RH: What do you mean?
Yun lang ang nasabi ko. Mahirap humabi ng salita pag gulo ang isip mo. Mahirap pagtagpi-tagpiin ang lahat ng tumatakbo sa isip ko.
Jam: It was my fault.
Nagsimula na ang pagtulo ng luha mula sa mga mata nya, ngunit pinunasan nya ito agad ng isa nyang kamay. Hinawi nya ang kanyang buhok na naging dahilan para makita ko ang kabuuan ng kanyang mukha. Alam kong hindi naging buo ang tiwala ko kay Jam, sa lahat ng mga nangyari, tao lang naman ako para makaramdam ng pagdududa. Pero iba ngayon, alam kong malalim ang pinaghuhugutan ng kanyang emosyon at kahit hindi pa sya nagsasalita ay alam kong totoo ang mga susunod nyang sasabihin.
Bumaling ang tingin nya sa akin, hinanap ng kanyang paningin ang aking mga mata. Hindi sya nagsalita ngunit bakas sa kanyang mga mata ang mga luhang pinipigilang pumatak, halata ang lungkot, pag-aalala, at agam-agam. Pinutol nya ang pagtitig sa akin, at lumingon sa malayo.
Jam: Kung hindi ako nakipag-inuman nun kay Kevin, kung hindi ako nalasing, hindi sana mangyayari yon.
RH: Ang alin?
Jam: Ate and Kevin would still be together. They broke up because of me.
RH: Ano bang nangyari?
Jam: It was supposed to be my birthday celebration in Bohol. Five days sana kami don, Monday to Friday. Mama, ate and I were scheduled to fly on Monday morning, Tita Alice, was set to fly on Wednesday afternoon because she needed to attend a live-in seminar in Batangas that week.
Kumuha sya ng panyo para ipunas sa basa nyang mga mata, at ang mga pisging dinaluyan ng luhang patuloy na pumapatak.
Jam: Since puro kami babae, naisip ni ate na isama si Kevin. Four months pa lang ata sila non. Di ko alam pano nya napapayag si mama na isama yung boyfriend nya. Nakulitan siguro kaya pumayag na din.
Yumuko sya para tingnan ang panyong nabasa ng mga luha.
Jam: We booked two months ahead of my birthday. Kaso, nabago schedule ko sa school. Napaaga yung outreach activity namin sa Quezon, natapat sa Sunday, the day before our flight, up to Tuesday early afternoon. Paparebook ko sana yung flight ko, I wanted to fly Tuesday, kahit gabi na. But, Tita Alice insisted na sabay na lang kami since delikado bumyahe mula sa airport sa Bohol papunta sa resort.
Umiling si Jam habang nakayuko.
Jam: OK lang naman na Wednesday afternoon ako umalis ng Manila, Thursday pa naman birthday ko. So there, pagbalik ko ng Tuesday galing Quezon, nalaman ko na naiwan si Kevin ng flight nila. Hindi daw nagising ng maaga, di nakaabot sa airport.
Tumingin sya sa akin. Nabasa ko sa mukha nya ang lungkot. May panginginig ang kanyang mga labi, baka natatakot o kinakabahan sa pwedeng epekto ng mga sasabihin nya.
Jam: I thought it will just be me and tita on that flight, but Kevin showed up in the airport. Nalaman pala ni Tita Alice na naiwan sya, she thought ate would be dissappointed, because I tell you, ate was so excited for that trip. So Tita Alice paid for the rebooking of Kevin’s ticket.
RH: Can we just get to the point please, Jam?
Jam: Gabi na kami nakarating sa Bohol. Tulog na si ate kasi napagod daw sa pamamasyal, sabi ni mama na nadatnan naming nanonood ng TV sa sala. Dalawa ang kwarto ng suite namin, ang usapan, tabi kami ni ate, tabi si mama saka si Tita Alice. Si Kevin, sa sofa sa sala matutulog.
Kinuha nya ang tubig na naghihintay sa ibabaw ng mesa. Uminom ng kaunti, para bang kumukuha ng bwelo para sabihin ang susunod na pangyayari.
Jam: Nagkaayaan na maginuman kasi ilang oras na lang birthday ko na. Si mama, tinabihan na si ate sa pagtulog matapos nya kaming sabihan na wag maglasing. Sinabayan kami ni Tita Alice, baka daw kasi mapalakas ang inom ko, salo daw kami. Pero naunang bumagsak si Tita sa sofa. Di ko na din alam kung ano yung mga nangyari dahil nalasing ako agad.
Huminto sya, at naghabol ng mga hikbi. Tumingin sya sa akin na parang nagmamakaawa. Agad din namang bumaling sa malayo ang kanyang tingin.
