“Dito na lang ako, Jesse,” sabi ko.
“Ah, dito ka pala sa Shapiro’s. Anong floor ka?” tanong niya.
“Eighth floor ako,” sagot ko, “Jess, thanks for the ride, ha. Take care.”
“Sure, Marge, anytime. T’care too.” Isinara niya ang bintana at tuluyang umalis.
Pumasok ako ng Shapiro’s at nag-elevator paakyat sa palapag ng aking flat. Pagkapasok ko, siniguro ko ang lock ng pinto, inilapag ko ang mga gamit, binuksan ang ilaw, aircon at tv at humilata muna sa sofa. Naglalaro sa utak ko si Jesse. Nakaramdam ako ng kakaibang init, init na ayaw ko sanang bigyang-pansin ngunit tinatalo ako ng aking katawan. Mabuti na lang interesting ang palabas sa tv. Maya-maya’y nag-ring ang cellphone ko, may mensaheng dumating. Hindi pamilyar ang number, at lalong nasurprise ako sa message.
“bitch. ang landi mo talaga. alam mo nang pamilyado, pinapatos mo pa. sana mag-isip ka.”
Hindi ko sinagot ang message. Naguluhan ako. Hindi ko rin alam kung sino ang nagsend. Pagkaraan ng ilang minuto, may message ulit, galing sa parehong number.
“this is janine, jesse’s wife. utang na loob, lubayan mo ang asawa ko. angkapal din naman ng mukha mong magpahatid pa sa kanya sa condo mo.”
Hindi nagtagal, isa pang text message ang dumating: “you’re nothing but a bitch! nothing but a b.i.t.c.h.!”
Hindi ko rin sinagot. Lalo akong naguluhan. Nalito ako. Paano nalaman ng asawa ni Jesse na hinatid niya ako dito sa condo? Nakaramdam ako ng takot. Baka sinundan niya kami. Kinabahan ako nang tumunog ulit ang message tone ang cellphone ko. Nang tiningnan ko, ibang number.
“marge, jesse here. did my wife text you anything? im so sorry with what she did. i know i cant say sorry enough. i didnt know she’d be mad.”
Sinagot ko ang text ni Jesse: “jess, i really was surprised with shat she said. i wasn’t expecting that. we’re not doin anything wrong. i don’t deserve this. sorry but am just appaled.”
Sinundan ko pa nang isa pa: “i was scared really. i thought someone was following me. kindly tell her i, or rather we are not doin anything.”
Sumagot naman si Jesse: “sorry talaga. i didnt she would react. i just mentioned that i dropped you at your condo, suddenly she flared up. anyway, hayaan mo na, ako na lang aayos.”
Hindi ko na sinagot pa ang huling text ni Jesse. Para matigil na rin. Iyon ang unang beses na may mang-away sa akin, wala pa akong ginagawang masama.
Pilit kong inaliw ang sarili ko nang gabing iyon. Pagkaayos ko ng mga gamit ko sa kuwarto, nagshower ako para mapawi ang magkakahalong lito, inis, lungkot at bagabag sa dibdib ko. Nagsuot ako ng maluwag na spaghetti-strapped dress na hanggang tuhod para maginhawahan naman. Naglatag ako ng makapal na comforter sa sala, humilata, at nanood ng tv, nagpapalit-palit ng channel para maghanap ng kung anong puwedeng mapanood hanggang tuluyan na akong nakatulog.
Halata na ang sikat ng araw na sinasala ng makapal na kurtina sa bintana nang magising ako. Wala akong balak pumasok. Ngunit dahil nakahiligan na pagkagising, nagshower ako para mapreskuhan ang pakiramdam. Tumawag ako kay Cha at sinabing masama ang pakiramdam ko kaya’t hindi ako papasok. Nagluto ako ng pancakes para pantawid gutom sa umaga. Pagkatapos ay nagpatuloy ang paghilata sa comforter at panonood ng tv. “Quills” ang palabas, bida si Kate Winslet na sexing-sexy sa role niya. Mag-aalas diyes, hindi pa nangangalahati ang pelikula nang may magdoorbell. Bumangon ako at sumilip sa peephole. Laking gulat ko nang makita ko kung sino ang nasa labas ng pinto. Si Jesse!
Hindi ko alam kung bubuksan ko o hindi ang pinto. Bakit ba nandito ‘to? Ano’ng ginagawa niya sa condo ko? Kung tutuusin, dapat galit ako dahil sa sitwasyong dala niya sa akin. Ngunitpinayagan kong linawin ang mga bagay-bagay sa pamamagitan ng pagpapasok ko sa kanya.
“Marge,” sambit niya pagkapasok na pagkapasok sa loob, “hindi ka raw pumasok. I was just thinkin’…”
“No, I’m okay,” pagtatanggol ko sa aking sarili, “I just want to skip work and rest.”
“I’m so sorry about last night,” pagpaumanhin niya, “my fault.”
“Hindi naman, Jesse,” pinipilit kong pagaanin ang usapan, “wala namang may kasalanan.”
“Yeah, but my wife… she just keeps on suspecting me,” buntong-hininga ni Jesse.
“Upo ka nga muna,” sabi ko sa kanya. “Sorry about the mess here, balak ko lang talagang humilata at manood maghapon.”
“Marge, nahihiya talaga ako sa’yo,” sabi pa ni Jesse.
“Ba’t ka pa kasi pumunta dito? Baka malaman na naman ng wife mo, lusubin ako dito ha,” pag-aalalang tanong ko. “Baka naman kasi nambababae ka kaya ka pinagdududahan.”
“Hindi naman. Janine just keeps on doing that. She’s been becoming more and more difficult e,” nakayukong sabi ni Jesse.
Hindi na ako umimik, hindi ko naman alam ang sasabihin. Hindi ko pinansin si Jesse, pinagpatuloy ko na lang ang panonood ngunit alam at ramdam ko ang tensiyon sa pagitan naming dalawa. Sa sulok ng aking paningin, pinagmamasdan ko paminsan-minsan si Jesse, paminsan-minsan ding nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin.