Millenial Romance Part 5

The next day ay CAT (Citizen Army Training) namin. Nasa parehong platoon kami ni Joanne at magkatabi pa kami. After ng CAT namin ay nagyaya siyang mag Glorietta. Nagpaalam ako sa nanay ko. Pinayagan niya ako at patago siyang nagbigay ng 1000 pesos sa akin. Alam kong barya na lang yan para sa mga Gen Z ngayon pero nung school year 1999-2000 ay malaking halaga na siya.

Nagsabay kami papunta sa parking lot amd hindi lo mahanap.amg sasakyan niya. Napa WOW! ako dahil bago nanaman amg sasakyan niya.

Me: Wow Joanne bago nanaman ang sasakyan ninyo.

Joanne: Hindi sa amin yan. Sa Lolo ko pero yan na kasi ang naka bungad kanina.

Sumakay ako sa Chevrolet Suburban ni Joanne at napa WOW ako sa sobrang luwag. Luxurious ang feeling that time and hindi mo ramdam ang pagod sa byahe. Nang makarating kami ng Glorietta ay nagyaya siyang kumain sa Fridays. Napalunok ako ng laway sa presyo ng mga pagkain.

Me: Joanne pwede sa McDo or Jollibee na lang tayo. Hindi kasi kakasya ang pera ko eh.

Joanne: Don’t worry. Akong bahala.

Wow! Ang yamam nito ah.

Maya maya dumating ang parents ni Joanne.

Joanne: Mommy, Daddy si Andrew po pala. Classmate ko. Andrew sila nga pala parents ko.

Me: Pleased to meet you po.

Joanne’s Dad: Hi Andrew. I am your Tito Ernie and this is your Tita Marife.

Gwapo ang tatay ni Joanne and he looks like Jacky Cheung. Matangkad at 5’10”, payat ang pangangatawan and kalog din siya. Si Tita Marife naman ay kahawig ni Joanne Quintas. Matangkad like Tito Ernie at sakto ang proportion ng katawan.

Ernie: Iho just order what you want. Akong bahala.

Nahihiya ako that time dahil ayokong sabihin nilang bentahoso akong tao.

Joanne: Andrew ako na lang oorder para sa iyo. Miss isang baby back ribs half rack and unli soda na lang.

OMG! ang mahal nun!

Joanne’s parents made me so comfrotable with them.

Marife: So, ikaw pala ang laging kinukwento sa amin ni Joanne.

Ernie: what do your parents do for a living?

Me: May maliit na hardware store po ang father ko while my mom is an Optometrist po.

Marife: Wow! My mom is also an Optometrist.

Me: Talaga po?

Joanne’s parents makes me so comfortable with them. Hindi sila maselan and Tita Marife even started with her kanto humors.

After having lunch with Joanne’s family nagyaya siyang mag Starbucks. OMG! ANG MAHAL NAMAN NG KAPE NA YAN! Sambit ko sa sarili ko.

Joanne: Andrew pili ka na. Ako bahala.

Me: Joanne kung ano na lang yung sa iyo yun na din akin.

Joanne: OK.

Joanne and I had coffee together and we had great chat. After namin mag coffee we walk around the mall and I tried to hold her hand. Napatingin siya sa akin.

Me: Ok lang Joanne?

She smiled at me as she held my hand. Saktong palabas na din ang Mission Impossible 2. Niyaya ko si Joanne na manood at pumayag naman siya.

Me: Joanne ako naman taya this time.

Joanne: Thanks.

Rated PG siya pero nakalusot kami dahil sa height namin. It was such a good movie then we went home. Hinatid pa niya ako sa timitirahan namin.

Joanne: Andrew thanks for the movie.

Me: You’re welcome. Thank you din sa lunch, Starbucks and paghatid.

Joanne: Hoy may kapalit yan!

Me: Ha?

Joanne: Talunin mo ako sa mga exams natin! Hahaha

Pag uwi ko ng bahay at patago kong binigay any sukli kay Mommy. Saktong dalawa lang kami sa bahay. Wala mga kuya ko whole my dad went out with his barkada. Ayoko silang kasama dahil nakakahiya. I know na hindi ko dapat sinasabi ito since tatay ko siya. Para sa mga ka generation ko alam kong inabutan niyo pa ang unlimited drinks sa Burger King. Isa lang ang mag oorder ng unli drink then pagpapasa pasahan niila. Yuck! Kadiri! Isang dosenang laway ng mga di ko naman kakilala!

Mom: O kumusta date mo?

Me: Mommy pinakilala niya ako sa parents niya. Super funny sila. Kinabahan kaya ako kanina.

Mom: Bakit?

Me: Kala ko maglalakad na ako pauwi. Imagine mo sa Fridays kami kumain.

Mom: Wow ha.

Me: Buti ma lang parents ni Joanne ang nagbayad. Tsaka mommy ang sarap sumakay sa Suburban. Ang luwag. Kasyang kasya tayong lahat at maluwag pa kahit may bagahe.

Habang nag kwekwentuhan kami ni Mommy ay kilig na kilig siya. Never siyang naging Kill Joy. She even gave me pointers how to win a girl’s heart.

After that date with Joanne ay nag focus ako sa aral and pinilit kong mamakuha ng good grades. Sa classroom kaming dalawa ni Joanne ang nagpapataasan ng grades. Lagi ko siyang hinahatid sa parking lot kung saan naka park ang sasakyan niya. Minsan kapag maaga ang dismissal nakakapag kwentuhan pa kami.

Came first grading at 1st honor si Joanne sa class habang 2nd honor naman ako. Less than 1 point lang ang difference namin.

Joanne: O kaya mo naman pala eh.

Me: Pwede na ulit manligaw?

