman mo sa mga nakalipas na buwan nang magsama kayo?”, dagdag tanong ni Kim.“Alin ba ang tinutukoy mo, ang nararamdaman ko para sa asawa mo o ang nararamdaman ko sa nangyayari sa t’wing magkasama kami?”, ganting tanong ni Roger.“Basta, sagutin mo nalang ang tanong ko…”, kalma ngunit may bahid ng inis na pagkasabi nang mister.“Huuuh… Sige, kung ‘yan ang gusto mo. Sa mga panahong lumipas na kami ni Michelle ay magkasama, inaamin kong iba na ang nararamdaman ko para sa kanya. Ramdam ko sa aking kalooban na hindi na lang libog ang nararamdaman ko para sa asawa mo. Subalit, wala akong planong agawin siya sa’yo kaya ‘wag kang mag-alala, sa’yo pa rin ang misis mo.”, pahayag ni Roger.

Tumayo muna saglit si Kim at pinatay na ang kanyang niluluto saka binalikan ang kausap. Sakto namang pagbalik niya’y nagising na si Michelle at kausap na si Roger. “Salamat at pinaunlakan mo ang pag-aaya namin sa’yo, Roger.”, wika nang misis.“Walang anuman, Michelle. Basta para sa inyo.”, tugon naman nang lalaki.“Mabuti naman at gising na ang ating mahal na reyna, mas mapag-uusapan na natin ‘to nang madalian.”, singit ni Kim. Napabaling ang paningin nang dalawa sa kanya, subalit si Roger, ay nagtatakang nagulat sa pagtawag nang mister kay Michelle. Ngayon pa lang kasi niya narinig ito sa paraang pagtawag nito ngayon sa misis, tumingin pa siya sa misis ng lalaki na batay sa ekspresyon ng mukha nito ay parang naiintindihan nito ang inaasal nang mister. Umupo na si Kim paharap kay Michelle, bale nakapa-tatsulok ang kanilang pwesto sa pagkaka-upo.

“Ngayon, dahil kumpleto na tayong nandito, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Isang huling tanong nalang Sir Roger… Mahal mo ba ang aking asawa?”, derechahang tanong ni Kim sa lalaki. Hindi nakapagsalita agad si Roger, waring natigilan sa itinatanong nang mister.“A-Ano ba ang ibig mong sabihin, Kim?”, takang tanong nito.“Wala naman akong ibang ibig sabihin, nais ko lang malaman ang sagot mo.”, tugon ni Kim. Napatingin si Roger kay Michelle at napahinga nang malalim sabay bigkas nang,“Oo, Kim. Oo, Mahal ko na ang asawa mo. Ang misis mong ipinandalian mong aliw sa akin. Ngunit, katulad nga nang sabi ko kanina, kumalma ka lang dahil wala akong balak na agawin siya–“, hindi na natapos ni Roger ang kanyang sasabihin nang putulin ito ni Kim.“Dahil sa hindi mo siya aagawin sa’kin… Kaya ba binalak mo nalang siyang buntisin? Ha, gano’n ba ‘yon, Sir Roger?”, tanong nito habang mariing nakatingin sa lalaking kausap. Ramdam na ramdam na ni Michelle ang namumuong tensyon sa dalawa.“Mahal…”, pagpapakalma ni Michelle sa mister.

Gulong-gulo na ang isipan ni Kim para sa ‘magandang usapan’, wala na siyang ibang naririnig kun’di ang mga galit at poot na pumapalibot sa kanya’t bumubulong sa kanyang isipan. “Ngayon, ikaw naman ang tatanungin ko, Mahal.”, baling ni Kim sa misis niya. Napalulon nang sariling laway si Michelle, para bang batang pinapagalitan nang kanyang mga magulang.“Mahal, may nararamdaman ka na ba kay Sir Roger?”, napadilat si Michelle sa kanyang narinig.“Ano ba namang klaseng tanong ‘yan, Mahal? I-Ikaw lang ang lalaking mahal at mamahalin ko, wala nang iba pa. Kung sasabihin mong mahal ko na si Sir Roger ay nagkakamali ka dahil hanggang libog lang itong nararamdaman ko para sa kanya at mananatiling libog lamang.”, sagot nang misis.“Sigurado ka bang libog lamang ang nararamdaman mo para kay Sir Roger?”, paninigurado ni Kim na ginantihan naman ni Michelle nang pagtango.

