Millenial Romance Part 1

Hi mga ka FSS. Share ko lang ang pantasya ko nung high school. Pawang kathang isip lamang po ito. If ever may kapareho po itong sitwasyon, pangalan at luhar ay hindi po ito sinasadya at nagkataon po lamang. Gawa lang po ito ng aking malikot na imahinasyon.

Para sa mga Class 2000 nung high school aka Gen X and Millenials siguradong makaka relate kayo dito. Enjoy mga batchmates!

Heads up para sa mga readers. Wala pong masyadong sex scene dito.

Enjoy reading.

Hi! I am Andrew Chan, an optometrist by profession.

I wanted to share my love story. I had a huge crush on our class valdeictorian. Her name is Joanne Lim. Both of us are 16 years old that time. I was studying at a well known chinese school in downtown Manila that time and 4th year high school ako. Average student lang ako at hindi naman palakol ang grades ko though my mom would always push me.

Patapos na ang summer vacation and syempre kinausap na ako ng nanay ko.

Mom: Alam ko Andrew na matalino ka. Push mo pa yan. Especially La Salle pa ang goal mo.

Me: Yes Mom.

Hindi naman palakol grades ko. Ang average ko nung 3rd year high school is nasa 84 which was mataas nung time na yun. Nahilig kasi ako sa basketball after class. Gusto ko sanang sumali sa varsity pero mahap ang basketball shoes. Nasa 5,000 pesos yung mid range that time which was Nike Air Uptempo. Inggit ako sa mga kaklase akong naka Nike Air Jordan, Nike Air Penny, Nike Pippen, and Adidas Kobe na top of the line basketball shoes that time. Meron namang mura ma tig 2,500 pero hindi kumportable sa paa and mabilis mapudpod ang swelas. Sinubukan kong humirit ng Fila GH4 sa tatay ko pero nagalit sa akin. My mom pacified it immediately.

Mom: Anak hindi naman sa ayaw namin ng daddy mo. At your age kasi lumalaki pa ang paa mo. Pag binilihan ka namin ngayon masasayang lang. Pero I promise you na bibilhan kita pag naka graduate ka ng college.

Me: Thanks mom.

Hand me down mga sneakers ko that time. Pati school shoes either from my brother or from my rich cousins. Nakachamba ako ng bagong Dr Martens na school shoes bago ako mag 3rd year high school. Nakamali ng bili yung kapatid ng nanay ko kaya binenta at a good price.

I would say na close ako sa nanay ko. Open minded and sensitive siya. She was always at my side. She was also best friend and I told her about my crush. Open minded kasi siya unlike my dad. My mom looks like Charlene Gonzales, tall, tisay, maganda ang korte ng katawan and people would be shock na may anak na siyang adult and teenager.

Ewan ko nga kung pano napasagot ni Dad si Mommy. Pang beauty queen ang nanay ko samantalang ang tatay ko papasang kontrabida-rapist sa mga pelikula. Para siyang pinaghalong John Regala at Dick Israel na minsan nang binansagang “The best rapists in town”. Duda ko nga baka ginapos niya anh nanay ko at ginalaw gabi gabi at nabuntis niya kaya nagpakasal. Exact opposite kasi sila.

Kay mommy lang din ako nakakapag open ng topic about my crush. Pag tatay ko kasi yan panigurado sasabihin nun “Babae lang yan! Pag may pera ka kahit sinong babae makukuha mo! Kahit si Miriam Quiambao bubukaka sa harap mo pag may pera ka!”. Reigning beauty queen that time si Miriam Quiambao.

Kinikilig ang nanay ko kapag nagkwekwento ako about my crush. Sa kanya lang ako nakapag open up tungkol sa crush ko.

Mom: Alam mo normal lang yan. Pero wag mo sana papabayaan ang pag aaral mo.

Me: Yes Mom.

Mom: Kelan ko ba siya makikilala?

Me: Didiskarte pa lang ako mommy.

Mom: studies mo ha. Ok magka crush ka pero seryosohin mo din pag aaral mo.

Me: Yes mommy.

Sorry for theala nobelang intro. Kwento ko na ang crush ko. Her name is Joanne Lim. She was tall at 5’6″, tisay, sakto ang proportion ng kanyang katawan at kahawig niya si Alodia Gosiengfiao. She was a campus beauty queen and crush ng bayan. Long legged, mala anghel ang mukha, bra length straight hair and nasa honor list.

Mayaman, matalino, maganda at maraming nagkaka crush sa kanya. Isa na ako sa nagka crush sa kanya. Di maiiwasang kanchawan ako ng mga barkadang mga kapwa school punk na sila Elvin Ching, Lester Po at ang kambal na sila Marvin and Melvin Ngo. Hindi nga lang pang valedictorian ang grades ko pero hindi naman palakol. Average student lang ako na ang average ko pero minsan nakaka chamba din naman ako ng 90-100.

Marvin: Andrew ang taas naman ng pangarap mo! Si Joanne?????

Elvin: eh average student lang tayo.

Me: bakit naman? First day of school pa lang naman ah!

Marvin: well you can try pero imagine mo Andrew valedictorian siya from pre school to high school.

Lester: Oo nga! Tsaka kahit humabol ka ngayon eh mahihirapan ka unless puro 100 na ang grades mo.

Me: Kakayanin ko yan.

Elvin: Sige! Pag mataas ang grades mo hanggang matapos ang school year sasabihin ko sa mommy ko na mag buffet tayo sa 5 star hotel.

Me: Game!

Barkadas: Teka! Sama kami dyan syempre! Hahaha

Melvin: Tsaka papansinin ka ba niya? Andrew ayokong panghinaan ka ng loob pero mayaman siya ha. Hatid sundo ng dalawang Land Cruiser o Expedition tsaka nakatira sa New Manila.

