Nathaniel- Angel Sa Lupa (8)

“Magandang hapon po Sir Gabriel” halos sabay na sabay na bati ng mga ito.

“Magandang hapon din sa inyo!” Nakangiting tugon nito.

Nagtaas ng tingin ang mga kasambahay nito na para bang gulat na gulat.

“Good afternoon po sa inyo!” Masayang bati nalang ni Nathan.

“Good afternoon din po sir!” Sagot naman sa kanya.

“Si Nathan pala kaibigan ko” pakilala ni Gabriel kay Nathan.

Nag ngitian at mahinang bumati ang iba, samantalang ang mga kababaihang medyo bata pa ay kita ang kilig sa pagkakita sa kanya.

“Sir artista po ba kayo?” Hindi mapigilang tanong ng isang kasambahay.

“Huh!?”

“Manang!” Pagbabanta ni Gabriel

“Pasensya na po, ang guapo nyo po kasi eh.”

“A eh, hindi po manang.”

“Sige na pakidala na mga gamit namin sa taas at pa prepare nadin ng food. Papahinga lang kami saglit after kumain bago pumunta sa bukid” mahabang utos nito.

Parang sundalong nagsi-alisan ang mga ito sa harap nila. Sila naman ay tumuloy na sa dinning area para kumain.

Mas nagulat siya sa dami ng pagkaing nakahanda.

“Pre, daming pagkain ah. Madami ka bang bisitang dadating?” tanong niya dito.

“Wala pre tayo lang”

“Huh!?” Naging paborito na niya atang salita yan.

“Oo tayo lang kaya ubusin natin yan.”

Tumingin siya sa paligid nakita niyang nakatayo ang mga kasambahay.

“Manang sabayan nyo na po kami madami po itong hinanda nyo. Ayoko pong tumaba at baka mawala nako ng fans.” Sabay kindat sa babaeng nagtanung kung artista ba siya.

“Sir wag napo, mamaya napo kami kakain.” Tugon ng tingin niya ay mayordoma.

“Sige, mamaya nalang din ako kakain” saka niya binitiwan ang kutsara at tinidor.

“Nathan!?” Gulat na saad ni Gabriel.

“Yes Gabriel!?” Madiin din nyang sagot

Napabuntong hininga nalang si Gabriel at sinabihang kumuha na ng mga plato at ayain nadin ang iba pang nasa labas.

Tingin ni Nathan ay mahigit 20 lahat ang tauhang pumasok pero kahit siguro 50 ay hindi mauubos ang pagkain.

“O pano kainan na!” Kumuha na ito ng pagkain at inilagay sa plato ni Gabriel at ganun din sa katabi niyang driver.

Nahihiya man ay nagsunuran nadin ang mga ito. Si Gabriel naman ay nakatingin lang kay Nathan.

Tahimik na nag kainan ang lahat, maya maya ay biglang.

“Hatshu!” Bahing ni Nathan ay medyo tumalsik pa ang pagkain sa bibig nito sa mukha ni Gabriel.

“Pre sorry!” Kumuha ito ng table napkin at pinunasan ang mukha nito, pasimpleng nilagyan ng ketchup napkin kaya nabahiran ng pula ang mukha ni Gabriel.

Hindi na mapigilan ng lahat ang matawa sa ginawa ni Nathan.

Nakaramdam naman si Gabriel na may kalokohan itong ginawa kaya kumuha siya ng napkin at siya mismo ang nagpahid sa mukha niya. Kaya nakita niya may ketchup pala kaya nagtatawanan.

Matalim na tiningnan niya ang lahat kaya natahimik at muling natakot ang mga ito.

Hindi inaasahan ng lahat ang ginawa ni Gabriel.

Dinakot nito ang madaming ketchup at biglang ipinahid sa mukha ni Nathan.

“Kala mo ikaw lang ha ha ha!”

Biglang sumabog ang malakas na tawanan. Hinawakan ni Nathan ang mukha at kinuha ang maraming ketchup na nakadikit sa kanya at biglang ipinahid sa driver na katabi nito.

