Mom: Halika labas tayo?
Me: Saan?
Mom: Basta!
We rode a raxi which was very unusual. Usually jeep and LRT kami. Then nagulat ako na nasa Glorietta na kami.
Me: Mommy ang mahal dito! Baka magalit si Daddy.
Mom: Don’t worry Andrew. May extra budget tayo ngayon. Pero di ko sinabi sa kanya! Hahaha
Me: Mommy talaga!
Mom: Naku mamaya kung anu anu nanaman bibilhin nun! Sige mag order ka na ng gusto mo.
OMG! FOR THE FIRST TIME WALA AKONG KAHATI! PINAKA MALAKING STEAK WITH ALL SIDE DISHES! UNLI DRINKS PA!
Mom: Hinay hinay ka naman. Baka mabilaukan ka. Hahaha.
Me: Thanks mom.
Mom: Yan na birthday and Christmas gift ko sa iyo ha. Hahaha
Me: Teka nanamnamin ko muna ito hahaha.
After eating sa Fridays nagyaya si Mommy ng movie. We watched movie and then nilibre niya ako ng Starbucks. Di ko ma-imagine na 2-3 months allowance ko na yata ang nagastos ko that time.
Me: Mommy thank you very much.
Mom: You’re welcome. Grades mo ha.
Me: Oo naman!
Since tahimik na sa apartment mas nakakapag aral na ako ng mabuti. Minsan late na ako nalakatulog and mom would make a milk for me.
Kakatapos lang ng 3rd grading exam namin. Somehow medyo napalapit na ako kay Joanne and we started to chat. Saktong Christmas Party sa school and this time magkatabi kami ni Joanne. Mabilis lang pala siya mapatawa and somehow magaan na ang loob niya sa akin.
Me: Pwede na ba ako manligaw?
Joanne: Andrew sana maka graduate muna tayo.
Me: Kala ko ba pag napantayan ko grades mo papayagan mo na ako manligaw.
Pabirong hirit ko sa kanya.
Joanne: Teka lang ha. Lilinawin ko lang. Sabi ko baka payagan kita. “Baka”. Pero wala akong sinasabi na pumapayag ako.
Dito di maiiwasang makwento ko kay Joanne ang inggit ko sa mga classmates naming rich kids.
Joanne: Alam mo magpasalamat ka nga dapat eh. Todo kayod ang tatay at nanay mo para makapag aral kayo sa magandang school. Imagine mo kuya mo nasa med school at law school. Tapos may kuya kang architecture student sa UST and may kuya ka pa sa La Salle. Di kaya biro ang magpaaral sa mga school na yun.
Napahinga ako ng malalim that time.
Joanne: Di mo kailangan ma inggit. Matalino ka Andrew. At least di mo kailangan lumuhod sa mga teachers para mabigyan ka ng magandang recommendation letter. Hindi mo kailangan lumuhod sa mga teachers para lang bigyan ka ng extra projects para lang maka pasa.
Me: Thank you Joanne.
Joanne: Kung may talino lang ako na tulad sa iyo masaya na ako.
Me: Seryoso ka dyan???
Joanne: Oo naman. Kahit magdamag kang nag babasketball at pa petiks petiks ka ang tataas pa rin ng grades mo. Ako kailangan kong mag triple effort.
Me: Nagsusunog naman ako ng kilay pag gabi. Syempre ayoko namang sabihin nilang hingi ako ng hingi ng kung ano ano tapos palakol naman grades ko.
Joanne: That’s nice.
Me: May nanliligaw na ba sa iyo?
Joanne: Huh? Nagseselos ka ba?
Me: Medyo.
Joanne: Andrew wag ka na magselos. Kasi wala pa sa isip ko ang magka boyfriend. Gusto ko muna maka graduate ng college. Kaya wag ka na magselos please….
Napalambot ni Joanne ang feelings ko.
Joanne: Basta mag aral ka ng mabuti para sabay tayong mag graduate. Tsaka ikaw lang ni-hug ko tsaka sa iyo lang ako nagpa hug.
Me: Pwede akbay?
Joanne: Basta ba magaan ang kamay mo. Hahaha
Me: Hold hands?
Joanne: sige.
Me: Kiss?
Joanne: Over ka na ha! Hahaha
Dito na niya sinabi sa akin na ayaw niyang matulad sa isang pinsan niya who was struggling to make ends meet. Nabuntis kasi siya at 18 years old at kinailangan kumayod agad. Joanne and I decided to be friends and somehow we became really close and this time si Vince na ang nagseselos. Nawalang parang bula ang mga kaibigan niya and he became a loner that time.
