Millenial Romance Part 6

Came 3rd quarter and kailangan mag doble kayod. Super iksi ng 3rd quarter since hinahabol ito bago mag christmas break.

Talagang subsob kami ni Joanne sa aral and tuloy pa rin ang friendly competition namin. This time pag lunch naman ay kami na ang mahkasama sa canteen at di maiiwasang mainggit si Vince. Minsang ihahatid ko si Joanne sa parking lot ay kinorner nanaman ako ng grupo ni Vince. Hinablot niya si Joanne at pinalagan ko siya. Susuntukin dapat ako ni Vince pero nakaiwas ako at nasipa ko siya sa bayag. Napayuko siya at napa atras ang mga barkada niya.

Vince: Lagot ka kay daddy! Mag handa ka na ng isang buwang renta!

Umatras ang grupo ni Vince that time.

Joanne: Andrew akong bahala sa iyo.

Me: Joanne please. Tatanawin kong malaking utang na loob ito sa iyo. Ayokong magpasko sa kalye.

Joanne gave me a hug to comfort me.

Joanne: Tatawagan ko si Ninong Vic.

Agad tinawagan ni Joanne ang Ninong Vic niya at agad itong rumesponde sa area namin.

Vic: Joanne may problema ba? Buti na lang malapit lang ako dito or else super traffic sa Ongpin ngayon.

Nakita ko ang tatay ni Vince. Tama nga si Joanne at gwapo ito at chinito version ni Zoren Legaspi.

Joanne: Ninong si Andrew pala. Classmate namin ni Vince. Andrew si Ninong Vic ko. Bestfriend ng daddy ko. Huwag kang matakot. Mabait siya. Sabihin mo na ang problema mo. Siguradong matutulungan ka niya.

Vic: Iho may problema ba?

Me: Sir pasensya na po at nasipa ko po kanina sa bayag ang anak ninyo. Pinagtanggol ko lang naman ang sarili ko. Hinablot niya kasi ang braso ni Joanne.

Naluluha ako that time dahil siguradong mangongotong ng 1 month rent si Vince at yung kasama niya.

Joanne: Totoo po ang sinsabi niya Ninong. Ewan ko nga ba super posessive niya sa akin pero hindi ko naman siya boyfriend.

Vic: Halika pumunta tayo dyan sa kainan. Iho tell me everything. Huwag kang matakot.

Nag punta kami sa isang kainan at pinakwento lahat sa akin ni Sir Vic.

Me: Sir sino po ba yung lalakeng malaki ang tyan?

Vic: Si Melchor Chan, building administrator ko. May problema ba sa kanya?

Dito ko na naikwento ang paniningil niya ng interest kapag nadedelay kami ng bayad. Nangunguha ng gamit at nangungubra ng isang bwang renta kapag nakaka away namin si Vince.

Vic: Naniningil ng interest kapag delay ang bayad? Eh may 2 months advance and 1 month deposit ah. Dun dapat niya kinukuha ang pambayad pag delayed but they need to fill it up.

Me: Sir pasensya na po kayo kung tinawag ko kayong swapang, mukhang pera at buwaya. Akala ko po kasi ikaw yung naniningil sa amin. Sir pati dyan sa mga commercial spaces mo sa baba optical shop na lang ang natitira dyan. Naka ilang kapitbahay na po kami. Pinapalayas po kasi ng administrator mo mga tennat kapag hindi pinapagbigyan ang pabor na gusto niya. Mahilig po sa libre. Hindi bale kung siya lang pero magdadala pa ng mga kamag anak at tropa.

Naluluha ako that time and Sir Vic was still in the state of shock.

Vic: Kaya pala may mga araw na late umuuwi si Vince. Hindi ko alam na may ginagawa na siyang hindi tama.

Me: Sir siguradong magdadala nanaman siya ng mga tropa niyang may dalang mga baseball bat kasama mga pinsan nya.

Vic: Hindi mangyayari yan.

Tumawag agad si Sir Vic sa pinakamalapit sa istasyon at humingi ng responde. Entrapment ang plano niya at hinintay naming sumugod ang grupo ni Vince and that night talagang pinapalayas niya kami. Dalawa lang kami ni Mommy sa bahay that time. Di maiiwasang matakot si Mommy nang may biglang sumigaw.

