“Dad look what I’ve found.”
Isang box na hindi niya maaring makalimutan, inilagay niya ito sa locked drawer sa likod ng closet niya. Hindi niya alam kung paanong nabuksan ito ni Daniel at hindi rin naman niya pinagka-abalahang silipin buhat ng dumating sila.
“What are these?”
Relos, bracelet, letters at ang locket na iniwan daw kasama niya according to Father Greg. Inabot niya ang mga gamit at isa-isang tiningnan.
“Is this Aethan?”
Itinuro nito ang picture ng bata sa locket.
“Nope, its me I guess hahaha.”
“And who is this girl?”
“My mom maybe?”
Natigilan siya ng titigan ang lumang larawan. Bago pa maibalik sa box ay dumatingang pizza na order nila for dinner. Inilagay nalang niya sa laptop bag at mabilis na pinuntahan ang pinto.
Matapos kumain ay inayos na ulit ang report, kung bakit naman may mga files siya nahindi makita kaya duon na na focus ang atensyon. Hating gabi na ng tigilan niya at maaga pa ding nagising para pumasok kinabukasan.
Pag dating sa opisina ay hinahanap pa din ang mga files dahil trade secret ang mga ito ng kumpanya, hindi ito maaring mapunta sa kung kanino lang at siguradong liable siya sa batas. Pati ang proposed budget na pinirmahan niya pero hindi ibinigay dahil may mga questionable amounts pa na itatanong niya kay Carmina ay nawawala din.
Kasalukuyan niyang hinahanap ang mga mahahalagang papeles ng bumukas ang pinto ng opisina at pumasok si Mark at Rob kasama ang apat na pulis. Nagtatanong ang mga mata niya at ang mga pulis na ang sumagot.
“Mr. Tiu sa presinto nalang kayo mag paliwanag, kung may lawyer kayo ay maari nyong tawagan para tulungan kayo.”
“Mark, what is this?”
“Wag ka nang mag kunwari, kasabwat ka ni Carmina para pabagsakin ang kumpanya.”
Hawak nito ang mga papeles na hinahanap niya na hindi niya alam kung paanong napunta dito.
Sa dulo ng opisina ay nakatayo si Miguel at katabi nito si Claudia.
“Sir Miguel wala po akong kinalaman sa mga ito, maniwala po kayo.”
“Pinagtiwalaan ka namin Nathan.” Kasunod ay isang suntok sa panga.
“Claudia, please listen to me. I don’t have anything to do about this please.”
Pero tingin lang na puno ng galit at sakit ang ibinigay nito sa kanya. Wala nang nagawa si Nathan, kahit anong paliwanag ang gawin niya ay walang makikinig.
Naiwan si Claudia na puno ng galit sa lalaking pinagkatiwalaan at muntik nang magpahamak sa kumpanyang pinaghirapan sa maraming taon. Nadala siya sa karisma at galing ni Nathan.
Paalis na sana siya nang mapansin ang laptop bag na dala ni Mark at sa nakalawit sa bahagyang nakabukas na zipper.
“Who’s bag is that?”
“Madam kay Nathan po, baka may makuha tayong iba pang ebidensya.”
“No. Iwan mo sakin yan.”
“Yea Ma’dam.”
Wala sa loob na dinala ang bag sa private office, hindi makapaniwala sa hawak napag-aari niya at hindi na ina-asahang makikita pa ulit.
Marami ang nalungkot sa nangyari kay Nathan, matapos na dakpin ito ng mga pulis ay wala na silang naging balita. Kung bakit pati ang mga empleyado ay tikom din ang mga labi.
Samantalang sa isang hotel ay nagdidiwang si Mark at Rob, parehong nakahubad at katatapos lang ng mainit na pagtatalik. Parehong masaya dahil naalis sa landas nila ang lalaking umagaw ng atensyon at posisyong inpinangako ni Mark kay Rob.
Inexpect nila na magkakaroon ng announcement the following days pero wala, samantalang balik naman sa pagsisi-ga sigaan si Mark at Rob. Ang mga taong malapit kay Nathan ay ping-initan at madalas na sinisigawan.
Makalipas ang halos isang taon nang magkaroon ng invitation para sa lahat ng empleyado, isang party ang gaganapin sa isa sa pinaka malaki at kilalang hotel ang Shang-rila Makati. Hindi man naka lahad kung para saan ang party ay nakalagay na required ang lahat na umatend.
May mga naririnig din na bumaba na daw sa posisyon si Claudia at papalit ang bagong CEO na ipapakilala sa party.
Pagpasok ng mga empleyado…