Na kasabay naman ng pagpahid ni Gabriel sa katabi nito. Habang sa halos lahat ay may Ketchup na sa mukha or sa katawan.

Nang mapagod ay ipinagpatuloy nila ang pagkain, kaibahan nga lang ay masaya na ngayun. Pati siGabriel ay masaya ding kumakain.

Nang matapos ay nagligpit na ang mga kasambahay sila naman ay umakyat na para maglinis ng katawanat alisin ang ketchup sa mukha.

Pinauna na ni Gabriel magligo si Nathan, nakatapis nalang ito ng lumabas at mukhang malinis na malinis na. May ilang butil pa ng tubig na tumutulo sa katawan nito.

Bago pa kung anu ang isipin niya ay pumasok na din siya sa cr para maligo.

Paglabas niya ay nakahiga si Nathan, naka shorts na pero nakahubad pa din. Gamit nito unan ang dalawang kamay kaya kita niya ang maayos na tubo ng buhok sa kili kili nito.

Umupo siya sa tabi nito, maya maya pa humiga nadin siya. Tumagilid para matitigan muli ang guapong kaibigan.

Dahan dahan niyang inilapit ang ilong niya sa kili kili ni Nathan para amuyin.

Preskong presko, hindi niya alam kung ano ang deodorant na gamit nito pero gustong gusto niya ang scent. Why he like everything about this guy.

Nag eenjoy pa siya sa pag singhot sa amoy ni Nathan ng mag inat ito kaya dali dali siyang umayos ng higa.

Kala niya ay nagising ito, tumagilid lang paharap sa kanya. Lalong naging malapit ang mukha nito sa kanya at halos nakadikit na ang mga labi nito sa pisngi ni Gabriel. Kung haharap siya dito maaring magkadikit ang labi nila. Nalalanghap niya ang mabangong hininga nito sa bahagyang pagkaka awang ng mga labi nito.

Natutukso na siya humarap sa kaibigan para maramdaman ang mga labi nito sa mga labi niya. Ipinikit niya ang mga mata upang alisin sa isipan ang kalokohan.

Naalala pa niya ang sabi nito about sa mga gays, okay lang dito pero ayaw niya ng patago. Higit sa lahat ay hindi ito makikipag relasyon sa bakla. Baka pag nalaman nito na nahuhulog na ang damdamin niya ay iwasan na siya nito. Isa siguro yun sa ayaw niyang mangyari.

Pinili niyang bumangon at gisingin na din ang kaibigan. Tinitigan niya ang payapang mukha nito bago na pagpasyahang tapikin at gisingin.

“Parekoy!” sinabayan niya ng yugyog sa balikat.

“Oy, Pre aalis naba tayo?” pupungas pungas na tanong nito.

“Oo sana pre, para makabalik tayo agad. Me event pa tayong pupuntahan mamayang gabi.”

“Okay, mag CR lang ako saglit” sabay bangon nito at diretso sa banyo. Narinig pa niya ang pusitsit ng ihi nito.

Sa loob ng CR matapos umihi at maghugas ng kamay ay nag toothbrush na din si Nathan. Tiningnan niyaang sarili para ma check kung meron ba siyang dumi at muta.

Lumabas na din siya, kumuha ng isang polo shirt at isinuot, napansin niya na titig na titig sa kanya siGabriel.

“Pre ,me problema ba?” nagtatakang tanong niya dito.

“Ah eh, wala naman me innisip lang ako.”

“Okay nako, tayo na.”

Tumayo na si Gabriel at naunang lumakad palabas ng pinto.

Pagdating sa baba ay nadoon na ang driver nila at isang lalaking nun lang din niya nakita. Bata pa ito siguro mga 19 or 20 ang age, me itsura kahit ang muka ay medyo nangitim. Matangos ang ilong, mapulaang mga labi at maganda ang mga mata.

Sa suot nitong lumang shirt na pinatungan ng long sleeves ay makikita mo ang ganda ng katawan sa taasng aabot siguro ng anim na talampakan.

“Magandang hapon po sir Gabriel” may hiyang bati nito.