Dahil sigurado na sina Michelle at Roger sa kanilang mga sagot at si Kim nama’y sigurado na rin sa kanyang mga tanong, napagpasyahan na niyang itanong ang kanyang huling naiisip. Ang tanong na makakapagsabi sa magiging daloy ng kanilang buhay mag-asawa. Huminga muna siya nang malalim saka nagbigkas, “Michelle, huling tanong… Kanino ka ba sasama kung sakali man…? Kung si Sir Roger ang pipiliin mo’y tapos na agad ang ating pagsasama, maging ang ating pagiging mag-asawa. Kung ako naman ang pipiliin mo’y handa ka bang tapusin na ang lahat nang ugnayan niyo ni Sir Roger at handa ka bang ipalaglag ang batang ngayo’y nasa iyong sinapupunan?”, walang pag-aalinlangang tanong ni Kim. Hindi inaasahan ni Michelle ang tanong na nanggagaling mismo sa bibig ng mister.“H-Hoy, Kim. ‘Di ko na gusto ‘yang asal ng bibig mo ah. Ano ba ‘yang mga itinatanong mo sa misis mo?”, sabat ni Roger. Hinawakan naman ni Michelle si Roger para pakalmahin ito.

Medyo nainis naman din si Kim sa inaasal ni Roger sa kanya, na para bang wala rin itong kamaliang ginagawa.“Yan lang ang tanging paraan na naiisip ko Michelle para mabuo pa ang ating pamilya. Kaya, binibigyan kita nang pagkakataon para isiping mabuti at makasagot sa tanong na iyan.”, wika ng mister. Takot na takot si Michelle sa inaasal ngayon ng kanyang mister, ramdam mo talaga ang poot at galit na nanggagaling sa kaibuturan ng kanyang sarili.“Kim, ilang beses ko ba kailangang sabihin at ipaintindi sa’yo na ‘di ko aagawin ‘yang si Michelle sa’yo? Ha? Ano ba ‘yang sinasabi mong “kung ikaw ang pipiliin niya’y kailangang ipalaglag niya ang batang nasa sinapupunan niya? Tangina, may buhay dyan Kim! Kung bunga man siya ng kalibugan, hindi lang sa’min ni Michelle ‘yan. Pati rin sa’yo. Dahil unang-una palang, pinairal mo na ang kalibugan mong ipakantot ang misis mo sa ibang lalaki. Nahihibang ka na ba? Ha?”, inis na bulyaw ni Roger kay Kim.

“Oo, nababaliw na ako! Putangina, baliw na baliw na ako kakaisip dito… Sa kung paano ko pa maibabalik ang pamilya ko dati, ang pagmamahal na nararamdaman ko sa asawa ko. Baliw na baliw na ako, Roger!”, pahagulgol na wika ni Kim. Damang-dama ni Roger ang pangambang nararamdaman ngayon ni Kim, at ganoon din si Michelle.“Parehas kaming nakagawa nang kasalanan, ngunit, hindi na namin ito kailangang dagdagan pa ng isa pang kasalanan para punan ang aming pagkakamali sa isa’t-isa. Dahil mas lalo lang kaming masasaktan ‘pag gano’n, siguro ito na yata ang tamang panahon para palayain namin ang isa’t-isa. Siguro hanggang dito nalang siguro ang aming pagmamahalan at pagsasama bilang mag-asawa.”, isip ni Michelle. Mariing iniisip ni Michelle ang kanyang pagpapasya dahil oras na mapagpasyahan na niya ito’y dapat panindigan rin niya ito. Ipinikit niya ang parehong mata niya saka huminga nang malalim at derechahang tiningnan ang mister.

