NASILO (3)

“Bakit parang alam nilang nakikita ko silang nagkakantutan? Ibig sabihin gusto nilang napapanood ko sila?”

————————-

“Pre, mukhang maganda yung bisita ng ate mo ah. Mestisa, tsalap! Tara sa inyo makipagkilala tayo!”

Nagkakandahaba ang leeg ng tatlo sa pagtanaw sa mga dayong dumating. Tanaw man kasi mula sa burger stand ay di gaanong mamukhaan lalo’t hindi naman nila kakilala ang mga ito.

Kaya naman nagpipilit mag-aya si Iggy na pumunta kila Domeng para mag-usyoso. Gaya ng ibang mga taga-probinsya, di maiwasang macurious kapag may bakasyunista sa kanilang lugar.

“Nako eh pinaalis nga muna ko ni ate kanina at ipapagamit daw nya yung kubo ko sa mga bisita nya. Kaya eto may dala kong damit, malamang kila Pareng Rey muna ko matutulog nito mamaya.”

“Aba andyan pala si Ditas ano? Buti naman at nakauwi ang ate mo para magbakasyon, Domeng.” wika ni Mang Boy.

“Ah oho, nakapagpaalam sa mga amo nya. Yung lalakeng dumating… anak yon ng amo nya sa Maynila. Abogado daw yon, pero yun din nag-aasikaso sa negosyo ng pamilya nila. Alaga daw ni ate yon at sya na nagpalaki. Gusto daw nila nung gelpren makapanood ng Masskara eh kaya inaya ng ate sumaglit dito.”

Buwan ng Oktubre noon, kasalukuyang nagbabakasyon ang magkasintahang Carlos at Michelle. Masyado silang naging abala lately sa kani-kanilang trabaho at sa paghahanda sa nalalapit nilang kasal kaya’t naisipan muna nilang magbakasyon sa bandang Visayas.

Kakagaling lang nila sa paglilibot sa Iloilo matapos magrelax sa Boracay. Huling itinerary na nila ang Masskara Festival sa Bacolod bago sila lumipad pabalik ng Manila. Nataon namang nakabakasyon din noon ang kinalakhang yaya ni Carlos na si Manang Ditas kaya di nila matanggihan ang paanyaya nito.

“Nako nakarating din kayo dito samin Carlos! Salamat at napagbigyan nyo ako ni Michelle!” magiliw na pagbati nito sa mga panauhin.

“Eh mapapahindian ba namin kayo, eh masyado kayong mapilit haha! Salamat sa pag-imbita mo samin manang. Sigurado ba kayo na ayos lang sa kapatid ninyo na gamitin muna namin ang kubo nya?”

“Nako wag ninyo alalahanin yon! Madalang talaga umuwi yon dito at madalas eh sa mga kumpare nya nagbababad.”

Tuloy ang masayang batian at kamustahan nila hanggang sa makapasok sa loob ng payak na bahay nila Manang Ditas.

“Noon ko pa talaga gustong makarating kayo dito samin. Medyo malayu-layo pa kami sa bayan kaya masarap mamalagi dito, presko pa ang hangin.” wika nito habang naghahain ng meryendang piaya at napoleones na ipinabili sa apo.

“O sige po, bukas naman eh may booking na kami sa hotel kaya dun na kami dederetso matapos maglibot.”

“Manang, sya po ba yung apo na sinasabi nyong isasama nyo sa Manila sa summer?” tanong ni Michelle.

“Ay oo, si Buboy. First year highschool na yang apo ko. Sya yung ipinagpaalam ko sa mommy mo Carlos na isasama ko sa Maynila para may nauutus-utusan ako. Buti nga’t pumayag yan na doon na mag-aral sa susunod na pasukan.”

“Buboy apo, ihatid mo nga ang mga gamit nila sa kubo para makapagpahinga muna sila bago maghapunan.”

Sinundan ng magkasintahan ang binatilyo papunta sa kubong kanilang tutuluyan.

Maliit lamang ang kubo ng bunsong kapatid ni manang. Parang maliit na kwarto, sakto lamang upang tulugan at paglagyan ng mga personal na gamit. Hindi naman kasi nakasanayan magluto ni Domeng dahil kadalasan ay gabi na din sya nakakauwi.

Ayaw naman nyang pumisan sa mga barong-barong ng kanyang mga pamilyadong kapatid kaya nagpatayo sya ng sarili nyang munting kubo na tulugan. May nakabukod na banyo na matatagpuan sa likod ng bakuran nila.

Nakataas ang kubo ng ilang hakbang mula sa lupa na mapapanik gamit ang hagdang yari sa kawayan. Maaliwalas at presko sa loob dahil sa malalaking bintana at sawaling mga dingding.

Yari naman sa tinistis na kawayan ang sahig nito. Hindi mainit ang singaw ng bubong dahil gawa ito sa top-of-the-line na kugon.

Sa gitna ng kubo ay may manipis na kutson na sinapinan ng bagong-laba na kobre-kama. Maging ang mga kurtina ay halata mong bagong palit. May mga bulaklak pa sa plorerang nakapatong sa lamisita. Napakamaasikaso talaga ni manang sa alaga nito.

