Ms. Matapobre (Galit Sa Mahirap)

“Havana ooh nana (ay) Half of my heart is in Havana, ooh-na-na (ay, ay)…” (Iphone X worth 60k ringing)

“Nasan ka na?”
“Napakatrapik babe malelate ako sorry….”
“I knew it malelate ka!”
“Bakit mo naman sinabi na malelate ako babe?, ngayon pa lang naman tayo mag de-date”
DAHIL MAHIRAP KA!!! at ang pagiging late, ugaling MAHIRAP yan!!” sabay baba end ng call.

Si Phoebe ay nagiisang anak ng pinakamayamang negosyante sa BGC at sya ring tagapagmana ng limang bentesilog, anim na Jabi, labindalawang Lotto outlets, siyam na Mang Inasal, dalawampung Ispakol at walong talyer sa Quezon City.

Masungit, arogante, maganda, witwiw, mabibilog na Milon, maigsi ang pasensya, matabore, maldita ngunit may pagka mukang tanga (inosente) at mapagmahal din naman(microscopic) At she can cook as well pala.

Sunod sa luho sa mga magulang at sanay na nakukuha ang lahat ng kanyang gusto sa kahit papaanong paraan pa ito.

“(Sigh) Bakit ba ganun sila? Lagi na lang late sa usapan.. Palibhasa mga poor”. Usal ng dalaga.
Suot ang kanyang Versace polkadots dress, Hermes Bag, Prada shoes, D&G watch, Bvlgari earrings, Chanel makeup. (wala syang undies, shes not wearing any naman kashe) ay naglakad sya papunta kung saan sya nag park ng kanyang Porsche Carrera GT.

**BGM
So baby let’s just turn down the lights
And close the door
Ooh I love that dress
But you won’t need it anymore
No you won’t need it no more
Let’s just kiss ’til we’re naked, baby
Versace on the floor

“Fuck you Bruno talaga! Fuck na… naging stone pa! Gosh i hate late! Fuck! BLAG!!” painis na pagsara ng pinto ng kanyang kotse.

Iniisip pa ni Phoebe kung san sya pupunta upang maibsan ang pagkainis dahil sa hindi pagsipot sa oras ng kanyang kadate.
Habang tinatahak nya ang kalsad ay napansin nyang malapit nang mag empty ang gas nya.

“Shocks WTF! pag Finuck ka talaga ng misfortune hay nako!!”

Mabuti na lang at ilang kanto na lang ay tanaw na nya ang isang gas station.
Inapakan ng todo ang silinyador sabay kurba sa kanan at pininahan ang gasboy na nakaestasyon sa establesimento.

“Oyyyy Tang..!”

Sabay bukas ang right window ng kotse at nagsalita si Phoebe ng “Whatt??”

“Tang..ina ang gan…daaaa”
“IKR. Full Tank pakidalian lang ok?”
“A.aaaa.ayos po Madam”

Natatarantang kinuha ng gasboy ang hose at kinargahan ang White Porsche Carrera GT habang tinitingnan si Phoebe mula sa side mirror.

“What??? Now ka lang nakakita ng singanda ko ano?”
“Opo.”
“Alam mo kung bakit ngayon ka lang nakakita ng gaya ko?”
“Ba.bakit po?”
“Dahil MAHIRAP ka! at ang hindi nakakasilay ng mga magagandang babae.. Ugaling mahirap yan!!” Sabay ibinato ang limang libong piso sabay harurot paalis ng gasolinahan.

“WAHAHAHAHAHAHAHAHAH!! i love playing with those mahihiraps” hagikhik ni Phoebe habang inoovertakan ang mga mumurahing sasakyan sa kalsada.

**Gas Station
Napatingin ang Gasboy sa dispenser at biglang.. “Syet Diesel naikarga ko kay Maldita..Paktay ka diha”

Habang tuwang tuwang manalbahe sa kalsada ang maldita ay biglang may lumabas na tricyle sa kanto kayat biglaan nya tong iniwasan ngunit lingid sa kaalaman nyang…

“Screeeeechhhhh” tunog ng madiin na pag apak ng preno.
“CRASHHHH” nabangga ni Phoebe ang isang hamak na motorista.

Nanlaki ang mata ni Phoebe sa nangyari at natulala na lang na pinagmamasdan na unti unting tumatayo ang drayber ng CT100 Bajaj.

Inalis ang helmet nito at tila may sinasabi habang nakaturo sa kanya.sub:(indistinct chattering)
Unti unting lumalapit sa kanya ang lalake at sya namay hindi alam ang gagawin sa pagkabigla at takot.

“Homaygad, anong gagawin ko??
dont lapit please…..” bulong sa isip ni Phoebe.
Kinatok sya ng lalake ngunit hindi pa rin na binubuksan ang kanyang bintana sa takot.
sub:(indistinct chattering) sabay kinabog ng lalake ang salamin at doon pa lang binuksan ni Phoebe ang bintana..

