Nathaniel-angel Sa Lupa (3) by: eroticprince27

Ito pala ang Mama Joy na sinasabi nito, kala nya ay babae. BINABAE pala.

Pero kung titingnan mo ay mukha itong babae, me mga features lang na mahahalata mo na lalaki pala ito.Medyo may idad na pero kagalang-galang pa din.

Nakangiti itong binati si Elmer.

“Mama Joy si Nathaniel po, pinsan ko.” Pakilala sa kanya nito.

“Oh di nga! Me kamag anak pala kayo guapo hahaha.” Malanding tawang sagot nito.

“Mama Joy grabe ka sakin ha, komo ba natikman mo na ko ganyan ka na sakin?” Pabirong sabi nito.

“Hoy! Hoy! Hoy! Baka maniwala ang pinsan mo ha!” nandidilat na sabi nito.

“Mama Joy!”

“Baka isipin ni Nathaniel wala akong taste hahaha,” pahabol pa nito.

“Grabe ka talaga Mama Joy!” sagot naman ni Elmer.

“O siya anu bang kailangan?”

“Mama Joy naghahanap po kasi si Nathan ng trabaho baka naman pedeng maipasok sa resto bar mo?”

Tiningnan siya nito mula ulo hangang paa.

“Tumayo ka nga iho,” sabi nito sa kanya.

Pinaikot siya nito at saka pinangiti. Parang natulala naman ito ng makitang pag-ngiti niya.

“Sigurado ka bang waiter ang papasukin mo?

“Kahit anu pong trabaho basta maayus ang pagkakakitaan.”

“Sa tingin ko ay papasa ka naman sa itsura, kaya lang me experience ka na ba?” medyo double meaning ang sinabi nito.

“Po? Madali naman po akong matuto. Kahit ano po kakayanin ko.” Sagot niya.

“Sige Elmer hindi ko na hahanapan ng requirements si Nathaniel ha, basta sagot nyo ni Aling Miling ito.”

“Opo Mama Joy.”

“Well mukha ka namang mabait, at sa totoo lang ang guapo mong bata ka, pede kang mag artista.”

Napayuko nalang siya sa papuri nito.

“Kung bata bata lang ako hay ibabahay nalang kita hahaha.” Dugtong pa nito.

Natuwa naman siya dahil kahit papano ay may phobia siya sa bakla mula sa naranasan niya kay Father Mike.

Nalungkot naman siya ng maalala ang posibleng kaharapin niya sa mga darating na araw.

“Kailan mo gustong mag umpisa?”

“Kahit bukas po pede na akong mag simula.”

“Stay-in ang mga waiter ko dito pero may day off naman.”

“Opo nasabi din ni Nanay Miling. Dala ko na nga din po ang mga gamit ko.”

“Aba boyscout pala itong pinsan mo eh.”

Napangiti nalang ulit siya at napakamot ng ulo.

“Naku wag kang nga gumaganyan at baka ma in love ako sayo.”

“Mama Joy bakit ako kahit ilang kamot ko di ka ma inlove in love sakin hahaha.”

“Kasi nga alam kong madami kang kuto at nalalaglag pa ang balakubak mo hahaha.”

“Ang pangit pangit ko talaga hano.” Malungkot na sabi nito.

“Naku ikaw naman napikon na agad. Alam mo namang guapo ka eh…” pa cute pang sabi nito na ikinangiti naman ni Elmer.

“Diba yan ang sabi ng Nanay mo hahaha.” Dugtong nito na nakapag pasimangot ulit kay Elmer.

Kung titingnan ay di naman pangit si Elmer siguro ay ordinary lang ang itsura, karaniwang taas at laki ng katawan. Pag na improve siguro eh me laban din.

“O sige na papasamahan ko kayo kay Manuel sa kwarto mo para makapag pahinga ka na din at bukas ka na mag simulang mag training.”

Nag dial ito sa landline at maya maya pa ay may pumasok na isang lalaking malaki ang katawan na parang goon.

