My Future Father In Law Part 9

Authors Note: Greetings with peace and love!~ Pasensya na at ngayon lang ako nakapagpost dahil nagkasakit ang yours truly at nagiisip pa ng puwedeng idagdag sa kuwentong ito. Like what I have mentioned on my update, I want to give Ben something so heto na nga yun. Anyways enjoy reading!

This story is purely fictional and a concoction of my deranged thoughts.

—————————-

Meanwhile…

Bumisita si Prime sa Little Angels Sanctuary, isang orphanage na tinutulungan niya not only just to show his face dahil sa plano niyang tumakbo bilang Mayor ng Caloocan pero dahil nadin sa kagustuhan niyang makatulong sa mga kabataan na gustong mag-aral through his personal scholarship programs for the less fortunate and orphans.

Binati si Prime ng isa sa mga nakinabang sa scholarship program niya na ngayon ay isa nang volunteer aid sa sanctuary.

“Kuya!”

“Oi Elisa! Kamusta?”

“Ok lang po Kuya… Hindi naman kayo nagsabi na pupunta kayo dito sa sanctuary.”

“Gusto ko lang makita yung mga bata, yun lang.”

“Ay speaking of sa mga bata Kuya… Nasa covered court silang lahat na nagpapacheckup sa mga doktor.”

“Well? Take me there.”

Pumunta silang dalawa sa likod ng building ng sanctuary kung saan yung covered court at maraming nakaupo na mga bata na nakapila habang inaassess ng mga doktor.

“Oi si Kuya Prime oh!” Sigaw ng isang bata.

“KUYA!” bati ng lahat ng mga bata sa covered court sabay na kumakaway sa kaniya.

“Children! Nagpapakabait ba tayong lahat?”

“Opo!” Sabi ng mga bata.

“Good… Now… Pagkatapos niyong magpacheckup sa doktor may surprise ako sa inyo, okay ba yun?”

“Opo!”

“Good!” Mataos na napangiti si Prime.

Matapos ang mga checkup ng mga bata ay nagpaparty si Prime para sa mga bata, habang nageenjoy ang mga bata sa palaro ay kinausap niya ng personal ang mga doktor at nurses na nagcheckup sa mga bata.

“I would like to extend my gratitude for helping these kids out.”

“Naku… Maliit na bagay Councilor… Mas ok nga tong nasa labas kami kesa sa opisina namin sa hospital.” Sabi ng lalaking doktor.

“Diba tatlo kayong doktor? Asan yung isa?”

“Umm… Nag CR ata Councilor? Anyways we need to go back na sa hospital. Thank you for inviting us here sa sanctuary.” Sabi ng payat na babaeng doktor.

“A pleasure.”

Kinamayan ni Prime ang dalawang doktor at kinuha ang mga gamit nila, hindi nagtagal ay nakita ni Prime yung ikatlong doktor na patakbong pinuntahan yung desk kung saan sila nakastation para magcheckup ng mga bata na kumuha ng kaniyang mga gamit.

“Excuse me.” Sabi ni Prime.

“Ay! Councilor! Hello po.” Sabi ng nakaface mask na babaeng doktor.

Hinubad ng Doktor yung face mask niya at nagextend ng kamay niya sa councilor pero nanlaki naman ang mga mata ni Prime sa nakikita niya, kinuskos pa yung mga mata niya na naniniguradong hindi siya namamalikamata.

“Is everything okay po Councilor?”

“Ha? Kwan… Ummm… Have we… Met before?” Sabi ni Prime at kinamayan ang doktora.

“No? This is my first time meeting you po.”

“I see…”

Tumingin sa name tag ng doktora si Prime at E. Estrella yung nakalagay.

“Well… Thank you po for having us here… It’s our pleasure po to help these children. If you may excuse me Councilor I will be on my way.”

Paalis na sana yung doktora pero pinigilan siya ni Prime.

“Wait Doktora…”

“Yes po?” Tumalikod naman yung doktora kay Prime.

Bumunot ng black card si Prime sa back pocket niya at ibinigay sa doktora.

