Nathaniel- Angel Sa Lupa (Finale)

May dalawang kwento na akong nailathala at itong kay Nathaniel ang pinaka mapangahas.

Sa mga nag comment bad or good ito ang may pinaka marami. Salamat!

Ibig sabihin lang ay effective ang paraan ng pagsilat kasi aprktado ang reader. Sana lang wag magalit sa author sa character pede pa.

Sa mga patuloy na susubaybay sana sa huli ay ma-appreciate nyo ang takbo ng story katulad kung saan ko ito unang na published.

It is up to you to continue reading…

Last part of Book 1.

Isang matalim na tingin ang ibinigay kay Gabriel bago umalis.

Dahil sa nakitang pagkabagabag ni Gabriel kay Nathan nang mawala si Rizzelle ay nagsisi siya na hinayaang kidnapin ni Richard ang kaibigan.

Ginawa niya ang lahat para pigilan ang lalaki sa ano mang ginagawa nito pero mukhang wala na din siyang magagawa dahil isang araw na ang nakalipas.

Nagpasalamat pa sa tulong na ginawa niya at sinabing kahit naman hindi siya tumulong ay magagawa pa din ang balak kay Rizzelle.

Sa huling pagkakataon ay sinubukan pa din niyang kumbinsihin ito pero wala na ang lahat pala ng sinasabi ni Richard ay nagawa na.

Isang ring ng telepono ang pumukaw sa pansin ni Gabriel habang nakikipag usap kay Richard, nabigla ng makita si Nathan sa labas ng pintuan na may kausap.

Matapos ibaba ang telepono ay matalim na tingin ang iniwan sa kanya bago nagmamadaling umalis ng bahay.

Hindi alam kung gaano katagal na nadoon ang lalaki at kung ano ano ba ang narinig nito.

Pagsakay ni Nathan sa motor ay mabilis na pinaharurot para pumunta kung saan daw nakita si Rizzelle.

Hindi malinaw kung ano ang situwasyon basta iyak lang ng iyak ang tita nito.

Sa ilog kung saan sila unang nag usap na sila lang, ngayun maraming tao at nagkakagulo.

Hindi niya alam ang mararamdaman, hindi alam kung ano ang iisipin. Pinatay nalang ang motor na sakay at hinayaan mabuwal saka patakbong hinawi ang nagkakagulong tao.

Para siyang mawawala ng hininga na tuluyang makalapit kay Rizzelle, ang babaeng una niyang minahal.

Nakalatag ang hubad na katawan sa damuhan, puno ng sugat, duguan ang dibdib na tinapyas, ang kaselanang may nakapasok na bote, ang katawang puno ng pasa at kagat.

Napaluhod siya sa tabi nito, hinubad ang shirt na suot at itinakip sa katawang lantad sa lahat ng taong nakapaligid.

“BAKIT!”

Kalong ang walang buhay na kasintahan na nakaranas ng hirap, isang babaeng hinahangaan ng marami dahil sa talino at ganda ilang buwan lang ang nakalipas.

Halos lahat ng taong nakakakita sa tagpo ay luhaan, nakikiramay sa nararamdaman ng binata.

“Hon di ba mag cecelebrate pa tayo ng valentine mamaya, pero bat ganito. Di ba sabi mo handa ka ng sabihin sa lahat na tayo na. Hon ang dami pa nating plan bakit ganito.”

Humahalo ang luha, laway at sipon habang patuloy ang pag hagulgol ni Nathan.

May kamay na pumatong sa balikat niya, nagbibigay ng suporta.

“Pare tama na! Kailangan ng imbestigahan ang pangyayari.”

Matalim ang matang ipinikul kay Gabriel, kasing bilis ng kidlat ay dumapo ang malakas ng na kamao sa panga.

Hilong bumagsak sa lupa ang lalaki, ilang tadyak at suntok pa ang ibinigay bago naawat ng mga pulis.

“Putang Ina mo Gabriel! Me kinalaman ka ba dito! Putang ina mo, pag napatunayan ko isusumpa mong nakilala moko!”

“Wala Nathan, wala akong alam!” pilit na sagot.

Inalis ang mga kamay na nakahawak sa kanya at muling binalikan ang dalaga ngunit binawalan na siya upang maimbsetigahan.

Nakatulala lang si Nathan, hindi din makita ang tita ni Rizzelle na hinimatay daw at dinala sa hospital.

Hindi din umaalis si Gabriel, kahit hindi makalapit ay ayaw iwanan ang mga KAIBIGAN.

Oo nagalit siya, pero hindi naman niya inaakalang ganito ang mangyayari.

Ginawa niya ang pede niyang gawin pero huli na talaga ang lahat at planado na talaga ni Richard ang pagpatay kahit wala ang tulong niya.

Hirap na hirap ang kalooban sa nakikitang kalagayan ni Nathan at ni Rizzelle.

Hanggang matapos na ang mga pulis sa mga ginagawa, isinakay ang bangkay sa isang stretcher patungo sa service ng punerarya.

Pina uwi ni Gabriel ang motor ni Nathan sa isang driver na tinawagan at siya naman ay sumunod na sasasakyan ng bangkay.

Nagpakuha nadin ng gamit para kay Nathan na nakahubad para ipantabing sa katawan ni Rizzelle ang damit.

Ang ilang kamag anak ni Rizzelle ay kumuha na din ng gagamiting damit para sa burol.

Nang maibaba sa punerarya ay nakasunod lang si Nathan, sa lamesa kung saan emem-balsamohin ay nakabantay din.

Isa isang inalis ang necklace na regalo niya nung Christmas, ang bracelet na bigay naman nung highschool at isinnama nadin niya ang singsing na galing kay Gabriel.

Isang pulis ang lumapit sa kanya at iniabot ang bag na alam niyang ka RIzzelle. Wala sa loob na kinuha ang bag, binuksan upang ting…