This story is purely fictional and a concoction of my deranged thoughts.
—————————
” ‘Nong lagaw kami danay ni Sarah ah. (Kuya mamamasyal lang kami ni Sarah ah.)”
“Sige ‘boy… Halong sila sa inyo.” (Ingat sila sa inyo.)” Sabi ni Teddy na hinawakan ang kamay ni Mark.
“Bye ‘nang… Balik lang kami karun ah… (Balik lang kami mamaya…)”
“Ok ‘boy… Enjoy kamo duwa ha? (Enjoy kayong dalawa ha?)”
Kumaway si Mark sa dalawa at itinaas ang bintana ng Ford Bronco na pinahiram sa kaniya ng Papa niya saka bumiyahe palabas ng subdivision, nag-ayos ng buhok si Sarah nang biglang magvibrate yung cellphone sa bag niya.
“Hello Pa…”
“Anak! Nakarating din ba kayo diyan sa Negros?”
“Oo… Kakatapos lang namin kumain ni Mark sa bahay nila… Ang sarap nung… Ano nga ulit yung kinain natin babe?”
“KBL.”
“Ano meaning nun?”
“Kadyos Baboy Langka.”
“You heard that Pa? So ayun… Ang sarap pramis…”
“Wow… Baka pwedeng ipagluto niyo ako niyan or give your Mom the recipe, yes?”
“Ewan ko lang Pa… Hingi lang ako kay Ate Tessa.”
“Tessa?”
“Ummm… Yaya ni Mark ever since childhood, parang naging family nadin nila dito.”
“Ahhh… I see… Well… Magenjoy ka diyan iha and please do call me from time to time.”
“Pa… Hindi na ako bata.”
“But… You’re my unica hija! My little ray of sunshine… My…”
“Oo na… Gala muna kami ni Mark Pa… Byeeeee…”
“Teka lang…”
Tinakip ni Sarah ang tawag, binalik niya yung cellphone sa bag niya at napahawak si Mark sa kamay ng dalaga habang naghihintay sa traffic.
“So kamusta yung experience mo diro sa Bacolod babe? Maayos lang ba?”
“Ok lang naman… I like how peaceful it is sa bahay niyo tapos ang presko ng hangin! I guess I might reconsider yung sinabi ng ale kanina.”
“Hmmm… I guess it might take time pa but we’ll think about it when the time comes.”
Diretsong bumiyahe si Mark hanggang sa makarating sila sa SM Bacolod, naghanap ng puwedeng maparkingan si Mark at agad na hinawakan ang kamay ng dalaga pagkababa nila sa sasakayan.
“Pahangin muna tayo saglit sa loob babe… Medyo mainit pa ngayon pero mamaya punta tayo sa may Plaza.”
“Ok pero Zagu tayo babe… Nagcacrave ako ng mango shake nila.”
Pumasok sa mall ang dalawang magkasintahan at pumunta sa stall ng Zagu, matapos nilang umorder ay napaakbay si Mark sa dalaga habang naglalakad sa kung saan nila gustong pumunta.
“Mmm… Watsons babe… Teka lang may bibilhin lang ako diyan.” Sabi ni Sarah na kakatapos lang uminom ng Zagu.
Pumasok silang dalawa sa Watson at napabili si Sarah ng sunscreen lotion na kakailanganin nilang dalawa para bukas.
“Babe SPF30 or 50?”
“Aba malay ko? Pili ka nalang diyan ng gusto mo.”
“Hmmp! Umm excuse me miss?” Sabi ni Sarah na lumapit sa isang staff sa Watsons.
Nang humarap ang staff kay Sarah ay nagulat nalang ang dalaga dahil wala itong mukha, parang katulad ng napanaginipan niya noong nakitulog siya sa bahay nila ni Prime at Jasmine, agaw atensyon sa mga tao na nasa loob ng Watsons ang pagsigaw ni Sarah at nabitawan niya yung hawak niyang lotion.
“Babe?! Ok ka lang?”
Nanginignig ang buong katawan ng dalaga habang niyayakap siya ni Mark, nang tumingin siya ulit sa staff ay napulot niya yung lotion na nabitawan ng dalaga.
