Galing kami sa opisina niya at nag drive thru kami sa Mcdo dahil gutom siya. Di naman kalayuan sa opisina niya. Maya maya ay may kumatok na bata sa bintana upang mamalimos. Hindi nagdalawang isip si Maam Donna na ibigay ang pagkain niya. Nang maibigay na niya sa mga bata ang pagkain ay kakaibang ngiti ang nakita ko sa kanyang mukha. Tama nga si Nanay Emma. Kahit na mataray siya ay may maganda siyang puso. Nakita ko ang magandang ngiti niya sa mukha nang matulungan ang mga batang humingi mg tulong.
Donna: Lenard drive thru ulit tayo. Gutom na ako eh.
Me: Sige po Maam.
Donna: Lenard ano gusto mong kainin?
Parang nabingi ako nang mga oras na iyon.
Me: Po?
Donna: ano gusto mong kainin? Mag oorder ako. Pakipot ka naman sobra. ililibre ka na nga.
Mataray niyang patutsada sa akin.
Me: Kung ano na lang po order niyo Maam yun na lang din po akin.
Donna: Ok.
Medyo nagtaray si Maam Donna sa akin at nagulat ako sa dami ng binili niyang pagkain.
Donna: O pagkain mo.
Me: Salamat po Maam.
Pabalik na kami at madadaanan namin ang office pabalik ng bahay. Nung malapit na kami sa office ay pinatabi niya ang sasakyan sa parking lot.
Donna: Lenard tabi mo.
Sound of her commanding voice.
Me: Ho?
Donna: Bingi ka ba?!?!?!
Me: Pasensya na po Maam.
I did what my boss said. Bumaba siya sa parking lot ng opisina at dala ang mga pinamili niyang pagkain. Bumaba din ako para tulungan niya siya. Maya maya may mga batang kalye lumapit sa kanya. Mga batang nag aassist sa parking at nagbabantay ng mga sasakyan.
Kids: ATE DONNA!!!
Excited ang mga bata at inabot niya ang mga pagkain. Super malambing siya sa mga bata.
Donna: Mga bata may dala ako para sa inyo.
Kid 1: Salamat Ate Donna.
Kid 2: Iuuwi ko ito sa kapatid ko. Salamat po Ate Donna
Maya maya ay naglabas ng pera si Maam Donna.
Donna: O syanga pala. Pambili ng gamot ng nanay mo.
Kid 3: Naku! Salamat po Ate Donna!
Donna: Sige na umuwi na kayo at siguradong hinahanap na kayo ng mga nanay ninyo.
Kids: Opo Ate Donna. Sige po mauna na po kami. Salamat po Ate Donna.
Umisplit na ang mga bata at dito ko nakita ang magandang ngiti ni Maam Donna.
Me: Maam ang ganda po ng ngiti mo.
Donna: Thank You. Lenard.
OMG! Nag “Thank You” si Maam Donna! First time kong makarinig ng “thank you” sa kanya.
Donna: Alam mo Lenard nakaka awa din sila. Dapat sa kanila nag-aaral at naglalaro pero nasasabak na sa hanap buhay. Yung iba sa kanila eh musmus pa lang eh iniwan na ng mga magulang.
Dito ko naramdaman ang sincerity ni Maam Donna. Ang ganda talaga ng ngiti niya.
Me: Oo nga po Maam. Kaya mag aasawa lang ako pag kaya ko na silang buhayin.
Donna: Naku dapat lang Lenard. Kawawa naman sila.
Ewan ko ba parang sasabog ang dibdib mo. As in OMG! Kinausap ako ng maayos ni Maam Donna! Nagsitaasan ang mga balahibo ko at para akong kinikiliti nang walang humpay.
“Sana bumait na sa akin si Maam Donna” dasal ko nag mga oras na iyon. Magkalapit lang kami ni Maam Donna at nagyaya na siyang umuwi. Pagbubuksan ko na siya ng pinto at bigla siyang napatili at napayakap sa akin. Agad din siyang dumistansya after she gained her balance.
