My Lady Boss (Part 4)

PUTANG INA! Gusto ko pa naman bilhan ng bagong cellphone si Mommy dahil nagloloko na ang cellphone niya. Saktong sale na kasi ang gusto niyang iphone.

Galit sa akin si Maam Donna habang magang maga pa din ang mukha ko sa sampal niya. I tried to be as normal as possible that day. Limang 100 pesos na lang ang nasa wallet ko. Piambayad ko pa ang 100 sa karinderya sa pagkain ko. I decided na bigyan ko ng 2 piece chicken joy meal si Maam Donna as a peace offering. I just told her staff na huwag sabihin na sa akin galing. Saktong alas dose na din kasi ng tanghali.

Normal naman ang naging takbo nang araw ko at may mga inutos sa akin si Maam Donna like ihatid ang mga dokumento sa mga katabing opisina, magpasa ng mga papeles sa Registry of Deeds, at tumakbo sa Court of Tax Appels. Maski papaano ay maayos naman sa akin si Maam Donna that day.

Pagdating ng 5:30pm ay bumaba na siya mula sa kanyang opisina at sumakay na sa Innova si Maam Donna at umuwi na kami. 6:30pm nang makarating kami sa bahay. Medyo matindi din kasi traffic.

Nanay Emma: Donna nagluto ako ng paborito mong adobo.

Donna: Nay baon ko na lang po bukas. Masama po pakiramdam ko eh.

Agad siyang pumanik sa kwarto. Bumulong naman ako kay Nanay Emma.

Me: Nay penge naman o. Gutom na ako eh. Alam mo naman mukhang wala akong sasahurin ngayon.

Nanay Emma: Tara saluhan mo ako sa kusina.

Buti na lang at pinautang ako ni Nanay Emma at mabibili ko na ang iphone na gustong gusto ni Mommy. At para na din sa allowance ko.

Nanay Emma: O kumusta na pakiramdam mo?

Me: Eto Nay. Mas ok na. Nagtalon talon ako kanina sa parking area ng opisina.

Nanay Emma: Ayan! Ayaw mo pa kasi maniwala sa akin. May pagka Palos yun. Yan tuloy napala mo.

Natatawang hirit sa akin ni Nanay Emma.

Me: Nay di ko naman alam na super lakas pala ng radar nun.

Nanay Emma: Masakit ba yung mga sampal at pag tuhod? Para kang pinopompyang kanina eh. Ala FPJ at Jospeh Estrada Hahaha

Me: Naku hindi po masakit Nay. Masarap. Gusto ko pa nga eh. Hahaha

Nanay Emma: Loko! Mamaya marinig ka nanaman nun. Baka suntok naman sa mukha ang makuha mo. Tsaka baka putulin na niya yang kaligayahan mo.

Me: huwag naman Nay. Gusto ko pa mag asawa at magka anak.

Nagpatuloy ang kwentuhan namin ni Nanay Emma hanggang sa nagpahinga na kami.

Kinabukasan ay papasok na ulit si Maam Donna sa opisina. Binuksan ko ang pinto ng kanyang Innova at na-BINGO nanaman ako.

Donna: Nananadya ka ba!!! o talagang wala ka nang utak!!!!!

OMG! Coding pala ang Innova that day.

Me: pasensya na po Maam.

Agad akong lumipat sa Fortuner at pinagbuksan siya mg pinto at sumakay na siya. Pagkasakay ko sa sasakyan ay bigla siyang may inabot na sobre.

Donna: O sweldo mo! Bayaran mo na si Nanay Emma. O ano ka ngayon? Gagawa gawa ka…