Samantalang si Gabriel ay na delayed ng 2 weeks sa class dahil sa vacation sa US, hindi naman magiging problema kung sakali at kaya naman nitong habulin.
3rd week ng January ng dumating si Gabriel, madaming pasalubong para sa kanya mula sapatos, jacket, shirts at perfume. Parang ang buong bagahe ata ni Gabriel ay para sa kanya. Meron din namang para sa ibang tao at kay Rizzelle.
Plano na nilang ipagtapat ang relationship nila naghihitay lang ng tamang tiempo, hindi lang tama na kakadating lang nito ay iyon agad ang ibubungad nila.
Lingid sa kaalaman ng dalawa ay napapansin na din ni Gabriel na may nag iba sa pagtuturingan nila. Nag oobserve lang sa mga kilos tulad ng hindi maitagong hawakan ng kamay at kindatat.
Hindi niya ma kompronta dahil mas nais niya na magtapat ang dalawa, pero parang hindi niya kaya. Mahihirapan siya, alam niya na pag nagkaganon ay malalayo na sa kanya si Nathan at baka maetsapuwera sa kanilang tatlo.
Minsan ay tinawagan siya ni Richard ay niyayang lumabas, kahit ayaw niya ay napilitan na din dahil sa kakulitan nito at meron lang daw ipapakita.
Ayaw pa siyang pagdalin ng kotse kaya sinundo nalang sa bahay. Isasama dapat si Nathan pero masyadong late ay wala pa din ito kaya siya nalang ang sumama kaya Richard.
“Pare san ba tayo?” nagugulahang tanong ni Gabriel ng makitang medyo malayo na ang biahe nila.
“Relax ka lang Pare, mamaya ka nalang mag react okay,” seryosong sagot ng kasama.
Medyo kinakabahan siya sa ikinikilos ni Richard kaya hindi na masyadong nagtanong.
Nagulat pa siya ng tinutumbok nila ay isang kilalang motel.
“Pare ano to? Bakit motel?”
“Hintay lang tayo dadating din sila!”
“Sila? Sinong sila?”
Kakatapos palang niyang mag tanong ng marinig niya ang papadating na motor, kilala niya ang nakasakay.
Nakaakap sa likod ni Nathan si Rizzelle, diretso sa entrance ng motel.
“Di ba may agreement kayo?”
Kita ang galit sa boses at mukha ni Richard.
“Pare hindi ko kinanti si Nathan dahil hindi ko iniisip na karibal ko kayo. Pero pre niloko nyo ako.”
Galit din ang nararamdaman niya, feeling niya ay trinaydor siya ng mga kaibigan.
“Hindi ko din alam!”
“Niloko nila tayo! Hindi ako makakapayag ng ganito”
Yun din ang nararamdaman niya. Hindi kay Nathan ang galit niya kundi kay Rizzelle. Oo napapansin na niya pero hindi ito ang inaasahan niya.
Hindi ba siya mahalaga sa mga ito at umabot na pala sa sex na hindi manlang siya napaliwanagan.
“Pare kung ano man ang pinaplano mo, hindi kita pipigilan. Isa lang hiling ko, wag mong sasaktan siNathan!”
Wala na siyang pakialam kay Rizzelle, walang siyang pakialam kung ano ang plano ni Richard pero concern padin siya kay Nathan.
Ganoon kalaki ang pagmamahal niya ditto.
“Hindi kita maintindihan Pare!”
“Hindi ko kailangang magpaliwanag! Ang malinaw sa sinabi ko ay wag mong sasaktan si Nathan kung ayaw mong pagsisihan kung bakit mo ako nakilala!”
Alam niyang nagdududa si Gabriel pero wala siyang paki alam, kung sakaling malaman man ni Nathan ang tunay na nararamdaman ay tanggap na niya. Hindi lang niya matatanggap na mapupunta ito sa iba or di kaya ay mawala ito ng tuluyan sa kanya.
Ayaw niyang isipin kung ano ang ginagawa ng dalawa sa loob ng kwarto, sinabihan nalang si Richard naihatid siya sa bahay.
Sa buong buhay niya ay hindi siya umiyak sa kahit anong bagay ang dumating sa kanya, ngayun lang. Dahil kay Nathan.
Oo tanggap niyang mali ang ginawa niya sa kaibigan, lalaki ito at hanap ay babae. Pero wala na siya sata mang katinuan.
Buong magdamag na umiiyak siya, kaya pag gising sa umaga ay mugtong mugto ang mata.
Wala pa siyang plano ang gusto lang niya ay makaganti sa babae na hinid niya matawag na kaibigan.
Hindi na hinintay si Nathan para mag breakfast or pumasok. Ayaw muna niya itong makita o makausap. Pagdating sa school ay nagbabad lang sa student council office at hindi na pumasok.
Mas nakadagdag pa ng galit at inis niya ng hindi manlang siya hinanap, tinawagan at kahit text message ay wala mula kay Nathan.
Nakauwi na siya ay wala pa din si Nathan, hinayaan nalang niya. Pero hindi puwedeng ganito lang, nagmukha siyang tanga sa ginawa ng dalawa.
Nagtanung tanong siya sa mga kasama sa bahay kung nagpupunta si Rizzelle sa kanila nung wala siya. Nalaman niyang madalas nga daw ang dalawa sa bahay at minsan pa daw duon nga natutulog ang babae.
“Mga hayop talaga, ginawa pang motel ang bahay ko,” bulong sa sarili.
Dalawang araw pa na ganun ang nagyari, walang balitaan at parang boarding house lang ni Nathan ang bahay niya.