“Manuel pasamahan si Nathan sa bakanteng room sa quarters. Bagong waiter natin, Pasabi nadin kay Manang Celia na paghanda na pagkain para makakain sila.”

“Opo Ma’am,” sagot naman ni Kuya Manuel.

“Nathan bukas nalang natin pag usapan ang details na trabaho pati ang sweldo at ibang benefits ha. Aalis kasi ako maya maya baka mid night nako makabalik.”

“Opo Ma’am, wala pong problema.”

Dinala na siya sa room kasama si Elmer.

“Nathan wag kang mag alala mabait iyang si Mama Joy, hindi pa mapag samantala. Siya ang nagbigay ng puhunan kay nanay para makapag tayo ng karinderya.”

“Mabait palang tao.”

“Oo sabi ni Nanay mahirap lang daw dati si Mama Joy, tinulungan lang ng isang bading din kaya ngayun me sariling business na.”

Sa isip niya mabuti pa yung bading na tumulong kay Mama Joy may puso samantalang yung Paring bumaboy sa kanya ay walang puso.

Hindi mo talaga maaring husgahan ang isang tao dahil lamang sa panglabas na anyo. Katulad nalang ng Paring sumira sa kanya at ng taong tumulong kay Mama Joy. Kung pag tatabihin marahil at ikaw ay papipiliin, walang duda na ang Pari ang pipiliin mo. Pero wrong choice.

Hindi nadin nagtagal si Elmer kahit na sinabi ni Mama Joy ng kumain bago umalis dahil tutulong pa daw siya sa nanay niya. Biniro pa nga siya ni Mama Joy na baka me date lang.

Nang makaalis na si Elmer.

“Alam mo mabait ang mag-inang yan, iniwan sila ng tatay nila dahil sa hirap ng buhay. Wala namang balita kung sumama sa ibang babae o kaya ay kung buhay pa. Hindi ko alam kung alam mo yun” Kwentoni Mama Joy.

“Hindi po Mama Joy,” sagot naman niya.

Dahil siguro sa likas na mabait at hindi nagsisinungaling ay hindi mapigilan ng binatilyong magtapat sa Boss niya. Parang ang gaan kasi ng loob niya at tipong mapagkakatiwalaan. Ayaw lang din siguro niyang me kinatatakutan bigla nalang lalabas tungkol sa kanya.

“Mama Joy, hindi ko po sila kamag-anak,” mahinang sabi niya.

“Alam ko Nathan, tinawagan ko ang Nanay Miling kanina,” sagot naman nito.

“Pasensya napo kung nag sinungaling ako kanina.”

“Hindi mahalaga yun kasi nakita ko naman ngayun na tapat ka. Ikaw na mismo ang umamin sa akin.”

Napaiyak nalang siya sa sinabi nito. Naging dahilan para i-kwento niya ang lahat lahat ng naranasan at buhay niya sa kumbento.

“Hindi ka ba natatakot sa akin e pareho pala kami ng Paring iyon?” tanung nito sa kanya.

“Ewan ko po, pero kanina palang parang ang gaan ng loob ko sa inyo. Saka iba po kasi eh.”

“Paanong iba?”

“Kasi kayo po alam kong ganyan kayo, hindi ninyo itinatago. Samantalang siya di lantad pero napakababoy po.”

“Halika nga dito,” lumapit siya dito at inakap siya na parang anak.

“Buhat ngayun ay ako na ang magiging Mamay mo. Hindi kita kilalang lubusan pero alam kong mabuting bata ka.”

“Salamat po Mama Joy, ipinapangako ko po na susuklian ko ang kabutihan nyo.”

Nag usap pa sila ng kung ano ano, sinabihan din siya na hindi na mag waiter instead ay aasikasuhin ni Mama Joy ang kanyang mga papeles upang makalipat ng school.

Pakikibalitaan kung anu ang nangyari sa paring nasaksak niya.

Sinamahan na din siya ng Mamay niyang kumain at sinabing mag pahinga muna.

