Yung gago niyang ex na SME na si Japs ay nagpaparamdam, siguro hindi maka-iskor dun sa pinalit. 3 weeks na akong working onsite at ka-team ko pala yung yung pinalit kay Patricia, si Angela. Maganda yung babae. Masasabi mong anghel. Magka-team din kami ni Angela which is bagay sa name niya. Maputi siya. Pero hindi ako gago para maghanap pa ng iba. Isa siya sa pinaka-magandang babae na nakita ko talambuhay ko.
Mabait na bata itong si Angela. Malilituhin lang pag pinagsabay yung 2 accounts. Nalaman ko ring bakit ayaw niyang patulan si Japs ay dahil ayaw ng magulang ni Angela kay Japs, puro porma lang si Japs, ma-bisyo din daw, at feeling cool palagi. Which is true naman dahil inis ako kay Japs sa totoo lang aside sa ginawa niya kay Patricia. Relihiyoso itong si Angela. Literal na anghel sa lupa ika nga.
Mas naging komportableng sa akin na lang magtanong si Angela kesa kay Japs dahil hindi ako nagta-take advantage sa kanya. May times na ang sama ng tingin sa akin ni Patricia pag sa akin nagtatanong si Angela.
Nung nakapa ko na ang ugali ni Angela ay inanyayahan ko siyang mag-lunch kami. Sa Jollibee lang. Nang maka-order ay pinakilala ko ng pormal si Angela kay Patricia. Ilag si Patricia kay Angela. Nagkwentuhan muna kami about sa work at nagpaalam si Angela na tutungo muna sa washroom ng Jollibee.
“I assure you Patricia, hindi ako tutulad sa ex mo. Huwag kang mag-alala.”
“Siguraduhin mo lang.”
Deep inside, masaya ako sa nagiging tugon ni Patricia sa akin.
Makailang linggo, naging close na si Angela at Patricia. Kung hindi kaming 3 ang magkakasama sa lunch, ay silang dalawa. Sisterly relationship sila. Parang si Marie at Patricia lang sa dati naming pinapasukan kung ihahambing. Solong anak kasi si Angela kaya medyo natutuwa siya kahit 3 years lang ang tanda ni Patricia kay Angela.
Pinatawag ako ng manager namin dahil gusto akong makausap nito at kampante naman sa akin yung manager ko at nakalagayang loob na rin. End of Shift ang meeting naming at pwede kong isama si Patricia. Pumayag naman ako sa condition ni Manager Gerry at breakfast meeting daw yun.
Ang buod ng usapan naming ng manager ko ay: ako ang unang agent na ilalagay sa special projects. Wala akong quota pero sana maparami ang gagawing trabaho dahil yun yung mga natambak na trabaho na walang resolusyon. Gagawin rin akong SME kung light lang ang work load ko or kung maubos man ang mga backlogs. Nagbigay rin sa akin ng saloobin ang manager ko dahil sumasakit na ang ulo niya sa immediate supervisor ko, pinakita sa akin ang laptop at ang root ng backlogs ay galing sa team namin at ako lang ang may pinaka-mababang backlog mga puro awaiting call confirmation sa contracts ng rumerenta ng tools namin. Sabi sa akin ni Gerry ay nagiging stagnant supervisor na yung supervisor ko, attendance wise wala kang masasabi. Pero pag pinagawa mo ng accounts, humahanap palagi ng palusot at hindi rin masyadong uma-attend ng client meetings. Gerry stated na he’s grooming me to become supervisor at in a few months’ time, lalaki na yung account naming dahil may new contracted companies ang kumuha ng services namin.
Natapos ang meeting at um-oo ako sa gusto ni Gerry. Yun nga lang, magka-talikuran kami ni Gerry sa station para ma-address ko kaagad ang mga problema ng backlogs. Pinakilala na rin ako sa onshore clients namin at para na rin mas mapabilis ang pag-ubos ng backlogs. 390 ang backlogs account wide ang haharapin ko at hindi ko alam kung ilang buwan kong uubusin ito.
Maraming beses na umuuwi ako kasama si Pat dito sa bahay at tinutulugan ko na lang siya pagkatapos kumain ng almusal dahil mentally exhausted ako. Bago ako i-assign sa special projects ay halos maya’t maya kaming nagse-sex. Madalas nakaka-3 rounds ako kay Pat nung wala pa itong promotion.
Napababa ko ang backlogs sa 40 sa loob ng 5 buwan kaya nakapag-relax na ako at bumabalik na ulit ang sex life namin at makakapag-bakasyon na rin. Yung natirang 40 ay dead end na talaga dahil onshore intervention na ang kailangan.
Thursday ng gabi pagkagising ko ay tinawagan ako ni Patricia para gisingin ay may galak sa boses niya. Nagluto na siya ng babaunin naming pagkain at ang tanging gagawin ko na lang hintayin ko siya sa…