Ilang araw bago mag valentine ng tawagan siya ni Richard.
“Pare kumusta?”
“Hindi ayos, napatawag ka?”
“Gusto ko lang sabihin sayo na may plano na tayo.”
“Plano tayo?”
“Bakit, ayaw mo ba?”
“Basta yung sinabi ko sayo, wag mong sasaktan si Nathan!”
“Walang problema basta sakin si Rizzelle, sayo si Nathan hehehe,” nakakalokong sabi nito.
“Mainam na ang malinaw!”
“Pero kailangan ko ang tulong mo,” balik nito.
“Sige anong kailangan mo?”
“Bukas magkita nalang tayo para mas malinaw.”
Tinapos na niya ang usapan, narinig niya na dumating ang motor ni Nathan hindi na siya lumabas.
Kinabukasan ay nagkita sila ni Richard, hindi na niya inalam kung ano ang plano nito basta yung part lang kung saan kikitain niya si Rizzelle dahil siguradong hindi ito sasama sa kanya.
“Sige, bahala ka na after naming magkita.”
“Oo, ako na din bahala para hindi siya ihatid ni Nathan.”
Nabuo na nila ang plano.
Feb 11 ng imessage niya si Rizzelle kung pwede silang magkita.
Pumayag naman ang babae.
Nang mareceive ni Rizzelle ang message ni Gabriel ay sinabi agad nito kay Nathan, napag usapan nila na okay nadin para siya nalang ang magsabi dito.
Inisip nalang ni Nathan na baka nakakahalata na ito at mas gustong si Rizelle ang kausapin. Natutuwa ang dalaga na mukhang hindi na nila kailangang ilihim ang relayson nila lalo pa at magiging magulangna sila.
Oo problema sa iba pero para sa kanya ay hindi. Masaya siya na nag bunga ang pagmamahalan nila ni Nathan.
Oras na maayos ang kanila ni Gabriel ay masasabi nadin niya sa kasintahan na magiging ama na ito. Hindi siya sigurado kung ano ang magiging reaksyon nito, secured naman siya na matutuwa ang binata.
Ihahatid sana niya ito sa venue ng usapan ng magkaroon ng konting aberya ang motor niya, kinailangang dalin sa pagawaan at umabot ng ilang oras bago natapos.
Pagdating ni Rizzelle ay nakita na si Gabriel sa isang table sa sulok. Seryoso itong nakatingin sa kanya. Walang ngiti or pagbating ibinigay.
Si Gabriel ay handa na ding ihayag ang nararamdaman kay Nathan, wala na ang takot.
“Kumusta?”
“Not okay, mag order muna tayo,” sabay abot ng menu book sa babae.
Matapos maibigay ang order sa waiter ay muling tiningnan ni Gabriel si Rizzelle sa mata. Nang-uusig, puno ng galit.
“Masaya ka?”
“What do you mean?”
“Wag na tayong maglokohan” nang iinsultong sabi nito.
“Alam mo na?”
“Kailan nyo pa ako ginagawang tanga?”
“Hindi naming intension Gab, nangyari nalang. Matagal ko ng mahal si Nathan, ganun din siya sakin. Kung ano man ang nararamdaman mo sakin ibaling mo nalang sa iba.” Mahabang sagot ni Rizzelle.
Alam ni Rizzelle na hindi ito magagalit kung wala itong nararamdaman sa kanya.
“Matagal ko na ding mahal si Nathan, matagal na matagal na.”
“Gabriel?” gulat na gulat sa narinig.
“Oo, tiniis ko lahat. Pinakisamahan kita kahit alam kong kaagaw kita. Kaya ko sigurong tanggapin pero ang lokohin ako ng harap harapan ay hindi ko matatanggap.”
“Gabriel I’m sorry, hindi ko alam.”
“Ngayung alam mo na, me magagawa ka ba? Me gagawin ka ba?”
“Mahal ko si Nathan at handa akong ipaglaban ang relasyon namin, hindi ikaw ang makakapagdikta kung ano ang gusto namin.”
“Mahal ko din siya at handa ako ipaglaban ang pagmamahal ko!”
“Si Nathan nalang ang makapag desisyon kung sino ang mananalo.”
“Hindi, ako ang siguradong panalo. Hindi mo ako kilala Rizzelle.”
“Hindi kita kilala pero kilala ko si Nathan at ako ang mahal niya.”
Nagtitigan sila at walang gustong magpatalo.
“I think wala na tayong dapat pag usapan Gabriel.”
“Tama, dahil ayokong makipag usap sa isang babaeng katulad mo.”
Tumayo na si Rizzelle, iniwan si Gabriel.
Nag message nalang kay Nathan.
Rizzelle: Were done.
Nathan:Bakit ang bilis. Kumusta?
Rizzelle: later nalang, can you pick me up?
Nathan: Okay give me 10 minutes.
Nakatayo si Rizzelle sa labas ng Resto para makaiwas na din kay Gabriel, hindi niya inexpect ang mga natuklasan niya sa kaibigan.
Oo nagugulat siya sa mga ginagawa ni Gabriel for Nathan pero hindi naman umabot sa isip niya na may gusto pala ito sa boyfriend.
Habang si Gabriel naman ay panatag lang, alam niyang malaki ang magbabago because of the confrontation pero handa na siya. Gusto na din niyang ihayag sa kaibigan ang nararamdaman.
Kinain niya ang masasarap na inorder nila, hindi na nag aksaya ng panahon na habulin pa ito. Katunayanna paglabas na paglabas n…