Kinabukasan ay nagsimula na ulit sa mga activity ni Nathan at Rizzelle, kahit busy ay nahalata niya na parang iwas sa kanya ang kaibigan. Hindi naman niya malapitan at madalas nakadikit sa kanya si Cindy na taga UST o di Kaya ay si Mauro na taga CDO.
Medyo naasiwa siya kay Mauro dahil minsan ay yumuyukyok ito sa likod niya pag naghihintay ng instruction habang nakatayo sila. Parang nararamdaman pa niya na sinisinghot nito ang amoy mula sa kanyang katawan.
Dahil siguro hindi sila magkalapit lagi ni Rizzelle kaya umeksena ang taga FEU na si Bryan, me itsuradin medyo kinapus lang sa height.
Nakikita niyang madalas na nagtatawanan ang dalawa at tumatapik pa sa hita si Rizzelle. Sa totoo lang selos na selos siya.
Kaya nung mag break ay nagpaalam na talaga siya sa dalawa kahit na nag aayang mag snacks sila on the 3rd day ng activities. Nilapitan si Rizzelle na naglalakad papunta sa pintuan.
“Riz, Riz! Saglit lang!” halos pasigaw na tawag ni Nathan.
Pero parang hindi siya nito narinig kaya tinakbo na niya ang pagitan nila.
“Hoy, kanina pa kita tinatawag di mo ba ko naririnig?”
“Dun ka na kay Cindy at kay Mauro mo!” sabay talikod sa kanya.
“Huh?” maang na sagot niya.
“Oo dun ka na sa dalawa, mukhang masayang masaya ka naman sa kasama mo kaya nakalimutan mo na ako.” Malungkot at may luhang sabi nito.
“Riz, sorry!” alam niyang halos kahapon nga ay di sila nakapag usap pero inisip lang niya na may mgakasama naman ito.
Duon na ito biglang umiyak.
Hinila niya ito ay niyakap, hiyang hiya siya sa ginawa sa kaibigan.
“Riz, hindi ko intension yun. Sorry naging insencitive ako.” Habang patuloy niyang hinahagod ang likod nito.
Hindi ito sumasagot pero hindi nadin umiiyak, nakasubsob lang sa dibdib niyang medyo nabasa ng luha.
“Okay nako, pasensya ka na kung madrama ang friend mo.”
“Promise di na kita iiwan, sorry na ha!” pacute na sabi niya dito.
“Okay na! Ayan nabasa tuloy ang shirt mo!” habang pinapahid ang basa sa dibdib niya.
Hinuli niya ang kamay nito, “Kahit na maligo pa ko sa luha mo okay lang, pero ayokong ako ang dahilan ng pagluha mo.”
Iba ang naramdaman ni Rizzelle sa pagkakahawak ni Nathan sa kanyang kamay. Pilit niyang nilalabanan ang nararamdaman dahil sa kasunduan nila ni Gabriel.
At hindi rin naman siya sigurado kung me gusto pa sa kanya si Nathan kahit alam niyang nuon ay mayroon kaya nga ito lumapit sa kanya. Ngunit ngayon ay di na siya sigurado.
Hinila na niya ang kamay bago pa siya madala ng sitwasyon.
Medyo napahiya naman si Nathan sa ginawa ni Rizzelle.
“Saan ka ba pupunta?” bawi nalang ni Nathan.
“Mag snacks, ikaw yung mga kasama mo baka hinahanap ka na?”
“Bakit hinahanap mo na ba ako?”
“Ano?” litong tanong ni Rizzelles sa binata.
“Sabi ko hinahanap mo ba ako, kasi ikaw ang kasama ko eh.”
“Labo mo!”
“Lets go mag snacks na tayo.”
Sabay na silang bumaba para kumain, hindi na nga iniwan ni Nathan si Rizzelle. Una para makaiwas nadin sa dalawang umaaligid sa kanya, pangalawa ay para mailayo din sa Bryang mukhang niyog (hahaha mabait pero pag nagselos pala iba din.)