Jam: Napadilat ako dahil parang may sumigaw. Naramdaman ko ang matapang na amoy ng alkohol na galing sa hininga ng isang taong katapat ko ang mukha sa pagkakahiga. Nakadantay ang braso at binti nya sa akin. Ako naman, nakatagilid sa kanya.
Uminom syang muli ng tubig.
Jam: Nagising ang diwa ko sa lakas ng sigaw ni ate, kasinglakas ng paghampas nya kay Kevin na bumangon na din. Bigla kong narealized ang mga nangyayari. Si mama ang umawat kay ate, si Tita Alice, hinila si Kevin palabas ng kwarto. Galit na galit si ate kay Kevin.
Ipinatong nya ang baso sa mesa at tumingin muli sa akin.
Jam: I felt so guilty Robin. Inakap ako ni ate non, tinanong nya kung OK lang ako, kung nasaktan daw ba ako. Hindi nya inisip si Kevin. Ako agad yung inintindi nya
RH: Why are you guilty?
Jam: I don’t know how things went there. Sobrang lasing ko non. But what I felt guilty about is because I know how much ate loves him, and I knew at that very moment, their relationship will end.
Nagpunas uli sya ng luha.
Jam: And I was right, di na sila nagkita ni Kevin from that day on.
RH: Bakit mo sinabi sa akin to?
Bumalik ang tingin nya sa akin. Ako naman ang umiwas ng tingin. Hindi ko alam kung kaya kong tanggapin ang mga susunod nyang sasabihin. Sa isip ko ay may mga larawang nabubuo, mga eksenang nagbibigay sa akin ng mas maraming tanong.
Jam: Because I want to be honest with you. I realized that, in order to do that, you should know everything about me, even this dark little secret I wish I never had! Remember when ate freaked out, nung nasa bahay tayo minsan?
Oo, naalala ko na, nung sumablay akong ibahin yung topic para mapakalma sila.
Jam: I never wanted her to tell you that story, kasi di ko alam kung anong pwede mong isipin sa akin. Pero ngayon, wala na akong pakialam kung anong magiging tingin mo sa akin, I just want to be completely honest with you that even the darkest secret that I have, eto, sinasabi ko na sayo.
Naramdaman kong inaabot nya ang kamay ko, ngunit umiwas ako at ipinatong ang kamay ko sa mesa.
Jam: No secrets, I just want us to be back together. I am sorry for all the lies, about my Naga trip, and Red, tao lang ako Robin, nagkakamali.
Inamin sa akin ni Jam na intensyon nyang wag sabihin sa akin na kasama si Red sa Naga. Ang mas mabigat pa, sinabi nyang may nangyari sa kanila habang kami pa, mga limang beses daw, at hindi naputol ang communication nila kahit kami na. May mga gabi daw na magkatext sila, pero flirt lang naman daw.
Jam: Pero tapos na yon, napatunayan ko kung gano mo ko kamahal.
Hindi yon yung tanong dito.
Jam: At napatunayan ko na mahal kita at di ko kaya na mawala ka sa akin. So, please, Rob? Here I am, weak, vulnerable, exposed, and I am in desperate need of your love and forgiveness.
Bumilis ang pagtulo ng luha mula sa mga mata nya, na kahit punasan nya gamit ang kanyang mga kamay ay halata pa din. Mahina at garalgal na ang boses nya, halatang pinipigilan ang isang malakas na hagulgol. Ibinalik ko sa malayo ang tingin ko, at naramdaman kong inihilig nya ang ulo nya sa balikat ko.
Jam: I just want us back Robin. I am so sorry. Kung gusto mo hindi na ako tutuloy sa Singapore.
Mabilis nyang hinawakan ng dalawang kamay ang braso ko. Hinila nya ito ng bahagya para tingnan ko sya sa mata.
Jam: I love you, please give me another chance.
Wala na sa isip ko yung pagttrabaho nya sa Singapore. Yung pagtataksil na ginawa nya sa akin para kay Red, hindi ko na halos ikinagulat, matagal na akong may kutob tungkol don. Saka marami naman nagkkwento sa akin sa school na madalas silang makitang magkasama sa library pag may klase ako at vacant si Jam. Baka nga kaya ayaw nyang mabuntis agad dahil siguradong pag nangyari yon, hindi lang career nya ang nakasalalay, pati yung kanila ni Red.
Isa lang ang laman ng isip ko, yung nangyari sa Bohol. Posible kayang ginawa lang ang lahat ni ate para makaganti kay Jam? Is there a chance, no matter how small, that what she showed me were all fabricated feelings and emotions so she can lure me into her trap? Posible kayang hindi lang si Jam ang nanloko sa akin, baka pati din si ate?
Biglang umayos ng upo si Jam at mabilis na nagpunas ng mga luha ngunit halata sa mata nya ang pag-iyak. Napansin din pala nya na parating na ang mama nya.
