Nardo: tay wag po kayo mag alala mabubuhay po ako at ipapangako ko po sa inyo na susundin ko po ang lahat ng aral na natutunan ko po sa inyo.
Magkahalong saya at lungkot ang nadarama ni Nardo sa mga panahon na yon at patuloy syang umiiyak at hanggang sya ay nakatulog. Sa pag kakahimbing ng kanyang tulog ay hindi nya alintana na may nag mamasid sa kanyang engkanto, at walang iba kundi si Atuy ang duwendeng itim, naglilisik sa galid si Atuy sa ginawang pag ihi sa kanila ni Nardo, kaya naman paparusahan na nya ang walang kamalay malay at kawawang bata na si Nardo, aamba na sana si Atuy ng kanyang mahika ng bigla may kumislap sa dibdib ni Nardo, tila nagulantang si Atuy sa nakita at namangha dahil isang gintong puso ang nanalantay sa batang si Nardo. Pumitik si Atuy at nagliwanag ang buong kubo na tinutulugan ni Nardo,
laking gulat nya na makita ni Atuy ang kawawang bata na si Nardo, kitang kita sa kanyang payat na pangangatawan ang hirap at dusa na sinapit ni Nardo sa kanyang tiyuhin na si Dencio, napaluha si Atuy na nakita na puro pasa ang kanyang katawan at may bali sa tagiliran. May putok sa ulo na parang pinalo ng bote, pikit na ang mata dahil sa pasa, matindi ang pinagdaanan ni Nardo na may bagas na luha sa kanyang mata, may bale sa ilong at nagdudugong mga labi. Napailing na lang si Atuy na saksihan at patuloy na lumuluha. mahabagin ang mga duwende sa mga taong pinagsasamantalahan lalo na ang mga bata. sinubukan na basahin ang nasa ala ala ni Nardo, lumantad sa kanya simula ng pang aabuso at pang bubugbog sa kanya ng Tiyuhin niyang si Dencio, galit at poot ang naradama ngayon ni Atuy kay Dencio, gusto nya itong parusahan, ngunit habang tinutuloy nya ang panonood nya sa mga ala ala ni Nardo ay laking gulat nya na makita nya si Jose, ang matalik nyang kaibigan na tao.
Atuy: sya pala ang anak ni Jose ang aking kaibigan.
nag flash back sa kanya ang mga pangyayari kung paano sila naging magkaibigan ni Jose, sa isang madilim na kagubatan ay masayang naglalakad papauwi si Atuy papunta sa kanyang punso. Na may biglang nanlinkis sa kanyang isang cobra, hindi nya ito napaghandaan dahil napuluputan agad sya nito, dahil sa sobrang gutom ng cobra ay agresibo ang pag atake nito kay Atuy, kakainin na sana sya ng buo ng dumating agad si Jose ng masumpungan nya ang ahas ay agad nitong inundayan ng taga sa may uluhan, agad naman nakawala si Atuy dahil lumuwag ang pag kakasakay ng katawan ng cobra sa kanya, laking gulat ni Jose na may nakita syang duwende na nag pipilit na makawala sa ahas dahil ang katawan nito ay nakadagan, agad naman nitong tinulungan ang duwende,
Atuy: salamat sayo kaibigan, utang ko ang buhay mo..
Jose: walang anuman yun kaibigan, ayos ka lang ba?
Atuy: naku muntikan na ako makain ng ahas na yun. kung hindi dahil sayo ay baka wala na ako dito
Jose: hahaha oo nga malamang. ay sya akoy paparine na at ang aking anak ay naiwan ko nag aalala ako baka hindi pa nakain yun.
Atuy: ay sandali, iyong mamarapatin ano ba ang iyong pangalan?
Jose: Jose. Jose ang pangalan ko
Atuy: Atuy pala. hehehe baka isipin mo wala kami pangalan hehe
Jose: hahaha oo nga ang tawag kasi namin sa inyo ay duwende, ay sya sige at ako eh mauuna.
habang sa paglalakad ni Jose ay naka subaybay si Atuy kung san ito pupunta, hindi nakatiis si Atuy at lumabas ito si Atuy sa harapan ni Jose at ito ay kinagulat nya
Atuy: pasensya sa iyo kaibigan, ako eh hindi makatiis at gusto kitang gantipalahan sa pag ligtas ng buhay ko, gusto din kita maging kaibigan
Jose: ay wag mo na iyo alalahanin, masaya na ako na natulungan ka, pwede din naman tayo maging magkaibigan.
Atuy: ay gusto kita gantipalaan bilang pasasalamat sayo. gusto ko gawin maginhawa ang buhay mo.
Jose: ayos lang. sapat na sakin ang salitang salamat, iyon nalang ang kabayaran ng ginawa ko. At maging kaibigan ka.
Nasumpungan nya na nagliwanag at nagkulay ginto ang dibdib ni Jose, alam nya na may mabuting kalooban ang taong ito, hindi sya nagkamali dahil may mabuting puso itong si Jose. kaya simula noon ay palagi nya sinusundan si Jose san man ito magpunta, nawalay lang sya dahil kay Lila, natuon ang kanyang pansin dahil nililigawan nya ito. Nabalitaan nya na namatay si Jose dahil sa aksidente ilang taon na din ang lumipas, labis ito kinalungkot ni Atuy at tanging si Lila lang ang dumamay sa kanya kalungkutan.
Mul…