Pero si Mauro hindi niya maiwasan ng todo dahil madalas magkasunod sila sa line sa rehersals. Minsan pag i-gather sila ng organizer ay pasiple pa itong aakbay sa kanyan at ipapatong ang baba sa balikat niya. Gagawa naman siya ng paraan para makalayo madalas ay pupuntahan niya si Rizzelle.
Natapos din ang day three, nakaupo silang lahat sa floor. Nakasandal sa kanya si Rizzelle at nakapatong ang kamay sa hita. May mga matang nakatingin lang sa kanila, perfect couple kung titingnan.
Si Nathan naman ay nakaakbay kay Rizzelle na paakap.
Nang matapos ay naunang tumayo si Nathan para itayo din si Rizzelle, nasa harap niya ang binata at iniabot ang kamay para tumayo. Sakto naming sa bukol sa shorts na suot ni Nathan natuon ang pansin ng babae. Dahil sa matagal na pagkakaupo at sa sobrang dikit ni Rizzelles sa kanya ay di niya maiwasang di maapektuhan at tigasan.
Nahihiyang inilayo niya ang tingin at inabot ang kamay para makatayo.
Lihim namang inayos ni Nathan ang medyo nagagalit na pagkalalaki na hindi nakaligtas sa mapanuring mata ni Mauro.
Unang pagkakataon palang na nakita niya si Nathan ay humanga na siya kaagad. Oo tago ang kanyang pagkatao at ilan lamang ang nakakaalam. Isang malapit na kaibigan at mga taong nakasex na din niya.
Hinihiling niya na sana ay ganun din si Nathan ngunit napatunayan niya na hindi. Gumagawa siya ng paraan para mapalapit, ilang beses din na inakbayan niya si Nathan at inenjoy ang singaw na lumalabas sa katawan nito kasama ang pawis ang pabangong gamit.
Naramdaman niya na umiiwas na sa kanila ni Cindy at laging nakadikit ka Rizzelle kahit ata sa pag punta sa CR ay nakabantay ito.
“Pare gimik daw tayo at sa gabi naman na ang practice natin bukas” yaya ni Mauro kay Nathan.
“Ay brad di na siguro, pagod kami nitong Honey ko eh,” sabay akbay kay Rizzelle.
Sumakay naman si Rizzelle at iniikot ang kamay sa baywang ni Nathan.
“Ganun ba, sige brad gusto lang sana kitang maka bonding eh. I mean naming makabonding.”
“Oks lang brad, enjoy nyo nalang,” pagtatapos ni Nathan.
Nang maglakad na sila Rizzelle na palayo ay saka naman sila natawa na para bang pareho ang iniisip.
Pagdating sa condo ay nagbihis lang sila, nagpabili nalang ng pagkain sa driver at duon kumain. Kwentuhan lang sila ng kwentuhan at tinawagan pa nila si Gabriel para makasama sa kulitan.
“Rizzelle me isend ako sayo dali check mo.”
Agad naming binuksan ni Rizzelle ang multimedia file na sinend ni Gabriel.
“OMG, Nathan ikaw ba to?” gulat na tanong nito.
“Huh, tingin nga?” sabay silip sa sa ipad ni Rizzelle.
“Gabriel Alexander! Napaka salbahe mo.”
“Bakit kayo me ganito?”
“Wala yan, Gabriel kukutkutin ko lahat ng bulutong mo pagnagkita tayo gago ka!” pulang pula si Nathan.
“Ano ba kasi to?” medyo nag dududang tanong ni Rizzelle.
“Yan ang isusot sa competition, ipinasukat niya para ma check kung okay. Ulol ka sinasabi ko lang talaga sayo.”
“Ang hot mo Nathan hahaha” natatawa nading pangiinis ni Rizzelle.
“Burahin mo na nga yan at baka kumalat pa.”
“Sandali I share ko kay Mauro at kay Cindy.”
“Rizzelle Sandoval wag na wag mo gagawin yan kung gusto mong mag-isa ka sa Friday.”
Inagaw ni Nathan ang ipad na mabilis namang naiiwas ni Rizzelle hanggang sa magbuno na sila at maagaw ang ipad. Hindi naman nagpatalo si Rizzelle napaibawbaw siya kay Nathan para maabot and gadget.