“Good afternoon din Tonyo” nakangiting sagot naman nito.

Nakita niyang nag iba ang timpla ng mukha nito at lumiwanag sa bati ni Gabriel. Hindi na siya ipinakilala nito kaya naman siya na ang nag abot ng kamay dito.

“Pare, Nathan kaibigan ni Gabriel.”

“Good afternoon po sir.”

Diretso ng lumakad si Gabriel papunta sa sasakyan, samantalang siya ay sinabayan naman si Tonyo.

“Malayo ba dito yung bukid napupuntahan natin pre?”

“Malapit lang sir, mga 30 minutes po andun na tayo.”

“Pre wag mo nako i-Sir di naman ako boss dito saka wag mo na akong i po-po tumatanda ako eh 16 plang ako.”

“Nakakahiya Sir eh, kaibigan kayo ni Sir Gabriel.”

“Kahit na okay Nathan nalang.”

“Sige sir.”

“Hahaha” natawa siya kasi napansin din ni Tonyo na sir pa din ang ginamit niya.

Napalingon naman si Gabriel kaya tinanguan lang niya samantalang yumuko naman si Tonyo.

Sumakay na sila sa Land Cruiser na gamit nila, sa harap naupo si Tonyo habang sa likod naman kami niGabriel.

“Pre ang tahimik mo ata?” tanong ni Nathan kay Gabriel.

“Ah may iniisip lang ako, me sinasabi ka ba?”

“Wala naman, tinatanong ko lang kung ano pede kong gawin sa bukid.”

“Tingnan natin mamaya hehehe.”

“Ang weird mo ngayon, mas sanay ako na makulit ka pre.”

Weird ba siya, parang hindi naman.

“Tonyo tayo na nga lang mag usap, me pinagdadaanan ata itong kaibigan ko eh. Di makausap ng matino.”

Binatukan siya ni Gabriel dahil sa sinabi nito sa kasama nila na inambaan naman niya ng kamao pero hindi itinuloy sa halip ay sinubukan niya itong kilitiin na weakness pala ni Gabriel.

“Aha, malakas pala kiliti mo ha. Lagot ka sakin ngayun!”

Dahil mas malakas si Nathan ay nasukol siya nito sa isang gilid ng sasakyan. Halos idagan ang buong bigat at walang tigil na kinikiliti si Gabriel.

Hindi makapalag si Gabriel, parang mawawalan na siya ng hininga sa katatawa.

“Pre tama na, hindi nako makahinga hahahhaa.”

“Anong tama na, dapat madala kang masungit kang tao ka.”

Mukhang hindi siya nito bibitawan kaya nag ipon siya ng laway at saka niya ibinuga kay Nathan.

“Waaaahhh, kadiri ka pre!” hinila nito ang damit na suot ni Gabriel at iyon ang ipinamunas.

“Ano gusto mo pa?” hihingal hingal na sabi nito habang tumatawa.

“Wag na boy! Asido ata ang laway mo parang nangangati nko eh! Tonyo tingnan mo nga kung me alcohol diyan sa compartment.”

“Ah eh wala, baka eto pwede sir” inabot ang wipes sa kanya.

Pinunasan niya ang mukha na para bang diring diri sa laway niya. Hindi alam ni Gabriel kung matatawa or mao-offend sa ginagawa nito. Ang dalawa naman sa harap ay tumatawa lang.

Nang tingin ni Nathan ay napunasan na ang lahat ay tahimik na nakatingin sa kanya. Inilagay ang kamay sa likod na parang inupuan. Sumuko na siguro, laway lang pala ang tatalo dito.

Mga limang minuto siguro itong tahimik, baka kaya nainis na naman sa kanya kaya ito tahimik. Maya maya ay dumikit ito sa kanya, umakbay at hinila pa siya palapit sa lalaki.

Biglang itinakip nito ang kamay sa ilong niya saka pinigil ng mahigpit.

“ANG BAHO!” sigaw ni Gabriel.

Umutot pala si Nathan at inipon sa kamay saka itinutok sa ilong niya kaya amoy na amoy niya.

