AKO si Margie, 25 years old, marketing manager ako sa InterConnect na isang kilalang international infotech company na naka-base sa Quezon City. Alam kong masipag ako at malikhain pagdating sa trabaho, kaya’t madali sa akin ang magpalipat-lipat ng kumpanya. Malamang, dala rin ito ng magandang scholastic records—graduate ako, cum laude, ng isa sa mga nangungunang unibersidad ng bansa. Matapos akong gumradweyt nung 2005, natanggap akong marketing officer sa Burke-Devin, isang supply chain management company na based sa Makati. Pagkatapos ko sa Burke-Devin, na-pirate na ako sa dalawa pang kumpanya hanggang magdesisyon akong magsettle sa InterConnect dahil bukod sa maganda ang offer, maraming opportunities to travel abroad.
Ang kuwento kong ito’y naganap nung 21 pa lamang ako at nasa Burke-Devin pa nagtatrabaho. Tahimik akong tao, palakaibigan pero matipid sa salita. Hindi rin ako pala-entertain ng mga chismis at kung anu-anong mga bali-balita. Ilang buwan pa lamang ako nun sa Burke nang ibinalita sa akin ng CEO namin na ipopromote akong supervisor. Tuwang-tuwa naman ako dahil achievement rin naman ang promotion. Nalipat ako ng cubicle, mas malaki na ito at may hawak akong ilang tao. Kami ang nagmamanage ng marketing sa Eastern European region ng services ng Burke. Kadikit ng cubicle namin, isang glass wall lamang ang pagitan, ay ang area ng IT. Mangilan-ngilan din silang personnel doon, at ang head nila ay isang 32-year old at guwapong engineer, si Jesse. May asawa at dalawang anak na si Jesse. Hindi rin palakibo at palasalita si Jesse. Ang turing nga sa kanya ng karamihan sa Burke ay suplado. Nagkataon lang siguro na kailangan lagi ng marketing ng tulong ng IT kaya kahit paano’y hindi ko naman nararanasan ang pagiging suplado—daw—ni Jesse.
Malimit akong mag-overtime dahil ibang timezone ang clients namin. Madalas nakakasabay ko si Jesse magtrabaho sa gabi. Doon kami nagsimulang maging malapit sa isa’t isa. Walang malisya ang pagkakaibigan namin noong una, purely work-oriented. Minsan nakakasabay kong mag-dinner si Jesse dahil tiyempong nagkakasabay kaming kumain. Nagsimulang umugong ang biru-biruan sa office dahil na rin sa malisyosong isipan ng ibang officemates.
“Marge, ikaw ha, beware of Jesse. He’s married and has kids. Baka pag-isipan ka ng wife niyan,” seryosong warning sa akin ni Cha, officemate ko, isang gabi habang kasama ko siyang magdinner.
“Wala naman akong ginagawang masama, Cha, e. I really don’t see the point na magalit ang wife niya sa akin,” sagot ko naman.
“Marge, a friendly advic e lang ha. I know, wala, but there are malicious eyes around. Besides, ikaw lang ang hindi sinusupladuhan ni Jesse,” sabi ni Cha.
“Eh, ano gagawin ko? Alangan namang huwag na ‘kong mag-OT para iwasan siya,” bahagyang nainis ako sa sitwasyon. Dahil wala naman akong ginagawa talaga. Ngunit kahit papano’y sinunod ko rin si Cha. Nang mga sumunod na araw, maaga na akong nagla-lunch at kung mag-overtime man ay sa conference room ko ginagawa para malayo kay Jesse. Naisip ko rin na ayaw kong awayin ako ng asawa niya.
Isang gabi habang nag-o-OT ako, nagpopup ang messenger ko sa laptop, may message si Jesse.
“Hey, Marge, dinner?”
Sinagot ko naman: “I’m full pa e. Had merienda late in the afternoon.”
Nagpopup ulit ang messenger ko: “Dessert na lang sayo. I’m gonna eat.”
Pano nga ba ako magrerespond sa ganung sitwasyon? Malinis sa isipan ko na wala akong ginagawang masama. Walang dahilan, ni katiting, na paghinalaan nila kami ni Jesse.
“Ok, sige na nga. Now na?” sinagot ko si Jesse.
“Now na, logging off.”
Sa kalapit na restaurant kami kumain. Naghapunan siya, ako naman nag-cake lang. Napagkuwentuhan namin ang maaaring professional growth ko. Mas mabilis daw, sabi niya, kung lilipat ako ng department. Doon ko narealize na mabait naman pala si Jesse, contrary sa mga sinasabi ng mga tao sa office. Bukod sa mabait, guwapo siya, at 32, mas bata, hunk-type ang itsura niya. Hindi lang talaga siguro siya masalita, o di kaya’y hindi lang nila kinakausap. Mabuti na lang at late evening na at wala nang masyadong officemates. Kung hindi, baka may warning na naman ako kinabukasan.
Paglabas ko ng office nang gabing iyon, nadatnan ko si Jesse sa may pantry ng office. TInanong niya kung pauwi na ako at kung gusto ko ay sumabay na ako sa kotse niya.
“If you want you can ride with me. Saan ba uwi mo?” usisa niya.
“Ay, huwag na. Sa may Rockwell ako, out of way…” sabat ko naman.
“Ah, good, puwede. I’m taking the bridge to Manda, sabay ka na,” sabi niya.
Ano pa nga ba’ng magagawa ko? Sumabay ako sa kotse ni Jesse. Sa loob ng kotse niya humahalimuyak ang perfume niya at may kung anong nagdadarang sa akin sa mga sandaling iyon. Pakiramdam ko naninigas ang nipples ko sa loob ng blouse ko. Ngunit hindi ako nagpatalo sa nararamdaman. Pagdating sa J.P. Rizal, nagpababa ako sa kanya sa tapat ng condong tinitirhan ko.