“Nakapagpasya na’ko, Mahal… Nakapagpasya na ako sa pinagpapapilian mong pipiliin ko at heto na ang magiging pasya ko…”, panimulang wika ni Michelle. Naiiyak ang misis habang tinitingnan ang nakapalumbabang mister at umiiyak.“…Pinipili ko si Sir Roger, Mahal.”, napaangat naman ang mukha ni Kim at napatingin kay Michelle at nagtataka kung bakit hindi siya ang pinili nito.Si Roger ang pinili ko hindi dahil sa may nararamdaman na ako para sa kanya o dahil sa mas karapat-dapat siyang samahan kaysa sa’yo. Pinipili ko siya dahil gusto kong buhayin itong batang nasa sinapupunan ko. Gusto kong alagaan at saksihan ang paglaki niya… Oo, bunga lang ito nang ating mga kasalanan at kalibugan ngunit hindi sapat iyon para kitilin ko ang kanyang musmos pang buhay. Kaya Kim, sana’y maintindihan mo…”, patuloy na paliwanag ni Michelle. Tuluyan nang nabasag ang pag-asang pinanghahawakan ni Kim. Hindi rin naman inasahan ni Roger ang pasya ni Michelle, itinatanong nito sa sarili kung bakit ‘di nito piniling buuin ang pamilya nila.

“S-Sige, Mahal. Tinatanggap ko ang pasya mo. May dalawa lang akong pakiusap mula sa’yo bago tayo maghiwalay. Una, pwede bang dumito muna ako ng isang linggo?…”, pagbabasakali ni Kim. “Sige, walang problema. Bahay naman nating dalawa ito kaya pwedeng-pwede mong gawin ang lahat na gusto mo. Oh, ano naman ba ‘yung pangalawa mong pinapakiusap sa akin?”, tanong ni Michelle.“Ah, ‘yon ba? Ehem… Gusto ko sanang pangatawanan mo ang ipinasya mo. Na pinipili mo si Sir Roger hindi dahil sa may pagmamahal ka na sa kanya kun’di dahil sa gusto mong pangalagaan ang bata. Kaya sana, ‘wag mong ipalit si Sir Roger kapalit sa’kin.”, pakiusap ni Kim sa misis sa harapan ni Roger. Napatango-tango si Michelle bilang pagsang-ayon sa pahayag ng mister.

*****

Kinabukasan ay maagang nagising si Kim, agad siyang naghanda nang kanyang agahan at babaunin. Magkasama pa rin sila sa iisang buhay pero magkahiwalay na sila nang tinutulugan. Pagkatapos kumain at makapag-ayos sa sarili ay lumarga na si Kim patungo sa kanyang pinagtatrabahuan. Saglit lang ay nagising na rin si Michelle, nagulat siya nang may nakita na siyang pagkain sa hapag na tinakluban. May sulat pa ito sa tabi,“Good morning! Nilutuan na kita dahil alam kong matagal kang gumising. Magpakabusog ka ha?”, basa niya. Napangiti si Michelle sa inakto ni Kim, maalagain pa rin ito kahit na hiwalay na sila.

Tutok na tutok si Kim sa kanyang trabaho tulad nitong mga nakaraang araw. Mas pinagbubutihan pa nito ang nakasanayang ginagawa kesa dati, bunga siguro ito nang naging usapan nila ni Michelle at Roger kagabi. Iniisip na rin niyang sa pagtatapos ng linggong ito ay aalis na siya dito sa kanyang pinagtatrabahuan kasabay nang pag-alis niya sa kanilang bahay ng misis niya at pagkatapos nilang magpaalam dalawa sa mga magulang ni Michelle.“Siguro’y babalik na lang ako nang Cebu at doon nalang manirahan kahit mag-isa lang ako.”, isip ni Kim. Napag-usapan na rin nang dalawa ang tungkol sa kanilang anak na si Nathan,“Huwag kang mag-alala, Michelle. ‘Di kita pababayaan kay Nathan, patuloy ko pa rin siyang susuportahan, kayong dalawa kahit ‘di na tayo magkasama.”, sabi niya sa dating misis. Ang natitira nalang nila ngayong iniisip ay kung paano ito ibabalita sa mga magulang ni Michelle at sa kanilang anak na si Nathan.