Pag dating sa kwarto ay nahiga muna at nag isip isip. Mapalad pa din siya na katulad ni Nanay Miling, Elmer at ni Mamay nya ang nakatagpo niya.

Hindi pa siya nagtatagal mahiga ay may kumatok sa pinto niya.

“Sir pinanapatawag po ni Mama Joy, dalin nyo daw po ang mga gamit nyo.”

“Bakit daw po Manang?” tanung niya sa tumawag sa kanya.

May kaunitng pangamba dahil baka paalisin na siya nito sa bar.

“Duon po ata kayo sa bahay nya titira.”

Gulat na gulat man ay sumunod na din siya. Pag dating sa opisina ay kinausap siya ni Mamay na duon nanga siya sa isang kwarto sa bahay titira.

“Mamay okay napo ako sa quarters, maayos naman po yung kwarto ko duon eh.”

“Di ba ako na ang Mamay mo? Kaya dapat sa bahay ko ikaw titira. At ayoko ng makulit.”

Nginitian niya nalang ito.

Umalis sila at sumakay papunta sa bahay ng Mamay niya. Pagdating ay tinawag niya ang isang kasamasa bahay.

“Manang pasamahan po siya sa room na pinalinis ko. Sige magpahinga ka na muna.”

Sumunod nadin siya sa inutusan ni Mamay. Nagulat siya dahil malaki ang room kumpara sa quarters, may aircon, LED TV, Study table at my sarili ding CR.

Napakasarap humiga sa kama at parang pakiramdam niya ay ligtas na ligtas siya.

Binuksan niya niya ang TV kahit na natatakot dahil baka biglang lumabas ang balita sa ginawa niya sa kumbento.

Hindi niya namalayan na dahil sa pagod ay ngayun lang nakaramdam ng kapayapaan ay nakatulog napala siya. Alas onse na ng magising siya, nuon lang niya naisipang maligo at mag ayos ng gamit.

Kumpleto din ang gamit sa CR, sabon, shampoo, deodorant at kung ano ano pa. After maayos ang gamit ay muling binuksan ang TV upang manood ng balita, gusto niyang handa siya kung sakaling lumabas ang kasalanang ginawa niya.

Payapa naman siya dahil walang news tungkol sa ginawa niya.

Kinabukasan ay nadatnan na niya si Mamay sa lamesa na naka gayak.

“Nathan anak, pupunta ako sa kumbento ngayun para makibalita. Dito ka lang muna at wag kang lalabas.” Bilin nito sa kanya.

“Mamay di nyo na po kailangang gawin ito, pero ngayun palang po nag papasalamat na ako.”

“Una gusto ko tong gawin, pangalawa gusto kong makapag simula tayo agad para di ka matigil sa pagaaral,” maayos na paliwanag nito. Sinabi din nito na may kakilala siya sa kumbento dahil sa madalas din siyang magkawang gawa duon.

Matapos ang agahan ay umalis na nga ito, dahil sa likas na maka Diyos ay ipinalangin pa niya bago umalis.

Maghapon siyang nasa bahay lang, walang ginagawa. Di naman siya makaalis dahil sa bilin ni Mamay. Bandang gabi ng dumating ang Mamay niya kaya excited siyang bumaba para salubungin ito.

Nagmano siya dito, kitang kita ang aliwalas sa mukha nito kahit bakas ang pagud.

“Mamay pahinga po muna kayo at ipapahanda ko lang kay manang yung table para makakain kayo.”

“Wag na anak, kumain na ako sa daan. Excited ako sa mga ibabalita ko sayo. Sabihan mo nalang si manang na mag dala ng kape sa garden dun tayo magkwentuhan.”

Dali dali siyang nagpunta sa kusina para humingi nga kape at sumunod kay Mama Joy sa garden.

Umupo siya sa tapat ng Mamay niya.

Nakangiti ito sa kanya.