“I want to give you this.”

“Para saan po to Councilor?” Sabi ng Doktora at ininspeksyon yung black card na bigay sa kaniya.

“I want to invite you to my bar.”

“Naku… I don’t go to such places na Councilor, thank you nalang.” Sabi ng doktora na ibabalik sana yung black card na bigay ni Prime.

“No please… I insist. This is my thanks to you and your colleagues kanina for helping out dito sa sanctuary. Please do come to my bar, invite you colleagues at magunwind kayo after a hard day at work.”

“I don’t know Councilor… I’m too old na for this.”

“I will be expecting you there… By the way can I have your name?”

“Evangeline… Evangeline Estrella po… Pediatrician.”

“Evangeline… What a lovely name you have there. So… Like what I said… I will be expecting you there. I will know if you’re there as well.”

“Ok po Councilor… I will think about it. If you may excuse me now kelangan ko nang umalis.”

“Of course…”

Tanaw ni Prime yung tatlong doktor na paalis sa sanctuary, napangiti nalang si Prime at bumalik yung atensyon niya sa mga bata na nageenjoy sa party na hinanda niya.

Bumalik naman sa hospital yung tatlong doktor at tumambay muna sila sa Doctor’s Lounge para magunwind ng konti bago bumalik sa mga offices nila.

“Haaaaay…. Natapos din.” Sabi ng lalaking doktor.

“Hay sinabi mo pa Anthony… Pahinga muna tayo saglit bago bumalik sa office natin.” Sabi ng payat na babaeng doktor na si Ericka.

Nagbuhos ng kape si Evangeline sa mug at umupo sa mga kasamahan niya sa Lounge.

“Oi Vangie… Medyo matagal yung conversation niyo ni Councilor kanina ah… Ano yung pinag-usapan niyo?” Tanong ni Anthony.

“Ha? Ewan…. Pero binigyan niya ako ng ganito.” Sabi ni Evangeline at pinakita yung black card sa mga kasamahan niya.

Kinuha naman ni Anthony yung black card na hawak ni Evangeline, napahawak siya sa panga niya na hindi makapaniwala habang tinitignan yung card.

“Vang… You don’t know what is this for?”

“Hindi… Bakit? Para saan ba yan?”

“This is a direct invite to Prime Infinite! One of the most elite and exclusive bars in the Philippines! Alam mo ba kung gaano kahirap makapasok doon kung normal customer ka lang? It will takes months for you to get in! I’ve been there once and 3 months akong naghintay bago naconfirm yung reservation ko.” Sabi ni Anthony na inikot-ikot yung black card na hawak niya.

“Ay ganun ba? Pero wala na akong hilig sa mga ganyan.”

“This is a privilege Vang! With this card you can come in and out of the bar at anytime you want and no one will stop you, no need for reservations. Do you know how expensive this card is? Kahit magretire kapa sa pagiging doctor hindi mo mababayaran to.”

“Guys… Matanda na ako para sa ganyan… And I have an 8 year old son to attend to, hindi na ako bagay sa mga party-party na yan.”

“Oh cut off some slack Vang… 35 ka palang noh? Anong matanda? Kumpara sayo, me and Ericka are older than you… And we have children of our own as well. I say… We go there and enjoy at least one night. Thats it…”

“Well… Tama nga naman si Anthony, Vang… Ano? Puro nalang tayo work? Parang bahay na natin tong hospital, we spend more time here sa hospital than in our actual homes. Mag-enjoy naman tayo kahit papaano.” Sabi ni Ericka na humalukipkip ng kamay niya.

“Hindi ba kayo concerned sa mga pamilya niyo?”

“As if may mangyayari sa mga pamilya natin kung mawawala tayo for one night? And isa pa yung subdivision is very secured like… What is it to worry about? Tapos may yaya naman ang anak mo.”

“Hay naku Anthony… A no is a no okay? Kung gusto mo sayo nalang yan.”

