Nanay Emma: Naku Iho ikaw na ang bahalang umunawa kay Donna. Mabait naman siya eh.
Me: Weh? Di nga?
Nanay Emma: 30 years na akong nag sisilbi sa kanila. Mula pinanganak siya, nag pre-school, grade, school, high school, college hanggang sa maging abogada siya ay nasubaybayan ko ang ugali niya. Super bait niya.
Me: Weh? Di nga? Akala ko nga demonya. Hahaha
Nanay Emma: Minsan mis-understanding lang. Walang biro. Hindi siya nagbago. Magalang sa mga matatanda at malambot ang puso niya sa mga batang lansangan.
Me: di nga? Pero nay Ano siya? Anghel sa langit o Anghel ng Kadiliman? Hahaha
Nanay Emma: Loko Loko! Mabait talaga siya.
Nagsimula nang mag kwento si Nanay Emma. Dito ko nalaman habang nagtatrabaho siya sa kanyang tatay ay kumukuha din siya ng law proper. Super goal oriented din siya. As much as possible ayaw niyang umasa sa mga magulang niya. She wanted to stand on her own feet.
Nanay Emma: Ang dami pa kaya niyang scholar. Marami na siyang napagtapos ng kolehiyo. Siya ang tumulong sa akin na mapa graduate ang dalawang anak ko. Isang Mechanical Engineering at isang Architect…