Nathaniel 3- Langit 09

Niyakap lang niya ito at hinayaang ipikit ang mga mata.

Limang buwan buhat ng pumanaw si Rozelle, nanatiling madilim ang buhay ni Nathan. Nawalan ng ganang mabuhay, laging lasing at tulala.

Kung dati ay sinisi niya ang mga taong may kagagawan sa pagkawala ng mahal sa buhay, pag hihiganti ang naging tugon. Ngayun walang ibang dapat sisihin kungdi ang sarili, sana ay naging tapat siya, sana puro pag mamahal ang ibinigay sa asawa. Sana ibinubos lahat kay Rozelle, puro sana!

Makasarili! Yan ang laging isinisigaw ng budhi. Bawat umagang imumulat ang mga mata ay ang asawa ang hinahanap, bawat gabing matutulog ay ang asaw ang nais ikintal sa panahinip. Pero wala na…

Ang mga anak ay nanatili sa biyenan, pilit siyang inintindi. Ngunit dadating at dadating ang panahon na kailangnan niyang harapin ang buhay.

Bigla nagliwanag ang paligid. Nakakasilaw na liwanag.

“Nathan wake up!”

“Dad!”

Pero sa halip bumangon ay dumapa at tinakpan ng unan ang mukha. Nagpasalamat nalang siya at hindi na siya ginambala ni Dante.

Pero biglang may humila sa unan kasunod ay ang pagbuhos ng malamig na tubig.

“Holy Shit! What was that?”

Basang basa siya dahil sa isinaboy na tubig ni Dante na may yelo.

“You need to wake up Nathan.”

“Yes I’m awake now.”

“Fix yourself and follow me at the dining.”

Nagpalit lang siya ng shirt at sumunod sa biyenan.

“Inomin mo yang kape.”

Para siyang bata kinakausap nito. Kakahigop lang ng kape nang ihagis sa harap niyaang mga papeles.

“What is this?”

“Bank letter, statement and financial reports.”

“Dad, I don’t care about this.”

“The last one is a police report.”

“Police report?”

“Yes, and you are in big trouble.”

Kahit hilo pa ay ipinaliwanag ni Dante ang sitwasyon. Lubog sa utang ang kumpanya at nakuha na ng banko ang mga properties. Napapirma siya ng assistant dahil laging lasing. Ang mga partners ay nag withdraw na din maliban kay Valerie.

Bakit naiwan si Valerie, dahil ginamit nito ang kumpanya para sa mga kotra bandos katulong ang ama nitong sindikato.

Ang masaklap pa ay involved na din ang mga empleyado sa drug dealings na nahuli ng FBI.

“Dad?”

Hindi makapaniwala sa mga nakitang documento, lahat ng pinaghirapan niya ay nalusaw lahat. At ang masakit ay kinakailangan niyang bumalik ng Pilipinas dahil lahat ng credentials niya ay may bad records linked to the sindicate owned by Valerie and her Dad.

Talagang nasa huli ang pagsisi, isang kasalanang nag dulot ng napakaraming sumpa. Nawalan siya ng asawa, nawalan ng kabuhayan at ngayun ay malalayo sa mga anak.

Napakasaklap ng buhay na kinahantungan niya. Nasaan nga ba ang Diyos para kalimutan at talikuran siya. Hindi ba sapat ang mga pinagdaanan niya dati at harapinna naman ang panibagong pagsubok. Hindi alam kung kakayanin ng utak, ngunit para sa mga anak ay ilalaban niya ang tingin niya ay huling baraha.

Hindi pinagtagal ni Dante ang pananatili ni Nathan sa New York, agad nakapag pabook ng ticket. Pansamantalang nanatili sa hotel habang hinihintay na umalis ang umuupa sa condong gamit nuong panahon na puno pa ng galit ang puso.

Iba sa lahat ang pag uwi niya ng Pilipinas, walang kasamang mga malilikot na bata, walang asawang nakahilig sa balikat kaya hindi napigilang lumuha. Isang tao lang ang nakaka-alam na babalik na siya.

Si Gabriel. Ito lang din ang susundo sa kanya para dalin sa hotel. Kahit malayo ang kaibigan ay nakaramay niya sa lahat ng kalungkutan. Nawalan lang ulit sila ng communication ng malulung siya sa alak sanhi ng pagkamatay ni Rozelle.

Mahigpit na yakap ang isinalubong sa kanya ni Gabriel, tinapik tapik naman ni Nathan ang likod para iparamdam na okay lang siya.

Hindi ganun kaganda ang hotel/apartel na nakuha niya, maayos para panirahan niya sa loob ng isang buwan. Gusto sana ni Gabriel na sa kanila nalang ito tumuloy pero pinili niyang mag-isa para maiwasan din ang pamilya nitong alam niya nagawan din niya ng hindi maganda.

Magpapahinga lang siya at pupuntahan ang company kung saan siya naka-apply satulong ng daddy ni Rozelle.

Hindi naman nagtagal si Gabriel nangako na babalik balik nalang para kumustahin siya. Madami itong ino-offer sa kanya pero halos lahat ay tinanggihan niya maliban sasasakyang ipinahiram nito.

Ayaw sana niyang tanggapin dahil alam niyang bago ito lihis sa sinabing gamit na dahil wala pang official plate. Pero dahil hindi niya talaga kayang bumili ng sasakyan at kailangan niya kaya tinanggap na din.

Lunes ng pumunta siya sa opisina, confident naman siya na matatanggap dahil formality nalang talaga ang interview with the Head of Finance at HR.

CLARKSONS LTD.

Leading developer, manufacturer at importation business sa Pilipinas. Ito ang pagkaka-alam niya, pero hindi sukat akalain ganito ito kalaki.

Building 1 na may 27 floors and Building 2 na may 15 floors naman. Ang business venture naman kasi nito ay kalat sa Asia, Europe, Middle East at US. Bigla siyang nakaramdam ng panliliit.

Pagpasok palang ay nanuot na ang lamig na hatid ng AC, carpeted floor at glass panel sa lahat ng paligid. Masasabi mo na hindi basta basta ang architectural design pati interior.

Matagal siyang nakatayo at hindi napansin na umaagaw na pala siya ng atensyon lalona sa kababaihan. Paglapit sa reception ay ginamit ang usual charming smile.

“Hi Miss! I am looking for Mr. Miguel Lopez of the Finance Department.”

“And you are?”

“Nathaniel Tiu.”

“Please have a seat, I will inform him.”

“Thank you!”

Agad namang siyang nilapitan ng receptionist para pasamahan sa isang staff patungo sa office ni Mr. Lopez.

Isang medyo may edad na lalaki ang inabutan niya, medyo puti na ang buhok pero alam mong respet…