Mabilis akong tumayo, kinuha ang nakakalat kong damit at natatarantang pumunta sa kabilang side ng kama. Dumapa ako sa sahig upang hindi ako makita ng asawa ko.
Nakita ko si Flei na nataranta din at hindi alam ang gagawin.
At dahil nakahubad ito ay tinakpan lang niya ng kumot ang kanyang katawan.
“Mama? Napadaan po ba dito sa Knight? Baka po nakita niyo siya?” malungkot na tanong nito.
“Bakit anak? Ano ang nangyari sa inyo dalawa? May problema ba?” balik na tanong ni Flei.
Nagsimulang humikbi ang asawa ko at humagulgol ng iyak.
Para bang gusto kong tumayo at yakapin ito dahil ramdam ko ang sakit sa bawat iyak nito. Gusto kong punasan ang luha niya na alam kong ako ang may dahilan.
“Maaaa!!! Sinaktan po ako Knight!!!” sigaw nito. Naramdaman kong tumayo si Flei sa kama at nilapitan si Carla.
Inangat ko ang ulo ko upang silipin ang nangyayari at nakita kong yakap yakap ni Flei ang anak nito.
“Hffff! Hffff! Hffff! Pinag hffff pinagbintangan niya po akong hffff hindi niya anak si Frank” at mas lalong umiyak pa ito.
“Sssshhhh tahan na anak. Maupo ka muna dito sa kama at magbibihis lang ako” ani Flei.
Nagtungo ito sa aking pwesto at sa harap ko pa mismo nag-alis ng kumot at nagbihis ng damit. Dahan dahan itong nagbihis na parang nang-aakit at nangaasar. Nagsuot ito ng isang maluwag na tshirt na nagmistulan din palda, at bumalik sa tabi ni Carla.
“Ma ano pong gagawin ko? Parang galit po si Knight sa akin. Pakiramdam ko pinagdududahan niya ang pagmamahal ko sa kanya” ani Carla.
Gusto ko sanang sumagot at humingi ng tawad. Gusto kong sabihin na nagselos lang ako sa kapatid ko kahapon kaya ako naging marahas kagabi.
“Carla, baka pagod lang ang asawa mo kaya niya nagawa iyon. Alam mo naman ang mga lalaki, kapag pagod at kapag may nakitang hindi nila nagustuhan, ay kahit na anong bait niyan ay pipitik at makakasakit”
“Ano naman pong ginawa kong hindi maganda Ma? Hindi ko siya maintindihan. Kagabi pagkauwi natin mula sa mall ay parang may nagbago sa kanya. Simula ng magkita sila ni King ay parang nag-iba ang timpla niya at nainis sa akin” sumbong nito.
“Anak baka kasi nagselos siya sa kapatid niya”
“Selos?! Bakit naman siya magseselos? Wala naman kaming ginagawang hindi maganda ni Kuya King”
“Hindi ko alam anak. Pero ang sabi mo ay pinaghinalaan ka niyang iba ang tatay ni Frank. Hmmmmm… mabigat na paratang iyan anak. Wag ka mag-alala kakausapin ko yang si Knight at pagagalitan ko. Sa ngayon, bumalik muna tayo ng kwarto niyo at gusto ko makita ang apo ko” anito.
“Sige Ma, pero hindi niyo ba napansin si Knight? Hindi ko po kasi siya nakita dito sa bahay. Wala po siya sa sala, sa kusina at sa bakuran.” malungkot na sabi nito.
“Hindi ko siya napansin anak. Siguro ay nagpalamig lang ng ulo kung saan. Babalik din yan” tumayo sila at lumabas ng kwarto.
Tumayo din ako at dahan dahang nagtungo sa pintuan. Kita ko na paakyat sila ng kwarto naming mag-asawa.
Nag makitang nakapasok na sila ng kwarto ay nagbihis na ako at lumabas ng guest room. Inayos ko ang sarili ko at nagisip ng idadahilan kay Carla, kung sakaling magtanong ito kung saan ako galing at natulog.
Matapos ang ilang minuto ay nagpasya na akong bumalik ng kwarto.
Pagpasok ko ay napatingin ang mag-ina sa akin.
“Anak, kunin ko muna itong si Frank. Mag-usap kayo ng asawa mo” ani Flei at umalis sila ng anak ko.
“Babe…. I’m sorry” ani ko.
“Hindi ko na uulitin yung ginawa ko kagabi. Nagkamali ako sa ginawa sayo at kay Frank” dagdag ko. Nagsimulang humikbi si Carla.
“Knight, tingin mo ba na pinagtaksilan kita? Did you honestly believe na kaya kong gawin yun sayo?” tanong nito.
“Of course not babe. I know that you can’t cheat on me kasi mahal mo ako”
“Then why?” umiyak na ito.
“Kinain lang ako ng selos ng makita ko si Kuya King na kausap mo kahapon at ng makitang naging malapit agad si Frank sa kanya”
“That’s why you thought na hindi mo anak si Frank? Ganun lang kadali yun Knighttt?!!!” napasigaw ito.
“Tang ina! Dalawang taon na tayong magkakasama sa isang bahay, araw araw mong kasama si Frank tapos ngayon wala pang isang oras paghihinalaan mo siya dahil lang sa selos mo? I sacrificed my entire life for you Knight! Kinalimutan ko ang pangarap kong maging mahusay na Architect para sayo, para sa inyo ng anak natin. Ngayon sa isang iglap, yung pangarap ko ay ang maging masaya at mapagsilbihan kayo” pinipigilan nitong iyak.
Hindi ako nagsalita.
Her words hit me straight to my face.
Wala akong mukhang maiharap.
“O hindi kaya, may iba kang babae at natatakot ka na baka magtaksil din ako sayo? Ganun ba Knight?” deretsong tanong nito na siyang nagpagulat sa akin.
Nanlaki ang mata ko at hindi nakasagot.
“Mag-ayos ka na Knight. Mahuhuli ka na sa trabaho mo” utos nito at lumabas ng kwarto.
Para akong nanghihina sa naging usapan namin ng asawa ko. Pakiramdam ko ang laki laki ng kasalanan ko at ako mismo ang sumisira ng pamilya ko. Is this what my brother is talking about? Is this his way of helping me to value my family and stop everything that’s happening between me and Flei?
Sinunod ko ang sinabi ni Carla. Kahit wala akong gana magtrabaho ay pinilit kong maligo at magayos ng sarili. Pagkabihis ay bumaba ako at nagpaalam sa mag ina ko. Kinalong ko si Frank at yumakap ito ng mahigpit sa akin na tila ba ayaw akong paalisin.
“Papa!!! Labyuuu papa!!” anito. Lumunok ako upang pigilan ang luha ko.
“Alis na ako babe” hahalikan ko na sana ito sa labi ng lumayo ito sa akin.
Piniga ang puso ko dahil sa inasta nito. Kailangan kong bumawi sa asawa ko.
Umalis ako ng bahay at nagtungo na sa opisina. Buong araw akong wala sa sarili at tuliro habang nagtatrabaho. Hindi naman din ganoong kabusy ang buong araw kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na magpahinga kahit nasa opisina.
Nakasandal lang ako sa aking upuan at nakatutok ang mata sa drawing na nasa laptop ko.
Natapos ang buong araw na wala akong masyadong nagawa kaya nagdesisyon na akong umuwi. Bumili ako ng isang boquet ng red roses at isang case ng chocolate para i…