“Whatt now??”
Ayos ka din ah!, ikaw na tong nakabundol sakin at sinira mo pa ang motor kong 5 taong 13th month ko inipon para lang may maipangdown ako! pambihira ka ding babae ka ano?” Pagalit na usal ng lalakeng nabundol.

(Introduction: mala Morgan Freeman na boses)

*Si Abner, 24 anyos tubong Victorias Bacoload. Ikalimang henerasyon nga mga sakada, anak ng mananabas ng tubo, apo ng mananabas ng tubo at may dating kasintahan na tindera ng alkampor at pantapal ng kaldero sa palengke. Simpleng tao, mahirap, may itsura kahit pinaitim ang kanyang balat ng hirap at pagsubok sa buhay. May Prinsipyo at patas lumaban. (Tipikal na bidang inaapi sa mga hacienda film)

“Ikaw tong stupid duh, nakita mo nang iniwasan ko yung trike from the corner!”
“Hoy Miss hindi ako istupido at sa kabilang kanto pa lang sumisignal na ko sayo at ikaw ang wala sa linya”
“I dont care! Stupid ka dahil MAHIRAP kaaaa!!! and hindi mo ba ko kilala?”
“E sino ka bang lintek ka?” paasar na pagtatanong ni Abner

“Bastos ka ah!!
Ako si Phoebe Leigh Anaksunamun Dianne Quetzalcoatl Montelibano(habol hininga), anak ng pinakamayamang negosyante sa BGC at sya ring
tagapagmana ng limang bentesilog, anim na Jabi, labindalawang Lotto outlets, siyam na Mang Inasal, dalawampung Ispakol at walong talyer sa Quezon City!(habol hininga)

“Ano? wala akong pake sa mga sinabi mo! bayaran mo yung motor ko at danyos sa abala ko kung hindi..”

“Or else what? ur gonna call police? Go Ahead! baka ikaw pa ang majail dyan Iskwater!!” (engine revs)

Sabay sibat ng kotse upang takasan ang pobreng motorista.
Agad naman tumalima si Abner at itinayo ang CT100 Bajaj sabay tadyak ng madiin sa kikstart.
“RENG DENG DENG DENG DENG DENG DENG” sabay buga ng makapal ng puting usok gawa ng halong gaas sa karga nitong regular na gasolina.

“As if aabot ka sa car ko poor guy Wahahahhaha”

**BGM
“I’m a shooting star leaping through the sky
Like a tiger defying the laws of gravity
I’m a racing car passing by like Lady Godiva
I’m going to go go go
There’s no stopping me

I’m burning through the sky yeah
Two hundred degrees
That’s why they call me Mister Fahrenheit
I’m traveling at the speed of light
I want to make a supersonic man out of you”

QUEEN-dont stop me now

Patuloy ang habulan ng dalawa na tila isang eksena sa isang action film ng pinoy dahil sa pelikula lang walang trapik sa kamaynilaan.
Nagcounterflow si Phoebe sabay apak ng gas ng madiin kasalubong ang isang Mixer Trak..
“Cmon cmon stay with me”

Todo busina ang trak ngunit “wapaquels” si Phoebe dahil alam nyang maiiwasan nya ito..
“Grag..Grag.Grak” tunog ng makina ng kotse ni Phoebe kasabay ng pagbagal nito.
“WTF!!..” at nakabig pa nya ng pakaliwa ang manibela ngunit nasuro pa rin ng trak ang pwetan ng kotse at bumalagbag sya sa isang puno ng Acacia sa tabi ng kalsada.

Laking gulat ni Abner sa pangyayari at agad na pumunta sa aksidente upang tingnan ang babaeng nagtaray sa kanya kung napaano na ito sabay tumakas na naman ang trak matapos ang insidente. (unfortunate turn of events)

Inabutan nyang nakadilat pa si Phoebe at nagsabi ng katagang…
“Fuck” sabay nawalan na ng malay.
Wala namang dugo na nkita si Abner sa dalaga gawa ng gumana naman ang airbag system ng sasakyan nito.

Di alam ni Abner ang gagawin at dahil wala nmn syang pera upang dalin sa ospital ang dalaga kayat napagdesisyunan na lang niyang itali ito sa katawan nya habang nakaangkas sa motor nya at iuwi muna sa kanila.

Parang construction worker na may kinidnap na artista ang eksena sa Oplan Angkas Bajaj scene.

Makalipas ang dalawamput pitong minuto at limampung segundo (to be exact) ay nakarating na sa kanyang tahanan si Abner at dahan dahang inalis ang pagkakagapos sa kanya ng babae upang alalayan na maihiga sa kanyang payak na tinitirhan.

Agad nabighani si Abner sa ganda ng kanyang nakikita sa oras na ito.
Mala anghel na babaen…