This story is purely fictional and a concoction of my deranged thoughts.
————————–
Tumingin si Sarah sa buong paligid, hindi nga siya nagkakamali. Nasa loob siya ng kuwarto niya, maraming nakasabit na stuff toys hanggang sa kama at may malaking doll house sa harap niya. Tinignan niya naman ang mga kamay niya na biglang lumiit habang may hawak na barbie at ken doll.
“Anong nangyayari? Bakit anliit ko?”
From there ay hindi na makontrol ni Sarah ang katawan niya, binitawan niya ang mga manika na hawak niya at tumayo sa pagkakaupo sa sahig. Binuksan niya yung pinto sa kuwarto niya at narinig ang boses niya noong bata pa siya.
“Mommy?”
Tumingin siya sa hagdanan at tumingin diretso sa pinakadulo na kuwarto ng bahay na kuwarto ng mga magulang niya, medyo nagfafade out yung buong paligid pagkalabas niya sa kuwarto at naglakad siya papunta sa kuwarto ng mga magulang niya. Nang buksan niya ang pinto ay biglang namuti yung paligid at may biglang dumaan na tao sa gilid niya na lumabas ng kuwarto, tumingin siya sa misteryosong tao na walang mukha na nakahawak sa mga braso niya. Hindi niya maintindihan yung sinabi ng taong walang mukha sa harap niya pero putol-putol lang ang naintidihan ng dalaga.
“….. Papa… Secret… Ok?”
Tuluyan nang namuti yung buong paligid at gulat na napagising ang dalaga, tumingin naman si Jasmine sa kaniya na nagsusuot ng robes at lumapit kay Sarah.
“Panaginip pala yun? Pero why does it feel so familiar?” Sabi ng dalaga na napahawak sa ulo niya.
“Dear? What happend? Nagulat naman ako sayo, are you okay?”
“I’m okay po Tita… I just had a weird and familiar dream.”
“Well… It can mean something. Bumangon kana diyan at ipapahiram kita ng mga robes ko, let’s have breakfast.”
“Hindi na Tita… Puwede bang… Ihatid niyo nalang ako sa apartment namin?”
“Sure but… Ayaw mo ng breakfast?”
“Thanks for the offer but I have to go home na po.”
“Ok… Well… Go change your clothes na and I will call someone to take you home.”
Nagbihis siya ng damit at sinamahan siya ni Jasmine palabas ng bahay, habang naglalakad ay nakita ng dalaga si Prime na may sinasagot na tawag sa may living room nila. Tumingin naman si Prime sa kanya at nagtaas ng kanang kilay niya sabay na umiwas ng tingin at tinuloy ang pagsagot ng tawag niya, nakalabas din sila ng bahay at niyakap ni Jasmine ang dalaga bago ito makasakay sa sasakyan.
“Dear… You’re always welcome here sa bahay namin alright?”
“Thanks Tita… Thank you po ulit sa paginvite dito sa bahay ninyo.”
Niyakap siya ulit ni Jasmine at sumakay ng sasakyan ang dalaga, nang tuluyan nang makaalis sa malaking bahay nila ni Prime at Jasmine ang sasakyan ay pinaandar ng tauhan ni Prime ang radyo sa sasakyan. Natrigger naman ang dalaga sa kanta dahil she has indeed been “Unfaithful” kay Mark.
“Wow manong ah… Lakas naman makatama ng nasa radyo.”
“Ay pasensya na po Maam… Lipat ko nalang ba?”
“Hindi manong… Diyan lang…”
I don’t wanna do this anymore
I don’t wanna be the reason why
Every time I walk out the door
I see him die a little more inside
I don’t wanna hurt him anymore
I don’t wanna take away his life
I don’t wanna be a murderer
Tumingin nalang sa bintana ang dalaga habang tinitignan yung mga dinadaanan ng sasakyan, hindi niya maintindihan kung bakit siya ganito. Kung paanong mabilis siyang natutunaw sa init ng temptasyon habang walang kaalam-alam si Mark sa mga pinaggagawa niya, wala siyang ibang sisihin kundi ang sarili niya.
