Nardo Albularyo.

Sa isang liblib na lugar sa Batangas may isang dalagang hirap na hirap maglakad na pawang may mabigat na karamdaman syang dinadala. Pinipilit nyang maglakad kahit hirap na sya, para mapuntahan ang isang bahay malayo sa kabihasnan. Isang maliit na bahay na yari sa bato ngunit kung susuriin ay luma na. Laki tuwa ng babae na natagpuan na nya ang bahay na kinaroroonan na mag papagaling sa kanyang karamdaman.

Sya si Lerma. 22 anyos na dalaga, nakatira sa isang bayan sa Batangas. Maganda morena, may kagandahan din ng katawan at napaka simple manamit. Halata sa kanya ang pagka probinsya sa kanyang kasuotan. Hindi na sya nag atubi kumatok na agad sya sa pinto
Tok tok tok!

Lerma: tao po. Walang galang na ho.

Biglang bumukas ang pinto, at lumabas ang isang binata na may katahimikan at maamo ang mukha. Sya ay si Nardo, may taas na 5’10” at may katamtaman na pangangatawan. Moreno at halatang laki sa hirap kung titignan.

Nardo: sino po sila? At ano po ang mapaglilingkod ko po?

Lerma: ako nga pala si Lerma ako poy naparine dito. Gawa ng may nakapag sabi sakin na may manggaamot daw dine? Ay ako ga eh magpapagamot.

Nardo: abay tama ho kayo ng pinuntahan. Ay sya po pala, malaman ko po ang inyong karamdaman?

Lerma: eh ako mag dadalawang linggo na baga namimilipit sa sakit dito sa may dine..

Tinuro nya ang parte na nasakit sa may bewang. At halata sa kanya na nahihirapan sya sa kanyang pag tayo. Napansin agad ni Nardo na may malubsang sakit ang babae.

Nardo: ay parine na ho kayo sa loob at kayo poy akin gagamutin. Ako po naawa na sa inyo at hirap na hirap na ho kayo

Lerma: naku salamat at ang layo ng nilakad ko ih.

Inalalayan ni Nardo si Lerma papunta sa silid gamutan nya. Isang kwarto na may higaan sa gitna. May isang maliit na lamesa sa gilid na pinag lalagyan ng mga langis gamit sa l…