Millenial Romance Part 7

It was weekend and may overnight stay si Joanne with her cousins sa Subic. Ako naman naka stay sa bahay. It was saturday night. Wala ang mga kuya ko at tatay ko. Biglang nagyaya ang nanay ko na lumabas.

Mom: Halika labas tayo?

Me: Saan?

Mom: Basta!

We rode a raxi which was very unusual. Usually jeep and LRT kami. Then nagulat ako na nasa Glorietta na kami.

Me: Mommy ang mahal dito! Baka magalit si Daddy.

Mom: Don’t worry Andrew. May extra budget tayo ngayon. Pero di ko sinabi sa kanya! Hahaha

Me: Mommy talaga!

Mom: Naku mamaya kung anu anu nanaman bibilhin nun! Sige mag order ka na ng gusto mo.

OMG! FOR THE FIRST TIME WALA AKONG KAHATI! PINAKA MALAKING STEAK WITH ALL SIDE DISHES! UNLI DRINKS PA!

Mom: Hinay hinay ka naman. Baka mabilaukan ka. Hahaha.

Me: Thanks mom.

Mom: Yan na birthday and Christmas gift ko sa iyo ha. Hahaha

Me: Teka nanamnamin ko muna ito hahaha.
After eating sa Fridays nagyaya si Mommy ng movie. We watched movie and then nilibre niya ako ng Starbucks. Di ko ma-imagine na 2-3 months allowance ko na yata ang nagastos ko that time.

Me: Mommy thank you very much.

Mom: You’re welcome. Grades mo ha.

Me: Oo naman!

Since tahimik na sa apartment mas nakakapag aral na ako ng mabuti. Minsan late na ako nalakatulog and mom would make a milk for me.

Kakatapos lang ng 3rd grading exam namin. Somehow medyo napalapit na ako kay Joanne and we started to chat. Saktong Christmas Party sa school and this time magkatabi kami ni Joanne. Mabilis lang pala siya mapatawa and somehow magaan na ang loob niya sa akin.

Me: Pwede na ba ako manligaw?

Joanne: Andrew sana maka graduate muna tayo.

Me: Kala ko ba pag napantayan ko grades mo papayagan mo na ako manligaw.

Pabirong hirit ko sa kanya.

Joanne: Teka lang ha. Lilinawin ko lang. Sabi ko baka payagan kita. “Baka”. Pero wala akong sinasabi na pumapayag ako.

Dito di maiiwasang makwento ko kay Joanne ang inggit ko sa mga classmates naming rich kids.

Joanne: Alam mo magpasalamat ka nga dapat eh. Todo kayod ang tatay at nanay mo para makapag aral kayo sa magandang school. Imagine mo kuya mo nasa med school at law school. Tapos may kuya kang architecture student sa UST and may kuya ka pa sa La Salle. Di kaya biro ang magpaaral sa mga school na yun.

Napahinga ako ng malalim that time.

Joanne: Di mo kailangan ma inggit. Matalino ka Andrew. At least di mo kailangan lumuhod sa mga teachers para mabigyan ka ng magandang recommendation letter. Hindi mo kailangan lumuhod sa mga teachers para lang bigyan ka ng extra projects para lang maka pasa.

Me: Thank you Joanne.

Joanne: Kung may talino lang ako na tulad sa iyo masaya na ako.

Me: Seryoso ka dyan???

Joanne: Oo naman. Kahit magdamag kang nag babasketball at pa petiks petiks ka ang tataas pa rin ng grades mo. Ako kailangan kong mag triple effort.

Me: Nagsusunog naman ako ng kilay pag gabi. Syempre ayoko namang sabihin nilang hingi ako ng hingi ng kung ano ano tapos palakol naman grades ko.

Joanne: That’s nice.

Me: May nanliligaw na ba sa iyo?

Joanne: Huh? Nagseselos ka ba?

Me: Medyo.

Joanne: Andrew wag ka na magselos. Kasi wala pa sa isip ko ang magka boyfriend. Gusto ko muna maka graduate ng college. Kaya wag ka na magselos please….

Napalambot ni Joanne ang feelings ko.

Joanne: Basta mag aral ka ng mabuti para sabay tayong mag graduate. Tsaka ikaw lang ni-hug ko tsaka sa iyo lang ako nagpa hug.

Me: Pwede akbay?

Joanne: Basta ba magaan ang kamay mo. Hahaha

Me: Hold hands?

Joanne: sige.

Me: Kiss?

Joanne: Over ka na ha! Hahaha

Dito na niya sinabi sa akin na ayaw niyang matulad sa isang pinsan niya who was struggling to make ends meet. Nabuntis kasi siya at 18 years old at kinailangan kumayod agad. Joanne and I decided to be friends and somehow we became really close and…