Nathaniel 3- Langit 19

Tumalikod nalang siya ay hindi na nakisama pa sa pagsasaya ng mga campers.

Nakita ni Nathan na naglakad palayo si Mrs. Gamboa. Napansin din niya ang lungkot nito habang nakatingin sa kanila o sa kanya. Masyado naman yata niyang binabalewala ang principal, oo naiinis siya dahil hindi ito uma-akto sa posisyon niya pero na-awa dahil tingin niya ay wala namang masamang intension.

Ayaw lang niyang magkaroon ng karagdagang problema. Matapos mag awarding ay pinabalik na sila sa mga kwarto para magpahinga at maligo, bingyan ng instruction for dinner. May kaunting program pa din daw kaya kailangang naduon pa din sila.

Nuon lang din niya nalaman na magkalapit lang ang kwarto nila ng principal, actually magkatabi. Nakita kasi niya ito sa maliit na beranda bago makapasok sa kwarto. Pero nang nakita siya ay tumayo na ito at ni hindi sila binati nila Daniel at Hunter.

‘Mukhang nag-tampo hahaha.’

“What is that dad?”

“Nothing, go inside and take a shower okay.”

“Can we use the bathtub.”

“Hmmm, okay but not for long.”

“Yehay!”

Agad na tumakbo ang dalawa patungo sa bathroom habang siya ay naupo sa bench sa may beranda. Ini-expect niya na lalabas ang principal pero wala kaya naisip nasabayan na ang mga bata sa paliligo.

Nagtungo na din sila sa dinner at lihim na hinanap ang principal pero wala ito. Natapos na silang kumain at nag-simula ang program ay hindi pa din niya nakikita ang babae. Na guilty siya dahil feeling niya ay siya ang dahilan kaya wala ito sa activity.

Buhat kaninang umaga kasi ay lagi lang itong nasa malapit sa kanila na medyo ikina-inis niya. Lalo na ang parang pag-titig nito. Pero mukang nasobrahan naman ang pag-ignora niya dito.

Nag pilingero din kasi siya na isiping may gusto ito sa kanya at nais lang ay ma-ikama niya. Ayaw niya dahil magiging kumplikado ang sitwasyon lalo ngayun with Kaytie at Carms. Kung pakiki-alaman niya ang babae ay baka mas gumulo pa.

Ngunit ngayung wala ito ay parang responsibilidad niya.

Nang tingin niya ay hindi naman na siya kailangan ay umalis na muna, babalikan nalang niya ang dalawa mamaya. Gusto lang niyang maka-usap ang principal kung hindi ay baka hindi siya makatulog. Sagutin pa niya.

Pagtapat sa kwarto nito ay nag doorbell pero walang sumasagot, ilang beses na wala talga. Naisip niyang hanapin sa paligid pero wala din.

Nagpasya nalang niyang bumalik sa program at baka naduon na ito.

Napadaan siya sa play area nang mamataan ang babaeng naka upo sa swing. Kahit nakatalikod ito sa kanya ay alam niyang ito ang principal.

“Good evening Ma’am!”

Nilingon lang siya nito at ni hindi bumati.

“Absent ka ata sa program.”

“Hindi ako kailangan dun.”

“Hinahanap ka kaya dun.”

“Sino naman ang hahanap sakin dun.”

“Ako!”

“Bakit naman?”

“Wala lang, wala nang nakatitig sakin.”

Inirapan lang siya ng lalaki. Lalo tuloy siyang na guilty. Lalo nang maalala ang ginawa kanina sa bus.

Siya ang may pakana para hindi gisingin ito, nilapitan ang mga nakasakay sa bus at kinasabwat na dahan dahan mag silabas.

“Sinungaling, ni hindi mo nga ako pinapansin.”

“Kinikindatan kaya kita.”

“Para inisin, tapos iniwan nyo pa akong mag-isa sa bus. Huhuhuhu.”

Duon na tuluyang umiyak ang babae hindi malaman ni Nathan kung paano ba ito kakausapin at patahanin.

“Ma’am wag naman kayong umiyak baka isipin ng makakakita e ina-ano ko kayo.”

“Wala naman akong kasalanan sayo, bakit mo ako iniinis.”

Napilitan tuloy siyang lapitan ito at aluin.

“Ma’am sorry na, please wag na kayong umiyak.”