By tonya2
(Oil60 parang ganun ra rin diba?)
Maliit lang ang kwarto na ni renta ko pero nagawa ko dito lahat ng gusto kong gawin. Malayo sa lahat na bawal gawin. Bawal umalis sa gabi, bawal makipagchat, bawal makipagkita ng di kilala, bawal makipag boyfriend, bawal date, bawal, bawal, lahat bawal. Sinikap ko makakita ng trabaho, kahit maliit sweldo, kaya heto ako, sa munting kwarto, may sariling banyo, lutuan, ang pinto dretso sa labas na di na kelangan dumaan sa ibang parte ng bahay. Sa isang salita, dito sa kwartong ito, malaya ako.
Mahigpit ang mga magulang ko sa probensiya. Halos lahat ng gawin ko, may katumbas na mga kondisyon. Nasasakal ako, kaya pagkatapos at pagkatapos kung mag-aral ng kolehiyo, alsa balutan kaagad ako. Walang nagawa ang aking mga magulang, malapit lang naman ang probensiya namin sa syudad kung saan ako lumipat upang mag trabaho.
Dito sa bagong nakamit na kalayaan nakilala ko ang aking ibang pagkatao.
Nagsimula ang lahat nang ina-accept ko ang isang matagal na friend request sa pangalawa kong account sa isang sikat na social media friend site. Hindi ko tunay na pangalan ang ilagay ko doon. Isang litrato ng bumubuklad na rosas ang nilagay ko bilang cover photo. Ewan ko kung bakit gumawa ako ng pangalawang account. Siguro naki-uso. Wala ni isa mang kakilala ang mga kaibigan ko dito sa account na ito.
Isang lalaki na hindi ko gusto ang tabas ng mukha, na parang sagad sa buto ang pagka-antipatiko ang nag padala ng friend request. Di ko ina-accept dahil sa kung may mukha man na ilalarawan ko sa isang taong bastos ay ito na yun. Bakit di ko deni-delete ang request niya, ewan ko rin.
Siguro nag rebelde ako at dahil na ramdaman ko ang ginhawa sa isang malaya at sa pagsisimbolo nito ay tahasan kong ina-accept ang friend request ng taong ina-ayawan ko, mukha palang.
Ilang minuto palang ay agad nag message ang lalake. Dan ang pangalan sa account niya. “Sa wakas, na-awa din sakin. Salamat. Pinasaya mu araw ko” message niya tapos tatlong smileys. Di ko pinansin. Hanggang accept lang siya, bahala siya.
Tatlong araw, tatlong smileys kada araw ni message niya. Di pinansin. Sa mga sumusunod na limang araw nag sad emo siya. Wa epek sakin. Pagkatapos ng sad, aba..! nag send ng emo na may sungay… hinahamon yata ako ng bastos na ito, sa isip ko.
“La akong paki” message ko sa kanya.
“Yun sumagot din… Peace!”
Wala na. Mga apat na araw walang akong natanggap na message sa kanya. Akala ko wala ng mang istorbo kaya laking gulat ko ng biglang nag chat sakin.
“Friends na tau please. Need ko kausap.” Yun lang bumigay ako. Sa daling salita naging chat mate ko siya ng isang buwan tapos video calls paglipas ng isang buwan at doon nagsimula ang lahat.
Mga isang lingo na kaming ka video call, usap ng kahit anu, pamilya, trabaho, traffic, pagkain, kahit anu. Masarap siyang kausap, palabiro, makulit, daming alam, bibo at komportable ako sa kanya.
Isang gabi, at ngayun ko lang nalaman na sinadya talaga niya, pag open ko sa video call niya, tumabad sa screen ko ang katawan niyang naka puting brief lang ang suot. Nagulat ako lalo na at napakalaking bukol ang naka-umbok doon sa harapan niya.
Dali-daling nag balot ng twalya at nag sorry. Sabi niya sakin kararating lang niya galing kumain at nag automatic ang kamay niya sa messenger upang I video call ako. Tumama sa ego ko at sa halip na ma-offend ako ay parang nasiyahan pa nga ako sa narinig. Excited din pala itong maka-usap ako kahit sa video call. Natawa ako sa isip ko. Sa kaka-excited niya ayun nakalimutang naka brief lang.
“Buti nalang sarado pa ang tindahan ko kundi eh nakita mu na ang tindero.” Pabiro niya sakin. ‘Eh bakit pa kasi ang bagal bagal magbukas yung tindero mu baka sa iba na bumili” balik ko sa kanya. Di siya kumibo at parang walang narinig.
…