Saktong tapos na mag linis si Nardo ng kanyang silid gamutan at pati ang kanyang sarili ay biglang sumulpot si Atuy sa maliit na lamesa na pinag lalagyan ng mga langis.
Atuy: musta kaibigan!
Nardo: oi kaibigan ikaw pala!
Nilapitan agad ni Nardo at nilahad ang palad sa maliit na lamesa, at sumampa si Atuy sa kanyang palad. habang nag lalakad papuntang sala ay naguusap ang dalawa,
Atuy: kaibigan may pangitain ako na may isang dayuhan na pupunta dito ngayon araw na ito.
Nardo: aba ano naman ang isang panauhin yan? ako baga eh nakapag gamot na. baka hindi ko na sya magamot pa.
Atuy: wag ka mag alala kaibigan, sya naman ay pupunta lang upang ikaw ay hanapin at hindi sya ang gagamutin mo.
patuloy pa rin sila sa pag uusap ay hindi nila inaasahan na may isang sasakyan na pumarada sa harap ng bahay ni Nardo. isang Toyota 4 tunner ang pumarada sa bahay ni Nardo. at may bumaba na isang magandang babae. na suot ng puting Shirt at hapit na hapit ng maong pants, naka shade na itim, mahaba ang buhok na kulay itim, alaga sa salon dahil sa tuwin ang hibla ng buhok na ito. maganda ang hubog nga katawan at may kalakihang dibdib na may malakeng balakang, nauusap pa rin ang dalawa sa sala kaya hindi ito agad napansin ni Nardo.
Babae: tao po.
bigla naglahong parang bula si Atuy kaya agad naman pinuntahan ni Nardo kung sino ang tao sa labas
Nardo: sino po sila? tuloy po kayo.
nang nakaupo na ang babae tinignan ng mabuti si Nardo kung ito ba talaga ang pakay nya, napaisip sya na inakala nya na matanda albularyo ang kakaharapin nya ngunit ito ay isang binatang lalake na tinatanya na nasa 23 o 25 ang edad.
Babae: ikaw lang ba ang magisa dito sa maliit mo ng tahanan?
Nardo: abay ako nga ho baka. ako lang ho ang nakatira dito sa bahay na ito. ano ho ba ang inyong pakay sa akin?
Babae: ay ako nga pala si Chloe, taga manila ako may hinahanap ako na mang gagamot at dito ko daw sya matatagpuan.
Nagkatotoo ang pangitain ni Atuy at tama din na ang babaeng tinutukoy nya ay si Chloe.
Nardo: ay eh ako ho ang hinahanap nyo. pero sa tingin ko ho naman na wala ho kayong karamdaman.
Chloe: hindi ako mang magpapagamot.
Nardo: eh sino?
Chloe: ang boss ko kaso hindi ko sya kasama ngayon sya ay nasa manila at kasalukuyan nasa bahay na lang nag gagamot.
Nardo: pwede ko bang malaman kung ano ang kanyang sakit?
Chloe: cancer, at ilang araw na lang ang itatagal nya sa mundong ito Nagpahid ng luha si Chloe, agad naman ito pinigil ang pag iyak. ikinuwento nya ng detayle kung paano sya nakapunta dito
Chloe: may cervical cancer and boss ko. habang sa kanyang pag papahinga ay nanaginip sya na may isang lalake na makakagamot sa kanyang karamdaman, taga dito daw sa batangas. sa kanyang panaginip ay malinaw ang kanyang nakikita kung saan ka nakatira ngunit hindi nya maaninag kung paano mo sya magagamot. nun araw na din yun ay pinatawag ako at itinuro sakin kung san ka hahanapin. noon una ay hindi ako naniniwala pero eto at kaharap na kita saka na naniwala na totoo lahat ng panaginip nya.
Nardo: tama po kayo ng napuntahan. ako nga po ang nag gagamot dito, tama din po may pangitain din ako nakita na may isang dayuhan na pupunt…