My Ex’s Ate: Ch8 by: robinhud

Hapon na nang makarating kami sa Corregidor. Kulimlim pa rin ang langit at may mahinang ambon. Nakatulog kami parehas sa ferry, dala na din siguro ng pagod sa byahe at sa ginawa namin kanina. Malamig ang hanging sumalubong sa amin sa isla. Sariwa at amoy probinsya kahit alam mong malapit ka pa din sa Maynila. Dumaong ang ferry, at kasama ang iilang pasahero ng huling byahe papunta sa isla, bumaba kami at sinalubong ng replica ng tramvia na syang maghahatid sa amin sa nag-iisang hotel doon, ang Corregidor Inn.

Magkatabi kami ni ate sa tram, back pack lang nya ang dala namin, at isang paper bag ng mga napamili kong damit para sa dalawang gabing pamamalagi namin dito sa isla. Hindi pa man kami nakakapaglibot ay kita na agad namin ang ganda ng lugar. Karamihan ng lupa ay natatakpan ng damo at ng matatayog na puno. Walang ingay ng sasakyan at wala masyadong tao na palakad-lakad sa gilid ng kalsada. May ilang mga ‘guard house’ sa nadaanan namin, nagpapaalala ng nakaraang humubog sa makasaysayang isla.

Unang beses naming parehas na makarating dito sa Corregidor, at kita ko sa mga mata ni ate ang excitement. Palinga-linga sya at para bang hindi mapakali sa bagong tanawing nakapaligid sa amin. Napatitig ako sa kanya, ngayon lang kasi ako nabigyan ng pagkakataon na mamasdan sya sa nang malapitan na walang ibang iniisip, hindi nagmamadali, at walang halong libog sa katawan. Tinatangay ng hangin ang kanyang manipis na buhok kayat napilitan syang gawin head band ang dala nyang puting panyo na lalong nagpaaliwalas ng kanyang mukha. Napatingin sya sa akin at ngumiti.

Ate: Thank you.

Ngumiti lang ako at lumingon muli sa labas ng tram. Natanaw ko na ang Corregidor Inn na magsisilibing tuluyan namin sa dalawang gabing pamamalagi namin dito. Makaluma ang itsura ng hotel, na bagay naman sa karakter ng buong isla. Pula ang mala-tisang bubong nito at puti ang dingding. Sa unang tingin ay aakalain mong lumang dormitoryo nuong panahon ng Kastila. Malalaki ang bintana nito, ngunit alam mong malaki na rin ang nabago dahil sa mga airconditioning unit na nakalagay sa mga ito.Pataas ang kalsadang tinahak ng aming sinasakyan papasok sa entrada ng hotel. Kapansin-pansin ang mga halamang nakapaligid sa hotel na nakatanim sa mga plantbox na yari sa malalaking bato.

Una akong bumaba ng tram, dala ko ang back pack at ang paper bag. Inalalayan ko sa pagbaba si ate. Dalawang babae ang sumalubong sa amin at bumati. Dere-derecho kami papanik sa front desk ng inn, sinundan namin ang mga kapwa turista na kasabay namin sa tram. Si ate ang nagcheck in at nakipagusap sa reception. Nakatayo lang ako sa lobby at pinagmasdan ang ganda ng lugar.

Makintab ang sahig na gawa sa kahoy, at ang mga dingding ay napapalamutian ng iba ibang larawan mula sa mayamang kasaysayan ng lugar. Kaunti lang ang mga tao, mukhang karamihan ay day tour lang at hindi magoovernight. Lumapit sa akin si ate.

Ate: Room is ready, kaso wala na daw guided tour ngayon, bukas na daw ang next schedule.

RH: Ah, ok lang sa Lunes pa naman ang uwi natin. Mas ok nga makapahinga muna tayo.

Pumasok kami sa aming kwarto na nasa parehas na palapag ng lobby. Maliit lang, may isang kama na pangdalawahan, TV, at CR. Hindi naman kami nagexpect ng kahit na ano, libre naman lahat to at maganda pa din naman kahit maliit.

Humiga agad si ate sa kama habang nilapag ko sa loob ng isang kabinet ang mga dala namin.

Ate: Ang bilis ng oras, 4 PM na agad, gutom na ako. Meryenda tayo?

RH: Sige maghihilamos lang ako, malagkit na mukha ko e.

Tumayo sya agad ng kama at hinawakan ako sa braso.

