My Ex’s Ate: Ch8

Hapon na nang makarating kami sa Corregidor. Kulimlim pa rin ang langit at may mahinang ambon. Nakatulog kami parehas sa ferry, dala na din siguro ng pagod sa byahe at sa ginawa namin kanina. Malamig ang hanging sumalubong sa amin sa isla. Sariwa at amoy probinsya kahit alam mong malapit ka pa din sa Maynila. Dumaong ang ferry, at kasama ang iilang pasahero ng huling byahe papunta sa isla, bumaba kami at sinalubong ng replica ng tramvia na syang maghahatid sa amin sa nag-iisang hotel doon, ang Corregidor Inn.

Magkatabi kami ni ate sa tram, back pack lang nya ang dala namin, at isang paper bag ng mga napamili kong damit para sa dalawang gabing pamamalagi namin dito sa isla. Hindi pa man kami nakakapaglibot ay kita na agad namin ang ganda ng lugar. Karamihan ng lupa ay natatakpan ng damo at ng matatayog na puno. Walang ingay ng sasakyan at wala masyadong tao na palakad-lakad sa gilid ng kalsada. May ilang mga ‘guard house’ sa nadaanan namin, nagpapaalala ng nakaraang humubog sa makasaysayang isla.

Unang beses naming parehas na makarating dito sa Corregidor, at kita ko sa mga mata ni ate ang excitement. Palinga-linga sya at para bang hindi mapakali sa bagong tanawing nakapaligid sa amin. Napatitig ako sa kanya, ngayon lang kasi ako nabigyan ng pagkakataon na mamasdan sya sa nang malapitan na walang ibang iniisip, hindi nagmamadali, at walang halong libog sa katawan. Tinatangay ng hangin ang kanyang manipis na buhok kayat napilitan syang gawin head band ang dala nyang puting panyo na lalong nagpaaliwalas ng kanyang mukha. Napatingin sya sa akin at ngumiti.

Ate: Thank you.

Ngumiti lang ako at lumingon muli sa labas ng tram. Natanaw ko na ang Corregidor Inn na magsisilibing tuluyan namin sa dalawang gabing pamamalagi namin dito. Makaluma ang itsura ng hotel, na bagay naman sa karakter ng buong isla. Pula ang mala-tisang bubong nito at puti ang dingding. Sa unang tingin ay aakalain mong lumang dormitoryo nuong panahon ng Kastila. Malalaki ang bintana nito, ngunit alam mong malaki na rin ang nabago dahil sa mga airconditioning unit na nakalagay sa mga ito.Pataas ang kalsadang tinahak ng aming sinasakyan papasok sa entrada ng hotel. Kapansin-pansin ang mga halamang nakapaligid sa hotel na nakatanim sa mga plantbox na yari sa malalaking bato.

Una akong bumaba ng tram, dala ko ang back pack at ang paper bag. Inalalayan ko sa pagbaba si ate. Dalawang babae ang sumalubong sa amin at bumati. Dere-derecho kami papanik sa front desk ng inn, sinundan namin ang mga kapwa turista na kasabay namin sa tram. Si ate ang nagcheck in at nakipagusap sa reception. Nakatayo lang ako sa lobby at pinagmasdan ang ganda ng lugar.

Makintab ang sahig na gawa sa kahoy, at ang mga dingding ay napapalamutian ng iba ibang larawan mula sa mayamang kasaysayan ng lugar. Kaunti lang ang mga tao, mukhang karamihan ay day tour lang at hindi magoovernight. Lumapit sa akin si ate.

Ate: Room is ready, kaso wala na daw guided tour ngayon, bukas na daw ang next schedule.

RH: Ah, ok lang sa Lunes pa naman ang uwi natin. Mas ok nga makapahinga muna tayo.

Pumasok kami sa aming kwarto na nasa parehas na palapag ng lobby. Maliit lang, may isang kama na pangdalawahan, TV, at CR. Hindi naman kami nagexpect ng kahit na ano, libre naman lahat to at maganda pa din naman kahit maliit.

Humiga agad si ate sa kama habang nilapag ko sa loob ng isang kabinet ang mga dala namin.

Ate: Ang bilis ng oras, 4 PM na agad, gutom na ako. Meryenda tayo?

RH: Sige maghihilamos lang ako, malagkit na mukha ko e.

Tumayo sya agad ng kama at hinawakan ako sa braso.

Ate: Ang arte mo, lika na mamaya ka na maghilamos.

Nakangiti sya sa akin kaya wala na kong nagawa kung hindi ang sumunod.

RH: Kung di ka lang maganda, naku.

Biro ko habang sinasara ang pinto ng kwarto.