Hanggang maupo siya sa mismong kadungan ng binata. Ramdam niya ang bukol na naipit sa pagitan nila.
Biglang natigilan ang dalawa, walang gumagalaw. Napaka sensitibo ng posisyon ni Rizzelle sa ibawbaw ng binata.
“Hoy asan na kayong dalawa?” basag ni Gabriel sa katahimikan.
Noon naman biglang tumayo si Rizzelle, inaabot naman ni Nathan ang ipad at umayos ng upo upang maitago ang nagagalit na sandata.
“Medyo napagod Pare kaya natahimik,” palusot nalang ni Nathan.
“O sige, pahinga na din kayo at ilang araw pa ang activities ng event.”
“Okay Gab, Bye!”
Nawala na sa linya ang kaibigan pero medyo awkward naman.
“Pano, pahinga na tayo” paalam ni Nathan.
“Yeah, time to rest” tumayo nadin si Rizzelle.
Pagpasok sa kwarto ay napasandal si Rizzelle sa likod ng pinto, hindi niya alam kung paano aalisin sa isipan ang tagpo kanina.
Parang nararamdaman pa din nya sa ibabaw ng hiyas niya ang malaking bukol ni Nathan. Wala pa siyang karanasan at hindi pa siya nagnasa sa isang lalaki, ni hindi sumagi sa isip niya ang sex.
Ngayun palang!
Si Nathan naman ay hindi alam kung paano matutulog sa pangyayari sa kanila ni Rizzelle pinipilit niya pigilin muna ang nararamdaman dahil sa pangakong hamon na binitawan niya sa mga kaibigan.
Hindi din niya alam kung may pagtingin ba ito sa kanya kahit na mas malapit sila ni Gabriel.
Dahil sa kakaisip ay halos madaling araw na sila nakatulog pareho, buti nalang at hapon pa ang call time para sa final rehearsal.
Paglabas nila ay medyo nagkakahiyaan pa, si Nathan nalang ang nag break ng silence.
“Hoy Riz, pabura yung picture nakakahiya ah.”
“Nabura ko na po, aanhin ko naman yun.”
“Salamat, alam ko namang wala kang pagnanasa sa yummy kong katawan.”
“Oo kaya ibinigay ko nalang sa mga taong may pag nanasa hahaha.”
“Wag naman po! Inosente pa po ako.”
“Inosente, ewan kaya nga ako inaway ni Louise.”
“Grabe, ibinabalik pa. Matagal na yun”
Muling nawala ang ilangan sa dalawa, hanggang kumain, nagkulitan ka-video chat si Gabriel at bandang 2pm ay gumayak nadin para sa huling practice.
Dumating ang oras ng competition, nagdatingan na din ang mga classmates, officers ng SC at faculty natodo ang supporta sa kanila ni Rizzelle.
Nang pumasok sila sa backstage ay todong kaba ang naramdaman niya kaya hindi agad nakakilos kundi pa hinala ni Rizzelle ang kamay niya.
Sinimulan silang ayusin ng mga stylist para sa opening production number diretso sa introduction.
Sinabi niya sa sariling ibibigay niya ang best sa araw na ito at aalisin ang ano mang hiya ang mayroon pa siya.
Pagpasok palang ay nagkakagulo na ang lahat sa UP Theater. Punong puno at puro banner na nakakakalat sa mga kandidatong sinusuportahan nila.
Mabilis na natapos ang production number, sa introduction pang 18 pair sila.
Sa lahat ng parte ng competition ay halos inaabangan ang paglabas niya sa stage, at katulad sa regional qualifier, madaming humanga sa binata.
First set of special award makuha nila ang Best in Casual, Mr. & Ms. Photogenic at si Nathan naman ang Close-up Smile.
Dumating ang part na sobrang kinakabahan siya, pero sinabi niya sa sariling wala naman mawawala sakanya.
Ibat ibang kulay pala ang swimwear, pero magkakulay ang mag partner. Natulala siya ng makita siRizzelle pagharap niya dito, 2 piece red suit and saktong pareho sila ng design na pinili.