Ate: Ang arte mo, lika na mamaya ka na maghilamos.

Nakangiti sya sa akin kaya wala na kong nagawa kung hindi ang sumunod.

RH: Kung di ka lang maganda, naku.

Biro ko habang sinasara ang pinto ng kwarto.

Nagtanong kami sa reception kung saan may pwedeng makainan ng meryenda at nagtungo kami doon. Open air ang dining area, isang malaking terrace ng hotel na may mga mesa at upuan. May ilang mga tao, pamilya, couple barkada. Naupo kami sa pinakasulok na mesa kung saan tanaw na tanaw ang dagat na nakapaligid sa isla. Umorder kami ng pagkain sa lumapit na waiter.

Ate: Malaki ba tong island?

RH: Hindi naman, mga 5 square kilometers.

Ate: Anong lugar yon?

Sabay turo sa malayo.

RH: Di ko sure kung Bataan o Cavite.

Nilapag ng waiter ang kape at tinapay na binili ni ate sa mesa.

Ate: Bakit Corregidor?

RH: Ha? Sponsor ng quiz bee yung company na nagmamanage nitong resort so yan yung grand prize.

Ate: I mean, bakit Corregidor yung name ng island?

Natawa kami parehas.

RH: Bukas pa yung guided tour di ba?

Pabiro kong sagot.

Apatan ang upuan ng mesa, at pinili naming maupo na magkatapat, at iniwang bakante ang mga upuan sa gilid namin. Uminom sya ng kape bago nagsalita.

Ate: Oo, masama ba magtanong? Ang sungit mo, tatanda ka agad nyan.

RH: Haha. Spanish term kasi ang Corregidor.

Ate: Ha? Di ba World War II ito sikat? Panahon ng Amerikano saka Hapon?

RH: Yes, pero panahon pa lang ng Kastila, ginamit na nila tong island na to para icheck yung mga papeles ng mga barko na papasok sa Manila Bay, kaya nga ‘corregidor’ ibig sabihin, ‘to correct or check’.

Ate: Wow.

Mula sa pagkakasandal ay umayos sya ng upo, ipinatong nya ang kanyang mga siko sa mesa, pinagdikit ang kanyang mga palad at ipinatong dito ang kanyang maamong mukha. Parang bata na naghihintay sa susunod na kwento. Suot pa din nya ang headband na panyo kayat kitang kita ang kanyang buong mukha.

Ate: So pano nagkaron ng mga Amerikano dito?

RH: Strategic kasi to dahil nga parang gate sya papasok sa Manila Bay. So ginawa tong stronghold ng Amerika nung sila naman ang sumakop sa atin. Yung mga sundalong Amerikano, tinawag nila tong The Rock.

Ate: Tapos?

RH: Yung mga sundalong ‘Kano ang nagdevelop nitong island, nilagyan nila ng ospital, school, barracks, sinehan at kung ano-ano pa. Tapos nasira to nung sinakop ng Japan ang Pilipinas nung 1942.

Ate: O, kaya ba puro ruins na lang?

RH: Oo, lahat ng building dito nasira, walang kahit isa na natirang buo.

Ate: Grabe pala no?

RH: Naglaban pa ulit kasi dito. Kasi diba 1942 natalo ng Japan ang Amerika, nacontrol nila ang Corregidor. Pero nung 1945, binawi ng Amerika ang isla mula sa mga Hapon.

Uminom ako ng kape, tumingin sa magandang view ng dagat at bumaling ulit ang tingin sa magandang mukha na nakaharap sa akin.

Ate: Naks! Dami mong alam ah! First time mo ba talaga dito?

RH: Oo naman, ngayon lang ako nakapunta dito. Lahat ng sinabi ko sayo, nabasa ko lang sa libro.

Ate: So, mahilig ka sa history?

RH: Oo. In fact, in an alternate universe where all else is ideal, I would have been a historian.

Ate: Talaga? E bakit ka napunta sa engineering?

RH: Yun lang ang pwede sa scholarship ko, engineering or sciences, or tambay habangbuhay.

Nagkatawanan ulit kami.

Nagtama ang tingin naming dalawa, at sa unang pagkakataon, hinayaan naming magkatitigan ang aming mga mata. Unti-unting nawala ang tawa at naging ngiti. Para bang parehas kaming naghihintay na magsalita ang isa. Para bang parehas kaming naghihintay kung saan pa makakarating ang kwentuhan namin.