Tita: Oh, you broke up na? Its earlier than I thought…
Tita Alice: Ate, please.
Hindi ko alam kung pabiro o sadya ang pang-aasar nya.
Tumayo ako at nagpaalam.
RH: Mauuna na po ako tita. Salamat po sa inyo. Hindi ko na po kayo maihahatid sa bahay may aasikasuhin pa po ako.
Sabi ko lang yon, pero inis lang ako sa mga nangyayari.
Tita: No need, we can manage.
Mabilis akong naglakad para lumabas ng restaurant. Palabas na sana ako ng pinto nang may humawak sa kamay ko. Lumingon ako para alamin kung sino ang pumigil sa akin. Si Tita Alice. Mas bata sya kesa sa mama ni Jam. Mas mataba at mas maliit. Maikli ang kanyang buhok na halos pantay lang sa kanyang tenga. Di hamak na mas mabait siyang tingan kesa sa mama ni Jam. Mas kaaya-ayang tingnan ang mukha nya, kesa sa napaka-strict na aura ng kapatid nya.
Tita Alice: Naku Robin, pasensya ka na sa ate ko. Ganun lang talaga yon, mula nung nawala yung husband nya.
RH: Wala po yon.
Tita Alice: I hope hindi ka naoffend sa pagtatanong nya kanina ha, I think she only wants what is best for Jam. But, you know, I see that drive in you anak. I know, you can give Jam a better future.
RH: Maraming salamat po tita.
Nilabas nya ang kanyang wallet, at dumukot ng pera.
Tita Alice: I know student ka palang, at baka naubos ang allowance mo kakabantay kay Jam. Eto, pamasahe mo pauwi, magtaxi ka na, puyat ka din siguro, baka mapano ka pa.
RH: Ay, hindi na po, ayos lang po may pera pa po ako. Salamat po tita.
Tita Alice: I insist. Sige na. Salamat sa pagbabantay mo sa pamangkin ko. Thank you, and regards sa parents mo. Life is tough, but just hang in there.
Ngumiti sya sa akin at tinapik ako sa balikat.
Napilitan akong kunin ang iniabot nya. Sa totoo lang, saktong-sakto lang ang laman ng wallet ko pauwi, kaya OK na din to. Nagpaalam ako sa kanya at tuluyang lumabas ng restaurant.
Balot ang isip ko ng maraming tanong, hindi tungkol kay Jam, tungkol sa amin ni ate. Sa sobrang galing nyang mag-isip, hindi imposible na planado nya ang lahat ng to. Hindi kaya sinadya nya na akitin ako, tapos papaniwalaing mahal nya ako? Hindi kaya sinadya nyang mapamahal ako sa kanya, para sa dulo, mas masaktan si Jam, dahil hindi lang kami naghiwalay, minahal ko ang ate nya, sapat, para hindi kami magkabalikan. Ang hirap, nakakabaliw ang mga tanong, masalimuot ang pwedeng kalabasan.
Palabas na ko ng ospital nang masalubong ko si ate. Madami syang dala, mga gamot siguro ni Jam. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Hindi ko nga alam kung may mararamdaman pa ba ako. Hindi ko alam kung pagibig ba ang natagpuan ko, o naging biktima ako ng isang trahedyang marahan nyang pinagplanuhan.
Ate: Nanjan pa ba sila?
Tumango lang ako.
Ate: Make sure you don’t tell Jam about us, promise me.
I stared at her eyes. Coldblooded. Hindi ko makuhang magalit dahil hindi ko makuhang mag-isip kung ano ang nararamdaman ko.
RH: I just want some time to think.
Alam kong nagisip sya ng isasagot nya, pero hindi ko yon kelangang madinig.
RH: We all need a break from this mess.
Nakita ko ang reaksyon ng mukha ni ate, nagulat sya at hindi alam kung ano ang gagawin.
Hindi ko na hinintay ang susunod nyang sasabihin. Umalis ako at sinimulan ang isang mahabang byahe pauwi sa amin.
***
Dalawang araw matapos makalabas ni Jam sa ospital, nagdesisyon ang mama nya na isama muna sya sa Ilocos bago ang nalalapit nyang graduation. Tinawagan nya ako para magpaalam. Gusto ni Jam na magkabalikan kami, pero hindi ako agad sumagot. Sa dami ng nalaman ko tungkol sa kanya, at kay ate na rin, gumulo lang lalo ang lahat. Nakiusap ako sa kanya na pagbalik na lang nya kami ulit mag-usap. Sinabihan ko syang magpahinga na muna, palakasin nya ang katawan nya at pagisipang mabuti kung papano uusad mula sa paghihiwalay namin.
Hindi ko naisip na magiging ganito kasalimuot ang lahat. Magulo, at bawat araw, mas maraming nagiging tanong kaysa sa natutuklasang sagot.