Si Rizzelle naman ay hindi makagalaw ng mapagmasdan ng buo si Nathan na kapirasong tela lang ang suot. Kinilabutan ang babae ng mapadako ang mata sa malaking bukol na muntik ng hindi maitago ng pulang swimwear.
“Rizzelle you are a goddess,” kita ang paghanga na may halong pagnanasa sa mata ni Nathan.
“And you are my Greek God” balik puri naman nito sa lalaking dinaig pa ang sino mang sex symbol.
Kinailangan ni Nathan na tumalikod bago pa mag react ang alagang nakakaramdam ng pangangailang, siguradong problema kung sakali dahil hindi kayang itago ng pulang tela ang lamang aalpas.
Ngunit nagkamali siya, pagharap ay si Mauro ang bumungad sa kanya. Lalong luminaw ang pagdududa niya dahil sa malisyosong tingin sa halos hubad na katawan.
Parang gusto ni Nathan magtago sa paningin ni Mauro. Hinablot niya ang isang shirt malapit sa kanyapara kahit pangtakip sana.
“Brad kunin ko sana yang shirt ko eh,” bati ni Mauro.
“Ah sayo pala to, sige hanapin ko lang yung shirt ko.”
Lumayo siya dito ngunit hindi naman maiwasan na sundan ng tingin ng mga taong humahanga sakariktan ni Nathan. Dahil inaayusan pa si Rizzelle ng stylist nila ay humanap nalang siya ng upuan dala ang isang shirt upang ipang takip sa katawan.
“Papa Nathan your turn,” kita ang excitement sa mata ng bading na stylist.
Ni retouch ang make up niya ng konti para hind maging oily sa stage saka siya pinatayo upang lagyan ng konting langis ang katawan. Na coconciuos siya sa paghimas ng bakla, pati ang pagsasamantala dahil wala naman siyang magawa.
Kunwari pa ay inaayos ang trunks kahit ayos naman na para lang mahawakan ang alagang pilit itinatago sa kakarampot na tela.
Napaurong ang puwet niya ng hilahin nito ang garter at kunwaring lalagyan ng oit ang parteng natatakpan ng swimwear.
“Sir, okay na ako nalang maglalagay dyan if kailangan,” madiing sabi niya.
“Sorry Nathan, di ko mapigil eh.”
Ilang sandali pa ay nagsimula na ang swimwear competition, isa isang nagpasukan ang mga candidates. Kung dati pinaka aabangan ang pag labas ng mga babaeng kandidata ngayun ay mas inaabangan na ang mga lalaking kalahok.
Sa pagpasok niya ay inalis na ang lahat ng hiya lalo ng marinig niya ang sigawan at supporta ng halos lahat ng tao sa UP Theater.
“I LOVE YOU NATHAN!”
“SAKIN KA NALANG!”
At kung ano ano pa ang naririnig niyang sigaw ng mga kababaihan at mga bading.
Sa 2nd set of special awards muli ay nakuha nila ni Rizzelle ang Best in Swimwear at siya naman ang Male Body Beautiful.
Medyo nakilala niya ang isa sa mga presenters, ito ang judge na nag abot ng calling card sa kanya at nagsabing tawagan niya.
“Congratulations,” bulong nito sa kanya.
“Thank you sir!”
“You didn’t called?”
“Sir?” kunwari ay di nya naintindihan.
“Call me,” sabay turo ng calling card sa sobreng iniabot sa kanya.
Dumating ang question and answer, lahat ay kabado. Napansin niya na madadali lang ang mga tanong. Why did you choose accounting? Are you a debit or a credit? At iba ay pratical lang.
“Candidate No. 18 how are you?”
“I am fine, grateful to be here”
“I think you got most of the major awards for tonight.”
“I humbly accept all the honours I received today, thanks to our judges,” Palakpakan ang mga tao sasagot niya.
“Here is your question: What do you think is the effect of accounting systems in to the business world.”
Tahimik ang buong Theater, yung tipong pati yabag ng langam ay maririnig. Bakit nga naman hindi e sa kanya ata ang pinaka mahirap na tanong.