Lumapit sa amin ang waiter at nagtanong kung maari ba kaming lumipat ng mesa. Nasa likod nya ang isang matandang lalaki, nakaupo sa wheelchair, at tinutulak ng isang staff ng restaurant. Puti ang manipis nyang buhok at hukot ang kanyang balikat. Kulubot ang kanyang balat. Payat ang kanyang pangangatawan na nababalot ng jacket na asul na nakapatong sa polo nyang puti. Mahaba ang kanyang binti, siguro mga 6 footer din sya nung kabataan nya. Makintab ang balat nyang sapatos at may kinang na tela ng suot nyang pantalon.

Waiter: Yan kasi lagi nyang pwesto sir pag nandito sya.

Marami namang bakanteng upuan, ngunit ayaw na namin makipagtalo, tatayo na sana kami ni ate nang magsalita ang matanda. Nagpakilala sya, si Lolo Ben, parang Amerikano.

Lolo Ben: Its okay, you don’t have to leave. Its not often that I get to eat with young people. So please just sit if you don’t mind.

Ngumiti sya sa amin ni ate. Hindi ko alam kung anong trip ng matandang ‘to pero wrong timing ang dating nya. Kung kelan naman ineenjoy ko ang time namin na magkasama ni ate, saka naman sya darating.

Iniwan sya ng restaurant staff at sinabing babalikan na lang sya matapos syang kumain. Inilapag ng waiter ang tea at tinapay ng matanda at nagpaalam na din itong umalis.

Magkaharap kami ni ate sa apatang upuan, at si Lolo Ben ay nasa kanan ko. Nakaharap sya sa dagat at umiinom ng tea. Ngumingiti sya sa twing magkakatinginan kami. Syempre kami ni ate, hindi na masyadong nakapag-usap, nakakailang kasi.

Lolo Ben: Its good to see a couple enjoying the beauty of this island.

Ate: No, lolo we’re not a cou-

Di pa tapos si ate ay sumagot na si Lolo Ben.

Lolo Ben: I am old enough to know one when I see one young lady.

Ate: By the way lolo, lagi po ba kayo dito?

Iniba agad ni ate ang topic.

Lolo Ben: Hmmm, not really. I visit once a month. Some times twice.

Tuloy ang matanda sa pagkain ng tinapay at paginom ng tea. Kami naman paubos na ang tinapay at kape. Tahimik lang ako, di naman kasi ako palakwento sa mga taong ngayon ko lang nakilala.

Ate: Wow, ang dalas nyo po dito. Kami nga po ngayon lang nakarating dito.

Lolo Ben: I love this place, I really do. Fresh air, quiet and reminds me a lot of my time here as a soldier.

Wow. Di ko inakala na sundalo pala sya. Naiba bigla ang mood ko. Ginanahan akong makinig sa mga kwento nya.

RH: Talaga po lolo? Dito po kayo naka-assign dati?

Lolo Ben: Yes, I just turned 18 when I serve the US and was assigned in Subic a year after.

RH: Oh, sorry, are you American? Do you understand Filipino?

Lolo Ben: Yes, full blooded Uncle Sam, son. But I understand Tagalog. I lived long enough here in the Philippines to learn your language.

RH: So nakita nyo po tong island when it was so beautiful?

Nakatitig kay lolo si ate, interesado din sa kwento. Dumako ang tingin ni Lolo Ben sa dagat, huminga ng malalim bago nagsalita.

Lolo Ben: Not really, I was in Subic during my first months here. Then as the forces of the Japanese won over the territory, we moved to Bataan.

RH: The Bataan peninsula which is around two miles away from here.

Lolo Ben: Yes, by boat. When Bataan fell, it was the 9th of April, 1942, we escaped and thought Corregidor is the fortress where we would be safe. I really thought that this is a beautiful island because my folks used to call this The Rock.

Tumingin ako kay ate. Seryoso syang nakikinig kay Lolo Ben.

Lolo Ben: But we were wrong. When we got here the island is full of soldiers who escaped Cavite and Manila. The Malinta tunnel was one of the strongest and safest places in the island. We hid there as the Japanese drop bombs here and there almost everyday. It was horror. Horror that did not care about night and day.

RH: Wow, hanga po ako sa tapang nyo, lolo.

Lolo Ben: They say wounded soldiers are the bravest. I was just serving my country and in turn, your land.

Ate: So, nasugatan din po kayo noon?