Nagtext ako kay ate pagkalabas ni Jam sa ospital at sinabi kong gusto ko munang mag-isip sa mga susunod na araw, at baka mas makabubuting hindi muna kami magkita o mag-usap.
Magtatatlong araw na ding hindi kami nag-uusap ni ate. Sa totoo lang, marami akong gustong itanong sa kanya, pero hindi ko alam kung paano. O baka mas tamang sabihin na hindi ko alam kung kaya kong tanggapin ang mga isasagot nya sa akin. Minsan kasi mas mabuti pang hindi mo na lang alam, kesa malaman mo ang mga bagay na makakasakit sayo. Pero sa sitwasyon namin, hindi pwedeng hindi ko malaman, ang tanong lang, kailan ako magiging handang harapin ang katotohanan.
Nasa bahay lang ako at katatapos maghapunan, nagpapahinga, nagiisip kung ano ang dapat kong gawin nang tumunong ang cellphone ko. Si ate, tumatawag. Sinagot ko, dahil alam kong hindi naman sya tatawag kung hindi importante, lalo ngayong gabi na.
Ate: I am sorry I called.
RH: Bakit?
Ate: Kilala mo si Gary? Yung bantay dito sa apartment? Kakwentuhan ko kasi kanina.
RH: Oo, bakit?
Ate: Nakakwentuhan ko kasi kanina, yung anak nyang panganay, first year ECE pala yon, e hindi daw ayos yung final grade kaya pinagspecial project nung prof nya.
Hindi ako sumagot kahit pa huminto sandali sa pagsasalita si ate na para bang naghihintay ng isasagot ko. Napilitan tuloy syang magsalita.
Ate: Pinagawa ng power supply ba yon? E bigla daw pumutok o nasunog habang ginagawa nila kaninang hapon, e wala na sila mabilan ng pyesa. Kaya tong si Gary umiiyak kanina, matatanggal daw sa scholarship yung anak nya pag bumagsak. E kailangan daw maipasa sa prof bukas ng tanghali.
RH: Ano gusto mong gawin ko?
Ate: Baka naman matutulungan mo.
RH: Sige sabihin mo kay Gary, wag magalala, darating ko bukas ng maaga.
Ate: Salamat. Nakakaawa kasi yung tao, pag nawala yung scholar–
RH: Ok na ba?
Ate: Sorry, sige ok na. Salamat.
Pinutol ko na ang tawag ni ate. Maliban sa hindi talaga nakakatulong sa akin ang may kausap pag nagiisip ako, may halo na din kasing galit o inis yung nararamdaman ko mula ng marining ko ang kwento ni Jam tungkol kay Kevin. Ewan ko ba, alam kong dapat kong kausapin si ate tungkol dito, pero tao lang din naman ako, siguro naman, hindi mali na maramdaman ko ang ganitong emosyon. Lalo pa kung iisipin na ang galing magplano ni ate sa mga bagay-bagay. Ilang beses bang una lagi syang nakakaisip ng paraan dati para makasalisi kami kay Jam, o yung mga tricks nya para di kami mahuli o mapaghinalaan.
Naligo agad ako pagkatapos naming magusap. Nagpaalam ako sa mga magulang ko na kailangan ko lang umalis. Sanay na din naman sila sa akin. Binibiro pa nga ako na baka magkasakit ako sa halos tatlong araw na pananahimik ko sa loob ng bahay.
Agad akong bumyahe papunta kina Jam, pero hindi si ate ang pakay ko. Close kami ni Gary, mabait sya at mapagkakatiwalaan talaga. Madalas nakakakwentuhan ko sya dati pag naghihintay ako ng masasakyan pauwi. Parang di kaya ng konsensya ko na hindi agad tumulong sa mga taong mabait sa akin. Isa pa, alam ko ang hirap na pwede nyang harapin pag nawalan ng scholarship ang anak nya. Saka kung bukas ako ng umaga pupunta, baka hindi ko agad magawa, lumampas sa tanghaling deadline, tapos hindi tanggapin ng prof ng anak nya. Ewan ko ba, pero, alam kong hindi ako makakatulog ng mahimbing kung ipagpapabukas ko pa ang pagtulong sa kanya.
Inabot ako ng trapik at alas nueve pasado na ng gabi ng dumating ako kina Jam. Nakatanaw sa malayo si Gary nung dumating ako, halatang problemado. Lumapit ako sa mesa nya para maglog sa visitors logbook.
RH: Nasan na?
Gary: Alin sir?
RH: Yung project ng anak mo, balita ko nasira daw e kelangan mo daw bukas?
Lumiwanag ang mata nya at mabilis na tinawag ang anak nya na kasama nyang nakatira sa…