Me: Ok lang po kayo Maam?
Donna: Ok lang ako Lenard. Nadisbalanse lang ako ng konti.
Me: Mukhang mataas yata yang takong mo Maam.
Donna: Grabe ka naman. Para 2 inches lang.
Pabirong hirit niya sa akin.
Babait na kaya sa akin si Maam Donna? Sana bumait. Sambit ko sa sarili ko.
Agad na sumakay ng sasakyan si Maam Donna. Napasulyap ako sa rear view mirror at nasilayan ko ang ganda ng kanyang mukha.
Me: Maam super ganda po ninyo. Lalo na ngayong nakangiti kayo.
Donna: Lenard sobrang pambobola na yan ha. Malayo pa ang kinsenas at katapusan.
Pabirong hirit niya sa akin.
Me: uuwi na po ba tayo Maam?
Donna: Lenard gusto ko sana mag-unwind.
Me: Sige po Maam. Maam umiinom ka po ba?
Donna: Ng Tubig? Oo naman.
Natawa ako sa sagot ni Maam Donna.
Donna: bakit?
Natatawa niyang patay malisyang tanong.
Me: Beer po Maam.
Donna: Parang may plano kang masama sa akin ah. Lenard ha I’m warning you!
Me: Tig dalawang bote lang naman po naman Maam. Hindi ka naman po malalasing sa dalawang bote. Pag dalawang dosena sigurado lasing na tayong dalawa.
Donna: Mabuti na ang malinaw.
We went to a restobar overlooking the Makati Skyline. Nag order kami ng sizzling sissig and tig dalawang beer.
Donna: Ang ganda dito. Madalas ka ba dito?
Me: Paminsan minsan lang po Maam. Usually pag kasama mga high school at college classmates.
Donna: oh ok. Lenard mag kwento ka naman.
Me: Po? Tungkol po saan?
Donna: Kahit ano. Tungkol sa iyo, sa aso ninyo, sa kapitbahay mong chismosa. Kahit ano.
Nanibago talaga ako kay Maam Donna. Super kalog niya that time. I started with some general topics and then I asked her some questions.
Me: Maam saan ka po nag high school and college?
Donna: High School sa Assumption Makati. College sa La Salle. Ikaw?
Me: OMG! Seryoso???
Donna: Bakit?
Me: Maam sa Don Bosco Makati po ako nung high School.
Donna: Wow! Kapitbahay. Hahaha. Eh san ka naman nag college?
Me: La Salle po Maam.
Donna: OMG! Seryoso???? Ano ID Number mo?
Me: 101. Ikaw?
Donna: OMG! 101 din ako! Grabe. Ano course mo?
Me: Civil Engineering po Maam.
Donna: ah magkabilang dulo building natin. LS ako tapos Velasco ka naman. Animo!
Nag high-5 kami ni Maam Donna. Typical gestures sa mga kapwa La Sallista.
Donna: ang layo ng work mo sa course mo ah. Civil Engineer ka tapos pumayag kang maging driver ko?
Me: wrong timing po kasi ang pagka pasa ko ng board exam. Saktong Asian Financial Crisis. Tapos nag trabaho ako sa isang engineering firm pero sakto sakto lang ang sweldo.
Seryoso si Maam Donna na nakikinig sa akin.
Me: Di naman ako pwede mag inarte kasi kailangan ko tulungan si Mommy na pa-aralin kapatid ko sa Ateneo.
Donna: May kapatid ka???
Me: Opo Maam. Stephanie po pangalan niya.
Pinakita ko ang pictures niya sa phone ko.
Donna: OMG! Ang ganda niya. She looks like Barbie Imperial. Lenard tatanong ko lang sana kung ok lang.
Me: Ano po yun Maam?
Donna: Nasaan na Daddy mo?
Me: He died on my junior year in college.
Donna: I’m sorry to hear that.
Me: it’s ok Maam.
Maski papaano ay naging magaan ang loob namin ni Maam Donna sa isa’t isa. Super sincere siya a…