“We appreciate all the systems exists today, helping us to provide an easier interpretation of the available data and faster report as necessary. In the coming years as we expect upgrades and further development of programs which I strongly believe be beneficial to business world but the principle of accounting will never change. Systems and programs will support the human resource, we shoud take advantage of those to maximize your potential as individual and not make any single accountant be ineffective. Have great night everyone.”
Sumabog ata ang UP Theater pagkatapos ng sagot ni Nathan. Maging ang mga co candidates niya ay pinuri ang magaling na pag sagot.
Nakuha pa niya ang Best in Formal Attire si Cindy naman ang nakakuha ng para sa babae.
As expected, sila ni Rizzelle ang nanalong Nationa Ambassador at Ambassadress. Masayang masaya lahat ng supporters nila, hindi naman magkamayaw ang mga kasama nila sa pag papaicture at pagcongratulate sa kanila. Hindi ganito ang inaasahan niya dahil sa nakita nila sa regional na may tension. Dito kasi ay mas nagkaroon sila ng chance na makilala ang bawat isa.
Lumapit sa kanya si Mauro na siyang 1st runner up.
“Pare congrats, ang galing mo. You deserved the title,” yumakap ito sa kanya pero kakaiba ang paraan dahil lumapat ang kamay nito sa puwit niya at pinisil.
Nagulat siya at naitulak ng mahina, tumingin siya sa paligid at nakitang si Rizzelle nakangiti sa kanila.
“Pre loko ka ah,” dinaan nalang niya sa isang biro.
“Ang sarap mo kasi Nathan di ko mapigil.”
“Oo naman masarap talaga itong Honey ko” sagot ni Rizzelle na mabilis palang nakalapit.
Napahiya si Mauro kaya nagpaalam na at lumayo.
Isang classmate naman nila ang lumapit at iniabot ang cellphone sa kanya.
“Sino to?” tanong niya
“Si Pres. Gabriel.”
“Pare, we won! Hahaha!”
“Sabi sayo kaya mo yan eh, sayang wala ako jan to celebrate with you guys.”
“Ayos lang we can celebrate there, pede nako magkabulutong hahaha.”
Mabilis lang ang naging kumustahan dahil sa may mga photo shoots pa kasama ang ibang candidates.
Pinuntahan nila ang mga supporters at nag picture din para sa report ng school paper nila. Sumunod naman ang faculty na sinadya pang pagluwas para lang makasigaw sa kanila.
May ilang teacher na pigil ang kilig kay Nathan pero hindi narin napigilan ang paghalik sa pisngi niya at pag yakap.
Nang matapos ay nagpaalam na ang mga ito, sila naman ay bumalik na sa backstage para magpalit. Naduon pa din ang mga candidates at nagpalakpakan pag pasok nila, may mga yumakap at humalik.
Mayroong inihandang celebration ang organizer sa isang bar, ayaw na sana nilang sumama ngunit dahil sila ang nanalo ay hindi na sila makatanggi.
Kaya matapos iligpit ang mga gamit at isinakay sa sasakyang pagamit sa kanila ni Gabriel ay dumiretso na sa coaster na maghahatid sa kanila sa isang kilalang bar sa Makati. Pinasunod nalang nila ang driver sa lugar.
Naging maingay ang lahat, kwentuhan at kung ano anong kalokohan. Pagdating sa bar ay kanya kanya nadin puwesto.
Live band kaya medyo na excite si Nathan, naalala na naman niya ang Restobar ni Mama Joy. Katabi pa din niya si Rizzelle at ka video call si Gabriel na tawa ng tawa.
Patapos na daw ang second set, nag iinvite ang vocalist na audience participation.
“Rizzelle si Nathan pakantahin nyo.”
Narinig ng ibang kasama nila kaya naging parang isang tao na hinihiling na kumanta siya. Siguro dahil nga miss ang restobar ay pinagbigyan na niya.
Hiniram ang acoustic guitar at humarap sa audience, muli agaw atensyon sa lahat ng nasa bar.
“This for my special one, I don’t know how much time I have to wait but I will, I will wait.”
“A Thousand Years” Male Version
Heart beats fast
Colours and promises
How to be brave?