Lolo Ben: Yes, I was once hit by rocks coming from the explosions from the bombs. I remember I was part of a group that was assigned to move medics from the northside of the island to the east side. I was hit here.

Tinuro nya ang kanyang balikat.

RH: Oh, buti di po kayo napuruhan?

Lolo Ben: I was wounded, but Gloria took care of me.

Ate: Sino po?

Lolo Ben: Gloria, she was a nurse. I still remember vividly up until today her beautiful face, her smile, and how she makes me feel OK even without saying a word.

Iba talaga pag sundalo.

Lolo Ben: We spent almost all our free time together.

Ate: Uy.. si lolo nageemote.

Sumimangot ako kay ate, sign na wag nyang asarin ang matanda. Malayo pa din ang tingin nito at halatang galing sa malalim na alalaala ang kanyang kwento.

Ate: Sorry naman

Sagot ni ate sa akin pero pabulong.

Ate: Saan na po si Lola Gloria, lolo? Kasama nyo po ba sya dito?

Lolo Ben: Gloria is always with me, in my heart and in my mind.

RH: Ah wala na po siya, sorry to hear that po lolo.

Lolo Ben: The most intense battle here in Corregidor happened from May 5 to May 6. It was nearly a month since I came here for shelter. The days leading to the fall of this island were hell. On the 3rd of May, we received information that the strongest attack will happen in 48 hours. The generals, they sent the nurses and other wounded soldiers to Cavite through a boat on the dawn of the 4th of May. They knew the island was about to fall and we should at least save some. That was the last time I saw Gloria.

Kita na ang luha na nasa gilid ng mata ni Lolo Ben.

Ate: You never saw her after po?

Lolo Ben: The island fell to the Japanese on the 6th of May after a long battle. I was held captive here for three years until the Americans regain control of Corregidor in 1945. I immediately went to our camp in Cavite to look for Gloria, but no one knows her whereabouts. I looked everywhere I could, but I never saw her again.

Nakita ko si ate, maluha-luha na sya. Sinubukan kong pagaangin ang timpla ng usapan.

RH: E lolo, ang pogi nyong yan sigurado nakapag-asawa kayo kahit hindi si Gloria?

Lolo Ben: No, infact I stayed here in the Philippines hoping that one day we will meet again.

RH: Hindi po kayo nag-asawa?

Lolo Ben: What for? If its not Gloria, then what for?

Ate: Para po may kasama kayo sa buhay?

Lolo Ben: You don’t love for the sake of being with someone.

Kumagat sya ng tinapay at pinunasan ang luha na nasa gilid ng mga mata nya. Nakatingin lang kami ni ate at naghihintay ng susunod nyang sasabihin.

Lolo Ben: You love because you found that piece of your soul in her, and from that moment you knew that it is indeed love, you just want the rest of your life together, to start at that very moment. I felt that with Gloria. I knew I found that piece of me in her.

Ate: Pero 18 pa lang po kayo non lolo, and you knew her for less than a month, right?

RH: And you made a decision that affected the rest of your life for some one you just met for that short period of time?

Nangiti sya.

Lolo Ben: Love has no concept of time or age. You can be with someone for years then realize somewhere along the road that you are still incomplete. More so, you can be with a person for just hours or days and right there and then experience that sense of contentment, that feeling that you don’t care about the world and all you care about is her.

Mula sa akin ay dumako ang tingin nya kay ate.

Lolo Ben: Gloria made me felt all these emotions at once. She made me feel alive in the middle of a war where I am half way to my grave. That feeling, I am sure, no one on earth can make me feel except her. She made me want to wake up each morning even if I know that bullets and bombs are for breakfast. I thought Corregidor is the fortress for a soldier like me, but no, she was my fortress.

Hindi kami nakapagsalita ni ate.

Lolo Ben: That’s why you guys are lucky, because you have each other. Gloria and I spent less than a month together, I failed to make the most out of it. If I only knew, I could have spent all those days with her showing her how much I love her.

Tumingin sya kay ate, tapos sa akin,

Lolo Ben: Never waste the chance to show the one you love how you feel. Life has a funny way of its own twists and turns, and tomorrow is never promised. You’ll never know when is the last time you will be able to give her that one last hug, that one last kiss. So if you found love…

Bumalik ang tingin nya kay ate.

Lolo Ben: ..hold on to it. Surrender to it. Let it take over your senses, your emotions. Let it conquer your whole being.