After the Christmas Party ay hinatid ko si Joanne papunta sa parking lot. This time na-akbayan ko na siya papunta sa parking lot at nahawakan ko pa ang kamay niya. I tried to hold her hands and napatingin siya nung una pero humawak din siya. Nang makasakay na siya sa sasakyan ay pumunta ako sa optical shop ng nanay ko para tumulong.
Mommy: Power Move ka ah. Hahaha
Me: Mommy talaga! STALKER! HAHAHA
Christmas time at nasa bahay lang kami. Joanne and her family went to Hong Kong for Christmas vacation. Hindi pa uso ang smartphone that time and wireless internet connection. Mahal ang international call and text and usually sa Yahoo Messenger lang kami mag cocommunicate which means kailangan ni Joanne maghanap ng computer shop para makapag chat kami.
Nagyaya naman ang kapatid ng tatay ko na magpasko sa Novaliches and bonded woth my cousins. They are the siblings that I never had. Ibang klase kasi mga Kuya ko, pareho sa ugali ng tatay namin. Nung nagsimula akong magka crush ang una kong sinabihan ay si Ahia Edmund pero nabulyawan lang ako. Tatay ko naman Kill Joy.
Sa mga pinsan ko they even gave me pointers and talagang parang kapatid ko na sila. Sometimes they give me hand me down na pang porma like shoes and clothes. Isa sa pinakq close ko ay ang bunsong kapatid ng tatay ko na si Tito Arthur. He looks like Triso Cruz III and he’s an internist-cardiologist by profession. Since magka size kami naaambunan ako madalas ng grasya especially sa clothes and shoes na karamihan hindi pa nagagamit. Shoes ang pinakahilig ni Tito Arthur since mahirap maghanap mg size namin.
Para sa mga Gen Z ganun lang kami kasimple before. Pinaka gadget na namin ay cellphone na kaya mag receive ng graphic messages.
Nagkaroon kami ng chance ni Joanne na magkita after their Hong Kong vacation and we watched some MMFF Movies and nagulat ako na mahilig din pala siya sa Pinoy movies and updated sa showbiz.
Joanne: Libre mo ako pop corn and drinks ha. Hahaha
Me: Sure.
Saktong may mga natanggap akong Ang Pao (Red Envelope) nung pasko af naka delehensya ako ng malaki laki sa lolo at lola ko. Nakilaro ako mg Mahjong sa kanila. Boring simce kopong kopong pa ang kwento pero pasok sa kaliwa labas sa kanan na lang ang ginagawa ko.
Came 4th grading at subsob ulit kami ni Joanne sa aral. Typical day at palagi kaming magkasama ni Joanne sa canteen, lunch area, library at hinahatid ko siya papunta sa parking lot. Hindi kami mag BF-GF pero holding handa kami papunta sa parking lot.
We had our retreat at Subic and it was fun. May mga chances na dalawa lang kami ni Joanne pero syempre alam namin ang restrictions and reservations namin sa isa’t isa.
Came the 4th and final grading exam at valedictorian si Joanne at nakahabol naman ako sa 1st Honorable Mention. I was expecting na nanay ko lang ang pupunta sa graduation ko pero laking gulat ko na nandun tatay ko clapping his hands.
Mom: O Andrew san mo gusto kumain?
Me: Kahit saan Mommy.
We went to a buffet restaurant and saktong dun din magcecelebrate sila Joanne. Our parents gave us so much room and we walked around the hotel after having dinner.
After graduation it was our senior prom and Joanne was my prom date. Syempre sikat na sikat ako dahil si Joanne ang prom date ko. Maraming nanligaw para maging prom date nila si Joanne pero ako ang nanalo.
Somehow lumambot ang puso ng tatay ko sa akin pati na ng mga kuya ko. Imagine more than 3 years kaming walang babayarang renta dahil sa paghingi ko ng tulong kay Joanne. He let me borrow his Toyota Crown going to the prom.
After the prom ay hinatid ko siya sa bahay at na extend pa ang pag sayaw namin sa porch nila. She let me hug her from behind.
Joanne: O ikaw lang ang kaisa isang lalakeng pinayagan kong humawak sa bewang ko ha.
Me: Thanks Joanne.
Then she turned around and she gave me a kiss on the cheek. Nagsitaasan ang mga balahibo ko that time.
Itutuloy…..