Nagtanong kami sa reception kung saan may pwedeng makainan ng meryenda at nagtungo kami doon. Open air ang dining area, isang malaking terrace ng hotel na may mga mesa at upuan. May ilang mga tao, pamilya, couple barkada. Naupo kami sa pinakasulok na mesa kung saan tanaw na tanaw ang dagat na nakapaligid sa isla. Umorder kami ng pagkain sa lumapit na waiter.

Ate: Malaki ba tong island?

RH: Hindi naman, mga 5 square kilometers.

Ate: Anong lugar yon?

Sabay turo sa malayo.

RH: Di ko sure kung Bataan o Cavite.

Nilapag ng waiter ang kape at tinapay na binili ni ate sa mesa.

Ate: Bakit Corregidor?

RH: Ha? Sponsor ng quiz bee yung company na nagmamanage nitong resort so yan yung grand prize.

Ate: I mean, bakit Corregidor yung name ng island?

Natawa kami parehas.

RH: Bukas pa yung guided tour di ba?

Pabiro kong sagot.

Apatan ang upuan ng mesa, at pinili naming maupo na magkatapat, at iniwang bakante ang mga upuan sa gilid namin. Uminom sya ng kape bago nagsalita.

Ate: Oo, masama ba magtanong? Ang sungit mo, tatanda ka agad nyan.

RH: Haha. Spanish term kasi ang Corregidor.

Ate: Ha? Di ba World War II ito sikat? Panahon ng Amerikano saka Hapon?

RH: Yes, pero panahon pa lang ng Kastila, ginamit na nila tong island na to para icheck yung mga papeles ng mga barko na papasok sa Manila Bay, kaya nga ‘corregidor’ ibig sabihin, ‘to correct or check’.

Ate: Wow.

Mula sa pagkakasandal ay umayos sya ng upo, ipinatong nya ang kanyang mga siko sa mesa, pinagdikit ang kanyang mga palad at ipinatong dito ang kanyang maamong mukha. Parang bata na naghihintay sa susunod na kwento. Suot pa din nya ang headband na panyo kayat kitang kita ang kanyang buong mukha.

Ate: So pano nagkaron ng mga Amerikano dito?

RH: Strategic kasi to dahil nga parang gate sya papasok sa Manila Bay. So ginawa tong stronghold ng Amerika nung sila naman ang sumakop sa atin. Yung mga sundalong Amerikano, tinawag nila tong The Rock.

Ate: Tapos?

RH: Yung mga sundalong ‘Kano ang nagdevelop nitong island, nilagyan nila ng ospital, school, barracks, sinehan at kung ano-ano pa. Tapos nasira to nung sinakop ng Japan ang Pilipinas nung 1942.

Ate: O, kaya ba puro ruins na lang?

RH: Oo, lahat ng building dito nasira, walang kahit isa na natirang buo.

Ate: Grabe pala no?

RH: Naglaban pa ulit kasi dito. Kasi diba 1942 natalo ng Japan ang Amerika, nacontrol nila ang Corregidor. Pero nung 1945, binawi ng Amerika ang isla mula sa mga Hapon.

Uminom ako ng kape, tumingin sa magandang view ng dagat at bumaling ulit ang tingin sa magandang mukha na nakaharap sa akin.

Ate: Naks! Dami mong alam ah! First time mo ba talaga dito?

RH: Oo naman, ngayon lang ako nakapunta dito. Lahat ng sinabi ko sayo, nabasa ko lang sa libro.

Ate: So, mahilig ka sa history?

RH: Oo. In fact, in an alternate universe where all else is ideal, I would have been a historian.

Ate: Talaga? E bakit ka napunta sa engineering?

RH: Yun lang ang pwede sa scholarship ko, engineering or sciences, or tambay habangbuhay.

Nagkatawanan ulit kami.

Nagtama ang tingin naming dalawa, at sa unang pagkakataon, hinayaan naming magkatitigan ang aming mga mata. Unti-unting nawala ang tawa at naging ngiti. Para bang parehas kaming naghihintay na magsalita ang isa. Para bang parehas kaming naghihintay kung saan pa makakarating ang kwentuhan namin.

Lumapit sa amin ang waiter at nagtanong kung maari ba kaming lumipat ng mesa. Nasa likod nya ang isang matandang lalaki, nakaupo sa wheelchair, at tinutulak ng isang staff ng restaurant. Puti ang manipis nyang buhok at hukot ang kanyang balikat. Kulubot ang kanyang balat. Payat ang kanyang pangangatawan na nababalot ng jacket na asul na nakapatong sa polo nyang puti. Mahaba ang kanyang binti, siguro mga 6 footer din sya nung kabataan nya. Makintab ang balat nyang sapatos at may kinang na tela ng suot nyang pantalon.