Nakarating din sa apartment building nila, hindi na siya nagpaescort sa tauhan ni Prime at mag-isang pumasok sa building. Nang makarating na siya sa apartment nila ni Mark ay nakita niya yung kasintahan niya na may ginagawang report sa laptop niya habang nakaupo sa sofa, nakasaksak yung airpods sa tenga habang may pinapakinggan na kanta.
All the rules well known, they mean nothing to me
Everything I’m used to seems to be
Fine, misshapen, made up fantasy
Shoulda let go, shoulda let go
But we found something better
Plain answer however
For I’ll not surrender
We found something better
(Something Better by Softengine)
“Babe…” Sabi ni Sarah na kinalabit ang balikat ni Mark.
“Oh babe… You’re back na pala.” Hinubad ni Mark ang airpods niya at hinalikan si Sarah.
“Kamusta kayo dito?”
“Heto… Tinatapos ko yung report ko sa work para wala na akong poproblemahin sa planned trip natin.”
Muntik ng makalimutan ng dalaga yung planado na nila trip papuntang Negros, napahawak nalang sa ulo ang dalaga sa dami ng iniisip niya.
“Babe? Ok ka lang?”
“Ha? Oo… Ok lang ako…”
Pansin ni Mark sa mukha ng dalaga na hindi ito masaya, baka may nangyari sa kasintahan niya habang nakitulog sa bahay ni Jasmine pero hindi na siya nagtanong. Hinawi niya ang buhok ni Sarah at niyakap ang dalaga sabay na dinuyan-duyan ang katawan niya.
“Babe ano ba! Ang kulit mo!” Medyo tumawa lang si Sarah.
“Yan… Yan ang gusto ko makita. Hindi yung puro sadgirl ka dyan.”
“Oo na… Sige na bitawan mo na ako.”
Lumabas naman ng kuwarto si Ben at nakita yung eksena ng dalawa, kinunan niya ng litrato sa iPad niya ang dalawa na magkayakap sa salas.
“Good Morning lovebirds.”
“Good Morning Pa…”
“Hi Tito Ben Good Morning din po.”
Sabay na silang tatlo na kumain ng almusal, habang kumakain ay diniscuss ni Mark yung plano niya para sa kanilang dalawa ni Sarah.
“Pa… Teh okay lang simo nga diri kalang danay sa apartment? (Okay lang sayo na dito ka muna sa apartment?)”
“Oo.. may ulubrahon pako di sa Manila. (May gagawin pa ako dito sa Manila.)”
“Dapat gani ikaw ang kadtuan namun eh… Kaso kay ikaw nagkadto di pero mayu na gani nga may tao di sa apartment. (Dapat nga ikaw yung pupuntahan namin eh… Kaso ikaw yung pumunta dito pero mabuti na yung may tao dito sa apartment.)”
“Mmm…” May nilapag na mga susi si Ben at nilapit sa anak niya.
“Yabi sa balay ok… Pero ano ni ya oh? (Susi sa bahay ok… Pero ano to?)” Sabi ni Mark na may tinaas na ibang susi bukod sa susi nila sa bahay.
“Ang bag-o bakal ko nga Ford Bronco… Gamiton mo hindi? Kung hindi ka ambi nadi. (Ang bagong bili ko na Ford Bronco… Gagamitin mo o hindi? Kung ayaw mo akin na yan.)”
“Ooops! Hatag mo ni… Pero pagamit mo sakun tuod? (Bigay mo to… Pero papagamit mo talaga sakin?)”
“Ambi nadi gani kung hindi ka. (Akin na nga yan kung ayaw mo.)”
“Bleeh… Salamat Pops! Nice ya! Hindi nako mamroblema sa salakyan. (Nice naman! Hindi na ako mamomroblema sa sasakyan.)”