“Ay maam… Mangayo lang ko pasensya sa imo… Ok ka lang?” (Humihingi ako ng patawad sa inyo…) May mukha na yung staff na kaharap niya.
“Ha? Ano… I’m so sorry kung nasigawan kita.” Sabi ng dalaga at yumuko sa staff.
“Ay ok lang po Maam… May itatanong po ba kayo sakin?”
“Ummm… Wala… Salamat nalang.”
Binigay naman ng staff yung lotion na nabitawan niya at binili nalang yung dalawa saka umalis ng Watsons, naglakad silang dalawa hanggang sa tumigil sila sa harap ng sinehan.
“Babe what was that? Ba’t bigla ka nalang sumigaw dun sa Watsons? Are you okay?” Sabi ni Mark na nakaharap sa kasintahan niya at hinawakan ang mukha nito.
“Ok lang ako babe… I just… I guess nastartle lang ako sa staff kanina.”
“Startle startle… I am your soon to be husband, I should know what is going on with you… Please lang, please tell me kung anong nangyayari sayo?”
Napalunok ng laway si Sarah, pero napakabigat sa pakiramdam yung paglunok na iyon. Tinanggal niya yung mga kamay ng kasintahan niya at nginitian niya lang si Mark.
“Ok lang ako babe… I’m sorry.”
“Hay… Ewan ko nalang sayo babe… Tara na nga sa public plaza.” Sabi ni Mark at hinawakan ang kamay ni Sarah.
Lumabas sila ng SM hanggang sa makaabot sila sa public plaza, tumingin-tingin sila sa mga booth at stalls sa paligid hanggang sa may makita si Sarah na souvenir shop na kaharap lang ng lumang simbahan. Maraming items na binibenta hanggang sa nagcheck siya sa mga t-shirts na iba’t-ibang kulay pero pare-pareho lang yung print na nakangiting masskara na may nakasulat na “Balik Yuhom” (Yuhom = Ngiti).
“Babe… You think magugustuhan to ng parents ko?”
Tumalikod naman ang dalaga at nakita niya nalang na tinatakpan ni Mark yung mukha niya ng masskara at iniba-iba yung istura ng mukha niya kada tanggal-suot niya ng masskara.
“Babe! Para kang sira diyan! Lumapit ka nga dito!”
“Hehe… Ano ba yan? T-shirt? Oo naman… ‘Nang tagpila na? (Ate mangkano yan?)”
“Siyen lang sir.”
“Oh… Isang daan lang daw babe… Ilan ba bibilhin mo?” Sabi ni Mark na kinuha ang pitaka niya sa bulsa.
“Hmmm… Gusto mo ba nito?”
“Sure… How about your friends?”
“Sila ni Ming at Donna? Hmmm… Ok lang sayo babe?”
“Oo ok lang… Minsan lang naman to.”
“So thats… 6 T-shirts… Ay wait… 7 nalang babe… Isama mo nalang si Tito Ben.”
“Pito gani ka t-shirt ‘nang… Kag ari pagid ang masskara oh. (Anim na t-shirt nga ate… Tapos etong masskara nadin.)”
Binalot sa plastic at ibinigay ng nagtitinda ng souvenir ang binili nila.
“Thank you ate…” Sabi ni Sarah na binitbit yung plastic.
“You’re welcome maam… Happy Masskara Festival sa inyo!”
Pumasok silang dalawa sa loob ng plaza at tumingin-tingin sa mga tao na namamasyal din, napansin nalang ni Mark yung nagtitipon na mga kalalakihan na may pinapanood na nagchechess sa bench.
“Latibay ya! Perdi na naman! (Tangina! Talo na naman!)” Sabi ng lalaki na natalo habang nakapatong ang mga kamay sa ulo.
“Good game pre ah…” Sabi nung nanalo at nagkamayan silang dalawa.
“Babe laro lang ako ng isang beses ah.”
“Sure…”
“Tay! One game ta ah. (One game tayo.)” Sabi ni Mark at umupo sa bench
“Sige ah… Kagina pako di permi daog. (Kanina pa ako dito na palaging panalo.)”
