“Sadyang mapaglaro ang tadhana. Hindi mo alam kung kailan siya titigil sa kakalaro. Wala naman akong magawa, kasi, hawak ako nito, at unti-unti, sinasakal. Ang masakit, wala itong pakialam kung sino man ang madaanan at maapakan, maski yung taong minamahal mo.”
Annyeonghaseyo! Ako nga pala si Billy. 26 years old at kasalukuyang nagtatrabaho bilang English instructor dito sa Seoul, South Korea. At aking ilalahad ang aking up-and-down cycle ng buhay kasama ang aking up-and-down din na kapareha, ang aking Korean “yeoja-chingu” (girlfriend) na si Marie. Sana ay magustuhan ninyo.
2nd year college nang una kong makilala si Marie.
Ako ay nag-aaral noon ng BS Education, Major in English sa isang private university sa Angeles City kung saan maraming Koreans ang nag-aaral din ng English bilang exchange students. Dahil bukod sa mura ang pagtuturo ng English dito, mura din ang standard of living, maraming tourist spots, at malaki ang Korean community dito sa lungsod. Kadalasan, dumarating ang maraming batch tuwing Summer vacation dito sa school at sila ang pumupuno sa karamihang bakanteng classroom.
Di naman sa pagmamayabang, pero ako ay isang President’s lister at isa sa mga top students ng kolehiyo namin. Dahilan upang ako ay maging isang academic scholar. Kung di ko ito ma-mamaintain eh mapupwersa akong mag stop o di kaya ay mag working student dahil ang pamilya ko ay di naman ganun kayaman. Kaya nung ako ay inofferan ng prof ko na subukan kong magturo, or rumaket bilang English teacher sa mga Koreano ay agad kong tinanggap. Nasa 1000 pesos ang sahod kada araw, maximum na ang 5 students ang tuturuan ko.
Sa wakas, Summer Vacation na. Nagpahinga lang ako ng 1 week dahil ang sumunod na linggo ay busy akong naghahanda ng modules at learning plan. 2 months ang total duration ng course, sapat na daw iyon upang maachieve ang “moderate communication level” ng English para sa mga basic lang ang kaalaman sa lengguaheng iyon. Di naman daw totally clueless sa English ang mga tuturuan, alam naman nila kung paano mag construct ng basic sentences at kailangan lang palawigin ang kanilang vocabulary.
Sa loob ng isang linggo, tutal ay wala din naman akong pupuntahan at busy rin naman ang aking mga kaibigan, ay nag-aral ako ng Korean language. Mabilis akong pumick-up ng mga foreign languages. Sa katunayan, conversational ako sa French at German, at sa kakapanood ng anime at ang ipinagbabawal na hentai ay marunong din ako ng Japanese. Pero bago sa akin ang Korean. Nagdownload ako ng maraming easy-to-learn English to Korean videos, dahil di pa naman uso ang Youtube noon. Salamat naman at after 1 week na immersion ko sa Korean language at writing, marunong na ako ngayon magsulat ng tula gamit ang Korean. I’m ready for you guys!
Dumating ang listahan ng mga tuturuan ko, apat lang sila: Lee Jong-hyun (Jim), Gwon Sang-kwang (Michael), Kim Ji-soo (Marie) at Park Na-ra (Sunny).
Bale 2 boys at 2 girls.
Niremind ako ng aking prof na halos magkaka-edad lang kami at baka magtaka ang mga estudyante (Senior High students pa lang sila at patungong college. Dahil wala pang K-12 sa Pilipinas noon ay kasing-edad ko lamang sila kahit ako’y pa-3rd year college na). So as much as possible, wag ko na lang daw sabihin ang aking edad, baka lang naman kasi magreklamo ang magulang nila na hindi totoong teacher ang nagtuturo. Tiwala naman sa akin ang prof ko na magagawa ko ng maayos ang aking trabaho, kaya hindi na raw iyon mapapansin.
Dumating ang unang araw ng klase. 4 hours per day ang class, from 1-5pm, Monday to Friday. Pinakilala ko ang aking sarili sa kanila, in English at in Korean language. Napa-daebak (wow) ang ilan sa kanila. Inutusan ko rin silang magpakilala. Mukhang typical na Korean students sila, at may basic knowledge ng English. Lumipas ang araw na naturuan ko sila ng Nouns and Verbs. Ang di ko lang maintindihan ay paminsan-minsan ay bigla na lang silang tumatawa.
Pagkatapos ng klase ay naglinis ako ng blackboard saka inayos ang mga silya. Pagkalabas ko ng room ay nakatambay sa corridor si Marie, at nakaharap sa view. Napansin niya akong lumabas at hinarap ako.
“Teacher, hello!” nakangiting bati niya sa akin. Napakaganda pala niya pag naka-smile, animong isang anghel na bumaba mula sa langit. Di ko namalayan na nakatulala lang ako sa kanya.
“Teach, teacher, are you okay?” sabay wave ng kamay niya sa harap ng aking mukha.
“Oh, yes, Marie, I’m sorry. How can I help you?” sabi ko.
“Hmmm, teacher huh…” sabay ngisi. Mukhang nahuli akong nakatitig. Nakakahiya…
“I can say that you are good teacher, but your Korean accent is funny. That’s why we laugh.” dagdag niya. Kaya pala sila napapasmirk, dahil sa accent ko. Nakakahiya lalo, baka mahalatang di talaga ako licensed na English teacher.
“Sorry, I just learned Korean recently. Don’t worry, I’ll work on it.” palusot ko na lang.
“No, no, it’s okay. I think it’s great. It’s a big help to us that you know Hangul. You can understand us if we are having hard time.” sabay ngiti niya sa akin. Nakakalusaw, juice-colored!
“You know teacher, I have no friends here in the Philippines. Can you be my first friend here?”
Hala sya. Ang cute ng pagkakasabi niya… Ayain ba naman niya akong maging first-friend niya. Syempre, sino ba naman ako para humindi???
“Oh, uh yes, sure.” utal-utal kong pagkakasabi.
“Hmmm, sounds like you don’t like…” sabay irap nito sa akin. Napakacute ng reaction niya hehehe…
“No no, really, I do, I like.”
“You like me? Wow, teacher that’s so fast. Hahaha!” aba’y nakakaloka ‘tong babaeng to. Kung di lang siya cute at magandang tignan, baka naasiwa ako. Eh kaso, eto na nga, kinikilig ako deep inside.
“To be your friend! You Marie ah!” biglaan bitaw ko. Napahagikgik lang siya sa tawa.
“So what should I call you, Marie, or Jisoo?” tanong ko.
“Please, call me Marie.” sabi nya.
Nagkapalitan kami ng phone number at e-mail address. Sinabihan ko siya na wag mag-alinlangan na kontakin ako kapag may kailangan siya or pag may emergency situations since wala naman siyang kakilala dito sa Pinas na ibang tao, maliban siguro sa family niya. May tita naman daw siya dito at nakatira sila sa Korean town, malapit sa Clark Airport. Sakto, malapit lang din naman ang bahay ko doon.
Sabay na kaming lumabas ng campus at sa gate naghihintay ang service niya. Driver daw ng tita niya ang sundo niya. Sa aming paghihiwalay ay ngiti ang aming pabaon sa isa’t-isa. At ako, umaasa sa isang panibagong araw…
Di kaya ako magka-favoritism neto???
Pagkauwi ko sa bahay ay agad kong binuklat ang aking laptop at nanood muli ng Korean lesson videos. Sinubukan kong gayahin ang pronunciation at diction ng mga nagsasalita, tutal ay naiint…