“Vang… As if papasukin ako dun eh ikaw yung direktang inimbita ni Councilor… Sige na Vang… Just for once lang in your life. Oh kayo? Gusto niyo bang sumama?” Tumingin si Anthony sa mga nurses nila.

“Oo nga Doktora… Sige na…”

“Ayoko nga…”

Pumasok sa Lounge ang Head of Pediatrics at nahanap din ang staff niya na nagcheckup ng mga bata sa sanctuary, tumayo naman silang lahat at bumati sa head nila.

“Doc! What brings you here?” Sabi ni Anthony.

“Finally I found all of you… I just had a phone call from Councilor Primo himself and commended you all for a job well done.”

“Of course naman Doc… Kami pa ba?” Sabi ni Ericka.

“And for that… I will give all of you a special off for tomorrow…. This does not affect your day off and I’ll rotate your work to other doctors who are present bukas… Ayos ba yun?”

“Yes Doc! Wooh! Isang extrang araw na pahinga!” Sabi ni Anthony na napataas ng dalawang kamay.

“Thank you po Doc! Ambait niyo naman samin. Eh yung mga nurses namin Doc? Lusot din ba sila?” Sabi ni Ericka.

“Ehhh… Sure why not?”

Masaya namang nag-apiran ang mga nurses nila.

“You all deserve it… Anyways that would be all… I will be in a meeting in a few minutes. A good day to all of you.”

“Thank you ulit Doc!” Sabi ni Ericka at nagclose din yung pintuan sa Doctor’s Lounge.

“Oh narinig mo ba yun Vang? Puwedeng-puwede tayong lahat for tonight. So ano?” Sani ni Anthony na itinaas yung black card na hawak niya.

“Ako din Vang… Lets go! Never pa ako nakapasok dun, paranas naman oh.” Sabi ni Ericka.

“I’d rather spend my off with my son nalang.”

“Itong si Vang ang KJ talaga… Andyan naman ang yaya ng anak mo, isang gabi lang naman eh. Feeling nito parang mawawala tayo ng isang taon.” Dagdag ni Ericka.

“Ano ba yang anak mo, nocturnal? Gising sa gabi, tulog sa umaga? Andrew is a smart kid, he’s responsible enough to take care of himself for just one night. Come on Vang… And if it makes you feel more better, I can just ask my wife to check on Andrew from time to time and you know naman how Patricia is so fond of your child diba? Baka doon pa nga sa bahay namin patulugin yun. Sige na Vang…” Sabi ni Anthony.

“Pumayag na kayo Doktora… Minsan lang naman po ito and wala naman po tayong duty bukas.” Sabi ng isa sa mga nurse.

Sabay-sabay nang nagsalita ang mga nurses at kapwa niyang mga doctor na maconvince siya na pumayag, napahampas si Evangeline sa table at natahimik silang lahat. Napahawak nalang siya sa balakang at napabuntong-hininga.

“FINE! We’ll go tonight.”

“Yun oh! Thanks Vang!” Sabi ni Anthony.

(BEN POV)

“Wow… And I’m here thinking na you’re just an old man.”

“Old man pala ha?”

Matapos ihatid ni Ben ang anak niya at si Sarah sa airport ay nagstop over muna siya sa isang coffee shop bago umuwi sa apartment ng anak niya, habang nasa coffee shop ay may babae sa kabilang table na kanina pang tumitingin sa kaniya at niyaya niya sa isang motel.

Senswal silang naghalikan ni Ben hanggang sa magkatabi silang nakahiga sa kama.

“Grabe… My husband could never.” Sabi ng babae.

“Nagenjoy ka ba?” Sabi ni Ben na nakahiga ang ulo ng babae sa mga braso niya.

“Yes..” Sabi ng babae at nagnakaw pa ng halik kay Ben.

Matapos ang mainit nilang tagpo ay nakatulog agad ng mahimbing yung babae na isinama ni Ben sa motel habang siya naman ay nakatulala lang sa kisame na malalim yung iniisip, dahan-dahan siyang bumangon sa kama para hindi magising yung natutulog na tao sabay na kumuha n…