PROLOUGE:
Lauren: I will do everything to get you, Oliver. Because what Lauren wants, Lauren gets..
Oliver: Ayokong saktan ang asawa ko pero puta, ang hirap mong tanggihan..
Sophia: Basta etong Asawa ko, siya talaga ‘yung pinakaloyal at pinakaresponsableng taong nakilala ko. Kaya mahal na mahal ko to eh.
Joana (Mama ni Sophia) : Anak, kung tatahimik ka lang magpapakamartyr, ay talagang maaagaw at maaagaw sa’yo ang asawa mo. Lumaban ka kasi sa lahat, ikaw ang may pinakakarapatan sa asawa mo.
Naomi (Barkada ni Lauren): Pero Girl, Nakita ko ‘yung lalaking sinasabi mo. Tama ka nga. Kahit may asawa na ‘yun eh talaga namang worth it landiin. Ang yummy kasi.
Part 1
Lauren’s POV:
Hi Everyone! Ako nga pala si Lauren Santiago. Isang well-known fashion designer, dahil sa medyo mayaman ang pamilya namin ay nakapag-aral ako sa Paris at dito ako nakakilala ng iba’t-ibang mga fashion designers na siyang aking naging inspirasyon.
Pero back on the story, pauwi na ko ngayon sa Pinas, dahil sa gusto ko na ding magtayo ng sarili kong boutique dito. Nga pala, I’m 5’6. Medyo Morena, at ang sabi ng iba medyo hawig ko daw si Megan Young, pero mas malaman lang ako ng konti. I am 28 pero hindi pa ko married. Ewan ko ba at parang diko muna gustong makasal or magboyfriend. Gusto ko landian lang. Nasanay na din kasi ako sa Paris dahil medyo liberated din sila dun.
Pagkadating kp sa airport, ay sinalubong ako nina Mama at Papa, kasama ang kapatid kong si Drew at Bestfriend kong si Sophia.
“Welcome Home, Anak! Grabe ang ganda ganda mo na lalo!” Sabi sa akin ni Mama
“Si Mama talaga, kanino pa ba ako magmamana kundi sa’yo” sabi ko
“Sa akin ka kaya nagmana anak, Hahaha” tawang sabi ni Papa
“Armando ha. Mahangin masyado.” Pajoke naman na response ni Mama
“Kayo talaga Tito at Tita, ang cute niyo pa ring maglambingan. Hi, Sis! Grabe. Sikat na sikat kana talaga! Ang ganda ng mga pormahan natin ha? Kamusta kana? May boyfriend kana ba?” Tanong na sabi ng aking bestfriend na si Sophia
“Alam mo naman sis na hindi pa ko ready makipagcommit. Landian lang muna. Focus muna ko sa career ko. Ikaw? Kamusta na kayo ng asawa mo? Pasensya na ha? Di ako nakadalo nung kasal niyo. Alam mo naman, busy ako nun. Pero babawi ako sa inyo. Promise!” Sagot ko sa kanya
“Dapat lang talagang bumawi ka sis. Hahaha! Dalaw ka minsan sa Bahay at nang maipakilala kita sa asawa ko”…