“First, natutuwa ako kasi totoo lahat ng sinabi mo sakin, kahit nagtiwala nako sayo ay siempre kailangan ko pa ding makasiguro. Second, maganda ang pagkakakilala sayo ni Father Ado, naikwento niya kung anung kalseng bata ka.” Mahabang sabi nito.

“Ngayun yung tungkol kay Father Mike, wala ka ng dapat ikatakot. Hindi mo napatay, malubhang nasugatan pero siguro nga ang masamang damo matagal mamatay hahaha,” dagdag pa nito.

“Salamat naman po,” sagot niya.

“They will contain the situation, you don’t need to explain to them. May nakitang camera sa room mo naconnected sa room ni Father Mike at nakita ni Fater Ado yung ginawa sayo. Medyo matagal ka na palang sinisilipan ni Father Mike.”

Nagulat siya sa sinabi nito, matagal na siya pinapanood ng Pari.

“Sabi ni Father Ado, i-didimiss nila sa serbisyo si Father Mike. Hindi pa lang nila alam kung sasampahan nila ng kaso. Now, ikaw ang tatanungin ko.”

Tahimik pa din siyang nakikinig sa sinasabi ni Mamay.

“Pede tayong mag sampa ng kaso laban kay Father Mike ng hindi na niya magawa sa iba ang ginawaniya sayo, kukuha ako ng magaling na abogado. Siguradong habang buhay na pagkakabilanggo ang magiging hatol dun.”

“Ganun po ba?”

“Pero nakikiusap naman si Father Ado na kung maari daw ay ang simbahan nalang bahalang magbigay ng nararapat ng parusa kay Father Mike para hindi na makaladkad ang kumbento sa kahihiyan. Baka maapektuhan din kasi ito lalo at madaming bata ang umaasa sa kanila.”

Hindi lang siya kumibo.

“Nathan gusto kong malaman mo na nasayo ang desisyon, ano man ang gusto mong gawin ay susuportahan kita.”

“Mamay ayoko napong mag demanda, ayoko napong makaladkad sa eskandalo, kawawa din po ang mga bata sa kumbento.”

“Kung yan ang gusto mo ay sasabihin ko kay father, pero dapat maalis na sa pigiging Pari ang baboy nay un.”

“Kayo na po ang bahala sa mga dapat gawin.”

“Sige, kakausapin ko si Father Ado.”

“Mamay yung mga video ko po if recorded, natatakot lang po ako baka magkaroon ako ng scandal.”

“Wag kang mag alala, nakay Father Ado na ang video kaya safe ka. Kami lang dalawa ang nakapanood.”

“PO!?” gulat na gulat na sagot niya.

“Hahaha, nakakatawa yang reaksyon mo!”

“Nakakahiya po kasi Mamay!”

“Anu nakakahiya e may ipagmamalaki ka naman hahaha.”

“Mamay naman oh.” Alam niyang pulang pula na siya.

“Joke lang, hindi na ipinakita ni Father sakin saka ayoko din naming makita. Mahirap na diba. Bakla pa din ako baka mamaya ma inlove ako sayo hahaha.”

“Mamay talaga.”

“Honestly, I want you to have a normal life after what you’ve experienced and I am past that age. I want to leave something worthy and admirable.”

“Di ko po sasayangin ang trust na ibibigay nyo sakin.”

“Okay, papahinga nako ha at medyo mahaba ang naging araw ko ngayun eh. Buti nalang at okay ang bar ngayun di masyadong busy dahil week day.” Tumayo na sila at pumasok na sa bahay.

Ang sumunod na araw ay hindi nadin naging mahirap sa kanya, tinilungan siya ni Mama Joy para makapasok sa school kahit na tatlong buwan na din ang lumipas buhat ng mag start ang class.

Medyo nanibago siya kasi private school ang pinasukan niya at talagang mukhang mayayaman ang nag aaral.

Hindi niya alam kung kaya ba niyang makipag sabayan sa mga ito, bagamat sinabi naman ng Mamay niya na wag matakot at kaibigan niya ang director ng school kaya siya mabilis nakapasok.