“Siguraduha lang daan nga mayo pa itsura sang salakyan pagbalik ko Negros kay malintian kagid sakun. (Siguraduhin mo lang na maayos pa ang itsura ng sasakyan pagbalik ko ng Negros kundi malilintikan ka sakin.)” Sabi ni Ben na sumubo ng kanin.
“Oo ah… Ako bahala.”
Ngumiti nalang si Ben habang tinitignan yung anak niya na masayang hinahawakan yung susi sa Bronco habang yung dalaga naman ay nakatingin lang sa dalawa na parang mga bata na nag-aagawan ng laruan.
“Hay… Boys and their toys.” Sabi lang ni Sarah sa sarili niya.
Matapos nilang kumain ay bumalik naman sa laptop si Mark na tatapusin yung report niya, pumasok naman sa kuwarto si Sarah at kumuha ng tuwalya at bathrobes para maligo. Nang makalabas siya sa kuwarto ay nakita niya nalang ang mag-ama na nakaupo sa magkabilang sofa, si Mark na nasa laptop at si Ben na nagsisimulang tutugtog ng gitara.
“Babe ligo lang ako ah…”
“Ok babe…”
Pumasok sa banyo ang dalaga at hinubad ang bathrobes niyang suot, sinampay niya ang tuwalya sa towel rack at pinaandar yung shower. Minassage muna ng dalaga ang buhok niya habang tuluyang binabasa yung katawan sa tubig, papatayin niya na sana ang shower nang bigla niyang maalala ang mga kaganapan na nangyari sa kaniya recently.
Ang sarap mo…
Obligasyon ko bilang magiging biyenan mo…
My concubine…
Napaupo habang nakasandal sa pader ang dalaga habang iniisip niya yung mga pangitain ng mga nangyari sa kaniya, si Ben, ang pagpunta sa club, si Prime, napatakip ng tenga ang dalaga habang napapikit ng mata.
“Tama na… Ayoko na…”
Hindi malilinis ng tubig kung gaano siyang napakadumi, tahimik nalang siyang napahagulgol sa pag-iyak. Paano pag hindi niya sasabihin? Paano pag sasabihin niya? Maraming katanungan ang sumasagi sa isipan ng dalaga habang umiiyak. Matapos niyang maligo ay napatingin naman sa kaniya si Mark habang dumidiretso ang dalaga papunta sa kuwarto nila.
“Tagal mo namang maligo babe…”
Hindi siya pinansin ni Sarah at sinara ang pinto, napakamot nalang ng ulo si Mark at tumingin sa Papa niya.
“Luh wala sapak ba. (Hindi ako pinansin.)”
“Basi may ginhimo ka naman nga sala? (Baka may ginawa ka namang kasalanan?)” Sabi ni Ben na nagtutune ng gitara.
“Wala ah! Tsk…” Sabi ni Mark na napakamot ng ulo niya sabay balik sa ginagawa niya sa laptop.
Dumating din yung araw ng pag-alis nila.
4 days silang nakaleave sa mga trabaho nila, dinikit nalang nila sa day offs nila at magiging 6 days mula Miyerkules hanggang sa pagbalik nila ng kamaynilaan sa Lunes. Nasa NAIA silang tatlo at nagyakapan muna bago umalis.
“Pa… Ang apartment ha… Basi himuon mo naman palaitotan. (Pa… Ang apartment ha… Baka gawin mo namang palaiyutan.)”
“Ang baba sang dipota ya ho… Halunga daan ginapangwakal mo kung di mo gusto magdulom palibot mo.. (Ang bibig ng potang to… Magingat ka sa pananalita mo kung hindi mo gustong dumilim ang paligid mo.)
Tumawa lang silang mag-ama.
“Joke lang! Gae ko ya chance. (Bigyan moko ng chance.)”
“Bye Tito Ben see you very soon po.”
“Enjoy kayo dun iha, Masskara Festival pa naman doon.”
…