Miss Goody Two Shoes ( KC’s intro to college)
Mas naging curious pa ko simula ng maranasan ko ung sarap whenever I tried to touch myself. Simula noon bumuo ako ng isang tagong katauhan; di ko pinapakita sa tao na meron akong interest pagdating sa kamundohan.
Panakip nito ay ang aking panlabas na katauhan na di mo akalaing may tinatago palang kalibugan sa katawan; isang mabait, masunurin at inosenteng dalagita, ito ay dahil sa takot sa parents ko at sa takot na baka may makaalam sa maaga kong pagkamulat sa kamunduhan.
Dala dala ko ito hanggang sa tumuntong ako ng college, patuloy kong inililihim ang katangiang ito sa nakapalibot sakin dahil ayaw kong mabago ang magandang pagtingin nila sakin.
It was one fine morning, katulong sina Mama at Papa na maglagay ng mga gamit ko sa sasakyan. Ihahatid na kasi nila ko sa dorm sa Manila, kung saan malapit sa papasukan kong school. Malayo layo rin kasi ang Batangas kaya nagdecide sina Mama na idorm na lang ako.
Dalwang araw na lang kasi umpisa na ng semester. At ito ang unang araw na mapapalayo ako sa parents ko. Sari-saring bagay ang tumatakbo sa isip. Like, “finally makakalayo na ko at magagawa ko na rin lahat ng gustuhin ko ng di ako pinipigilan”.
At siguro naman this time may makikilala na ko ng guy friend or more, di ko man lang kasi nakaranas magka-bf noong HS hmp!”
Maya maya pa ay bigla akong tinawag ni mama, naputol bahagya ang aking diwa and I slowly compose myself baka akalain niya excited ako masyado haha.
Mama: KC anak halika na aalis na tayo baka matraffic at gabihin pa kami ni Papa mo sa daan pag uwi!
Me: opo Ma! anjan na po!
Mga ilang sandali pa ay umalis na kami. Habang nasa byahe ay nagkwekwetuhan sina Mama at Papa, habang ako naman ay nagbabasa ng baon kong libro. Maya-maya pa ay narinig ko si Papa
Papa: oh anak nadala mo ba lahat ng mga kailangan mong gamit baka may nakalimutan ka.
Me: Wala po Pa, dala ko na po lahat, tsaka Papa naman parang di na ko uuwi niyan eh haha!
Papa: Aba para sigurado malayo din ang satin ha (tatawa tawang sagot ni Papa)
Makaraan ay biglang sumeryoso si Papa
Papa: KC ha, maiiwan ka namin ni Mama mo sa maynila magaral kang mabuti, unahin muna ang pagaaral bago ang kung ano pa man. Wag mo kaming bibiguin, nais namin sayo ay makatapos.
Mama: oo nga anak saka na ang BF ha, ang pagaasawa ay hindi biro, iba ang nakakapag aral at sulitin mo ang pribelehiyo na binigay sa iyo bihira ang nakakapasa jan sa school mo. Oo nga at di kagandahan pero maganda ang kanilang turo.
Me: opo Ma, Pa alam ko naman po yun. Wag po kayong magaalala di ko kayo bibiguin, magaaral ako at di po muna mag BBF muna (well sakin na lang yon hihi).
Makailang oras pa ay dumating na kami sa dorm sa may Sta. Mesa ilang lakad lang ito hanggang sa school, mejo nagulat lang ako at madami palang mga motel na malapit dito hilehilera at may mga makukulay na karatula pa.
Pagkadating namin sa kanto ay sinalubong kami agad sa bungad ni Ate Lina ang land lady ng dorm/boarding house na tutuluyan ko ng ilang taon.
Ate Lina: Dito po tayo sa may brown na gate, dito po ang boarding house. Tuloy po kayo, sa taas po pala ang kwarto ni KC.
Sumunod kami at tiningnan ang kwarto. Maliit lang ito kasya lang isang single bed may cabinet sa gilid na pwde kong lagyan ng damit at meron din mesita sa tabi na nakaharap sa kama kung san pwde ako magaral at patungan ng mga libro ko. Pwde na ito para sakin 2,500 ang upa rito kasama na tubig at kuryente.
Matapos ipasok lahat ng gamit ko ay pinakilala ako ni Ate Lina saking mga dorm mates. Bale 3 kwarto lahat ang meron sa taas. Mababait naman dorm mates ko karamihan ay estudyante ang ilan ay nagwowork na.
Ilang oras pa ay nagpaalam na sakin sina Mama at Paapa ibinilin ako sa aking landlady na bantay bantayan at kaisa isa kasi nila kong anak, Nakangiti namang umoo si ate Lina at siniguro sa magulang ko na wag silang magalala kapatid kasi niya ang kapitan doon.
Nagbeso ako kay mama at yumakap, kahit papano mamimiss ko sya, para ko na din kasi syang bestfriend dahil sya lang halos nakakausap ko at nasasabi ko lahat maliban na lang syempre sa kapilyahan ko. Samantalang kay papa ay nagmano ako.
Mama: Osya anak alis na kami papakabait ka ha, sabhin mo lang samin kung uuwi ka ipapahatid ka namin kay kua Jay mo (malapit kong pinsan na nagmamaneho ng UV) sa terminal pauwi habang d ka pa sanay dito.
Me: opo Pa, Ma tawag na lang po ako, wag po kayong magalala kaya ko po dito 🙂
Pagkaalis nila papa at mama ay bumalik na ko sa kwarto ko at inayos saglit ang aking mga gamit. Nang matapos ay humiga ako sa kama. Napaisip kung ano nga kaya ang mangyayari sa mga susunod na araw, at kapagkuwa’y napangiti. . .