Millenial Romance Part 2

That time nag take na kami ng long quiz. First is physics, then trigonometry tapos calculus. I would say pinagpawisan ako dahil first time na hindi blanko ang test paper ko. Sana nga lang tama ang lahat.

The next day ay nagbigay ng test paper sa Physics and the usual perfect ang score ni Joanne. Nabigay na lahat ng test papers at ako na lang ang walang test paper. I was questioned by Dra. Tiu.

Me: Maam bakit wala po akong test paper?

Dra Tiu: You need to retake the long quiz!

Me: ha? Bakit po?

Dra Tiu: I’m sure that you cheated! Pano ka nakakuha ng 95%???? Pumangalawa ka kay Joanne who got 100%.

Me: Maam alphabetical po ang arrangement ng seat. Nasa harap ninyo ako. Pano ako mangongopya???

Vince: Maam nangopya talaga yan! Iskwater yan! Hahaha

Classmate: Oo nga! ITLOG TALAGA DAPAT GRADES NIYAN! HAHAHA

Classmate 2: tsaka pano makaka 95% ang isang iskwater! Kaya siguradong walang gagawing mabuti yan! Hahaha

Vince: Basta iskwater masamang tao! Hahaha

I would say na halos maiyak ako that time. Parang hinubaran ako sa harap ng mga classmates ko. Iskwater ang tawag ni Vince sa mga nangungupahan at walang sariling bahay. Dito tumayo na si Joanne.

Joanne: Grabe naman kayo mang husga!!!! Porket nangungupahan iskwater na????? Porket mas mayaman kayo sa kanya masamang tao na siya???? May ebidensya ba kayong nangopya siya????? That is a serious allegation at pwede kayong ma suspend ng 1 week based sa student handbook natin.

Vince: Wow! Feeling attorney! Or shall I say ABOGAGA! Hahaha

Joanne: HINDI MO AKO TITIGILAN!!!!????

Galit na tanong ni Joanne sabay bato ng notebook kay Vince.

Joanne: Oo nga mga mayayaman kayo pero ang sasama naman ng ugali ninyo!!!!!

Vince: Well bagay naman ang Abogaga Joanne Lim-Chan! Hahaha

Joanne: HINDI MO BA TALAGA AKO TITIGILAN!!!

Pasugod na si Joanne pero agad pumagitna si Dra Tiu.

Dra Tiu: JOANNE! STOP IT! Kababae mong tao nanunugud ka! Magkilos babae ka naman!

Joanne: Sorry po Maam.

Dra Tiu: Sayang naman yang ganda mo kung ugaling kanto ka naman!

Joanne: Sorry po Maam.

Alam kong masama ang loob ni Vince since he only got 90%.

After class ay pina stay ako sa classroom ni Dra Tiu. I have to retake the exam and I got a perfect score. Wala na siyang masabi dahil bantay sarado na siya. Maya maya pati calculus and trigonometry teacher ko ay pinag initan din ako.

Si Ms. Dina Panganiban, my trigonometry teacher na kahawig si Sunshine Cruz. Maya maya ay nakisawsaw din si Ms Olivia Fajardo, my neophyte calculus teacher na kahawig si Ms Toni Gonzaga. Mabait si Ms Fajardo at pinagsabihan niya si Dra. Tiu and Ms. Panganiban.

Ms Panganiban: Andrew mag retake ka ngayon sa harap ko. I have a doubt on your grades.

Me: Grabe naman po kayo Maam. Nag aral naman ako ah.

Ms Fajardo: ah Andrew wala namang masama kung kukuha ka ulit ng test. Mahahasa pa ang memory mo.

Pina retake nila ako and this time syempre pinilit ko nang makakuha ng 100.

Dra Tiu: ABA! ABA! ABA! Lakas mong makachamba ah!

Me: Maam pinagtratrabahuhan po yan. Hindi po ako marunong umasa sa chamba.

I would say na napahiya ko si Dra Tiu.

Ms Fajardo: Good Job Andrew. Keep it up.

Me: Thank You Maam.

Di mapakali si Dra Tiu that time at panay ang paghahanap ng ebisensya.

Me: Wala kang mahahanap na kodigo Maam. Kasi wala naman akong kodigo. Masyado ka kasing favoritism eh. Basta may regalo sa iyo tuwing pasko paborito mo.

Dra. Tiu: ABA’Y LOKO LANG BATA KA AH!

Susugurin ako ni Dra. Tiu at na pumagitna si Ms Fajardo and Ms Panganiban. Nung time namin our parents give green lights to our teachers to do corporal punishment on their students. Unlike ngayon na susugod ang parents kapag napagbuhatan ng kamay ang mga anak nila.

Me: Bakit? Masakit ba Doktora? Totoo naman diba? Pati ikaw Ms Panganiban. Masyado kayong favoritism!

Ms Panganiban: ABA’Y TARABTADO KANG BATA KA AH!

Susugurin din ako ni Ms. Panganiban at agad din siyang pinigilan ni Ms. Fajardo.

Ms Fajardo: Andrew please leave.

Me: Mga Maam “THE TRUTH HURTS!”. Hindi nyo lang matanggap na natalo ko si Vince! Kasi taon taon may regalo kayo!

Sabay walk out ako sa kanila.

Para sa mga Gen Z ganun kami mag real talk sa mga teachers. Harapan at hindi dinadaan sa social media.

The next day ay maaga ako sa school. Muli kaming nagkita ni Joanne.

Joanne: O kumusta naman retake mo?

Me: Syempre 100%.

Sabay pinakita ko sa kanya ang mga testpapers ko.

Joanne: Legal ba ito? Baka nangopya ka ha.

Me: Pano ko gagawin yun eh nakabantay silang tatlo sa harap ko. Pwede na ba ako manligaw? Hahaha

Joanne: Daya! Inulit mo naman! Hahaha

Me: After exam kaya panay duda pa rin sila Dra Tiu at Ms Panganiban.

Joanne: Hayaan mo na yun. Syempre natalo mo ang paborito nilang student.

Me: Jo thanks for defending me.

Joanne: Naku! Wala yun. Basta mag aral ka ng mabuti nang sabay tayo mag graduate.

Me: Bati na tayo?

Joanne: Sige na nga! Hahaha

Me: Pwede na ba akong manligaw?

Joanne: Ok. Pero hindi kita type.

Me: Huh?

Joanne: Sinabi ko na papayagan kitang manligaw. Pero wala naman akong sinabing sasagutin kita.

Me: Sakit naman nun. Basted agad ako.

Joanne: Well tapatan mo ulit grades ko. Baka! Baka lang ha. Payagan ulit kita. Walang re-take ha. Hahaha

Me: Sabihin mo yan kila Ms Panganiban and Dra. Tiu. Hahaha

She smiled at me.

Me: baka nga paginitan ako ngayon nung dalawang yun eh.

Joanne: Bakit naman?

Me: nasagot ko sila kahapon eh. After kong mag retake ng exam.

Joanne: LOKO KA TALAGA!

Me: Imagine naghahalughog pa siya ng ebidendya na nagkodigo ako. Nahiritan ko tuloy na masyado siyang favoritism.

Joanne: LOKO LOKO KA TALAGA! Hindi mo na dapat pinatulan. Pasok sa kaliwang tenga labas sa kanan.

Me: Ayoko nga sana pero napuno lang ako. Joanne inaamin ko na hindi mayaman ang pamilya ko. But I never took advantage of anyone.

Joanne: Alam ko naman yun. Halika mag aral na tayo at baka unli recitation ka ngayon.

Uubra kayaang yabang ko?

Itutuloy….