Matapos maihatid ang mga gamit ng dalawa ay iniwan na ni Buboy ang kanilang mga bisita.

“Babe, parang hindi pa natin natry sa totoong kubo di ba?” hirit ni Carlos sa girlfriend sabay kindat, na sinagot naman ni Michelle ng malanding ngisi.

“Sige, mamaya.” bulong naman nito.

Kinagabihan ay maaga silang naghapunan. Ala sais y medya pa lamang ay nakahain na. Ganoon ata talaga sa probinsya dahil maaga din natutulog ang mga tao.

Masayang nagsalo sa hapunan ang pamilya ni manang kasama ang mga bisita. Nagsisiksikan man sila sa maliit na bungalow, mahirap man ang buhay, ay makikitang masaya ang mag-anak.

“Iba pala talaga ang authentic na inasal ng Bacolod noh manang? Namit!” wika ni Carlos.

Tawanan naman sa tuwa ang mag-anak ni manang na makarinig ng Ilonggong salita mula sa mga bakasyunista.

“Aba tikman nyo din ang batchoy ko, minana ko pa sa lola ko ang recipe nyan!” pagmamalaki ni manang.

Matapos maghapunan ay ipinagpatuloy nila ang kwentuhan sa may bakuran. Maliwanang ang buwan at napakaraming bituwin sa langit. Presko ang simoy ng hangin kaya’t nakakarelax talaga ang buhay sa probinsya.

Di maiwasan ng mga napapadaan na mapalingon sa mga bisita nila Manang Ditas. Sa gawing iyon kasi ng sitio nila ay madalang sila makakita ng mga dayo dahil wala naman sila sa sentro ng bayan kung saan naroon ang mga pasyalan ng turista.

Mag-a-alas otso nang magpaalam na upang magpahinga ang mga bisita. Mahaba at nakakapagod ang araw na iyon dahil bumyahe pa sila ng barko mula Iloilo.

Kumuha saglit si Michelle ng kanilang mga gamit at muling lumabas ng kubo upang maligo.

May kadiliman sa bakuran. Tanging sa malapit na poste ng ilaw lamang nagmumula ang liwanag. Tangan ang maliit na flashlight, nagpunta ang dalawa sa banyo sa likod ng bakuran.

Kanina ay sinigurado ni Manang Ditas na naigiban ang lahat ng mga drum at may sapat na tubig para sa mga bisita. Sementado ang banyo ngunit wala itong pinto. Tanging piraso ng yero ang ginagamit na pantabon sa bungad nito. Sa loob ay may malaking drum at mga baldeng pinaglagyan ng biskwit at pintura na nagsisilbing imbakan ng tubig.

Unang naligo si Michelle habang nagbabantay sa labas ng banyo si Carlos. Matapos maligo ay isinuot ang ternong pajama saka lumabas na ng banyo.

Iniabot ni Carlos ang flashlight kay Michelle at pinauna na syang bumalik sa kubo dahil malamok sa gawing iyon. Kaya na daw ni Carlos baybayin ang daan pabalik.

Pagbalik sa kubo ay naisipan ulit ni Michelle na magpalit ng pantulog. Sa halip na pajama ay puting nighties na lamang ang kanyang isusuot. Tila bagay kasi ang puting kamison sa kanilang native accommodation nang gabing iyon.

Matapos magpalit ng pantulog ay inumpisahan na nyang maglagay ng lotion sa katawan. Ipinatong pa ang paa sa lamisita upang mapahiran ang hita ng mabuti.

Lingid sa kaalaman nya ay may isang pares ng matang kanina pa nagmamasid.

Papunta na sana si Iggy sa bahay ng kumpareng si Rey para sa kanilang inuman session. Napadako ang tingin nya sa madilim na bakuran nila Domeng at natanaw nya ang mestisang babaeng papanik sa kubo ng kanyang kaibigan.

Naisipan nyang lumapit sa kubo upang magmasid. Tahimik na ang paligid at mukhang tulog na ang mga kaanak ni Domeng na nakatira sa ibang mga bahay sa loob ng compound.

Gawa lamang sa kawayan ang bakod ngunit wala itong gate na sarahan kung kaya’t madali syang nakapasok sa bakuran. May mga gumagala mang aso ay kilala naman sya ng mga ito dahil madalas din sya pumunta doon para tumambay.

Pumwesto sya sa madilim na bahagi sa may gilid ng kubo. Hindi nakadouble-walling ang sawali ng dingding kung kaya’t madali syang nakagawa ng butas na masisilipan.

Elevated ang kubo kaya’t nasa bandang ibaba ng dingding ang butas na sinisilipan ni Iggy. Madilim man sa loob ng kubo ay sapat na ang kaunting liwanang mula sa malapit na poste upang maaninagan nya ang loob nito.

Kitang-kita nya nang isa-isang buksan ng babae ang mga butones ng pang-itaas na pajama. Napalunok si Iggy nang unti-unting tumambad sa kanya ang mga suso ng dalaga, tayung-tayo at saksakan ng puti. Para diwata na nagliliwanag ang kutis nito sa loob ng madilim na silid.

“Putang ina pag su…