Nalaman din niya na marami palang business si Mama Joy aside sa RestoBar. Siya ang may hawak ng pag didistribute ng isang kilalang inumim sa buong probinsya, merong ilang gas station din na franchise niya.

Hindi pala simpleng tao ang nagtitiwala sa kanya kaya lumakas din ang loob.

Maayos naman ang pakikitungo sa kanya ng mga ka eskwela, dahil higit na malaki siya sa mgaclassmates niya kaya siguradong di siya ma bubully. Pero me isang classmate na medyo pinag tritripan siya.

Si Gabriel, isang kilalang bully sa school, palibahsa ay guapo din at anak ng isang politikong kilala sa maduming laban.

Mayaman dahil sa kabi kabilang anumalyang ginagawa, spoiled din daw. Pero matalino yan ang isang bagay na nakikita ng karamihan.

Consistent number one sa class… DATI.

Dahil siguro sa likas na matalino siya ay naungusan na niya ito halos sa lahat ng subject. Pati ang pwesto nito bilang heartthrob ng school. Kita niyang lahat ng babae ay tila kinikiliti every time na makikita siya at maging ang mga bading ay ganun din.

Mas gusto siya ng mga tao dahil hindi siya snub at hindi mayabang. Nakadag-dag pa siguro dito ang galing niya sa basketball at Taekwondo.

Isang araw habang hinihintay niya ang sundo pagkatapos ng klase ay nilapitan siya nito kasama ang ilang kabarkada.

“Brad!” bati nito sa kanya.

“Gab ikaw pala, kumusta?” sagot naman niya.

“Anu ba gusto mong patunayan? Mukhang kinakalaban mo talaga ako ah!”

“Gab di ko alam ang sinasabi mo.”

“Wow, galing maka good boy ah,”

“Brad, wala talaga. Kung anuman yung sinasabi. Mali ang iniisip mo.”

“At ako pa din ang mali ah.”

Nakita niya pumorma na ang mga kasama nito kaya naghanda nadin siya kung sakaling lulusob ito. Kahit na mas madami sila ay hindi siya uurong.

Pero bago pa maka gulo ay lumapit na ang dalawang security guard.

“Mga bata ano yan?” sabi ng isang guard.

“Wala manong, me tinatanung lang ako kay classmate. Di ba classmate?”

“Opo manong guard.” Napipilitang sagot niya.

Sakto naming bumusina ang driver niya kaya me reason na siya para umalis.

Tumalikod na siya ngunit mabilis na sumunod ito bago pa siya makalapit sa kotse. Madiing hinawakanang balikat niya.

“Di pa tayo tapos, may araw ka din!”

Hinawakan niya ang kamay nito at piniga ng todo habang nakatitig siya sa mukha nitong halatang nasasaktan.

Saka niya pabalibag na binitiwan, kitang kita niyang napangiwi ito bago pa siya tumalikod.

“Anak ni Gov Oyo yun diba?” tanung ng driver niya.

“Opo kuya.”

“Mukhang kursunada ka! Mag ingat ka dun at kahit bata pa yan masyado ng mapahamak.”

“Di ko naman siya aatrasan kuya.”

“Di moko naiintindihan, mainam pa ay umiwas ka nalang. Maduming kalaban ang pamilyang yan baka pati si Mama Joy masabit.”

Naging malaking pala-isipang ang sinabi nito sa kanya.

Pag dating niya sa bahay ay nakita niya si mamay na naghihintay sa kanya. Nag mano siya dito at tumabisa pagkakaupo.

“Mamay maaga ka ata ngayun?” humiwa siya ng cake sa kinakain nito at isinubo.

“Alam mo na ba ang balita?” tanung nito sa kanya.

“Anung balita Mamay?”

Ibinaba nito sa harap niya ang isang tabloid

“DATING PARI NAGPATIWAKAL.”

