Millenial Romance Part 2

That time nag take na kami ng long quiz. First is physics, then trigonometry tapos calculus. I would say pinagpawisan ako dahil first time na hindi blanko ang test paper ko. Sana nga lang tama ang lahat.

The next day ay nagbigay ng test paper sa Physics and the usual perfect ang score ni Joanne. Nabigay na lahat ng test papers at ako na lang ang walang test paper. I was questioned by Dra. Tiu.

Me: Maam bakit wala po akong test paper?

Dra Tiu: You need to retake the long quiz!

Me: ha? Bakit po?

Dra Tiu: I’m sure that you cheated! Pano ka nakakuha ng 95%???? Pumangalawa ka kay Joanne who got 100%.

Me: Maam alphabetical po ang arrangement ng seat. Nasa harap ninyo ako. Pano ako mangongopya???

Vince: Maam nangopya talaga yan! Iskwater yan! Hahaha

Classmate: Oo nga! ITLOG TALAGA DAPAT GRADES NIYAN! HAHAHA

Classmate 2: tsaka pano makaka 95% ang isang iskwater! Kaya siguradong walang gagawing mabuti yan! Hahaha

Vince: Basta iskwater masamang tao! Hahaha

I would say na halos maiyak ako that time. Parang hinubaran ako sa harap ng mga classmates ko. Iskwater ang tawag ni Vince sa mga nangungupahan at walang sariling bahay. Dito tumayo na si Joanne.

Joanne: Grabe naman kayo mang husga!!!! Porket nangungupahan iskwater na????? Porket mas mayaman kayo sa kanya masamang tao na siya???? May ebidensya ba kayong nangopya siya????? That is a serious allegation at pwede kayong ma suspend ng 1 week based sa student handbook natin.

Vince: Wow! Feeling attorney! Or shall I say ABOGAGA! Hahaha

Joanne: HINDI MO AKO TITIGILAN!!!!????

Galit na tanong ni Joanne sabay bato ng notebook kay Vince.

Joanne: Oo nga mga mayayaman kayo pero ang sasama naman ng ugali ninyo!!!!!

Vince: Well bagay naman ang Abogaga Joanne Lim-Chan! Hahaha

Joanne: HINDI MO BA TALAGA AKO TITIGILAN!!!

Pasugod na si Joanne pero agad pumagitna si Dra Tiu.

Dra Tiu: JOANNE! STOP IT! Kababae mong tao nanunugud ka! Magkilos babae ka naman!

Joanne: Sorry po Maam.

Dra Tiu: Sayang naman yang ganda mo kung ugaling kanto ka naman!

Joanne: Sorry po Maam.

Alam kong masama ang loob ni Vince since he only got 90%.

After class ay pina stay ako sa classroom ni Dra Tiu. I have to retake the exam and I got a perfect score. Wala na siyang masabi dahil bantay sarado na siya. Maya maya pati calculus and trigonometry teacher ko ay pinag initan din ako.

Si Ms. Dina Panganiban, my trigonometry teacher na kahawig si Sunshine Cruz. Maya maya ay nakisawsaw din si Ms Olivia Fajardo, my neophyte calculus teacher na kahawig si Ms Toni Gonzaga. Mabait si Ms Fajardo at pinagsabihan niya si Dra. Tiu and Ms. Panganiban.

Ms Panganiban: Andrew mag retake ka ngayon sa harap ko. I have a doubt on your grades.

Me: Grabe naman po kayo Maam. Nag aral naman ako ah.

Ms Fajardo: ah Andrew wala namang masama kung kukuha ka ulit ng test. Mahahasa pa ang memory mo.

Pina retake nila ako and this time syempre pinilit ko nang makakuha ng 100.

Dra Tiu: ABA! ABA! ABA! Lakas mong makachamba ah!

Me: Maam pinagtratrabahuhan po yan. Hindi po ako m…