Marvin: Oo nga. Nakita mo ba ang relos niya? Yung bagong labas na Tag Heuer Alter Ego. Tapos naka Nokia 6150.

Me: Bakit naman? Siya naman ang liligawan ko hindi naman ang pera at kayamanan ng pamilya niya.

Elvin: Kung sabagay mabait naman si Joanne. Hindi siya matapobre.

Melvin: Subukan mo. Sana lang di ka masupalpal! Hahaha

Na challenge ako kay Joanne and sinubukan kong magpa cute sa kanya that day. Di maiiwasang masupalpal ako.

Joanne: Naku Andrew! Tigil tigilan mo nga ako!

OMG! SUPALPAL AKO AGAD! Didiskarte pa lang ako basted na agad. Joanne was a staight A student. Valedictorian from pre school hanggang high school. Walang paltos na classmate ko siya from 1st year to 4th year high school. Sabay nandun pa ang mga barkada niyang sila:

-Joyce na kahawig si Barbie Imperial

-Paula na kahawig si Kim Chiu

-Nathalie na kahawig si Heart Evangelista.

Me: Ang mean mo naman masyado sa akin. Mag gra-graduate na tayo ang taray mo pa rin.

Joanne: HAHA! Ikaw? Gra-graduate??? Nagpapatawa ka kahit di ka naman kalbo!

Me: Grabe ka naman! Hindi lang tayo mag kasing talino pero di naman palakol grades ko ah.

Joanne: Malapit pa lang. Malapit ka nang malaglag sa millenium batch. Malapit ka nang mapunta sa Batch 2001 lalo na kapag hindi mo ako titigilan.

Me: Papasa ako. 100% ako dyan. Sabay tayong mag mamarcha with toga.

Joanne: ASA!

Me: Sabay tayong mag mamarcha sa stage. Sigurado ako dyan hahaha.

Joanne:Sige! Ganito na lang. Pag napantayan mo mga grades ko. BAKA! BAKA lang ha! payagan kitang ligawan mo ako.

Me: Deal! Yun lang pala eh.

Joanne: Tindi ng self confidence mo ha. Tignan natin kung makapasa ka sa mga quizzes natin sa Physics, Trigonometry and Calculus. Lakas pa ng loob mo ha! Civil Engineering??? Baka naman bumagsak lahat ng mga bahay, building at infrastructures na itatayo mo!

Me: Grabe ka naman makapang lait.

I would say na nanliit ako sa sarili ko that time dahil sa mga binitawang salita ni Joanne. I can’t imagine na ang isang mala anghel na mukha ay may pagka demonya din pala.

Joanne: ano kaya magiging grades mo sa mga quizes natin? Pass by awa?

Me: Bakit? First day pa lang naman ng school year. May pag asa pa ako.

Joanne: Tignan natin kung hanggang saan ka dadalhin ng yabang mo!

That day that time at biglang nagpakilala si Dra. Hilda Tiu. Ang aming homeroom adviser and physica teacher. She looks like Eula Valdez, super taray and strikto. She was 30 years old and single pa. Wala nang ginawa sa buhay kung hindi mag aral. Siya ma ang pinaka batang kilala kong may PHD degree.

Dra Tiu: Good Morning Class! I am your homeroom adviser and also your physics teacher!

Tahimik ang class that time.

Dra Tiu: I will be rigid on your class in preparation for your college. Walang palakasan dito! Kahit sino pang pontio pilato ang mga magulang ninyo! Lalo na ikaw Mr Chan! Sana naman hindi na kamote ang grades mo!

Di maiiwasang kanchawan ako ng mga ka klase ko. Naging Geometry teacher ko siya nung 3rd year. Physics major talaga siya pero since nagkulang ang geometry teacher siya muna ang nag substitute.

Nung recess time pinapasimplehan ko si Joanne pero sinusupla din agad ako ng mga barkada niya.

Paula: Manliligaw ka??? Baka naman gusto mo lang magpalibre kay Joanne!

Joyce: Oo nga! Ligaw ligaw ka wala ka namang pera!

Nathalie: ano ipapakain mo kay Joanne? Buhangin at cemento? Hahaha

Joyce: Gusto mo lang makasakay sa Expedition ni Joanne eh!

Nathalie: Ambisyoso! Namimingwit ng matabang isda! Typical Squatter! Hahaha

Napahiya ako that time na parang hinubaran ako sa harap nang maraming tao. Agad silang sinuway ni Joanne.

Joyce: Bahala ka dyan Joanne. Mauna na kami at baka maubusan na kami ng pwesto sa canteen. Sumunod ka na lang.

Paula: naku wag kang mahpapabola dyan! Mahpapalibre lang yan sa iyo!

Me: Grabe naman kayo. Oo hindi ako mayaman tulad ninyo pero never naman ako nanghingi kahit kanino.

Joyce: Whatever!

Nang maka alis ang mga barkada niya ay agad na humingi ng dispensa si Joanne. Halos maiyak na ako sa mga insultong inabot ko that time.

Joanne: Andrew pasensya ka na sa kanila ha. Ako na ang humihingi ng dispensa sa mga sinabi nila.

Me: Ok lang yun.

Joanne: Sige mauna na ako.

Days has passed then one day ay maaga ako sa school. Saktong dalawa pa lang kami ni Joanne sa classroom.

Me: Good Morning Joanne.

Joanne: Good morning. Handa ka na ba sa mga long quizes natin?

Me: Oo naman. Nagsunog na ako ng kilay kagabi. Buti nga nagising pa ako ng maaga.

Joanne: Good luck!

Hanggang saan kaya ako dadalhin ng yabang ko???

Abangan……