“Try ta lang ka perdihon ‘tay ah. (Try lang kitang talunin ‘tay.)”
Inayos nila ang mga chessboard pieces, inayos ang timer at nagsimulang maglaro. Walang naitindihan ang dalaga sa pinapanood niya pero mabilis na nagtatap sa timer yung dalawang manlalaro hanggang sa nag last move din si Mark.
“Opp! Ma-te! Daog ko ah. (Opp! Checkmate! Panalo na ako.)” Sani ni Mark matapos ma tap yung timer.
“Ay kadipota! Naperdi man gid ko ba. (Ay potangina! Natalo din ako.)” Napatawa nalang yung matanda habang nakahawak ang mga kamay sa balakang niya.
Nagpalakpakan naman ang mga tao na nanonood sa game nila at napatayo si Mark na lumapit kay Sarah
” ‘Noy… Isa pa ka hampang ah… Hindi ko magsugot nga ginperdi moko. (‘Toy… Isang game pa nga… Hindi ako makakapayag na natalo mo ako.)” Sabi ng matanda na inayos ang chess pieces sa board.
“One game lang ko ‘tay… Lagaw kami ni migahon subong. (One game lang ako ‘tay… Namamasyal lang kami ng kasintahan ko ngayon.)”
“Ahhhh… Teh sige ah… Salamat sa hampang ‘noy ah. (Salamat sa laro ‘toy ah.)” Sabi ng matanda at nagkamayan silang dalawa ni Mark.
“Wow babe ang galing mo pala sa chess?”
“Baka SCUAA champion to?” Pagmamalaki ni Mark sa dalaga.
Matapos nilang maikot at bumili ng kung anu-ano sa mga stalls sa plaza ay bumalik sila sa SM para magstop over saglit sa Starbucks, umupo si Mark at inabot yung order ng dalaga.
“Yung order mo kamahalan.”
“Thanks babe.” Sabi ng dalaga at uminom agad ng inorder niyang mocha frappe.
Napatingin sa cellphone ang dalaga at nagscroll saglit sa social media niya, nagpost din siya ng ilang litrato na kinuha niya habang namamasyal sila ni Mark.
“Babe talaga bang uuwi na tayo? Gusto ko pang mamasyal.”
“Less than 4 or 5 hours lang pala ibabiyahe ko bukas babe pero 4am palang alis na tayo kasi 10am yung call time ng may-ari ng villa.
“Wala bang rides dito? Gusto kong mag Ferris Wheel babe.”
“Sa pagbalik nalang siguro natin… May isang araw pa naman tayo nun.”
“Ok… Babe dala mo ba yung airpods mo? Pagamit ako, tatawagan ko lang si Ming.”
Binigay naman ni Mark ang airpods niya at kinnonect ni Sarah sa cellphone niya, tinawagan niya yung kaibigan niya na currently online sa messenger.
“Baklaaaaa!”
“Beeeeeh! Kamusta ka diyan?”
“Ok lang… May festival pala dito.”
“Ay bet… So ano? May pasalubong ba ako diyan?”
“Ay meron beh… Eto oh… T-shirt… Ganda diba? Balik Yuhom… Sabi ni Mark sakin yung yuhom daw is ngiti. Oh pak…” Sabi ni Sarah na pinakita yung t-shirt kay Ming.
“Ay korek! Pero mas mapapangiti ako pag nahanapan mo ako ng men diyan or pwede narin yung daddy ni Mark.” Sabi ni Ming na hinawi yung buhok sa tenga niya at nagpalabas ng dila.
“Hoy gaga nandito si Mark sa harap ko.” Hinarap ni Sarah ang cellphone niya kay Mark at napakaway nalang siya kay Ming.
“Gaga ka talaga beh… Pero naka-airpods ka naman so keri lang.”
“Pakisabi nalang kay Donna bakla na may t-shirt din siya dito, hindi siya online eh pero nachat ko na yun.”
“Okiraaaa… Beh last break ko lang ngayon, chat or call me sa mga ganap diyan… Byeeee.”
“Bye bakla love you!”
Hinubad ni Sarah ang airpods at ibinigay kay Mark.
“Ano? Tara na… Dalhin mo…