Millenial Romance Part 4

Sinamahan ako ni Joanne sa bahay namin and naka abang na amg tatay ko sa labas na salubong ang kilay. Nasa labas din si Mommy na pinapa kalma ang tatay ko.

Me: Daddy, Mommy si Joanne po. Classmate ko. Joanne parents ko.

Joanne: Hello po.

Mommy: Hi iha.

Tumango lang si Dad.

Joanne: Tito, Tita sinamahan ko po si Andrew. Gusto ko lang pong sabihin na walang kasalanan si Andrew. Nauna pong nanakit si Vince. Pinag tanggol pang po niya ang sarili niya.

Mom: Ok Iha. Sige Iha umuwi ka na’t baka hinahanap ka na ng mga magulang mp.

Joanne: Sige po Tita. Andrew mauna na ako ha. Nice meeting you po Tito, Tita.

Mommy: Ok iha, mag iingat ka ha.

Nang makalayo si Joanne ay pumasok na ako sabahay at agad na akong binulyawan ng tatay ko sabay tulak papuntang sofa.

Daddy: TARANTADO KANG LALAKE KA! ANO BA GUSTO MO MANGYARI!

Pinigilan siya ni Mommy that time.

Daddy: PURO SARILI MO LANG ANG INIISIP MO! LINTIK NA BABAENG YAN! GALINGAN MONG GUMAWA NG PERA PARA MAKUHA MO LAHAT NG BABAENG GUSTO MO!

Me: Bakit daddy? Pinagtanggol ko lang naman sarili ko ah!

Daddy: Aba’y tarandadong to sasagot ka pa!

Me: Bakit? Ibig mo bang sabihin dad magpagulpi ako kay Vince araw araw? Daddy nagbabayad tayo ng renta sa kanya pero kung tratuhin niya tayo iskwater. Iskwater nga tawag niya sa atin! Dad! Magpakatatay ka naman o!

Dad: TARANTADO KANG BATA KA AH!

Mom: Alfredo! Narinig mo na sa mismong classmate ni Andrew na wala siyang kasalanan! Alfredo! Pakinggan mo naman ang anak mo!

Pinalabas muna ako no Mommy para mapalamig ang tensyon namin ni Dad. Nang lumamig na ang issue ay pinabalik na ako ni Mommy pero masama ang tingin nilang lahat sa akin except for her.

The next day wala akong breakfast. Nilamon ng mga kapatid ko at hindi ako tinirahan. Grabe sa pagkaswapang. Papasok akong gutom.

During our English class pinarecite ako ng teacher ko then nawalan ako nang malay. Agad akong sinugod sa clinic at agad ding dumating nanay ko. Sinabi ko sa nanay ko na wala akong nakain nung almusal. Nakiusap ako na huwag nang paabutin kay Dad and she agrees. Maya maya ay dumating si Joanne.

Joanne: Andrew ok ka lang?

Me: Yes. Ok lang ako. Mommy si Joanne pala classmate ko. Joanne mommy ko.

Joanne: Hello po.

Friday that time and after class nagkaroon ako ng chance na makausap si Joanne.

Joanne: Ikaw talaga! Bakit hindi ka naman kumain?

Me: Pag gising ko wala nang pagkain. Galit sila Dad sa akin at inubos nila mga pagkain.

Joanne: OMG!

Me: Yes. Kaya nakiusap na lang ako kay mommy na wag nang paabutin kay Daddy. Sigurado bubulyawan ako nun. Sasabihin paawa effect ako.

Hinatid ko si Joanne sa parking lot kung saan naka park ang Ford Expedition nila. Bago siya sumakay she held my arms.

Joanne: Andrew nandito lang ako pag kailangan mo ako.

Me: Thanks Joanne.

Joanne: Halika samahan mo muna ako mag miryenda.

Me: Joanne wala akong pera.

Joanne: wag mo na isipin yun.

Me: Joanne nakakahiya.

Joanne: Wala yun Andrew. Hihiram din kasi ako ng notes mo. Nasira kasi notebook ko kahapon pagbato ko kay Vince. Kaya sige na please….

Pumayag ako sa request ni Joanne even though alam kong nakakahiya kasi siya ang taya. Wala akong allowance since sa tapat ng school lang ako nakatira. She copied my notes and the same time nagpaturo na din siya ng Trigonometry, Physics and Calculus.

Joanne: Andrew thank you ha.

Me: wala yun.

Hinatid ko siya sa parking lot kung saa…