“Manong pabukas ng bintana mamatay na ata ako.”

“Manong wag! Hayaan mo siyang masuka” malakas ding sabi nito.

Pinagsusuntok ni Gabriel si Nathan na sinasanga lang naman. Hinuli ang kamay at saka pinilipit patalikod.

“Quits na tayo ha!” humihingal na sabi nito.

Biglang nalito si Gabriel dahil napakapalit ng labi nito sa pisngi niya kaya amoy niya ang mabangong hininga.

“Oo na, masakit Nathan.”

Binitiwan na siya at pareho silang pawisang naupo. Sabay silang tawa ng tawa, pati na din ang driver at siTonyo.

“Manong, pabukas napo ng bintana, mabaho po pala talaga ang utot ko.” Malakas na sabi nito.

Muling silang tumawa ng malakas samantalang namumula naman si Nathan.

Nakarating din sila sa bukid kung saan ay may mga naghihintay ng opisyal ng barangay. Hindi naman alam ni Nathan kung ano ang okasyon aside sa fiesta.

Sa isang eskwelahan sila tumuloy at naroon din ang mga teachers pati ang principal. Nag donate pala ng isang building ang Papa ni Gabriel at ngayun ang innaguration kasabay ng foundation din ng school. Hindi naman formal ang set-up dahil after daw ay may mga games na iginayak for the teachers at mga estudyante.

Maliit lang ang school, pero maayos at ayon sa principal ay kupleto na dahil sa tulong ng Governador na ama ni Gabriel.

Naging masaya ang inauguration, sa part ng games ay masaya ang lahat. Ilang games ang sinalihan ni Nathan, tuwang tuwa ang mga teacher dahil game na game ang lalaki. Pati siya ay napahanga din ng Nathan.

Nang matapos ay may nakita si Nathan na ilang batang nag babasketball, pinuntahan niya ito at nakigulo. Nagbigay pa ng prize kung sino ang may pinaka malayong ma i shoot na bola.

Nang matapos ang basketball ay kitang kita niya kung paanong napalapit agad si Nathan sa mga bata. Pinapalibutan ito at tuwang tuwang nakikipag kwentuhan.

Nilapitan niya ito para yayain ng umalis at meron pa silang pupuntahan ng mga alas nueve ng gabi. Ito Barangay Night na medyo formal.

Nagpaalam na din si Nathan sa mga bata, na bawat isa ay nakipag apir pa.

Samantalang ang mga teacher naman bago tuluyang umalis ay nakiusap pa na kung pedeng mag picture sa kanila na pinagbigyan naman nila. Pero sa huli ang mga batang teacher at pasimpleng nag selfie kay Nathan, yung iba ay sa kanya din. May isang teacher pa na hindi napigil ang sariling yakapin si Nathan.

Nang naglalakad na sila papunta sa sasakyan.

“Dami mong fans ah” biro niya dito.

“Naku, sabit lang ako sayo. Kung hindi ikaw kasama ko hindi ako mapapansin hahaha.”

“Naku pa humble pa tong kaibigan ko.”

“Nakakatuwa naman ang Papa mo, ang dami palang tinutulangan.”

“Mahal kasi ni Papa ang baranggay nato, dito siya lumaki at maraming tao dito ang tumulong sa kanyang nagsisimula siya sa politics.”

Kilala kasing corrupt ang Papa nito at abusado, pero hindi nakikita na may magagandang bagay pala itong ginagawa. Politka nga naman.

Dahil siguro pagod kaya tahimik sila buong biyahe, nakarating sila sa bahay ng bandang alas sais ng gabi, umakyat sila sa kwarto at nahiga para makapagpahinga at din nila namalayang nakatulog pala sila.

Bandang 7:30 ng katukin sila ng isa sa mga kasama sa bahay para kumain ng hapunan.

Naghilamos lang sila at bumaba na din. Katulad nung lunch, nakahilera ulit ang mga kasama sa bahay naparang mga sundalo.

Naupo na sila sa mesa.

“Ano pang ang hinihintay nyo?” masayang tanong ni Gabriel.

