Sa larong Mobile Legends, hindi lang gameplay ang dapat na pag-aralan, kailangan ay alam mo rin ang mga objectives na dapat gawin kung maglalaro ka nito para sa huli ay “VICTORY” ang maging resulta.
Yan ang sabi sakin ng kaibigan kong matagal at batak nang naglalaro ng game na yan, ang Mobile Legends o mas maikli, ML. di ako pala-laro ng mga games sa phone kasi bukod sa mabilis maka drain ng battery ay madaling kaadikan.
Pero simula nung mapasama ako sa isang misteryosong GC kung saan lahat ng members ay batak na sa paglalaro ng larong ML, ay may mga kaganapan palang nangyayari sa likod ng larong ito.
Hi, ako nga pala si Victor. At ito ay kwento ng isang laro at sa sikretong dala nito. Handa na ba kayong malaman yon?
“Victor, tara ML tayo.” Aya sa akin ng matalik kong kaibigan na si Liezel. Adik siya sa larong ML at hindi ko alam kung bakit at ano ba ang meron sa larong yan para kaadikan ng bespren ko.
“Pass. Mag ge-genshin impact na lang ako. Mas maganda pa graphics non, ee yan kopya lang yan sa League ee” sagot ko.
“Ang yabang mo naman, chong! Kahit kopya to sa ibang laro, nakakalibang parin namang laruin saka accessible siya kasi nasa mobile, di tulad ng Genshin, pwede nga sa mobile, ang tanong kaya ba ng phone mo mag run ng laro na yun? Hindi rin naman! Sus!” Pagmamaktol niya.
“Dali one game lang, bubuhatin naman kita. Legend V na ako noh! Kakaalis ko lang ng Epic hehe” sagot pa niya.
“Walang naka install na ganyan sa phone ko, Liezel. Wag na lang kasi yan, ibang laro na lang” sambit ko pa.
“Bahala ka nga. Ang arte mo.” Sabay walk out.
Di ko talaga maintindihan yung babaeng yun! Sa ayaw ko ngang maglaro ng ganito, hays! I-download ko na lang mamaya para siya na lang ang ayain ko.
Na download ko na yung laro, pero kailangan pa atang hintayin na matapos ang pag download ng resources para makita ng buo ang graphics at ibang animations sa laro. Ang napili kong username ay “Kenshin” para cool lang. Hinintay kong matapos yun at saka nagpasyang sundin ang tutorial na pinapagawa.
Ang hero na gamit ko ay blonde ang buhok at naka pigtail sa magkabilaan. I-search ko na lang kung sino sino ang mga heroes dito. Baka matanga lang ako sa paglalaro, at para masabayan ko rin sa paglaro si Liezel.
Tumagal ang tutorials dahil siguro first time ko lang laruin kaya imbis na mabilisan lang to, ay talagang nangangapa ako sa pag control.
Sinearch ko ang mga heroes, so ang pangalan pala ng tutor kanina ay ‘Layla’. Isa siyang MM or marksman. Pang long range ang galaw ng atake niya kaya dapat ay distansya ang kailangan.
Nalaman ko rin ang pangalan ng ibang heroes, tulad na lamang nila Nana, Franco, Saber, Eudora at marami pang iba. Pwede rin bumili ng heroes dito gamit ang ‘battle pass’ o BP. Ito yung pinaka currency nila dito bukod sa ‘diamonds’ na bibilhin mo talaga gamit ang totoong pera.
Nilaro laro ko lang hanggang sa matapos yung tutorials. Madali lang naman pala siyang laruin at ma…