Vic: Walang lalayas!

Nanalaki ang mata ni Melchor pati na si Vince at ang tropa niya.

Vic: AKO ANG TUNAY NA VICTOR TAN! Itong kausap ninyo ay ang administrator ko na si Melchor. Ang nagpapanggap na Victor Tan!

Nanlaki ang mga mata ng kapitbahay ko. Sinubukan magpaliwanag ni Melchor pero hindi siya pinakinggan.

Vic: Narinig ko na ang lahat sa mga tennant natin Melchor. Ngayon ibalik mo lahat ng kinubra mo sa kanila.

Melchor: sir maawa ka. Kailangan ko ng pera at trabaho.

Vic: Bakit? Naawa ka ba nung nangungubra ka??? Inaasahan ko tuturuan mo ng magandang asal anak ko pero puro kagaguhan pala ang tinuturo mo! Sinama mo pa siya sa mga katarantaduhan mo!

Maya maya ay dumating na si Joanne kasama ang tatay niya at may dalang pulis.

Ernie: Vic eto na ang arrest warrant ni Melchor. Naku patong patong ang kaso mong robbery and extortion, acts of laciviosness. May grave threat ka pa pala, malicious mischief, may serious physical injury ka pang kaso.

Vic: Ha?

Maya maya dumating ang nanay ni Joanne.

Marife: Vic may isang arrest warrant pa si Melchor dito. Statutory rape. Nangyari kanina and possitive sa laceration yung biktima.

Pulis: Naku walang pyansa yan. Bente anyos ka sa kulungan.

Inaresto na ng mga pulis si Melchor at pinauwi na agad si Vince ng tatay niya.

Vic: Ms Chan I’m really very sorry. I don’t have any idea sa mga pinag gagagwa ng administrator ko.

Mommy: It’s ok Mr Tan. At least we can now live in a quiet environment.

Vic: By the way this is Atty Ernie Lim, by bestfriend lawyer. And his wife na si Atty Marife. Just tell them everything especially sa mga damages pati ang excessive payments.

Mommy: Thank you Mr Tan.

Kinabukasan nag thank you ako kay Joanne.

Me: Joanne thank you ha. Ang laki ng utang na loob namin sa inyo.

Joanne: sus! Wala yun. Gusto ko lang namang makatulong.

Nayakap ko si Joanne that time and she hug back.

Joanne: Naisahan mo ako dun ah. Hahahaha

Nakipag kwentahan ang tatay ni Joanne sa mga tennants. They gave us 2 options. Option 1 ay ibigay sa amin ang pera. Option which is gawing advance payment sa mga susunod na buwan. Option 2 ang pinili namin para di na namin iisipin ng matagal ang renta.

Nabago ang lifestyle ni Vince that time. She does not drive his Honda SIR anymore. Naglahong bigla ang mga kaibigan niya at pati ang mga barkada ni Joanne ay iniwan siya. Solo siya sa Canteen at palagi pa siyang pinagdadamutan ng pwesto.

Di ko alam kung maaawa ako or matatawa. Ako gold digger??? Hindi ba yang mga tropa niya ang gold digger?

Medyo mahigpit pala tatay no Vince sa pera. Hindi mo naman sasabihing gipit dahil de kotse siya, naka Tag Heuer watch, Nokia 8210 and naka Dr Martens. Pag PE naman ibat ibang sapatos ang gamit niya mapa Air Jordan, Air Penny, Adidas Kobe etc. May porsyento pala si Vince sa mga pangongolekta ni Melchor. Natahimik ang apartment building namin at nagkaroon na kami ng bagong building administrator, si Ahia Gary. First cousin siya ni Vince and since kaka graduate lang niya ng college ay nakiusap muna si Mr Victor Tan na siya muna ang mangolekta ng renta.kahawig niya si Polo Ravales and talagang naging maayos ang apartmemt building namin. Para siyang school disiplinarian. Walang loitering kapag school days kapag walang pasok kinabukasan pinagbibigyan naman niya kami.

Itutuloy…..