Millenial Romance Part 5

The next day ay CAT (Citizen Army Training) namin. Nasa parehong platoon kami ni Joanne at magkatabi pa kami. After ng CAT namin ay nagyaya siyang mag Glorietta. Nagpaalam ako sa nanay ko. Pinayagan niya ako at patago siyang nagbigay ng 1000 pesos sa akin. Alam kong barya na lang yan para sa mga Gen Z ngayon pero nung school year 1999-2000 ay malaking halaga na siya.

Nagsabay kami papunta sa parking lot amd hindi lo mahanap.amg sasakyan niya. Napa WOW! ako dahil bago nanaman amg sasakyan niya.

Me: Wow Joanne bago nanaman ang sasakyan ninyo.

Joanne: Hindi sa amin yan. Sa Lolo ko pero yan na kasi ang naka bungad kanina.

Sumakay ako sa Chevrolet Suburban ni Joanne at napa WOW ako sa sobrang luwag. Luxurious ang feeling that time and hindi mo ramdam ang pagod sa byahe. Nang makarating kami ng Glorietta ay nagyaya siyang kumain sa Fridays. Napalunok ako ng laway sa presyo ng mga pagkain.

Me: Joanne pwede sa McDo or Jollibee na lang tayo. Hindi kasi kakasya ang pera ko eh.

Joanne: Don’t worry. Akong bahala.

Wow! Ang yamam nito ah.

Maya maya dumating ang parents ni Joanne.

Joanne: Mommy, Daddy si Andrew po pala. Classmate ko. Andrew sila nga pala parents ko.

Me: Pleased to meet you po.

Joanne’s Dad: Hi Andrew. I am your Tito Ernie and this is your Tita Marife.

Gwapo ang tatay ni Joanne and he looks like Jacky Cheung. Matangkad at 5’10”, payat ang pangangatawan and kalog din siya. Si Tita Marife naman ay kahawig ni Joanne Quintas. Matangkad like Tito Ernie at sakto ang proportion ng katawan.

Ernie: Iho just order what you want. Akong bahala.

Nahihiya ako that time dahil ayokong sabihin nilang bentahoso akong tao.

Joanne: Andrew ako na lang oorder para sa iyo. Miss isang baby back ribs half rack and unli soda na lang.

OMG! ang mahal nun!

Joanne’s parents made me so comfrotable with them.

Marife: So, ikaw pala ang laging kinukwento sa amin ni Joanne.

Ernie: what do your parents do for a living?

Me: May maliit na hardware store po ang father ko while my mom is an Optometrist po.

Marife: Wow! My mom is also an Optometrist.

Me: Talaga po?

Joanne’s parents makes me so comfortable with them. Hindi sila maselan and Tita Marife even started with her kanto humors.

After having lunch with Joanne’s family nagyaya siyang mag Starbucks. OMG! ANG MAHAL NAMAN NG KAPE NA YAN! Sambit ko sa sarili ko.

Joanne: Andrew pili ka na. Ako bahala.

Me: Joanne kung ano na lang yung sa iyo yun na din akin.

Joanne: OK.

Joanne and I had coffee together and we had great chat. After namin mag coffee we walk around the mall and I tried to hold her hand. Napatingin siya sa akin.

Me: Ok lang Joanne?

She smiled at me as she held my hand. Saktong palabas na din ang Mission Impossible 2. Niyaya ko si Joanne na manood at pumayag naman siya.

Me: Joanne ako naman taya this time.

Joanne: Thanks.

Rated PG siya pero nakalusot kami dahil sa height namin. It was such a good movie then we went home. Hinatid pa niya ako sa timitirahan namin.

Joanne: Andrew thanks for the movie.

Me: You’re welcome. Thank you din sa lunch, Starbucks and paghatid.

Joanne: Hoy may kapalit yan!

Me: Ha?

Joanne: Talunin mo ako sa mga exams natin! Hahaha

Pag uwi ko ng bahay at patago kong binigay any sukli kay Mommy. Saktong dalawa lang kami sa bahay. Wala mga kuya ko whole my dad went out with his barkada. Ayoko silang kasama dahil nakakahiya. I know na hindi ko dapat sinasabi ito since tatay ko siya. Para sa mga ka generation ko alam kong inabutan niyo pa ang unlimited drinks sa Burger King. Isa lang ang mag oorder ng unli drink then pagpapasa pasahan niila. Yuck! Kadiri! Isang dosenang laway ng mga di ko naman kakilala!

Mom: O kumusta date mo?

Me: Mommy pinakilala niya ako sa parents niya. Super funny sila. Kinabahan kaya ako kanina.

Mom: Bakit?

Me: Kala ko maglalakad na ako pauwi. Imagine mo sa Fridays kami kumain.

Mom: Wow ha.

Me: Buti ma lang parents ni Joanne ang nagbayad. Tsaka mommy ang sarap sumakay sa Suburban. Ang luwag. Kasyang kasya tayong lahat at maluwag pa kahit may bagahe.

Habang nag kwekwentuhan kami ni Mommy ay kilig na kilig siya. Never siyang naging Kill Joy. She even gave me pointers how to win a girl’s heart.

After that date with Joanne ay nag focus ako sa aral and pinilit kong mamakuha ng good grades. Sa classroom kaming dalawa ni Joanne ang nagpapataasan ng grades. Lagi ko siyang hinahatid sa parking lot kung saan naka park ang sasakyan niya. Minsan kapag maaga ang dismissal nakakapag kwentuhan pa kami.

Came first grading at 1st honor si Joanne sa class habang 2nd honor naman ako. Less than 1 point lang ang difference namin.

Joanne: O kaya mo naman pala eh.

Me: Pwede na ulit manligaw?

Joanne: Di mo pa nga ako natatalo eh. Hatid mo na lang ako everyday. Hahaha

Maya maya…