Nanginginig siya habang binabasa ang artikulo. Nakasaad dito na natanggal ang Pari sa serbisyo dahil sa isang anumalyang ginawa nito na hindi na binanggit kung anu, hindi umano kinaya ang depression kaya pagkalipas ng ilang buwan ay bumigay ng tuluyan ang pag iisip nito at tuluyang kinitil ang sarilingbuhay. Nakalagay pa na mayroong sulat na iniwan ang dating Pari ngunit ang nakalagay lang ay “PATAWAD SA YO!”

Alam na alam niya na siya ang tinutukoy nito. Tahimik lang siya at wala maisip na gagawin.

“Pinapatawad mo na ba siya?” tanung ni Mama Joy sa kanya.

Tumango lamang siya bilang tugon. Pinag usapan nila na dadalaw nalang siya sa puntod nito after ng libing. Ayaw din niyang magkaroon ng anumang isipin ang sino mang makakakita sa kanya.

Nang dumalaw sila ay taimtim siyang nag-alay ng panalangin ganun din ang pagpapatawad sa ginawa nito sa kanya. Medyo sinisi din niya ang sarili ngunit sa bandang huli ay alam niyang wala siyang kasalanan. Ginawa lang niyang bagay na dapat niyang gawin.

Hindi nadin siya nagpakita sa mga Paring kasama niya sa kumbento. After sa sementeryo ay kumain lang sila at umuwi nadin. Maluwag ang kanyang pakiramdam dahil naibigay niya ang hinihiling ng namatay na Pari.

Hindi nga natapos ang kalokohan ni Gabriel, dahil buhat ng araw na binantaan siya nito ay kung anu anon a ang ginawa sa kanya.

Naroong patirin siya nito buti nalang at lagi siyang maagap, minsan naman ay nilagyang ng bubble gum ang upuan niya.

Katulad ng sinabi ng driver niya ay iniwasan nalang niya ito.

Isang araw ay gumawa siya ng project sa library, pinilit niya tapusin kahit na sa dalawang araw pa ang deadline. Nang matapos niya ay iniwan niya sa locker at handa na siyang ipasa.

Excited siya kinabukasan dahil magiging maluwag na ang schedule niya. Pumunta siya sa locker room para kunin ang project ngunit ng buksan niya ang locker niya at nagulat nalang siya na puro pintura ang loob, lahat ng libro, notebooks at lalong lalo na ang kanyang project.

Dali dali siyang nagpunta sa student affairs office para i-report ang nangyari, kahit alam na alam niya kung sino ang may gawa nito ay di siya maaring mag bintang. Ipinalinis nalang ng school ang kanyang locker at pinalitan ang mga libro. Binigyan din siya ng teacher niya ng extension dahil sa project nanasira.

Prinoproblema nalang niya ang mga notes niya. Maluwag na sana ang schedule niya biglang ngayun kailangan niyang ulitin ang mga notes niya.

Tiningnan niya si Gabriel ng magtama ang paningin nila ay ngumisi ito, binaliwala nalang niya para walang gulo.

After ng class ay lumapit sa kaya si Loiuse, isa sa mga campus figure din dahil bukod sa maganda ito ay matalino pa.

“Nathan here are my notes, you can use para di ka namahirapang mag recall.”

“Okay lang, I will just try to recover some notes.”

“Nathan okay lang, here take it.”

Nahihiya man ay tinanggap nadin niya. Nakita niya na parang nag aapoy ang mga mata ni Gabriel habang nakatitig sa kanya.

“Pede bang dito nalang ako maupo since bakante naman and chair nato?”

“Ah eh, okay lang if you want.”

Kinuha ni Loiuse ang gamit nito at duon na nga naupo. Nakita niyang maraming mga matang nakatingin sa kanila ang iba ay kinikilig samantalang ang iba naman ay para bang nababahala.

Isa na dito si Anton, di man niya masasabing kaibigan niya ay malapit naman sa kanya.

After ng subject nila at break na ay hinabol siya nito.

“Nathan pasabay mag lunch?”