Sa mga sumunod na araw ay pinag-uusapan na nilang dalawa kung ano na ang mangyayari sa mga bagay-bagay ngayong magkahiwalay na sila. Ang kanilang mga naipundar tulad nalang ng bahay nila na “conjugal property” at iba pa nilang “personal property” ay pinagusapan nila nang maayos. Sinabi ni Michelle na kung ayaw tumira rito ni Kim ay mas mabuting ibenta nalang nila ito ngunit, sumalungat sa ideya ang mister. “Bakit mo naman ibebenta ito, Michelle? Wala nabang titira rito? Aalis ka ba?”, tanong ni Kim. “Do’n muna ako sa isang condo na nabili ko mamalagi dahil nga sa nangyari sa atin. Wala rin namang bibisita pa dito o ano kaya bakit ‘di nalang natin ibenta?”, paliwanag nang misis.“Kung wala mang bibisita o mamamalagi rito sa bahay eh mas mabuting ibigay nalang natin kay Nathan ito para ‘di na niya iisipin ang kanyang titirhan paglaki niya.”, ‘hayag ni Kim. Sumang-ayon naman si Michelle sa pahayag na ito.

Sa huling araw ni Kim sa kanilang bahay bago lumisan ay tinatahak na nila ngayon ang daanan patungo sa bahay ng mga magulang ni Michelle na kung saan namamalagi ang kanilang anak.“Let’s just pretend that we’re still together, Michelle. Hangga’t kaharap natin ang anak natin, magpanggap lang tayong magkasama pa rin tayong dalawa.”, usal ni Kim habang nagmamaneho.“Okay, Mahal.”, sagot ni Michelle. Ilang minuto lang ay nakarating na rin sila sa isang subdibisyon kung saan nakatira ang mga magulang ni Michelle. Pinagbuksan rin naman sila agad ng isang babae na ngayon lang nila nakita,“Hello po, Ma’am/Sir. Sino po sila?”, nakangiti nitong pagtatanong.“Ahh– Pamilya kami ng mga nakatira rito, hetong kasama ko, anak nila. Pwede ba kaming pumasok?”.“Ah, sige po! Sige po! Tuloy po kayo. Pasensya na po kung napaghintay ko kayo, bago lang kasi ako dito.”, pagpapaumanhin nito.“Ayos lang, ‘wag kang mag-alala.”, tugon ni Kim saka na sila pumasok ni Michelle nang magkahawak-kamay.

Pagkapasok nila’y nakita nila si Nathan na masayang nakikipag-laro sa pang bata na siguro’y ka-edad lang nito. Paglingon nito sa kanilang gawi ay agad nagningning ang mga mata nito nang makita silang mag-asawa. “Mommy! Daddy!…”, hiyaw nito at patakbong lumapit sa kanilang dalawa at hinagkan siya nito. Sakto rin namang lumabas ang mga magulang ni Michelle galing sa dining part ng bahay.“Hi, ‘Ma! Hi, ‘Pa!”, bati nilang dalawa sa mga ito. Nilapitan naman sila nito at nagyakapan saka nagmano bilang paggalang.“Naparito kayo mga anak?”, tanong ng ina ni Michelle.“Bibisitahin lang po namin si Nathan, ‘Ma, ‘Pa. Matagal-tagal na rin po kasi naming ‘di nakasama ang anak namin.”, ‘hayag ni Michelle.

Nagka-kumustahan muna ang mag-pamilya sa kung ano na ang nangyayari sa kani-k…