Napansin kong pinunasan ni ate ang luha sa mga mata nya. Si lolo naman, hindi na napigilan ang pagtulo ng mga luha nya. Dumidilim na, hindi ko alam kung dahil uulan, o talagang gumagabi na. Kinain na kami ng mga kwento ni Lolo Ben. Isang malungkot na love story, pero marami akong natutunan.

RH: Hindi po ba kayo nagsisi na tumanda po kayong mag-isa?

Lolo Ben: Not in a million years. If there was one thing I regret it was not going with her that dawn of the 4th of May. I was wounded and qualified for the transfer to Cavite. But I chose to stay, I fear what the other soldiers would say about me. I fear that I would fail to bring honor to my family by being a coward. May be I am, I was.

Bumaling ang tingin nya sa malayo.

Lolo Ben: I honestly thought I would make it through and followed her right away. But things went sideways. I wish I could go back and made the right thing. I was young back then and I was thinking too much. This is why I tell you both..

Tumingin sya sa amin ni ate, dahan dahan nyang ipinatong ang mga kamay nya sa mesa.

Lolo Ben: Never make the same mistake I did. If you found love, keep it, hold on to it, no matter what the cost, never care about what the world would say, because you found your world in each other. My love for Gloria cost me living my life alone, but I am never lonely. I would rather spent my days looking back at our memories, than being with someone else.

Dumating pa maya-maya ang restaurant staff kasama ang caregiver ni lolo. Oras na daw ng paginom nya ng gamot. Nagpaalam sa amin si Lolo Ben.

Nagulat kami ni ate sa mga nangyari at nagdesisyon na bumalik na sa kwarto at mag pa room service na lang ng hapunan.

***

Matapos kong maligo ay nakita kong nakahiga si ate sa kama, nanonood ng TV na nasa kanyang paanan.

Ate: Nabusog ka ba sa dinner? Parang konti nakain mo?

RH: Busog naman, masarap yung sabaw. Tatawag ako sa front desk hihingi ako ng extra blanket, para jan ako sa lapag mahihiga.

Ate: Ano? Ang lapad ng kama . Tabi na lang tayo. Besides, ano pa bang gagawin mo sa akin na hindi ko papayagan?

Nakangiti syang umayos ng higa at inimbitahan akong tumabi na sa kanya.

Ate: Thank you ha.

RH: San?

Ate: Sa experience na to.

Hindi lapat ang pagkakahiga namin dahil nga nanonood pa kami ng TV. Medyo mataas ang unan kaya halos nakasandal na ang ulo ko sa head board ng kama. Si ate naman, dahil maliit, hanggang balikat ko lang ang ulo.

Ate: Ang sad nung story ni Lolo no?

RH: Well, nangyayari talaga yung mga ganun.

Ate: Kung ikaw yon? Would you rather go with the girl or magpapaiwan ka dito for your duty?

RH: Mahirap na desisyon yon, but I think I would go with the girl. Ikaw?

Ang tagal sumagot ni ate, hinayaan ko lang. Mamaya pa, napansin ko ang pagbigat ng ulo nya sa balikat ko. Sinilip ko ang maamo nyang mukha. Nakatulog na pala. Napagod siguro.

***

Masaya ang naging guided tour namin nang sumunod na umaga. Para sa isang katulad kong history geek, ang dami kong natutunan at mas naging interesado ako na mag-aral tungkol sa World War II. Kulimlim pa din ang langit, may konting ambon, pero sabi sa TV kaninang umaga, baka daw umulan ngayon sa Metro Manila, ewan ko kung madadamay kami. Bumalik kami sa kwarto after lunch para magpahinga sandali. Tuwang-tuwa si ate sa mga kuha nya sa dala naming digicam.

Ate: Pero wala tayong picture na magkasama Robin.

RH: E sino naman kukuha sa atin?

Nakaupo ako non sa kama at nakatalikod sa kanya. Bigla syang pumasan sa akin, inunat ang kanyang kamay na may hawak ng kamera at kumuha ng picture.

Ate: O, kita mo, sakto, galing ko no?

Pinakita nya sa akin ang picture, magkadikit ang mukha namin, at nakabalot ang braso nya sa leeg at balikat ko. Nakangiti kaming parehas, cute nga.

Ate: Labas tayo, maganda dun sa may garden, malapit lang dito. Sige na, di naman mainit o!

RH: Sige, sabi mo e.

