“Hoy putang ina mong batugan ka! Bumangon ka nga dyan! Lunes na lunes nakahilata kang gago ka! Wala ka talagang silbe!” litanya ni Pasing.
Napabalikwas ng bangon si Miyong sabay palinga lingang ginala ang tingin sa paligid.
“Nasan ang sunog? Sunog? ” gulat na gising nya pero napangiwi sya ng makatanggap ng dagok sa asawa.
“Putang ina mo ka, anong sunog sinasabi mo? Ala una na! Nakauwi na ko’t lahat nakahilata ka pa rin! Inutil!” muling sabi nito at pagkuwa’y lumabas sa kwarto.
Saglit na natulala si Miyong. Pilit hinahagip ang sarili sanhi ng nawalang antok.
Maya maya ay galit syang lumabas ng silid at hinagilap ang asawa.
Naabutan nya itong naghahagilap ng makakain sa maliit nilang kusina.
“Putang ina, akala mo kung sino kang maraming ginagawa! Hoy! Sino bang namalengke ng mga tininda mo? Tigil tigilan mo nga ko’t baka di kita matantya!” banta nya sabay taas ng kamay.
Natigilan si Aling Pasing ngunit saglit lang, hawak ang takip ng kaserola, hinampas nya ito sa braso ng lalaki.
“Punyeta ka! Matapos mong mamalengke umuwi ka na lang bigla para maghihilik? Aba hoy! Yan na lang ang silbi mo at may gana ka pang magreklamo? Palamunin ka na nga, batugan ka pa!” ganting sigaw nya.
Nagpanting ang tenga ni Miyong at hinawakan ang braso ng babae ngunit agad din nyang pinigilan ang sarili.
Batid nyang oras na saktan nya ito, maraming mawawala sa kanya kaya naman agad nyang bintawan ang ginang at dumiretso sa pinto.
Rinig pa nya ang pagdakdak ng matandang asawa ngunit pinili nya lamang nyang ignorahin ito at tinuloy na ang paglabas ng bahay.
Tumambad sa kanya ang mga tingin ng nag uusyosong mga kapitbahay.
Pinanlakihan nya ito ng mga mata at agad namang nag si iwas ng tingin.
. . . .
Matapos makipag away sa asawa, dumireto si Miyong sa kabilang eskinita kung saan may isang tindahang maliit.
Kinatok nya ang harang na agad din namang nagbukas.
“Tinapay nga saka gawan mo ko ng kape. “utos nya sa loob.
Di nya man nakikita, alam nyang si Edna ang nasa kabila.
“K-kape ho? Hapon na ho Kuya Miyong ah. ” puna ng babae sa loob.
Di ininda ang sinabi, naupo si Miyong sa pahabang bangko sabay tanggal ng damit.
Isa isang nagsiupuan ang mga kaibigan nyang tulad nya, mga wala ring silbi sa bahay.
“Pare, anong bago?” tanong ni Aldo sabay sindi ng sigarilyo.
“Tangina mo, anong bago eh wala naman akong ginagawang bago. ” sagot nya sabay tawa.
Sumabay na rin ang iba nyang mga kaibigan.
Natigil lamang ito ng bumukas ang maliit na pinto at lumabas si Edna hawak ang kape.
Nilapag nito sa tabi nya ang tasa kasabay ng dalawang tinapay.
“Ibawas ko na lang sa upa mo. ” sagot lang nya ng di tumitingin.
Tumango lang ang babae pagkuwa’y pumasok na sa loob. Pero muli rin itong lumabas dala ang walis tingting.
Agad namang hinigop ni Miyong ang kape para paglabanan ang pagsirit ng kirot sanhi ng biglaang pagkakagising.
Maya maya ay tumabi sa kanya Aldo.
“P-pareng Miyong, nakita mo ba yang katawan na yan ni Edna? Naku kung ako sayo, pasukin na natin yan. ” bulong nya.
Nilapag ni Miyong ang baso sa gilid at dinagukan ang kaibigan.
Nagtawanan naman ang iba pa.
“Gago ka ba? Nakita mo nang inaanak ni Pasing yan. Di ko tataluhin yan bobo. ” sambit nya at sinawsaw sa kape ang tinapay.
Pagkatapos ay muling lumagok.
Pero wala sa loob na napatingin sya sa babae.
Kasalukuyan itong nakatalikod habang nagwawalis.
Bagama’t maayos naman ang suot nitong shorts na hanggang tuhod, kitang kita ang tambok nya pwet at maliit na balakang.
Nawala ang atensyon ni Miyong sa iniinom.
Tila may nabuhay na kung ano sa kanyang sistema at pasimpleng pinagmasdan ang inaanak.
Hanggang sa unti unting napangiti sa ideyang pumasok sa kanya kukote.
. . . . .
Sya si Miyong, 49 anyos pero mas matanda sa totoong edad dahil sa maagang nasabak sa paghahanap buhay.
Sa edad na bente dos anyos, nakipag sapalaran sya sa Saudi para matulungan ang pamilyang umahon sa hirap.
Matapos ang sampung taon, umuwi sya sa probinsya para pakasalan nag matagal na nyang kasintahan na walang iba kundi si Pasing.
Nakipagsapalaran silang mag asawa sa Maynila habang nabiyaan naman ng dalawang anak na pawang mga babae.
Di nagtagal, nagpasya syang bumalik sa Saudi ngunit sa malas ay nagsara ang dati nyang kumpanya.
…