How can I love when I’m afraid to fall?
But watching you stand alone,
All of my doubt suddenly goes away somehow.
One step closer
Nakatitig lang si Nathan kay Rizzelle, habang si Rizzelle naman ay di alam kung para sa kanya ba talagaang kanta.
I have died every day waiting for you
Darling, don’t be afraid.
I have loved you for a thousand years
I’ll love you for a thousand more
Time stands still
Beauty in all she is
I will be brave
I will not let anything take away
What’s standing in front of me
Every breath
Every hour has come to this
One step closer
I have died every day waiting for you
Darling, don’t be afraid.
I have loved you for a thousand years
I’ll love you for a thousand more
And all along I believed I would find you
Time has brought your heart to me
I have loved you for a thousand years
I’ll love you for a thousand more
One step closer
One step closer
I have died every day waiting for you
Darling, don’t be afraid.
I have loved you for a thousand years
I’ll love you for a thousand more
And all along I believed I would find you
Time has brought your heart to me
I have loved you for a thousand years
I’ll love you for a thousand more.
“More! More! More!”
Pinagbigyan pa niya ng isa, tinipa niya ang “Thinking Out Laud” saka siya nagpaalam at bumaba na.
Puro buska ang inabot niya sa mga kasama, ang iba ay lalong humanga pero ang iba naman ay nahaluan na ng inggit.
“Grabe Nathan, mahal na talaga kita. Ang dami mong alam!” komento ng isang male candidate din.
Tawa at ngiti lang ang itinugon niya sa bawat papauri ng mga kasama.
Naupo ulit siya sa tabi ni Rizzelle na tahimik lang. Si Mauro naman ay nakakuha ng pagkakataong tabihan siya sa kabila ng umalis ang dating nakaupo. Hindi nalang siya nagpahalata na niilang sa pagdikit dikit, may pagkakataon pa na ipinapatong ang kamay sa likod ng sandalan o di kaya ay sa hita niya.
“Riz, are you okay?” idinikit pa niya ang labi sa tainga nito para makaiwas na din sa pasimpleng akbay niMauro.
“Yeah I’m fine.” nakatitig sa mata ng binata.
“Riz you wanna go to the toilet? Mag cr lang ako,” sa kagustuhang makalayo kaya Mauro na ngayun naman ay sa hita niya nakahawak.
“Hindi na, I will stay here.”
Tumayo na siya at hinanap ang cr. Sa loob ay may ilang tao na naghihintay, hindi maiwasang titigan ang binatang naghihintay.
Ang isa ay kinausap pa siya.
“Brad kumakanta ka ba talaga?”
“Minsan minsan lang.”
“Ang ganda ng boses mo.”
“Salamat.”
May nag open na cubicle kaya pumasok na din siya. Matapos umihi at maghugas ng kamay ay inayos bahagya ang buhok at nag hilamos para maalis ang makeup na naiwan pa sa mukha.
Pagbalik niya ay nasalubong niya si Cindy malapit sa CR ng mga babae.
“Nathan!” bati nito sa kanya.
“Cindy!”
“I wasn’t able to greet you earlier congratulations!” walang babalang lapit nito at hinalikan siya sa mgalabi.
Sa gulat ay hindi na siya naka react agad at hindi din niya alam kung bakit gumanti siya ng halik.
“Nathan?”
“Rizzelle!” naitulak niya ang babaeng kahalikan at nagmamadaling sinundan si Rizzelle papasok ng bar.
Hinablot lang nito ang bag at saka tuluyang lumabas ng bar. Mabilis na nagpaalam nadin si Nathan at hinabol si Rizzelle.
Nadatnan niya itong nag aabang ng taxi. Hinawakan niya ito sa kamay at hinila. Nagpumiglas pa siRizzelle pero mahigpit ang hawak ni Nathan.
“Halika na, umuwi na tayo.”
“Ako uuwi na ikaw, maiwan ka na kasama ang Cindy mo.”
“Rizzelle it is not what you think, please.”
“Same statement from all men when get caught.”
“Rizzelle please!” hinila na niya ito sa sasakyang naka abang matapos niya tawagan.
