Sya si Nardo, 20 years old. Bata pa lamang ay nakaranas na ng matinding hirap sa buhay, bata lamang sya sa edad na 4 ng iniwan sya ng kanyang ina, at sumama sa ibang lalake. kaya ang ama nya na si Jose ang nagtaguyod sa kanya, mahal na mahal ni Jose si Nardo. ngunit may isang masamang nangyari sa kanyang ama. nabangga ng sasakyan ang si Jose at ito ay namatay, na hit and run sya at walang tao ang nakapagturo sa nakabangga sa kanya. sa edad na 8 taon si Nardo ay ulila na. Ang kanyang lolo na si Mang Tane na lamang ang tumayo bilang ama ni Nardo. subalit makaraan ng 2 taon binawian ng buhay ni Mang Tane dahil sa kantadaan. kaya ang kanyang tiyuhin na si Dencio ang kumupkop sa kanya, ngunit Lagim ang sinapit ng Batang si Nardo sa tiyuhin nyang si Dencio, hindi ito tinuring pamangkin at palagi syang binubugbog at hindi pinapakain. sa murang edad ni Nardo ay natuto sya na dumiskarte sa buhay para makakain sya. nag titinda sya at minsan naman ay na extra sa mga palengke para lang mairaos ang kanyang pang araw araw na pagkain. Nang malaman ni Dencio ang ginagawa ni Nardo ay walang awang kinukuha ang kanyang pera pinaghirapan at ito ay ginagamit sa pang inom. at pag wala syang naiiaabot na pera sa kanyang Tiyuhin ay binubugbog sya nito lalo na pag nalalasing. Hindi na masikmura ni Nardo ang sinasapit nya sa kanyang Tiyuhin at sa lalo na sa kanyang mga pinsan, ay naisipan nyang tumakas. Isang gabi habang tulog ang lahat at ang tiyuhin nya ay tulog na tulog dahil sa kalasingan. pinilit ni Nardo bumangon kahit masakit ang kanyang katawan dahil sa pambubugbog sa kanya ng kanyang Tiyuhin, pinilit nyang hindi inabot ang kanyang tinato tagong pera kahit na masaktan sya ng husto.
Dahan dahan syang tumayo at marahan na lumabas ng bahay na walang kaalam alam ang lahat dahil sa himbing ng pagkakatulog, madali sya nakalabas dahil sa may sala sya natutulog, at nang makalabas na sya bahay ay kumaripas na sya ng takbo dahil biglang bumukas ang ilaw ng bahay ni Dencio. Mabilis ang pag takbo nya, wala syang iniisip kung san sya pupunta basta ang alam nya ay tumakbo papalayo sa bahay ng kanyang Tiyuhin ibang alam gawin kundi bugbugin at saktan sya ng labis. Napaluha si Nardo hindi sa awa sa sarili kundi sa tuwa dahil malaya na sya at wala ng mananakit sa kanya na sino…