“Sir?”

“Tawagin nyo na sila ng makakain na tayo” masayang bigkas nito.

“Ay sige po” mabilis na umalis ang mga ito, tinawag ang mga nasa labas at ang iba naman ay kumuhang mga plato at ibang gamit sa pagkain.

Masayang nagkainan ang lahat, hindi man kasing gulo kanina ay hindi na din naman katulad nung kakarating nila.

Matapos kumain ay naupo silang dalawa sa terrace at dinalang ng kape.

“Ang ganda nga ng lugar nyo Pre.”

“Oo, kaya mahal namin ang lugar na ito.”

“Mababait din ang mga tao.”

“Dito sa lugar na ito yung lugar na pag punta namin ay feeling safe kami, na ang mga tao dito willing to die for us.”

“Siguro may foundation talagang naitayo si Papa mo kaya ganun.”

“Yeah.”

“Saan naman yung ilog dito? Gusto ko mag swimming hehehe.”

“Bukas mag swimming tayo, malapit lang dito.”

“Sige para magamit ko naman ang swimming trunks na dala ko hahaha”

“Ganun ba, sige hanap ako ng mga manonood sa live show mo hahaha.”

Mga ilang minuto lang at tinawag na din sila para mag prepare para sa pupuntahan nilang pagdiriwang.

Pinauna niyang maligo si Nathan habang siya naman ay ipinakuha ang mga naka prepare na formal suit sa likod ng land cruiser nila.

Pinili niya ang maroon na long-sleeves, red tie, black pants at smart casual suit. Samandatang blue long-sleeves naman sa kanya, dark blue tie, black pants at formal suit dahil tatawagin daw siya sa stage mamaya.

Nang lumabas si Nathan sa CR ay nagulat ito sa mga nakalatag na damit sa kama.

“Pre, ano yan?”

“Hehehe, formal kasi ang Event kaya ito isusuot natin.”

“Parekoy napaka init naman ata para ganyan ang isuot natin?

“Okay lang pare koy, airconditioned hall naman yung venue eh.”

“Pre di nalang kaya ako sasama?”

“Bakit naman pre? Dito na tayo eh.”

“Totoo pre, di pako nakapagsuot ng ganito. Baka maalangan ako.”

Nilapitan niya ito at inakbayan.

“Pre pag sinuot mo yan sigurado ako, pagkakaguluhan ka lalo ng mga chicks.”

“E kung ganun eh, bilisan na natin baka naghihintay na ang mga chicks hehehe.”

“Ayan tayo, pag chicks eh nanginginig pa” binatukan niya ito sabay talikod para maligo na din.

Mga 10 minutes din siguro ang itinagal niya sa CR, pag labas niya ay nakabihis na si Nathan except sa neck tie.

“Ano pre, madali na bang hahabol sakin na chicks sa suot ko?” sabay kindat pa nito sa kanya.

Medyo natulala pa siya dahil sa itsura nito, hindi niya alam kung nainsecure ba siya bigla or lalong nainlove.

“Hoy pre ano na? Baka ma late tayo pag di ka pa kumilos.”

“Sabi ko sayo bagay na bagay!”

“Sige magbihis ka na din para matulungan moko sa neck tie. Di ko alam isuot ito.”

Nagsimula na siyang mag bihis habang si Nathan naman ay naglalagay ng wax sa buhok. Nang matapos na ito at nakabihis naman na si Gabriel ay lumapit para maikabit ang neck tie.

Nang inaayos ni Gabriel ang tie ay hindi niya maiwasang lalong humanga dito, titig na titig siya sa mukha, sa mga labing sobrang nakakaakit halikan. Hindi rin nakaligtas ang amoy nitong nanunoot sakanyang ilong. Dahil sa sobrang lapit niya ay ibang kaba ang naramdaman niya kaya hindi niya maiayosmabuti ang tie.

“Pre di ka din ata marunong magkabit eh?”

Dahil sa pagsasalita nito ay nakadagdag pa ang hinga nito marang may vanilla ata na nakaka turete sakanya.

“Saglit lang, ang li…