Pinagbuksan ng pinto at inalalayang pumasok. Dati ay sa harap siya sumasakay pero ngayun ay tinabihan na niya ang babae sa likuran.
Tahimik lang sila hanggang sa makarating sa condo, siya na ang nagbuhat sa lahat ng gamit nila paakyat.Yung mga ginamit sa pageat ay iniwan nalang nila at di naman nila kailangan.
Diretso itong pumasok sa elevator na hindi pa din nag sasalita. Pag kabukas ni Nathan ng pito ng condo ay pumasok agad si Rizzelle at dumiretso sa sariling kwarto. Iniwan nalang niya ang gamit ng babae sasofa at pumasok nadin sa room.
Hindi niya alam ang gagawin niya, nag decide siya maligo para makapag isip isip sa kanila ni Rizzelle.
Ganun din naman si Rizzelle, wala naman siyang karapatang magalit or mag selos pero hindi lang talaga niya kinaya. Napaka sakit na makitang ang lalaking mahal mo ay may kahalikang iba.
OO inaamin na niya na mahal niya ang kaibigan, wala na siyang pakiaalam sa kasunduan nila. Mahal niya si Nathan. Pero mahal ba siya nito? Sa dami ng taong may gusto at nagpaparamdam sa lalaki, meron bang puwang ang pagmamahal at pagpapahalaga sa kanya.
Ibunuhos niya ang luha kasabay ng pagpatak ng tubig mula sa shower.
Nakasandal si Nathan sa dingding ng banyo habang hinahayaan ang patak ng tubig na lunurin ang lamanng kanyang isip.
Ayaw niyang may hindi magandang isipin sa kanya si Rizzelle, inihahanda niya ang sarili para sa panahong kaya na niyang ipaglaban ang nararamdaman na walang taong masasaktan lalo na si Gabriel o di kaya ay si Richard.
Pero pano naman ang kanyang nararamdaman, panong lalabanan ang pag nanais na maihayag ang damdamin.
Tinapos na niya ang paliligo, nagpunas ng katawan at kumuha ng damit na maisusuot. Naka boxer shorts lang siya na nahiga sa kama, nakalawit ang mga paa at nakapatong ang kamay sa noo.
Tumayo at lumabas para uminom ng tubig, papasok na siya ng kwarto ng bumukas ang pinto ni Rizzelleat aktong lalabas ngunit ng makita siya ay biglang tumalikod.
Hinabol niya ito at naabutang isasara na ang pinto kaya iniharang niya ang katawan. Puwersahang pumasok.
“Riz, please mag usap naman tayo!”
“Ano ba pag uusapan natin?”
“Yung nangyari, yung kanina.”
“Dun ka na sa Cindy mo mas mag e-enjoy ka dun.”
Aktong lalabas ng kwarto kaya pinigilan niya ang isang kamay at isinandal sa likod ng pintuan.
“Bitiwan mo nga ako, kay Cindy mo gawin yan matutuwa pa yun” pilit kumakawala kaya ginamit niyaang katawan para pigilin ito.
“Bakit ba ganyan ka ha?” Mariing tanong nito na halos magdikit na ang kanilang mga mukha.
“Anong bat ganya?”
“Nagseselos kaba?”
“Bat naman ako mag seselos, ano ba kita?”
“Wala pero alam kong me gusto ka sakin” sabi nito na may lakip na panunukso.
“Ako me gusto sayo? Ang kapal mo ha!”
“Okay kung wala, aalis ako at babalikan ko si Cindy, baka siya me gusto sakin at least me guts na aminin” saka niya binitawan at humakbang palayo.
Lumabas ng kwarto si Nathan at tinungo ang main door.
Noon naman natauhan si Rizzelle ng marinig ang pagbukas at pagsara ng pintuan sa labas. Naisip niya ang itsura ni Nathan na naka boxers at sando lang. kung makikita ito ni Cindy siguradong hindi magdadalawang isip na pagbigyan. Mabilis siyang lumabas ng kwarto at hinabol ang lalake.
“NATHAN!”
Ngunit paglabas palang niya ng room ay hinatak na siya ng binata at muling isinandal sa pader.