Joanne: Di mo pa nga ako natatalo eh. Hatid mo na lang ako everyday. Hahaha

Maya maya ay biglang pumasok sa eksena si Vince.

Vince: Chambero ito ah! Naka chamba ka lang pero hindi pa tayo magka level! Hampas lupa!

Joanne: Vince tama na please.

Vince: Pasalamat ka nandito si Joanne! Tara na nga! AMBISYOSO! Galingan mo sa pamimingwit ng matabang isda!

Maya maya umalis na ang grupo ni Vince.

Joanne: Andrew hindi bawal ang umiyak. Nandito lang ako.

Napaluha ako then Joanne gave me a hug to comfort me. I cried on her shoulder and pinatahan niya ako.

Me: Thanks Joanne.

Joanne: basta nandito lang ako pag kailangan mo ako.

Came 2nd grading talagang nagsusunog ako ng kilay. Tuwing dismisal ay iniiwasan ko na lang si Vince. Tuwing recess naman ay si Joanne na ang madalas kong kasama together with my barkada. Mas nagkalapit pa kami ni Joanne especially we have a friendly competition.

Joanne: Alam mo mas gusto ko kayong kasama nila Elvin tsaka kambal.

Me: Talaga?

Joanne: Oo naman. Pag sila Nathalie kasi puro luho lang ang naririnig ko sa kanila. Tsaka mas sanay ako sa humor ninyo. Parang si Mommy hahaha

Joanne and I became closer with each other and mas nakilala ko pa siya. She was the youngest among 3 kids at siya lang ang babae. Dito ko nalaman na nakikitira lang pala sila sa Lola niya sa Tayuman and lumipat lang sila sa New Manila after her Mom and Dad was able to make it. Super down to earth si Joanne despite of her wealth.

Came end ng 2nd grading ay nagpalit naman kami ng pwesto ni Joanne. Ako ang 1st at siya naman ang 2nd. Less than 1 point lang din ang difference.

Joanne: This time ililibre na kita. Saan mo gusto?

Me: Pwede Manila Hotel? Hahaha

Joanne: Ang layo! Hahaha

Me: May sasakyan ka naman hahaha.

Joanne: Traffic! Byahe pa lang ubos na ang oras natin! Hahaha

Nagkayayaan kami sa bentahan ng fishball and kikiam. Nakakahiya man pero si Joanne ang taya that time.

Me: Joanne promise ko pag nakagraduate na tayo ng college at may work na ako. Ako naman ang taya.

Joanne: Aasahan ko yan ha.

Saktong semestral break din that time and nagpunta ng Davao si Joanne kasama ang family niya. Ako naman tumutulong sa optical shop ng nanay ko or sa hardware ng tatay ko para may extra baon. Di maiiwasang ma inggit din ako sa mga kapitbahay kong naglalakwatsa kapag bakasyon.

The best thing about semestral breaks I have a chance to bond with my mom sa optical shop niya.

Mommy: O Andrew kwento ka naman.

Me: Tungkol saan?

Mommy: Kahit ano. Sa school, kahit ano. Infairness ha. Ang tataas ng mga grades mo.

Me: inspired mommy.

Mommy: Kay Joanne no?

Me: yup. Yung pinakilala ko sa inyo ni Dad.

Mommy: Pano ko naman siya makikilala nang mabuti eh salubong na kilay ng tatay mo.

Pabirong hirit ni Mommy.

Me: Muntik akong maihi sa pantalon nun hahaha.

Mommy: Siya din yung hinahatid mo sa parking lot everyday right? Hahaha

Me: Pano mo nalaman????

Mommy: Nakikita kaya kita palagi dyan sa parking lot.

Me: Well friendly competition lang kami mommy. Pag panalo ako ililibre niya ako mg miryenda. Pag mas panalo siya ihahatid ko siya sa parking lot.

Mommy: Grabe! Parang mas madalas ka yatang talo. Hahahah

Me: this time tinalo ko naman siya. Pero syempre nag request ako na ihahatid ko na lang siya. Ayoko naman kasing sabihin ng mga classmates namin na nililigawan ko lang siya dahil sa pera ng parents niya.

Mommy: POWER MOVE! Hahaha. Grabe! Ang bilis ng panahon. Dati karga karga lang kita. Ngayon manliligaw na.

Kinikilig na hirit ng nanay ko.

Para sa mga Gen Z “Power Move” is a slang basketball term kung saan gumagawa ng kakaibang tira ang basketball player and making the basket. Pwedeng in your face dunk, acrobatic lay up or making the basket count with multiple defender.

Me: Mommy sorry nga pala sa mga kalokohan ko.

Mommy: Andrew kung pwede mo sana iwasan si Vince iwasan mo na lang.

Me: Mommy iniiwasan ko naman siya pero panay ang habol niya sa akin. Nananadya talaga si Vince mommy. Pati mga kapitbahay nating classmates namin ganun din ang ginagawa niya. Hahamunin niya ng away tapos pag papalag yun na agad ang panakot niya.

Mommy: Pero sila ang may ari ng building na tinitirahan natin.

Me: Hayaan mo mommy pag doktor na din ako tulad mo promise ko lilipat na tayo ng apartment.

Mommy: Aasahan ko yan ha.

Mom and I bonded on her optical shop. Civil engineering talaga ang choice ko pero after bonding with my mom that sembreak ay nagustuhan ko na ang career niya. Sayang ang optical shop niya at mamanahin ko na lang ang mga pasyente. Mas gusto ko din ka trabaho nanay ko dahil open minded siya and talagang nakiki uso. She would even encourage me to push harder. Simple things pero mas nagkakaroon ako ng gana. She was so optimistic.

Mom: Kaya mag aral ka ng mabuti para mabili mo ang pinapangarap mong sasakyan.

Me: Yes Mom.

Itutuloy……..