***
Tahimik ang paligid sa isa sa maraming garden sa isla. Tanaw ang dagat at luntian ang damong bumabalot sa lupa. May ilang mga puno at may mga upuan sa gilid. Wala masyadong tao, karamihan siguro ng tourist ay nasa guided tour pa. Naupo ako sa isang bench malapit sa isang estatwa ng sundalong may hawak na baril at pang-araro.

Ate: Ang corny mo naman, dito ka maupo o.

Inaya ako ni ate na maupo sa grounds mismo ng garden.

Ate: Walang ganito sa Manila, sulitin na natin.

Tumabi ako sa kanya. Parehas kaming nakaharap sa gawi ng dagat.

Ate: Hindi ka ba hinahanap sa inyo?

RH: Hindi, nakausap ko naman si nanay kahapon. Saka nagtext din ako dun sa barkada ko na may sari-sari store sa amin, sabi ko, dalan lagi ng almusal sila nanay, babayaran ko na lang paguwi ko.

Ate: Alam mo, ang bait mo, responsable, saka may drive ka to improve yung buhay mo.

RH: Buhay namin ng pamilya ko ate. Lahat ng pangarap ko, kasama sila. Gusto kong maging magaling na engineer, magkatrabaho ng maganda tapos mabigyan ng magandang buhay yung nanay at tatay ko, saka yung magiging pamilya ko.

Ate: Yan, yan yung sinayang ni Jam nung naghiwalay kayo.

RH: Haha. Makakahanap din ng iba yon na mas OK kesa sa akin. Ikaw ate, anong pangarap mo?

Ate: Of course, gusto kong maging successful sa career ko. The world gave me a ton of pressure. Yan yung mahirap pag madami kang academic awards, akala nila kaya mo lahat.

Matalino si ate, laging top of her class mula elementary hanggang college.

May bahagyang ambon kaming naramdaman pero hindi naman ganun kalakas kaya hindi kami natinag sa kinauupuan namin.

Ate: Gusto ko rin magkapamilya syempre, pag nakita ko na yung para sa akin, or pag nakita na nya ko.

RH: Makikita mo din yan ate, hindi ka naman mahirap mahalin. You’re sweet, may sense kausap. Saka nakita ko naman kung pano mo alagaan si Jam, you care for the people you love and that makes you a person that is so easy to fall in love with.

Ate: Sus, e may nangyari nga sa atin habang kayo ni Jam, pano mo naman nasabing mabuti akong ate.

RH: One action does not define who you are. I saw you take care of Jam. I saw how much you love her. I am to blame too with what happened.

Medyo lumalakas ang ambon ngunit mas importante ang pinaguusapan namin kaya hindi halos namin ito napansin.

Ate: Bakit kasi ang kumplikado di ba?

Tumingin ako sa kanya.

Ate: Do you think, in an alternate universe, where everything else is ideal, where you first met me than Jam, there would be us?

Patuloy ang paglakas ng ulan, ngunit huli na para paalisin kami sa kinauupuan namin. Malalim na ang usapan, at may mga salita nang matagal tagal na itinago na dapat nang bitiwan.

Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at pinunasan ng kamay ko ang basa nyang mukha.

RH: I love you, no matter what universe we are in.

Kusa nang naglapit ang aming mga labi. Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan ang pagdaloy ng kuryente sa aming katawan dala ng unang halik. First kiss. Napapikit sya, at idinikit ang noo nya sa akin.

Ate: I love you Robin.

Hindi na ako sumagot at hinalikan ko sya ulit. Ramdam ko ang init ng kanyang hininga. Hinawakan nya ako sa mukha at lalo pang idiniin ang labi nya sa akin. Napatumba ako sa damuhan at sumunod syang pumatong sa akin. Hindi pa din naglalayo ang aming mga labi at unti-unti kaming nagiging agresibo sa isa’t-isa. Nararamdaman ko na ang pagsayad ng kanyang dila sa aking mga labi, at ginantihan ko din ito.

Nakarinig kami ng busina ng tram at bigla syang kumalas sa akin at hinanap kung san yon nanggaling. Nangiti ako.

Ate: O bakit ka nakangiti?

RH: Nothing beats the first kiss?

Ate: Yes, and this one is epic.

RH: Balik na tayo sa kwarto?

Umakbay ako sa kanya habang naglalakad sa ilalim ng ulan. Hindi naman ako napahiya sa pag-akbay at inilagay nya ang kanyang kamay sa aking bewang.

-Itutuloy-