“Sige, wala naman akong kasabay eh.”

“Boy mukhang malapit sayo si Louise ah?”

“Ah, hindi naman. Ngayun lang siya lumapit pinahiram lang ako ng mga notes.”

“Oo nga pero boy baka magka problema ka kay Gab, ang alam ko ay nililigawan niya dati yan pero basted siya.”

“Anu naman magiging problema una boy diko nililigawan si Loiuse siya ang lumapit kanina, second, boy binasted na nga siya diba so wala siyang karapatang magalit.”

“Basta boy sinabihan kita ha.”

“Salamat na din boy. Pero hindi naman pedeng lagi nalang tayong tutupi dahil sa bugok na katulad niya.”

“Mahirap kasi boy eh.” Di rin siguro maipaliwanag.

Malapit na sila sa canteen ng biglang sumulpot si Loiuse.

“Kakain ba kayo?” tanong nito sa dalawa.

“Oo Louise, ikaw?” sagot niya habang tahimik lang si Anton.

“Can I join, wala kasi sila Ems eh.”

“Boy una na pala ako, sa labas nga pala ako mag lunch andun mga ka tropa.”

“Kala ko sasabay ka sakin?”

“Nakalimutan ko boy me usapan pala kami. Sige una nako ha.” Dali dali na din itong tumalikod na hindina hinintay na makasagot pa.

Kaya silang nalang ni Louise ang pumasok sa cafeteria. Sakto andun di pala ang grupo nila Gab, masamaang tingin sa kanya. Hindi nalang din niya pinansin.

Pumunta sila sa counter, after maka order ay sinabihan ko si Louise na bumalik na sa upuan namin at siya na mag dadala ng mga pagkain nila.

Naglalakad Nathan ng makita niyang palapit si Gabriel, me dalang juice. Alam niyang may binabalak ito kaya naghahanda siya.

Hindi siya nagkamali, dahil nga malapit na ito sa kanya ay bumuwelo para banggain siya. Ang pagkakamali ni Gabriel ay hindi niya natantsa na puwedeng umiwas si Nathan.

Pag-iwas ni Nathan ay sakto namang nasa likod niya si Mr. Danting. Isa sa mga kinatatakutang teacher ng lahat. Kahit ang mga co-teacher nito ay ilag din. Me dalang pagkain at chocolate drink.

Duon tumama si Gabriel kaya ang dala nitong pagkain at drinks ay tumapon sa katawan ng guro. Biglang na tulala si Gabriel samantalang si Nathan naman ay ibinaba na ang mga pagkain at dali daling tinulungan amg teacher.

Galit na galit ang guro kay Gabriel samantalang pasalamat naman ng pasalamat kay Nathan. Sinabihan nalang na sumunod sa office niya si Gabriel. Tumalikod na ang guro at bumili nalang ng sandwich at umalis na.

Madilim ang mukhang nakatingin sa kanya si Gabriel habang ang mga students sa paligid ay nagtatawanang iba ay nagbubulungan.

Walang nagawa si Gabriel kundi iwan sila. Samantalang ang mga ka tropa naman nito bagamat masama ang tingin sa kanya ay wala namang nagawa kundi sumunod nalang din kay Gabriel.

Dahil sa pangyayari ay lalong naging mainit ang mga mata ni Gabriel kay Nathaniel, kaya madalas ay umiiwas na lamang siya. Samantalng si Loiuse naman ay mas lalong naging malapit sa kanya. Gustuhin man niyang itulak ito palayo ay di niya magawa, though wala naman siyang nararamdaman dito. Gusto niya ito bilang kaibigan, hindi naman siya manhid para hindi maramdaman na iba ang pagtingin sakanya ng babae.

Talagang gustong makabawi sa kanya ni Gabriel pero hindi makatiyempo. Hanggang isang araw habang nag lalaro sila ng basket ball kasama ang ilang ka school mate ay napadaan ang grupo nila Gabriel. Sa hindi sinasadyang paraan ay tinamaan niya ito ng bola sa likod. Alam naman niyang nagkataon lang ngunit kasalanan din ni Gabriel dahil nakitang naglalaro sila ay nasa medyo gitna pa ng court ito dumaan.