Waiter: Yan kasi lagi nyang pwesto sir pag nandito sya.

Marami namang bakanteng upuan, ngunit ayaw na namin makipagtalo, tatayo na sana kami ni ate nang magsalita ang matanda. Nagpakilala sya, si Lolo Ben, parang Amerikano.

Lolo Ben: Its okay, you don’t have to leave. Its not often that I get to eat with young people. So please just sit if you don’t mind.

Ngumiti sya sa amin ni ate. Hindi ko alam kung anong trip ng matandang ‘to pero wrong timing ang dating nya. Kung kelan naman ineenjoy ko ang time namin na magkasama ni ate, saka naman sya darating.

Iniwan sya ng restaurant staff at sinabing babalikan na lang sya matapos syang kumain. Inilapag ng waiter ang tea at tinapay ng matanda at nagpaalam na din itong umalis.

Magkaharap kami ni ate sa apatang upuan, at si Lolo Ben ay nasa kanan ko. Nakaharap sya sa dagat at umiinom ng tea. Ngumingiti sya sa twing magkakatinginan kami. Syempre kami ni ate, hindi na masyadong nakapag-usap, nakakailang kasi.

Lolo Ben: Its good to see a couple enjoying the beauty of this island.

Ate: No, lolo we’re not a cou-

Di pa tapos si ate ay sumagot na si Lolo Ben.

Lolo Ben: I am old enough to know one when I see one young lady.

Ate: By the way lolo, lagi po ba kayo dito?

Iniba agad ni ate ang topic.

Lolo Ben: Hmmm, not really. I visit once a month. Some times twice.

Tuloy ang matanda sa pagkain ng tinapay at paginom ng tea. Kami naman paubos na ang tinapay at kape. Tahimik lang ako, di naman kasi ako palakwento sa mga taong ngayon ko lang nakilala.

Ate: Wow, ang dalas nyo po dito. Kami nga po ngayon lang nakarating dito.

Lolo Ben: I love this place, I really do. Fresh air, quiet and reminds me a lot of my time here as a soldier.

Wow. Di ko inakala na sundalo pala sya. Naiba bigla ang mood ko. Ginanahan akong makinig sa mga kwento nya.

RH: Talaga po lolo? Dito po kayo naka-assign dati?

Lolo Ben: Yes, I just turned 18 when I serve the US and was assigned in Subic a year after.

RH: Oh, sorry, are you American? Do you understand Filipino?

Lolo Ben: Yes, full blooded Uncle Sam, son. But I understand Tagalog. I lived long enough here in the Philippines to learn your language.

RH: So nakita nyo po tong island when it was so beautiful?

Nakatitig kay lolo si ate, interesado din sa kwento. Dumako ang tingin ni Lolo Ben sa dagat, huminga ng malalim bago nagsalita.

Lolo Ben: Not really, I was in Subic during my first months here. Then as the forces of the Japanese won over the territory, we moved to Bataan.

RH: The Bataan peninsula which is around two miles away from here.

Lolo Ben: Yes, by boat. When Bataan fell, it was the 9th of April, 1942, we escaped and thought Corregidor is the fortress where we would be safe. I really thought that this is a beautiful island because my folks used to call this The Rock.

Tumingin ako kay ate. Seryoso syang nakikinig kay Lolo Ben.

Lolo Ben: But we were wrong. When we got here the island is full of soldiers who escaped Cavite and Manila. The Malinta tunnel was one of the strongest and safest places in the island. We hid there as the Japanese drop bombs here and there almost everyday. It was horror. Horror that did not care about night and day.

RH: Wow, hanga po ako sa tapang nyo, lolo.

Lolo Ben: They say wounded soldiers are the bravest. I was just serving my country and in turn, your land.

Ate: So, nasugatan din po kayo noon?

Lolo Ben: Yes, I was once hit by rocks coming from the explosions from the bombs. I remember I was part of a group that was assigned to move medics from the northside of the island to the east side. I was hit here.

Tinuro nya ang kanyang balikat.

RH: Oh, buti di po kayo napuruhan?

Lolo Ben: I was wounded, but Gloria took care of me.

Ate: Sino po?

Lolo Ben: Gloria, she was a nurse. I still remember vividly up until today her beautiful face, her smile, and how she makes me feel OK even without saying a word.

Iba talaga pag sundalo.

Lolo Ben: We spent almost all our free time together.

Ate: Uy.. si lolo nageemote.

Sumimangot ako kay ate, s…