Pinulot ni Gabriel ang bola at lumapit kay Nathan, maayos na iniabot ang bola ngunit ng kukunin na niya ay malakas na ibinato sa mukha niya. masapo naman niya pero me impact pa din. Ibinalik nya ng bato kay Gabriel ang bola na hindi naman nito napaghandaan.

Tumama ito sa dibdib niya at medyo napa hakbang patalikod. Nag puyos sa galit si Gabriel kaya sinugod niya si Nathan. Inundayan niya ito ng suntok na hindi naiwasan, dahil bihasa at batak ang katawan ay hindi niya ito ininda. Isang banat ang ibinigay niya kay Gabriel sa sikmura dahilan para mapaupo ito hawak ang tiyang tinamaan.

Tatayo pa sana ulit ito ng dumating ang isang teacher ng PE para awatin sila. Dahil sa kaguluhan ay itinigil na nila ang paglalaro. Dadalin na sana sila sa guidance office pero dahil naawat naman ay pinaglayo nadin sila.

Maraming nakisimpatya sa kanya at nagsasabing tama lang ang ginawa nito, pero higit ang nag sasabi sakanyang mag ingat siya dahil ibang klaseng kaaway si Gabriel.

Kaya naging maingat na nga lang din siya. As much as possible ay aalis lamang siya kung kinakailangan, kasama niyang madalas ang driver o di kaya ay si Mama Joy.

Isang nakahiligan niya ay motor, meron kasing mga waiter at trabahador si Mama Joy na me mga motor. Kaya pag minsang sumasama siya sa restobar ay nahihiram niya ito.

Kahit medyo matanda sa kanya ay naging kapalagayan na din niya ng loob. Ito rin ang nagturo sa kanyang ilang kalokohan, minsan minsang pag-inom ng alak at panood ng porn. Nung una ay ayaw niya dahil laking kumbento pero kalunan ay nag enjoy na din siya.

“Me experience ka na ba Nathan?

“Anong experience kuya?”

“Me nakantot ka na ba?”

“Naku kuya wala pa po, 16 palang ako.”

“Naku ako nga trese pa lang naka iyot na eh.”

“Hahaha, e wala pa po, alam nyo naman galing ako sa kumbento.”

“Oo nga pala, basta pag pede na eh pabibinyagan kita haha.”

Ilang pagkakataon din na pinapayuhan siya nito kung paano magpaligaya ng babae, na dapat ay mauna itong makatapos bago siya at wag lang basta pasok ng pasok. Gamitin ang kamay at dila.

Natatawa siya sa sinasabi nito, pero tinatandaan niya at tinitingnan din ang mga pinapanood nila. Pero hindi niya ginawang magparaos kasama nito.

Hindi niya inexpect na bibigayan siya ng sarili niya motor ni Mama Joy. Tuwang tuwa siya dahil hindi na niya kinakailangang mang hiram at pag aalis ay din a din niya kailangan ng driver.

Pero binilinan nalang siyang mag ingat at dahan dahan lang sa pag drive. Sa pag pasok naman ay hinahatid pa din siya ng driver at sinusundo. Talagang sa pag lilibot niya lang ginagamit ang motor.

Naging reason din ito upang madalas siyang magpunta kila Louise na lalong napalapit sa kanya. Hindi man niya maramdaman yung love para sa opposite sex ay di naman niya dinedeny na attracted siya dito. Normal sa isang lalaking tigasan pag may magandang babaeng nasa harapan.

Nasa bahay siya ni Loiuse ngayun para tumambay. Kilala na siya ng parents nito at pinagtitiwalaan. Madalas kung may event or lakad sila pag siya ang nag-paalam para dito ay siguradong papayag. Basta ihahatid niya at siguruduhing hindi pababayaan.